You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


MEXICO EXTENSION CAMPUS
San Juan, Mexico, Pampanga

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA PANITIKAN NG REHIYON

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng animnapung (60) minutong aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang


matamo ng may siyam na pung bahagdan (90%) na tagumpay ang mga sumusunod:

A. natutukoy ng mga mag-aaral ang mga pangunahing tauhan sa parabulang


tinalakay;
B. nakagagawa ng graphic organizer upang masuri ang mga katangian ng mga
pangunahing tauhan sa parabula; at
C. naisasabuhay ng mga mag-aaral ang mga aral sa parabulang tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: ANG TALINGHAGA NG ALIBUGHANG ANAK (Lucas 15: 11-32)

SANGGUNIAN: Ang Talinghaga ng Alibughang Anak, Google.com, Youtube

MGA KAGAMITAN: Laptop at Powerpoint Presentation

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

Isang mapagpalang araw sa mga mag-aaral ng Mapagpalang araw din po, Ginoo!
ikalawang taon ng Batsilyer sa Sekundaryang
Edukasyon, Medyor sa Filipino

Bagong taon ang sinalubong natin, magsilbing Opo, Ginoo. Tama po!
aral at inspirasyon ang nagdaang taon at
magsimula ng may galak at kalakasan.
Bago tayo magsimula sa ating talakayan, Opo, Ginoo.
maaari ba nating buksan angating mga kamera
upang makita ko ang masasayang ngiti mula sa
inyong magaganda at gwapong mukha bago
tayo magdasal.

Nais ko munang humingi tayo ng paggabay at


presensya ng ating Panginoon sa pamamagitan
ng isang pambungad na panalangin.

________, maaari mo bang pangunahan ang Opo, Ginoo. (Iyuko po natin ang ating mga ulo
ating pambungad na panalangin para sa araw at sabay-sabay na manalangin ng taimtim.
na ito? Panginoon…)

Amen!

May mga paalala lamang para sa ating birtwal Opo, Ginoo. Ano po ang mga ito?
na silid-aralan. Ito ay ang tinatawag nating
‘netiquette’ upang mapanatili ang kaayusan,
disiplina at pagkakaisa habang tayo ay nag-
aaral.

Una, ang nakangiting icon. Magbaon ng ngiti


upang maging maganda ang umpisa ng ating
araw. Nakagaganda at nakagagwapo ang
pagngiti kaya naman lagi natin itong ugaliin.

Ikalawa, ang unipormeng icon. Ugaliin ang


pagsusuot ng itinakdang uniporme ng ating
paaralan upang magmukha tayong disente at
pormal na tignan. Hindi hadlang ang
pagkaklase ng birtwal upang hindi suotin ang
ating uniporme.

Ikatlo, ang camera icon. Lagi’t lagi ang


pagpapaalala na panatilihing nakabukas ang
ating mga camera sa lahat ng oras bilang
pakikibahagi sa talakayan. Mahirap naman na
hindi na nga tayo nagkikita ng pisikal ay hindi
ko pa nakikita ang inyong mga mukha.

Ikaapat, ang mikroponong icon. Panatilihing


naka-unmute ang ating mga mikropono sa
Google Meet upang maiwasan ang ingay at
hindi pagkakaintindihan. Maaari itong gamitin
kung may kasagutan, katanungan at
klaripikasyon kapag pinahintulutan na buksan
ito.

Ikalima, ang raise hand button icon. Kung may


kasagutan, katanungan at klaripikasyon ay
pindutin lamang ang button na ito. Hintayin
lamang na tawagin ka ng guro.

Ikaanim, ang message icon. Maaaring gamitin


ang chat/commet box sa mga kasagutan,
katanungan at klaripikasyon. Responsableng
gamitin ito sa lahat ng oras.

At ikahuli, ang shake hands icon. Maging


marespeto at makibahagi sa ating talakayan.

Nauunawaan ba mga mag-aaral? Opo, Ginoo. Maraming salamat po sa


pagpapaalala ng mga ito.

Magtsek muna tayo ng atendans.

_________, mayroon bang lumiban sa ating Wala po, Ginoo.


klase?

Mahusay! Palakpakan ang inyong mga sarili (birtwal na palakpak)


dahil sa inyong kasipagan at walang lumiban
sa ating klase sa araw na ito.

Bago tayo dadako sa ating panibagong aralin,


tayo muna ay magbabalik-tanaw mula sa ating
pinag-aralan noong nakaraang taon sa ating
asignaturang Panitikan ng Rehiyon.

________, maaari mo bag ibahagi sa ating Natalakay po natin ang Panitikan mula sa iba’t
klase an gating naging talakayan noong ibang rehiyon sa pilipinas. Mula sa
nakaraang taon? labimpitong (17) rehiyon ng bansa, mga
akdang naisulat at nailathala, mga dalubhasa,
manunulat at bayani gaya na lamang ni Dr.
Jose Rizal, Emilio Jacinto, Andres Bonifacio at
marami pang iba.

May karagdagan pa ba _________? Tinatalakay din po natin ang kanilang wikang


ginagamit at ang kanilang paraan ng
pamumuhay.
Mahusay! Birtwal na palakpak para sa inyong
mga kamag-aral.

Tama ang kanilang mga kasagutan dahil


natalakay natin ang Panitikan ng iba’t ibang
rehiyon ng Pilipinas mula sa labimpitong (17)
rehiyon. Ang mga akdang pampanitikan na
naisulat gaya ng mga epiko, mga paniniwala,
kultura, mga manunulat at bayani, kabuhayan,
wika at marami pang iba.

Nauunawan ba mga mag-aaral? May Opo, Ginoo. Nauunawaan po namin nang


katanungan ba? mabuti at wala na po kaming katanungan.

Kumusta naman ang bawat isa? Kaya pa ba? Opo, Ginoo. Kayang-kaya po!
Panigurado at buong pagmamalaki na
kakayanin at makakaya ninyo para sa inyong
mga pangarap!

B. Pagganyak

Handa na ba ang lahat para sa panibagong Opo, Ginoo. Handang-handa na po.


aralin na ating tatalakayain?

Bago tayo magsimula sa ating aralin, mayroon


akong inihandang isang pampasiglang gawain
na magbibigay ng motibasyon sa inyo at may
kaugnayan sa magiging paksa natin sa araw na
ito.

Ito ay pinamagatang ‘MaShadow!’. Marahil


ang iba ay pamilyar at iba ay hindi sa
programang Mars na mapapanood sa GMA
News TV Channel 11. Sa programang ito, may
segment ang mga host at kanilang invited guest
upang hulaan ang isang personalidad o bagay
gamit ang mga larawan na makikita at
pagpapaliwanag dito. Tila nagiging tsimisan o
bulungan ang nagaganap kung saan hindi nila
tuwirang binabanggit kung sino o ano ito.

Ito ay educational adaptation ng nasabing


segment at tiyak na kayo ay mag-eenjoy at
matututo. Huhulaan ninyo ang inilalarawan
kong bagay gamit ang larawan nakapaskil.
Magbabanggit ako ng mga katangian at
paglalarawan dito upang makabuo kayo ng
ideya at kasagutan kung ano ito. Patapusin
muna ang pagpapaliwanag bago sumagot.
Hintayin ang hudyat na ‘May ganoon ba mars
at pars?’ at sasagot kayo ng ‘May ganoon Pars
dahil ito ay…’.

Nauunawaan ba mga mag-aaral? May Opo, Ginoo. Nauunawaan po ang mga panuto.
katanungan?

Kaya naman lahat ng mga Mario at Marites


diyan, may balita na ba kayo? Ano ang latest
mga Mars at Pars!

Handa na ba ang inyong mga tainga? Handa na


ba sa latest chika? O baka mahuli ka kaya’t
tara na!

Unang larawan.

Mga Mars at Pars! Alam mo ba ang chika na si


Mareng ganito isang server sa simbahan pa
naman at nagbabasa ng banal na aklat na ito
pero nako sobra kung makapanlait at
makapagchismis! May ganoon ba Mars at
Pars?

Sige _________. May ganoon Sir Pars! Dahil ito ay isang bible
o biliya.

Tumpak! Ito ay isang bible o bibliya. (birtwal na palakpak)


Palakpakan ang inyong kamag-aral.

Ikalawang larawan.
Mga Mars at Pars! Alam mo ba ang chika na
ito raw ang pinakamaliit na institusyon ng
lipunan at dito nagsisimula ang pagtuturo ng
kagandahang-asal pero yung mga anak ni
Pareng ano, ayun nako! May ganoon ba Mars
at Pars?

May kasagutan ka ba _________. May ganoon Sir Pars! Dahil ito ay pamilya o
mag-anak.

Mahusay! Ang aking tinutukoy ay Pamilya o (birtwal na palakpak)


Mag-anak. Palakpakan ang inyong kamag-aral.

Ikatlong larawan.

Mga Mars at Pars! Ito ang latest chika. Ano


itong bagay na inilalagay sa alkansya na ating
innipon. At Akala ko may mas malala na ang
pangungutang sa akin ni Mareng ganito na
kapag nangutang parang anghel na lumagapak
sa langit pero kapag siningil na parang
demonyo kung magalit. Ano itong pinag-
aagawan din ng mga korap na pulitiko sa
gobyerno. Pero May ganoon ba Mars at Pars?

Sige _________. May ganoon Sir Pars! Dahil ito ay salapi o


pera.

Tumpak! Ito ay pera o salapi. Palakpakan ang (birtwal na palakpak)


inyong kamag-aral.

Ikaapat na larawan.

Mga Mars at Pars! Alam mo ba ang chika na


ito raw na miyembro ng pamilya at tinaguriang
haligi ng tahanan ay nakapagpundar ng
maraming ari-arian. Naku saan kaya niya
galing ang mga iyon no? May ganoon ba Mars
at Pars?

May kasagutan ka ba _________. May ganoon Sir Pars! Dahil ito ay ama, tatay o
itay.

Mahusay! Ang aking tinutukoy ay ama, tatay, (birtwal na palakpak)


itay. Palakpakan ang inyong kamag-aral.

At huling larawan.

Mga Mars at Pars! Ano na! O basta ako hindi


ko siya ichichismis! Baka mapunta ako sa
impyerno. Baka ‘ di ako papasukin ni San
Pedro! Sige bahala ka minus 100 ka sa Kanya!

Sige _________. Basta ako Sir Pars ang sagot ko ay Diyos o


Panginoon.

Mahusay! Ito ay ang Panginoon o ang Diyos. (birtwal na palakpak)


Palakpakan ang inyong kamag-aral.

Napakagaling ng lahat! Palakpakan ang inyong


mga sarili.

Ang mga larawan at salitang hinulaan ninyo ay


may kinalaman sa ating Panginoon at kanyang
magagandang aral na ibinahagi.

Ano kaya ang kaugnayan ng mga ito sa Marahil ito po ay patungkol sa kwentong
magiging paksa natin? hango sa Bibliya o parabula na kapupulutan ng
aral lalo na sa pamilya.

May kasagutan ka ba __________? (birtwal na palakpak)


Mahusay! Palakpakan ang inyong kamag-aral.

C. Pagtalakay

Ang tatalakayin natin sa oras na iyo ay tungkol


sa isang kwento mula sa Bibliya na hinango
kay Lukas 15: 11-32 mula sa pangangaral ng
Panginoon sa kanyang mga disipolo. Ito ay
pinamagatang ‘Ang Talinghaga o Parabula
ng Alibughang Anak’

Bago tayo dumako sa nilalaman ng talinghaga,


atin munang alamin ang kahulugan at
katangian ng Parabula.

May kaalaman na ba kayo ukol dito? Ito po ay mga kwentong hango sa


Bibliya.Naglalaman ng mga talinhaga at
nagtuturo ng aral.

Tama _______! Ano pa? Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating
Panginoong Hesukristo sa kanyang
pangangaral.

Mahusay _______! Palakpakan ang inyong (birtwal na palakpak)


mga kamag-aral.

Ang Parabula o Talinghaga ay mga kwentong


mula sa banal na aklat o bibliya na ginamit n
gating Panginoon upang magbigay-aral at
kabutihan.

At ngayon, atin munang bigyan ng


pagpapakahulugan ang mga sumusunod na
TALASALITAAN na maaaring makatulong
sa ating pagtalakay.

Alibugha Maluho,Taksil,Iresponsable
Guya Bagong panganak na (ang mga sagot ay maaaring magbago depende
kalabaw o baka sa sagot ng mga mag-aaral, ito ay halimbawa
Nilustay Ginasta, Winaldas lamang)
Alila Katulong, Utusan
Nagagalak Natutuwa, Nasisiyahan

(tatawag ang guro ng ilang mga mag-aaral


upang gamitin sa pangungusap ang mga salita)
Maluho,Taksil,Irresponsable; Siya ay
tinaguriang alibugha dahil sa kanyang
kapabayaan.

Bagong panganak na kalabaw o baka;


Pinakikinabangan ni Mang Ben ang bagong
guya sa kanyang bukirin.

Ginasta, Winaldas; Walang alinlangan niyang


nilustay ang yaman ng kanyang pamilya.

Katulong, Utusan; Napakasipag ng mga alila


dahil sa mabait nilang amo.

Natutuwa, Nasisiyahan; Nagagalak siya dahil


sa mga biyayang natatanggap ngayon.

At ngayon, kilalanin naman natin ang mga


pangunahing tauhan sa kwento. Sinu-sino ang
mga tauhan?

(ipapakita ng guro ang mga larawan ng mga


tauhan at tatawag ng ilang mga mag-aaral
upang ilarawan ang mga ito.)

Ang Ama- walang kapantay na pagmamahal at


kabutihan ang ipinakita sa mga anak

Ang Bunsong Anak-kinuha niya ang kayang


mana sa kanyang ama at nilustay sa mga
walang kwentang bagay

Ang Panganay na Anak-Ang nakatatanda sa


magkapatid.

Ang Amo- Kanyang ipinagkait kahit ang


pagkain ng mga baboy sa tagapaglingkod.

Ang mga Tagapaglingkod- Ang mga


tagapagsilbi at manggagawa ng pamilya.
Dahil sa mga lugar po na ito ang mga
pangunahing tagpuan sa kwento.

Sa inyong tingin, bakit inilagay ko sa isang


bahay at kural ng baboy ang mga tauhan sa
parabula?

Sige ________. Sa bahay po ng pamilya mikikita po ang


kanilang karangyaan at mapayapang
pamumuhay na pinagsisilbihan po ng mga
Maaari mo bang ilarawan ang mga ito? tagapaglingkod. Sa kural ng baboy po ang
pinagtatrabauhan ng bunsong anak noong siya
May kasagutan ka ba _________? ay naghirap dahil sa kanyang kapabayaan.

Mahusay _________! Palakpakan ang inyong (birtwal na palakpak)


mga kamag-aral

Makikita ang kapayapaan at pagmamahalan sa


loob ng tahanan ng pamilya. Mababanaag ang
kasaganahan ng buhay dahil sa kanilang mga
tagapaglingkod at ikinabubuhay. Ang tahanan
nila ay sumisimbolo sa pagmamahalan ng
pamilya.

Makikita naman sa bandang ilalim ang kural


ng baboy na alam naman nating madumi at
mabaho. Masasabi nating ito ay sumisimbolo
sa kahirapan at pagdurusa ng bunsong anak
dahil sa kanyang kapabayaan.

Nagyong kilala na ninyo ang mga tauhan, may


ipapanood ako sa inyong video patungkol sa
Ang Talinghaga ng Alibughang Anak.

(Panonood ng video ng Ang Talinghaga ng


Alibughang Anak)

(3 minuto at 29 segundo)
Makinig kayong mabuti dahil mayroon ditong
mga gabay na tanong na nakahanda na
kinakailangan ninyong masagutan.

1. Ano ang pangunahing suliranin sa


kwento?
2. Kung ikaw ang Ama, magagawa mo pa
bang patawarin ang iyong anak sa
kanyang nagawang pagkakamali?
Bakit?
3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng
bunso, gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa? Bakit?

At ngayong napanood na ninyo Ang


Talinghaga ng Alibughang Anak, ating sagutin
ang mga gabay na tanong na aking ibinigay
kaina.

Ano ang pangunahing suliranin sa kwento? Ang pangunahing suliranin po sa kwento ay


ang mali o baluktot na pag-uugali ng
alibughang anak. Dahil sa pagiging sakim at
pabaya nito sa mga mana na ibinigay ng
kanyang mga magulang.

Magaling ________!

Ang pangunahing suliraning sa parabulang


ating napanood ay ang maling pag-uugali na
kung saan ang pagiging sakim at kapabayaan
ng bunsong anak ay siyang nagdala sa kanya sa
kapahamakan. Hindi niya alintana ang
paglustay ng kanyang mga mana at ng mga
panahong naghirap ito ay napagtanto na mali
ang kanyang mga ginawa at muling
manumbalik sa piling ng Panginoon at ng
pamilya.

Kung ikaw ang Ama, magagawa mo pa bang Tao lang po tayo at normal lang na magkaroon
patawarin ang iyong anak sa kanyang ng masamang pag-uugali. Ang ipinakita po ng
nagawang pagkakamali? Bakit? ama sa kanyang mga anak lalo na ang bunso ay
walang kapantay na pagmamahal o
unconditional love. Kahit na nagkasala ito ay
buong puso pa niya itong tinanggap. Pero kung
sa mga sitwasyon ngayon ay bibihira na
lamang po itong mangyari.

Mahusay ________!

Sino nga ba naman tayo para hindi


magpatawad kahit napakahirap na gawin. Ang
Diyos nga na nagpapatawad tayo pa kaya na
kanyang mga anak. Kaya bilang mga
magulang, ang anak ay atin pa ring mga anak.
Kaya matuto tayong magpatawad.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng bunso, Ito po ay bunga ng kasakiman at pagiging
gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? makasarili ng bunsong anak. Walang
Bakit? alinlangan niyang nilibang ang sarili at nilustay
ang mana pero labis ang naging
pagpapakasakit ng naubos na niya ito at
naghirap. Kung ako po ay hindin ko poi to
gagawin at pahahalagahan ko po nang husto
ang mga ibinibigay sa akin ng aking mga
magulang, materyal man o hindi.

Mahusay ________!

Napakahirap ng naging sitwasyon ng bunsong


anak na dahil sa kanyang kapabayaan at
kasakiman ay napariwara ito ng landas. Dahil
sa mga dinanas na panandaliang saya ay
napalitan ito ng ibayong hirap. Ngunit muli
itong nanumbalik sa Panginoon at pamilya
upang magbagong buhay.

D. Paglalagom

Ngayong napanood na ninyo ang video ng Ang Ang mga pangunahing tauhan pos a parabula
Talinghaga ng Alibughang Anak ay batid kong ay ang ama, ang bunsong anak, ang panganay
nauunawaan na ninyo ito ng lubos. Bilang na anak, ang amo at mga tagapaglingkod.
paglalagom, balikan nga natin kung sinu-sino
ang mga tauhan sa kwento.
May kasagutan ka ba ___________?

Tumpak _________!

Saan ang mga pangunahing tagpuan? Sa kanilang tahanan at kural ng baboy po.

Mahusay ________!

Anong mga aral ang napulot sa parabulang ito? Hindi sagot ang pagiging makasarili at
pagiging sakim upang mahanap ang
kaligayahan dahil matatagpuan mo ito sa
pagmamahal ng iyong pamilya,.Mamuhay
nang naaayon sa kautusan ng Panginoon at
walang anumang bagay ang hindi imposible sa
Kanya.

Mahusay __________! Ano pa? Normal lang na magkaroon ng inggit sating


mga puso ngunit lagi nating isipin at
mangibabaw ang kabutihan at pagmamahalan.
Mula sa pagiging masama at baguhin natin ito
ng kabutihan.

Napakahusay! Palakpakan ang inyong mga (birtwal na palakpak)


kamag-aral.
Tandaan din natin ang binaggit ng Ama sa
pagtatapos ng kwento “Tayo’y nagsasaya
ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay
ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli
nating nakita”. Ito ay tanda ng pagbabagong
buhay mula sa kasamaan patungo sa
pamumuhay na naaayon sa kabutihan.

Lagi nating tatandaan ang pagsasabuhay ng


mga nilalaman at mga aral mula sa Bibliya.
Ang pagsasa-Diyos ng ating bawat gawa ay
magbubunga ng napakaganda at kabutihan sa
bawat isa. Maging gabay sana natin ang
Bibliya upang mapagbuti ang ating
pamumuhay kapiling ng Panginoon.

Isipin din natin na may mga magulang tayong


laging nadiyan upang tayo ay magabayan at
nagmamahal sa lahat ng oras. Ipinakita sa
kwento ang walang kapantay o unconditional
love ng isang ama o magulang para sa kanyang
mga anak.

Huwag tayong magpapasilaw sa yaman o


salapi na nasa ating paligid. Oo, ang pera ay
kayang bilhin an gating pangangailangan
ngunit hinding-hindi nito mabibili ang
kasiyahan at pagmamahal n gating Panginoon
at ang ating mga magulang. Gamitin natin ito
upang tayo ay mapagbuti at makatulong sa iba
hindi sa masama.

Ang ating pamilya ang lagi nating


masasandalan sa lahat ng oras ng kasiyahan at
ng kalungkutan. Mahalin natin ang ating mga
magulang , ang ating mga kapatid at lahat ng
kasapi ng ating mag-anak.

At pinakahuli ngunit pinakamahalaga sa lahat


ay ang pagmamahal at pag-aalay ng ating
buhay sa Dakilang Lumikha. Walang mabigat
na problema kung siya ang ating magiging
sandata at kasagutan. Ang masaya at
mapayapang pamumuhay ay laging naaayon sa
Kanya.
Naiintindihan ba mga mag-aaral at may Opo, Ginoo. Nauunawaan po namin nang
katanungan pa ba? mabuti.

E. Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa apat na grupo at


ipapaliwanag ng guro ang kanilang dapat
gawin. Gagawa ng graphic organizer ang
bawat pangkat upang masuri ang katangian ng
mga pangunahing tauhan sa parabula (Ang
Ama, Ang Panganay na Anak, Ang Bunsong
Anak). Malayang nakapamili ang bawat
pangkat kung anong graphic organizer ang
gagamitin upang mahusay na maipakita ang
pagsusuri sa mga tauhan (Venn Diagram, Main
Idea Web, Concept Map, atbp.).

Ipapaskil ng guro ang kanilang aktibidades


sa Google Classroom upang bigyan ng sapat na
oras ang paggawa nito at mamarkahan base sa
analitik rubriks na nasa ibaba. Gagawa ng
pagpapaliwanag ang bawat pangkat sa
pamamagitan ng pagbi-video ng kanilang
nagawa at nilalaman ng graphic organizer.

ANALITIK RUBRIK SA PAGGAWA NG GRAPHIC ORGANIZER

PAMANTAYAN 5 4 3 2 PUNTO
S
Napakahusay Mahusay ang Mahusay ang Hindi gaanong mahusay
ng nilalaman nilalaman ng nilalaman ng ang nilalaman ng graphic
ng graphic graphic graphic organizer. Ngunit may mga
organizer. organizer. organizer. iilang mali at kulang
Tumpak ang Tumpak ang Ngunit may pagsusuri sa mga
NILALAMAN pagsusuri sa pagsusuri sa mga iilang pangunahing tauhan sa
mga mga mali at kulang parabula.
pangunahing pangunahing pagsusuri sa
tauhan sa tauhan sa mga
parabula. parabula. pangunahing
tauhan sa
parabula.

Napakahusay Mahusay ang Mahusay ang ‘Di Gaanong Mahusay ang


ng video video video video presentation. May
PRESENTASYO presentation. presentation. presentation. malakas na tinig sa
N NG VIDEO May malakas May malakas May malakas pagpapaliwanag ngunit
na tinig sa na tinig sa na tinig sa may maraming hindi
pagpapaliwana pagpapaliwana pagpapaliwana nagtutugmangimpormasyo
g at akmang- g at akma ang g ngunit may n.
akma ang mga mga iilan ang hindi
impormasyon. impormasyon. tugmang
impormasyon.

Lahat ng May ilang Maraming Walang partisipasyon ang


PAGKAKAISA miyembro ay kasapi ang kasapi ang lahat ng kasapi.
NG PANGKAT may hindi kabilang. hindi
partisipasyon. nakilahok .

Napakahusay Mahusay ang Hindi gaanong Mapapansin ang maraming


ng paggamit ng paggamit ng maghusay maling balarila sa
wastong wastong paggamit ng nilalaman ng graphic
WASTONG balarila sa balarila sa wastong organizer at video
GAMIT NG nilalaman ng nilalaman ng balarila sa presentation.
BALARILA graphic graphic nilalaman ng
organizer at organizer at graphic
video video organizer at
presentation. presentation. video
presentation.

KABUAANG PUNTOS

IV. EBALWASYON

PAGSULAT NG LIHAM

Panuto: Bilang pangwakas, ikaw ay susulat ng isang LIHAM PASASALAMAT para sa iyong
mga magulang. Bibigyan ka ng pagkakataon upang makapagsulat at maging malikhain sa
paggawa at pagdidisenyo nito upang basahin o ibigay sa iyong mga magulang. Ito ay kukuhanan
ng larawan at ipapaskil sa Google Classroom. Bibigyan ng sapat na oras panahon ang mga mag-
aaral upang mabuo ito. Mamarkahan ang liham base sa mga pamantayan na nasa ibaba.

PAMANTAYAN

a. Nilalaman- 10 puntos
b. Presentasyon at Kasiningan- 5 puntos
c. Wastong gamit ng balarila- 5 puntos

V. TAKDANG ARALIN

Gumuhit ng isang simbolismong maglalarawan sa inyong pamilya at ipaliwanag kung bakit ito
napili (2-3 pangungusap). Ito ay ipapaskil sa Google Classroom at mamarkahan base sa mga
pamantayan na nasa ibaba.

PAMANTAYAN

a. Konsepto at Nilalaman- 10 puntos


b. Kasiningan- 5 puntos
c. Pagpapaliwanag- 5 puntos

Inihanda ni:

ARVIN T. GUZMAN
Gurong-Mag-aaral

Binigyang pansin ni:

CARMINA G. MAMUCUD, LPT


Gurong Tagapagtulong

Pinagtibay ni:

CHRISTOPHER S. SICAT, LPT, MAEd


Gurong Tagapag-ugnay

You might also like