You are on page 1of 4

Hudhud ni Aliguyon (Pilipinas)

Unang Grupo

MGA KARAKTER:
Aliguyon – Railee Aginaya – Reanna
Pumbakhayon – Dean Bugan – Tanya
Amtalao – Rye Panga-iwan - Joshua

Mga Umaawit at Nagsasalita – Sophia, Khate, Tanya, Reanna, at Louwelle

ISKRIP:
Unang Eksena: Pagpapakilala ng Bida (habang gumagalaw ang aktor)

MGA MANG-AAWIT: Pilipinas, Pilipinas. Silangang may perlas.


SOPHIA: May tinatagong gandang walang kupas.
TANYA: Pati kulturang walang pinagbago, mga epikong handog. Tayo ba'y ‘di mabibigo?
REANNA: Totoo? Halimbawa, aking katoto.
KHATE: Hudhud! Hudhud yata ang pangalan!
TANYA: Si Aliguyon!
SOPHIA: Oo! Sa nayon ng Hannanga ipinanganak, hinihintay epiko’y nakakagalak.
REANNA: Maraming kaalaman, talino’y hindi mapapantayan!
KHATE: Kahusayan sa pakikidigma, pag-aaral ng kasaysayan, at karunungan sa panggagayuma?
Aba’y Aliguyon bigyan ng pakundangan!
TANYA: Sinanay ng kaniyang ama, kahusaya’y hindi mapagdududahan.

Ikalawang Eksena: Ang Mag-ama at Kanilang Kasunduan

AMTALAO: Anak, halika rito.


ALIGUYON: Ano po ‘yun, kagalang-galang kong ama?
AMTALAO: Nais ko sanang humiling sa ‘yo. Puntahan mo ang lugar ng Daligdigan at patayin
mo si Panga-iwan, ang aking mortal na kaaway. Sa taglay mong katapangan maging
na rin ang iyong katalinuhan, alam kong maitutupad mo ang kahilingan kong ito.
ALIGUYON: Sa ilang taon pa naman pong pagsasanay ninyo sa akin mula sa aking pagkabata at
mga tattong aking katawa’y nalulunod na sa dami ay alam na po ni Bathala na kaya
ko siyang komprontahin.
AMTALAO: Mahusay! Kung siya’y tunay mong matalo ay may handog ako para sa iyo...

Ikatlong Eksena: Mga Babaeng Lilibot sa Bida

AMTALAO: Mga nagsisigandahang mga babae. Isa sa kanila ay iyong papakasalin at makakasa-
lamuha mo habang buhay. Marapat lamang na matalo mo si Panga-iwan para ika’y
mapakasal na.
ALIGUYON: Masusunod po, ama. Hintayin niyo po ang aking pagbalik at si Bathala na ang
bahala sa aking paglalakbay.

Ika-apat na Eksena: Maglalakbay si Aliguyon tungo sa Daligdigan at magkikita sila ni


Pumbakhayon

ALIGUYON: Sa dinami-raming sakahan at mga hagdanang lumumbay sa aking paglalakbay ay


narito na ako sa Daligdigan. Salamat po, Bathala sa paggabay sa aking paglalak-
bay. Nawa’y bigyan niyo po ako ng lakas sa aking magiging pakikipagsapalaran
sa mortal na kaaway ng aking ama.

*Habang naglalakad sa mga palayan ay nagkatinginan ang mga mata ng dalawang kalakasan*

ALIGUYON: *sumisigaw sa malayo* Mahal na ginoo, maaari bang malaman kung sino kayo?

*Nakita ni Pumbakhayon ang dami ng mga tatto na mayroon sa katawaan ni Aliguyon at may
naalalang payo na sinabi sa kaniya ng kaniyang ama*

PANGA-IWAN: Anak, mag-ingat ka sa iyong paglalakbay. Nawa’y si Bathala na ang bahala sa


iyo. Kung may makasagupa ka ng nalulunod sa mga simbolo na mayroon sa
buong katawan ay tiyak na isang matinding pagsubok ‘yun sa ‘yo. Sa dami ng
taon ng ating pagsasanay at pakikidigma ay dumating na ang oras na harapin
mo ang iyong kapantay,

*Babalik sa eksena nang pagkikita nina Aliguyon at Pumbakhayon*


PUMBAKHAYON: Ako si Pumbakhayon, kilala bilang isang mahusay na mandirigma. Ikaw?
Maaari mo din bang ilahad ang iyong sarili, kapantay?
ALIGUYON: Kapantay? Aba’y hindi iyan ang pangalan ko. Ako si Aliguyon, isa ring kilalang
mandirigma ng aming tribo. Ako ang anak nina Amtalao at Dumulao.
PUMBAKHAYON: Isang kaaway at kapantay ko ang akin nang kaharap ngayon. Ang iyong ama
ay isang pahamak sa aking ama na si Panga-iwan. Sisiguraduhin kong
matatalo kita sa labanan nating ito.
ALIGUYON: Ika’y anak ng mortal na kaaway ng aking ama! Sisiguraduhin ko na ang aking lakas
ay tatalo sa kahinaan ng iyong pakiki-digma!

Ikalimang Eksena: Maglalaban na sina Aliguyon at Pumbakhayon na may salitan ng pagkanta at


tinig ng mga mang-aawit.

*Binato ni Aliguyon ang kaniyang sibat, ngunit kasimbilis ng kidlat ay nakuha naman ito ni
Pumbakhayon*

PUMBAKHAYON: Aba’y mahina ka naman pala. Akala ko, ikaw ang aking kapantay ayon sa
aking ama, pero sa katotohanan ay ako pa pala ang mas malakas.

*Ibinalik ng bato ni Pumbakhayon ang sibat na ibinato sa kaniya ni Aliguyon, ngunit nakuha din
ito ni Aliguyon*

ALIGUYON: Ang pagyayabang mo ay hindi makakatulong. Turing na kitang kapantay ko nga-


yon. Simulan na natin ‘tong palakasan.

*Nagsalit-salitan lamang ng sibat ang dalawa. Tumagal ito ng tatlong taong pagsasalitan hindi
lamang ng sibat, pati na rin ng pagkanta. Pagkalipas ng mga taon ay napagod ang dalawa*

Ika-anim na Eksena: Mapapagod sina Pumbakhayon at Aliguyon at titigil sa pagsasalitan. Darating


ang dalawang magkapatid nilang babae at kakanta.
PUMBAKHAYON: Tigil! Ako’y pagod na kakasalit-salitan ng sibat sa ‘yo. Tigilin na natin ‘to.
ALIGUYON: Sang-ayon ako sa ‘yo, kapatid. Tara’t magkasundo na lamang tayo.
PUMBAKHAYON: Oo nga, pero teka, magpahinga muna tayo. Isang pagbati sa iyong kagalingan
sa pakikidigma! Tunay na ikaw nga ang kapantay ng aking mga abilidad.
ALIGUYON: Salamat, ikaw din! *shake hands*

*Darating ang mga kapatid nilang babae*

ALIGUYON: Siya nga pala, ito ang aking kapatid na babae na si Aginaya.
PUMBAKHAYON: Magandang araw sa ‘yo, sinta. *yuyuko (bow)*. At ito naman ang aking
kapatid, si Bugan.
ALIGUYON: Magandang araw din sa ‘yo, binibini. Hayaan mo’t ako’y tumira sa Ato’t ika’y
sa Olog, bigyan mo ako ng oras manligaw sa naggagandahang sinta hanggang
sa tayo’y tumira ng sabay sa iyong bahay.
PUMBAKHAYON: Oh, sinta? Hindi ko alam kung kailan kita makakamtan, ngunit hihintayin
ko ang ‘yong panahong handa ka nang magkasabay tayo.
SOPHIA: Tila magka-away, sila’y naging magkaibigang matalik, kakaway-kaway sa kanilang
mga bagong sintang hahabulin, nagkasundo dalawang panig, mundo nila’y hindi na
kaya’y manginginig?

- WAKAS -

You might also like