M ga B atas P angwika Mula sa Konstitusyon 1987, malinaw na inihayag ang mga batas pangwika para sa Wikang Filipino ng bansang Pilipinas. Pagtatalakay: Ayon kay Dr. Isidro Dyan
“Malaking kahihiyan para sa bansa kapag
mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng sariling wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.”
Manuel L. Quezon – Pangulo na tinaguriang “Ama
ng Wikang Pambansa”. Komonwelt 184 ay itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong Nobyembre 13, 1936 upang patnugutan ang pagpili ng katutubong wika na magiging batayan sa paglalaganap at paglinang ng pambansang wika ng Pilipinas. Artikulo 14, Seksyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilalang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa aalig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika. Alinsunod sa tadhanang batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya sa kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon. Artikulo XIV, Seksyon 7 Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Pilipino at hangga’t walang itinadhan ang batas,ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong ng wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo noon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila o Arabe. Artikulo XIV, Seksyon 8 Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa filipino at ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, arabe at kastila. Artikulo XIV, Seksyon 9 Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t- ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.