You are on page 1of 65

NOBELA

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong


piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito
ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing
literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko
at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na
naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa
dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito
ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo
ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o
higit pang tauhan.

Layunin
1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at
lipunan.
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at
lipunan.
6. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
7. nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng
nobela
Katangian
1. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
2. dapat maging malikhain at maguni-guni ang
paglalahad.
3. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito
nagiging kawili-wili
4. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa
kaisahang ibig mangyari
7. malinis at maayos ang pagkakasulat
8. maganda
9. maraming magagandang tagpuan kung saan
nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Elemento
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa
nobela
TAUHANG LAPAD -tauhang walang pagbabago mula
simula hanggang wakas
TAUHANG BILOG-tauhang nag iiba ang katangian mula
sa pagpapakilala nito sa simula hanggang sa wakas.
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
sa nobela
4. pananaw / panauhan - panauhang ginagamit ng may-
akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b.
pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c.
pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
Unang panauhan-kapag kasali ang may akda sa kwento
Ikalawang panauhan-kung ang may akda ay nakikipag
usap
Ikatlong panauhan-kung itoy batay lamang sa mga
nakikita nya o naobserbahan nya.
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
7. pamamaraan - istilo ng manunulat.
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan
Uri
Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
1. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o
pangyayaring nakalipas na
2. Nobelang Banghay - isang akdang nasa
pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng
mga mambabasa
3. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at
pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng
mga mambabasa
4. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang
mahalaga sa buhay ng tao
5. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito
ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin,
kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
6. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na
nakakapagpabago ng ating buhay o sistema.
Mga kilalang Nobelista at ang kanilang mga tanyag
na Nobela:

1.) Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo


Realonda =(19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) = ay
isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang
kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang
isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng
mga Pambansang Bayani. =pinanganak si Rizal sa isang
mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa
labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. = nag-aral siya sa Ateneo Municipal
de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng
Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo
Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-
aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid,
Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na
nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina.
Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at
Pamantasan ng Heidelberg. Isang polimata si Rizal;
maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta,
pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa ring poliglota si Rizal,
na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang
samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na
pinamunuan ni Andrés Bonifacio. = isa siyang makata,
manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang
mga gawa ay ang nobela ng: Noli Me Tángere, at ang
kasunod nitong El filibusterismo.

2.) Padre Modesto de Castro = ay itinuring na


pangunahing manunulat noong ika-19 na
daantaon.Tubong Biñan, Laguna, kinilala siya dahil sa
kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga
sermong pampolitika na kanyang binibigkas at nang
tumagal ay sinulat para malathala. =ang katipunan ng
mahuhusay na sermon ni Padre de Castro na
humuhubog sa kagandahang-asal ay pinamagatang
Platicas Doctrinales. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na
sermon. =naging kura paroko si Padre de Castro ng
Katedral ng Maynila at pagkatapos ay ng Naic, Cavite.

=kilalang akda ni Padre de Castro ang Urbana at Felisa


na tungkol sa kagandahangasal at relihiyon. 3.) Padre
Antonio de Borja =Si Fray de Borja ay isinilang sa
Valencia, Espanya noong 1644. Naging misyonero siya
at ipinadala sa Filipinas sa edad 27. Iba't ibang matataas
na tungkulin ang hinawakan niya bago naging
prokurador ng mga Heswita. Namatay siya noong 27
Enero 1711, tatlong taon pagkatapos payagan ng
Simbahang Katoliko na ilathala ang kaniyang salin sa
Tagalog. Narito ang buod ng tanyag niyang nobela:

“Barlaan at Josaphat” Ang kasaysayan ng barlaan at


josaphat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari
na mailayo sa kristyano ang anak na prinsipe, naituro ni
Tomas Apostol ang aral ng diyos sa Indya, na
pinaghaharian noon ni Abenir. Dahil sa hulang magiging
kristyano ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap
na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang prinsipeng
Josaphat sapul noong isilang ito. Sa paglaki ni Josaphat,
narinig nya ang tungkol sa kamaharlikaan ng bagong
relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng
kamatayan nang matanaw niya ang isang taong
kahabag-habag. Nabalitaan ng matandang paring si
Barlaan, na nasa Senaar, ang tungkol sa mabuting
kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang
tagapagtinda kaya nakatagpo niya si Josaphat, na
nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa
kaalaman ni haring Abenir hanggang sa makaalis na sa
palasyo si Barlaan. Nang matuklasan ni haring Abenir
ang nangyari sa anak, iniutos niyang dakpin si barlaan,
ngunit di ito matagpuan. May pinapagpanggap na
Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag-
aakalang malagim ang kararatnan ng kaibigang pari,
nagtapat si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y naging
daan para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama.
Napagkillala ni Abenir na kailangang paghimok ang
gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon
ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig nito sa isang
pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan
Magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito.
Nanalo sina Josaphat. May tauhan ang hari na nahikayat
nang una ni Josaphat kaya nagalit ang hari. Pinalitan
niya ng mga mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa
palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa
tangkang pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan.
Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno
sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat. Pumayag si
Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni
Josaphat, kaya naisip ni Abenir na marapat lang na
pabinyag siya. Iniwan niya ang kaharian kay Josaphat at
namuhay siya nang tahimik hanggang sa mamatay. Ibig
din namang manahimik ni Josaphat kaya iniwan niya ang
kaharian sa isang tapat na tauhan, si Barachias, at
hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya
ito. Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing
malapit na siyang mamatay. Pinasundo niya kay
Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo.
Nagmisa si Barlaan bago mamatay. Nanaginip minsan si
Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para
sa kanya at isa para sa ama. Sinabi niyang hindi
marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa pangitain si
barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay
siya bilang ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya
sa puntod ni Barlaan. Nang mapag-alaman ni Barachias
na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan
nito. Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang
buo ang mga mabango pang bangkay ng dalawa, na
napabantog mula noon, kaya naman marami pa ang
nagpabinyag.

4.) Pedro Alejandro Paterno =ay isinilang noong 27


Pebrero 1858. Siya ay isa sa 13 anak ng nakaririwasang
magasawa na sina Don Maximo Paterno at Donya
Carmen de Vera Ignacio. =iya ay nagtapos ng Bachiller
en Artes sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay
nagkamit ng karangalan sa kanyang pagtatapos.
Ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral sa Unibersidad
de Salamanca. Dito niya kinuha ang mga kursong
Pilosopiya at Teolohiya, pagkatapos ay lumipat siya sa
Unibersidad Central ng Madrid na kung saan naman ay
nagtapos niya ang pagkadalubhasa sa batas noong
1880.. =siya ay isa sa mga Pilipinong propagandista sa
Espanya. Noong 1882, napagtagumpayan niyang maalis
ang monopolyo sa Tabako sa bansang Pilipinas.Noong
himagsikan, siya ay sumanib kung kaya'y isa siya sa
naging prominenteng tao noong ihayag ang Unang
Republika ng Pilipinas. Siya ay hinirang na Pangulo ng
Kongreso sa Malolos noong 15 Setyembre 1898. =si
Pedro Paterno ay nahalal na kinatawan ng Unand
Distrito ng Laguna para sa Unang Asemblea ng Pilipinas
noong 16 Oktubre 1907. Siya ay namatay sa edad na 53
noong 11 Marso 1911 sa sakit na kolera. ) (unang
nobela). =bilang makataa, siya ang kauna-unahang
Pilipino na sumulat ng isang opera sa wikang Pilipino,
sang Sandugong Panaginip. Nilikha rin niya ang mga
aklat na tula na Sampaguitas y Poesias Varias at
Poesias Lyricas y Dramaticas. Ang pinakatanyag na
nobelang isinulat niya ay ang Ninay .

5.) Graciano Lopez Jaena (18 Disyembre 1856 – 20


Enero 1896) = ay isang Pilipinong manunulat,
rebolusyonaryo, at pambansang bayani mula sa
lalawigan ng Iloilo, na nakilala sa kanyang pahayagang,
"La Solidaridad". Nakilala rin siya sa kaniyang akdang
Fray Butod. ‘Butod’ ang salitang Hiligaynon para sa
“kabag” at katumbas din ito ng balbal na “tabatsoy”.
=dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano
Lopez Jaena sa Jaro, Lungsod ng Iloilo, noong 18
Disyembre 1856. Ang ina niya, si María Jacoba Jaena,
ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Plácido
López, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na
lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido
samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag
sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano.
Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa
edad na 39 sa Barcelona, Espanya.)

=isa sa mga nobelang naisulat niya ay Ang Bandido sa


Pilipinas na tungkol sa paghihimagsik at pag-aaklas.

“Panahon ng Amerikano”

Mga kilalang Nobelista at ang kanilang mga tanyag


na Nobela:
1.) Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963)
= ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog
noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900
dantaon.Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang
abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
=ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang
Lope C. Santos - sa magasawang Ladislao Santos at
Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal.
Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K
bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang
pangalan, upang asang padasino das (Kolehiyo Pilipino),
matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior
de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga
Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas).
=naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang
paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa
larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang
maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa
wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at
Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing
Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon,
naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng
Wikang Pambansa. =kabilang sa mga katawagang
nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng
Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang
Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang
palayaw na Mang Openg. =Narito ang buod ng isa sa
mga tanyag na nobelang kanyang isinulat:

Banaag at Sikat Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at


Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng
dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe
ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan
sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga
paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa
kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa
mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang
kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang
palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit
marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y
nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don
Ramon sa

Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa


pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa
mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay
nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng
mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging
anarkista. Pinangarap niya ang araw na mawawala ang
mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng
tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos
na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay. .Nang pilitin
ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod.
Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga
katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng
ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik
siya sa datingpinapasukan sa Maynila at hinikayat si
Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat
tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa
malayang pag-ibig . Si Delfin ay hindi anarkista kundi
sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang
pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa
pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa
sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom,
nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa
pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga
magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa
isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay
naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan.
Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi
kasing radikal nito. . Nais ni Felipe ang maagang
pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa
marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin
ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi
ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang
mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na
pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at
isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y
sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang
abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y
napakarangal at napakagastos, isang bagay na para
kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng
sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang
walang kapararakan kung lumustay ng salapi
samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat
sa pagkain at sa iba pang pangunahing
pangangailangan sa buhay . Sa tulong ni Felipe noong
ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at
naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa
pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y
maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang
kanyang pagkasosyalista sa isang paguusap nilang
dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito
ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig
hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang
kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don
Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at
halos patayin, Sa a-uki ni Madlanglayon, pumayag si
Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit
nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat
ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi
pinagmanahan. Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa
bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsanminsan,
kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng
mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas
noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya
ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang
maitakip sa pangangailangan. Sa simula, si Meni ay
dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at
pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay
dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto,
ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si
Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan
dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay
tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa,
kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang
balak bumalik sa Pilipinas.

Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa


karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama;
ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang
pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan
dahil sa kagagawan ni Meni. Samantala, nagluwal ng
isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na
makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang
anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng
kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa
lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe
na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra
rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay
laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa
karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t
hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin,
salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga
taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari. Ang
kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating
ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay
napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa
New York. Nang idating sa daungan ang bangkay,
sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng
tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon,
na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na
Sabado ang lahat ng hindi sasalubong. Kasama sa
naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid
ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos
makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang
kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o
ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang
tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang
bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan
sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New
York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang
kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na
malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto
ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon
ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya
ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa
ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng
karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming
mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe
na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at
paniniwala. Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang
kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama.
Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa
maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa
batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana
ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila
ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang
bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba
at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga
kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang
panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang
sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong
daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay.
Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng
anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa
Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe
na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga
ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa
napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan.
Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano
mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo. Sa
kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay
nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa
libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t
palipasin ang diin ng gabi."

2.) Valeriano Hernandez Peña

= ay isinilang sa nayon ng San Jose, Bulakan, Bulakan


noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak nina
Marcos Hernandez at Dominga dela Peña. Ang kanyang
ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito ang
kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya
sa pang-araw-araw na pangangailangan.

=nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang


tawag sa kanya ng mga kasamahang manunulat sa
Muling Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging
guro ay ang kanilang kapitbahay na si G. Marcelino
Nuque. Sa murang edad na sampu ay nakitaan na siya
ng pagkahilig sa pagbabasa at pagsusulat.

=nagsimula siyang mamasukan bilang kawani ng isang


Kapitan Alvarez sa gulang na labindalawa matapos
pumanaw ang kaniyang ama. Nagsilbi rin siyang kawani
ng husgado. Nakasal siya kay Victoria Laktaw, isang
taga-Matungao sa gulang na 45, subalit ang magasawa
ay hindi pinalad na mabiyayaan ng anak.
=nagsimula siyang sumulat sa pahayagang El
Renacimiento Filipino (Muling Pagsilang) na
pinamatnugutan ni Jose Palma at sa pahayagang Taliba
kung saan inilathala ang kanyang pitak na Buhay
Maynila na nasalin kay Huseng Batute matapos na siya
ay pumanaw. Sa mga pahayagang ito nakilala ang
kanyang angking husay sa pagsulat. Maliban sa mga
tula, sumulat din siya ng mga nobelang inilabas ng serye
sa Seccion Tagala ng Muling Pagsilang. Dito iniluwal ang
kanyang mga unang nobela na sa kalaunan ay naging
panulukang bato ng mga akdang prosa ng mga sumunod
na panahon.

=pumanaw ang dakilang alagad ng sining noong


Setyembre 7, 1922 at inilibing sa kanyang pinagmulang
bayan ng Bulakan, Bulakan.

=kilala sa taguring Ama ng Nobelang Tagalog, itinuturing


na obra maestra niya ang Kasaysayan ng Magkaibigang
si Nena at si Neneng (1905), bagamat iniluwal din ng
kanyang panitik ang iba pang mga nobela tulad ng:
Pagluha ng Matuid (1899), Mag-inang Mahirap
(dalawang bahagi – 1905 at 1906), Hatol ng Panahon
(1909), Pahimakas ng Isang Ina (1914), Unang Pag-ibig
(1915), Dangal ng Magulang (1920), at iba pa, gayundin
ang mga maiikling kuwento at mga tula. 3.) Iñigo Ed.
Regalado =pinanganak siya noong 19 Marso 1888 sa
Sampalok,Manila at anak nina Iñigo Regalado y
Corcueca at Saturnina Reyes. =tanyag noong sa sagisag
na Odalager. =naging patnugot siya ng pahayagang
Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin
na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala
siya bilang makata ng pagibig. Ang kanyang mga tula ay
natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na
nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt
noong 1941. Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela
Muncipal de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per
ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining
sa Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa
La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng
Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si
Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase niya
naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino.
=hindi lamang siya makata, isa rin siyang kwentista,
nobelista at peryodista. Ang kanyang nobelang
Sampaguitang Walang Bango ay nasulat sa panahong
Ginto ng nobelang Tagalog. Ito'y tungkol sa isang
babaing martir ngunit sa huli ay nagtaksil kaya iniwan ng
asawa. Katulad siya ng sampagita na akala ng marami
ay maganda, dalisay at namumukod sa kabanguhan
subalit sa kabila noon ay naging taksil kaya itinuring na
sampagitang walang bango. (Ilan pa sa mga nasulat ni
Odalager ay ang May Pagsinta'y Walang Puso at
Dalaginding.)

4.) Fausto J. Galauran (isinilang Oktubre 13, 1904) = ay


isa sa mga Pilipinong manunulat na may
pinakamaraming nasulat na nobela. Isa siya sa mga
batikang manunulat ngpanitikan na inaanyayahan ni
Severino Reyes para sumulat sa magasing Liwayway,
noong panahong pinamamahalaan na ni Ramon Roces
ang babasahin. =bagama't tapos ng kursong
panggagamot, nahilig siya sa gawaing pagsusulat.
Naging kasapi siya ng samahan ng mga manunulat na
Ilaw at Panitik at Akademya ng Wikang Pilipino. ng
kanyang tunay na pangalan ay Fausto Jacinto Galauran
at Sanchez. Ang Sanchez ay galing sa kanyang ina,
Bonifacia Sanchez. Ang Jacinto ay ang tunay nilang
apelyido. Ang Galauran ay likha lamang dahil sa
panahon ng kagipitan. =siya’y ipinanganak sa Kalookan,
lalawigan ng Rizal, noong ika-13 ng Oktubre ng taong
1904. Ikalima siyang anak ng mag-asawang Patricio J.
Galauran at Bonifacia Sanchez, kapuwa namatay na.
Nagsimula siya ng pag-aaral sa primarya ng Kalookan ay
nagtapos sa Intermedia ng nasabing bayan na “May
Karangalan”. =tinapos niya ang High School sa National
University na may mataas na karangalan (with Highest
Honors). Nakamit niya ang titulong Associate in Art in
Medicine at Bachelor of Science sa Unibersidad ng
Pilipinas, at ang titulong Doctor of Medicine sa paaralan
ng panggagamot ng nasabing unibersidad. Nakalampas
siyang maluwalhati sa pagsusulit sa pamahalaan nong
ika-30 ng Mayo 1930 na pang-apat sa hanay ng
sampung pinakamataas. Buhat noon, Si Dr. Galauran ay
naging isang masipag na manggagamot sa mga
pagamutan at lalung-lao na sa Kalookan. Lahat halos ng
kababayan niya ay natingnan at nagamot sa mahabang
panahon ng kanyang panggagamutan. =naging Patnugot
ng Kagawaran ng Ksaysayan at Script ng X-Otic Films
bago nagkadigma. Siya aay naging Puno ng Script and
Story Department ng Sampaguita Pictures. =isa sa mga
nobelang isinulat niya ay ang Dr. Kuba.

5.) Rosalia de Leon Aguinaldo =Ipinanganak siya sa


Oriol, Bataan. =isa sa mga bantog na nobelistang
Pilipina. Siya ang kauna-unahang babaeng manunulat
na gumamit ng tunay niyang pangalan sa pagsusulat
imbes na gumamit ng ibang pangalan o katawagan. Ang
kanyang mga akda ay namayagpag sa panahon ng
Amerikano at nakapagtamo ng pagkilala at parangal.
Ang kanyang mga akda ay karaniwang umiikot sa
pagibig at paghihigante. =isa sa mga tanyag na nobelang
naisulat niya ay ang Mutyang Itinapon.

“Panahon ng Hapon”

Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang


nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at
niliitan ang mga letra (sa Liwayway). Namayagpag sa
panahong ito ang tulana mas pinaiksi at tinawag na:
Haiku at Tanaga.
“Panahon ng Republika” (1946–1972)

Mga kilalang Nobelista at ang kanilang mga tanyag na


Nobela:
1.) Edgardo M. Reyes (20 September 1936- 15 May
2012) = ang isa sa mga tinaguriang Haligi ng
Kontemporaryong Panitikang Pilipino. = Ilan sa kanyang
mga nasulat ay ang Laro sa Baga, Sa mga Kuko ng
Liwanag at Ligaw na Bulaklak. Siya rin ang isa sa mga
autor ng Mga Agos sa Disyerto. = ang kanyang mga
likha ay unang natampok sa Tagalog na magasin na
Liwayway. Bukod sa pagiging isang manunulat, si
Edgardo ay isa ring mahusay na “Screenwriter.” Ilan sa
kanyang mga likha tulad ng Laro sa Baga at Mga Uod at
Rosas ay nagkamit na ng mga papuri. Ang mga ito ay
nakilala sa buong mundo at naisalin na sa iba’t-ibang
wika.
2.) Lazaro Francisco (22 Pebrero 1898 – 17 Hunyo
1980) =ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at
Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit
pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. =siya ay
itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang
Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay
ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa
Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar,
Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang
pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Maliban sa
Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay
nalathala sa Liwayway. = si Lazaro Francisco o "Saro" ay
isa sa apat na napiling parangalan ng 2009 Gawad
Pambansang Alagad ng Sining (Panitikan). Kinikilala rin
siya na ama ng Kapatiran ng mga

Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya


ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila.
”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970
ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural
Heritage Award” sa Panitikan.
3.) Lualhati Bautista =pinanganak sa Tondo, Manila
noong 2 Disyembre 1945. Nagtapos siya sa Emilio
Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres
High School noong 1962. Naging journalism major siya
sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago
man niya matapos ang kanyang unang taon. = isang
bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan,
ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling
kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang
akdangpampelikula. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo,
Dekada '70.
4.) Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24
Marso 1970) =ay isang makata at manunulat sa wikang
Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga
Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at
pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa
Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya
dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang
bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13
taon bago nagwakas. =narito ang buod ng pinakatanyag
niyang nobela: Luha ng Buwaya Tumatalakay sa
ginagawang panggigipit ng maykayang pamilya sa mga
maralita at kung paano nagkaisa ang nasabing mga
dukha upang lutasin ang kanilang problema. Inilahad sa
nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina
Donya Leona at Don Severo Grande, na nag-aari ng
malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-
asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at
kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga
institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at
pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes.
Kalaban ng magasawa ang pangkat ng mga dukhang
mula sa pook-maralita, na pinamumunuan ni Bandong.
Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao
sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng
mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga
dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi
ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong
gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay
naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang
Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na
ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga dukha ay
hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan
din sa wakas ng mga tao na sama-sama lamang na
pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal
sa lipunan. Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na
nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."

5.) Esteban Jabellana = Ipinanganak si Jabellana


(Estevan Javellana) noong 1918 sa Iloilo. Nag-aral siya
sa Iloilo High School at sa San Agustin College, bago
nagtungo sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya
nagtapos ng abogasya. =Noong 1947, dalawang taon
matapos siyang magtungo sa Estados Unidos, ay
nailimbag ang kai-isang nobela ni Javellana, ang Without
Seeing the Dawn. Halaw ang pamagat nito sa isang
pangungusap na binigkas ni Elias sa nobelang ''Noli Me
Tangere'' ni Jose Rizal. Naging mainit ang pagtanggap
ng mga mambabasa sa Estados Unidos at sa Pilipinas
sa nobela. Noong 1976 ay nailimbag din ito sa Pilipinas.
Itinanghal ito ng ilan sa nangungunang manunulat na
Pilipino bilang isa sa pinakamahusay na nobelang Ingles
na isinulat ng isang Pilipino. Sa kabila ng tagumpay ng
Without Seeing the Dawn ay hindi ito sinundan ni
Javellana ng iba pang nobela. Pumanaw siya noong
1977. “Panahon ng Bagong Lipunan” (1972-
kasalukuyan)

Mga kilalang Nobelista at ang kanilang mga tanyag na


Nobela: 1.) Bienvenido Ramos = unang kinilala si
Bienvenido A. Ramos bilang makata at manunulat sa
Filipino at Ingles, nasa unang taon pa lamang siya sa
Bulacan High School (Marcelo H. del Pilar National High
School ngayon) nang siya ang magwagi ng dalawang
unang gantimpala sa timpalakpanitik na inilunsad ng
paaralan kaugnay ng pagdiriwang sa “ Araw ni Balagtas”
(Abril 2, 1947). Nasa second year si BAR nang
nagsimula siyang magsulat ng mga tulang nangalathala
sa mga pambangsang magasin, tulad ng “Liwayway”,
“Ilang-Ilang”, “Bulaklak”, at iba pa. Noon nabunsod ang
isang mabunga, namumukod na “writing career”, na
tinampukan ng kawing ng panalo sa mga timpalak-
panitik sa iba-ibang sangay ng Panitikang Pilipino.
Noong 1979 ay iginawad sa kanya ang titulong “Poet
Laureate”—sa magkakasamang pagtataguyod ng
Makata Inkorporada, Surian ng Wikang Pambansa at
National Press Club of the Philippines. =sinilang si
Bienvenido A. Ramos noong Enero 15, 1934 sa sitio
Apugan, Atlag, Malolos, Bulacan – mula sa pag-
asawahang Dominador L. Ramos, isang mangingisda, at
Modesta Avendano. May pambihirang likas na talino,
nakakabasa na ng Tagalog si BAR bago pa man siya
nag-aral sa grade one. Nanguna siya sa klase mula sa
unang baitang ng mababang paaralan hanggang sa
matapos sa hayskul noong 1951. =isa sa mga tanyag
niyang nobela ay ang May Tibok ang Puso ng Lupa. 2.)
Lualhati Bautista

=pinanganak sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre


1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary
School noong 1958, at sa Torres High School noong
1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the
Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos
ang kanyang unang taon. = isang bantog na babaeng
Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay
nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha
na rin siya ng ilang akdangpampelikula. Ilan sa mga
nobela niya ang: Gapo, Dekada '70. =isa sa mga
nobelang nailimbag niya sa panahon ng bagong lipunan
ay ang Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo
sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong
1980, 1983, at 1984.

3.) Denny R. = Si Denny R. (isinilang Pebrero 11, 1994


sa San Pablo, Laguna) kilala ng kanyang sagisag-
panulat na HaveYouSeenThisGirL, ay isang mahusay na
manunulat manunulat na inaabangan ng mga kabataan
sa bagong henerasyon. = Nakilala siya bilang may-akda
ng Diary ng Panget (isang nobela) na unang lumabas sa
Wattpad at muling nailimbag ng Psicom. Naisa-pelikula
rin ito at naipalabas noong Abril 2, 2014 na pinagbidahan
nina James Reid, Nadine Lustre, Yassi Pressman, at
Andrei Paras.

4.) Nick Juaquin ( Mayo 4,1917 – Abril 29, 2004 ) = si


Nicomedes Márquez Joaquín, na kinikilala ng karamihan
bilang Nick Joaquin, ay isang Pilipinong manunulat,
mananalaysay ng kasaysayan at mamamahayag at kilala
sa pagsusulat ng mga maikling kuwento at nobela sa
wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Dahil sa maraming karanasan noong
panahon ng digmaan, ang paksa ng kanyang mga akda
ay iba-iba ukol sa makatotohanan at buhay na buhay
kaya malapit sa karanasan ng mga mambabasa.
Kinikilala rin siyang Quijano de Manila bilang
pangalangpanulat. = siya ay ipinalalagay na isang
higante sa larangan ng pagsusulat. Ang wika ng kanyang
panulat ay malambing at masining. =isa sa mga
nobelang nailimbag niya ay ang Rizal in Saga (Rizal sa
Maalamat na Tuluyan) (1996)

5.) Liwayway Arceo

= pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na


nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1
libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo,
7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na
kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing
publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang
topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay
tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga
akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati
[vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang
lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at
sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay
itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang
Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang
opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. =isa sa mga
tampok niyang nobela ay ang Titser, narito ang buod:

Titser Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay


sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro
na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus
ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa,
ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa.
Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos
sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa
pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala
na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang
pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong
nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-
asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata
mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay
Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba
ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung
hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong
paaralan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling
Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang
dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil
na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa
probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa
Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng
mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa
asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na
lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong
mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya,
nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na
sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago
mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban
sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga
katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman
ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan
sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan
ng gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan pa lamang ng
pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang
anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay
kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling
Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin
tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa
mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha
pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si
Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang


mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si
Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling
nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan
na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng
masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano
itong masama laban sa kanyang pamilya. Hindi pa rin
nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit
na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng
pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging
magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang
ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda.
Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na
nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida
ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay
nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang
ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni
Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at
kalimutan ang minamahal na si Amelita. Nagkaroon ng
malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya
ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang
dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-
asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera
lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon
natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.
ANG KUBA NG NOTRE DAME
Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita


ang mamamayan upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng
Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-
taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba
ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay
niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na
pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon,
iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa
Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong
naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre
Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar.
Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan
ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang
kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang
nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas.
Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo,
dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang
pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa
Notre Dame na kasama niya.
       
Sa paghahanap ng makakain,  nasilayan ni Gringoire ang
kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw.
Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi.
Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat
niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina
Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang
dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo
kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli namang
nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa
pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian.

Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na


nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La
Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag
ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa
lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang
buhay ni Gringoire sa kamatayan.

Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at


pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng
paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit  ng bawat
latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya
ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay
kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay
hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob.

Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang  matinding


kirot na  nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng
mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng
tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya –
na ang tanging gusto  ay lapastanganin at pagtawanan ang
kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La
Esmeralda.

Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang 


basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay
may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda.
Tinawag  siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak
ng magnanakaw.”

Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay 


pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait
nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang
nakalilipas.

Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay


sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan
ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa
mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La
Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya
nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng
binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na
magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok
ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa
nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La
Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang
Panginoon at  pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon
siyang masamang balak. Nais niyang bihagin  ang dalaga at
itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang
hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay
La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong
magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay
Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli
ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang
siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.

Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay


La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa. 
Pinaratangan din siyang mangkukulam.  Siya ay
nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya
ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya.
Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita
man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag
lamang siya ni La Esmeralda ng  tiyanak na monghe at
pinaratangang mamamatay tao.  Tumanggi siya sa lahat ng
alok ni Frollo.  Bago ang pagbitay,  iniharap si La Esmeralda
sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain.
Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya
ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa
tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila
walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang
pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo  galing
sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit
ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral
at tumatangis na isinigaw  ang katagang “Santuwaryo”. Si
Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na
hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang
magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang
pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa
naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang
dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa
mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La
Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di
nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.

Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy


at magnanakaw – sila ang kinikilalang pamilya ni La
Esmeralda . Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat
narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na
paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala,  inakala
naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La
Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang
dalaga.

Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni


Quasimodo.  Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na
makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang
pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas
pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang
hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na
kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng
dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni
Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng
dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang
anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang
anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La
Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap
ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng
dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng
buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit
ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid
niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa
katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila
niya ito  at sa matinding lungkot na nararamdaman ay
inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa
kaniya.

Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng


pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal – si La Esmeralda.
Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga,
sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong
minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si
Quasimodo.

Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang


lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La
Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang
katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan
ng dalaga.

You might also like