You are on page 1of 1

ANG ALAMAT NG LANSONES

Noong unang panahon, Sa isang lugar sa Laguna na kung tawagin ay Paete, mapayapa at
masayang namumuhay ang mga tao? Sagana at payak ang pamumuhay nila. Minsan, isang pista ang
kanilang dinaos para sa kanilang masaganang ani. Dahil dito natuwa ang may Lalang at ipinagkaloob sa
kanila ang imahe ni Santa Mariang Birhen at Batang Hesu Kristo para maging gabay sa pagkakaroon ng
masaganang ani. Inilagay nila ito sa altar ng simbahan para maalala nila ang Poong Lumikha.

Isang araw, may isang matandang lalaki na nagmula pa sa malayong lupain ang napadpad sa
kanilang lugar. Dahil sa pagod ay nagpahinga muna siya sa lilim ng puno ng Lansones, nang matanaw ng
lalaki ang bunga ng puno ay kumuha siya nito at kumain para maibsan ang gutom na nadarama. Maya-
maya pa’y biglang nahilo ang lalaki at nangingisay na bumulagta sa lupa. Isa sa mga residente ang
nakakita sa lalaki at agad na ipinamalita ang nangyari. Dahil dito, natakot ang mga tao na kumain o
lumapit man lang sa nasabing puno.

Lumipas ang mga araw at dumating ang tagtuyot. Maraming mga hayop at pananim ang
namatay, tanging ang puno lamang ng Lansones ang natitirang nakatayo. Halos tinipid ng mga tao ang
kanilang pagkain para lang mairaos ang mga araw.

Isang araw, biglang Nawala ang imahe ni Santa Mariang Birhen at Batang Hesu Kristo sa altar ng
Simbahan. Dahil dito nagkagulo ang mga tao sapaghahanap sa nasabing imahe. Hinanap nila ito sa kung
saan saan maliban sa puno ng Lansones. Sa paghahanap ng mga tao, biglang sumulpot ang magandang
babaeng may dalang batang lalaki sa puno ng Lansones ng hindi nila namamalayan, kinuha ng batang
lalaki ang nalaglag na bunga ng Lansones at akmang kakainin ngunit pinigilan at pinagsabihan siya ng
Babae na huwag kainin dahil nakakalason ito. Ngunit ayaw parin papigil ang bata dahil sa uhaw na uhaw
na ito. Nakita ito ng mga tao sa nayon at nagulat sila sa maaaring mangyari sa dalawa. Maya-maya pay
kinuha ng Babae ang bunga ng Lansones at ipinagpasalamat sa Poong May Likha. Pinisil niya ang bunga
upang mabuksan at makain ng bata. Kinain naman ng batang lalaki ang bunga. Namangha ang mga tao
sa nayon dahil hindi nalason ang bata. Pagkatapos nito’y biglang naglaho ang babae at bata.

Mula noon ay naging paboritong prutas na ng mga taga Paete ang Lansones. Makikita din sa
Balat ng Lansones ang marka ng daliri ng Babae na nagsasabing wala ng lason ang Lansones.

Isa sa mga aral na dapat na isaisip at isapuso ng mga tao ang pagbibigay halaga at pagmamahal
sa ating mga ina. Ika-nga sa kasabihan, Matitiis ng anak ang ina ngunit ang ina ay hindi kailanman
matitikis ang anak dahil ang pagmamahal ng ina ay magpasawalang hanggan kagaya ng biyaya ng Poong
May Kapal.

You might also like