You are on page 1of 5

REPLEKSYON PAPEL

(IMPLUWENSIYA NG AMERIKANO AT KASTILA SA PANITIKAN)

Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Malaki


ang naiaambag ng panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. Ito rin ay
kasaysayang ng kaluluwan ng mga mamayan. Sa panitikan nakasalin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mga mamayan o nasusulat o
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na
pahayag.

Ang mga bidyong ipinakita sa amin ng aming guro ay nagsilbing aral sa akin upang

aking matuklasan ang kasaysayan ng ating bansa sa pamamahala at sa kamay ng mga

mananakop. Ang unang bidyo na aking pinanood ay pinamagatang, “ Panitikan: A

Documentary on the Spanish Influence on Philippine Literature”, sa Pilipino ay ang

dokyumentaryo ng impluwensya ng kastila sa panitikan ng pilipinas. Sa salitang

impluwensiya pa laman g may malalim na itong mensahe at kahulugan na nagdulot sa

ating bansa ng malaking pagbabago, marami akong natutunan sa bidyong aking

napanood, ako’y na aliw at namangha sa pagbalik tanaw sa ating kasaysayan,

napagtanto ko na malaki ang impluwensya ng kristyanismo sa ating bansa ng ginamit

ng mga Kastila ang relihiyong Kristiyanismo upang tuluyang masakop ang ating bansa.

Ang mga nailimbag na aklat patungkol sa relihiyon ay isa sa mga impluwensya ng mga

kastila upang himukin pa ang gating paniniwala at pananampalataya, Isa rin ang mga

aklat naglalaman ng mga karunungan tungkol sa Kristiyanismo , na masasabi kong


makapangyarihan, Maging sa mga paaralan ang itinuturo ng mga prayle ay ang

relihiyon. Hanggang sa ngayon dahil sa mga aral ng mga Kastila ay nanatili sa atin ang

pagiging relihiyoso. Karamihan sa populasyon ng bansa ay Kristiyano. Hindi ko lubos

maisip na ganito ka lawak at kalalim ang impluwensya ng kastila sa relihiyon sa atin,

ngunit, pagkatapos kung napanood ang bidyo duon ko nagpagtanto at masasabing

Ang mga Kastila ay tunay na matalino sa kanilang pananakop lalong-lalo na sa

pagpapalaganap ng mga akdang panitikan. Dahil bago pa man nanakop ang mga

dayuhan ay mayroon na itong sariling pag-unlad ng panitikan Sa loob ng 333 na taong

pananakop ay nakapaglimbag ng napakaraming akdang pampanitikan.

Bilang pagtatapos, Magpasahanggang ngayon ay napag-aaralan ang mga ito ng mga

mag-aaral at siyang nagiging daan upang maalala ang mga mapapait na karansan at

pagbangon ng bansang Pilipinas. Gayunpaman, aking masasabi na may magandang

itong dulot sa larangan ng panitikan sa bansa.


Ang ikalawang bidyo na aking napanood ay pinamagatang “Panitikan: A documentary

on the American Colonial and Contemporary Traditions in Philippine Literature”.

Naglalaman din ito ng mga kaalaman patungkol sa kasaysayan ng kanilang pananakop

at malalim na impluwensiya ng panitikan sa atin, hindi ko maitatangi na malaki ang

naging kontribusyon ng mga Amerikano nang kanilang sakupin ang bansang Pilipinas,

Ang ating bansa ay nasakop ng Amerika noong ika-19 na siglo na kinikilala rin bilang

taon ng modernismo o Panahon ng Industriyalismo, Habang pinapanood ko ang bidyo

nakadama ako ng halo halong emosyon, kalungkutan dahil ng dumating ang mga

Amerikano sa bansa at nagkaroon na ng panitikang Amerikano, namihasa ang mga

Pilipino dito. Binasa nila ang kasaysayan ng mga Amerikano at dahil dito, maraming

akda tulad ng tula at nobela ang naisulat sa wikang Ingles. Nakakalungkot isipin na

naging kapalit naman ito ng unti-unting pagkamatay ng kulturang Pilipino, pagdating sa

wika at panitikan. Kasiyahan dahil ang pinakamalaking impluwensiya nila sa bansa ay

ang unibersal na paggamit ng wikang Ingles, Kung ating iisipin malaki ang naitulong nito

sa kasalukuyang panahon dahil tayo ay naging “globally competitive” dahil sa malalim

na impluwensya sa pagsasalita ng wikang ingles. Nang dumating ang mga Amerikano

sa bansa at nagkaroon na ng panitikang Amerikano, namihasa ang mga Pilipino dito.

Binasa nila ang kasaysayan ng mga Amerikano at dahil dito, maraming akda tulad ng

tula at nobela ang naisulat sa wikang Ingles. Napagtanto kong dahil sa mga

impluwensiyang dala ng mga Amerikano, tunay na kung hindi dahil sa pagdating at

pananakop nila ay hindi magsisimula ang pagkakaroon ng panitikang nasa Ingles.


Masasabi kong ang kasaysayan ng pilipinas ay makabuluhan at puno ng kaalaman.

Maraming hatid na aral na nagpapatunay na tayo’y parte ng kasaysayan kahit wala tayo

sa henerasyon ng pangyayari ngunit tayo’y nanggaling sa bansang pinagmulan ng

mapapait at masasayang ala-ala na habang buhay nating pakatandaan.

You might also like