An tataramon na Santigwar hali sa mga Kastila-santo agua, banal na tubig. Boot k
aining sabihon, magbanedisyon, magtao nin omay. Sa mga Bikolano, an Santigwar sa rong "sagradong" ritwal kung saen ang may helang pigdadara sa herbularyo o parab ulong tanaganing santigwaron. Alagad ang pagtubod nyato lalo na ang mga kagurang an sa mga engkanto, sa mga tawong-lipod, buda iba pang nilalang na bako tawo. An g mga nilalang na ini may bagsik na magdara nin helang sa satuya. Ang Santigwar ay isang makalumang paraan ng pagtukoy sa sakit ng mga pasyente. I to ay popular sa mga nakatira sa luklok na lugar na di na kayang maabot ng serbi syong medical ng ating gobyerno. Simula sa mga simpleng karamdaman tulad ng pila y o hanggang sa mga pinaniniwalaan nilang sakit dulot ng engkanto at iba pang ni lalang. Sa modernong panahon, ang mga "parasantigwar" o faith healers ay tinutul an na ng mga mediko ngunit marami pa rin ang naniniwala na kaya silang gamutin g amit ang sinaunang paraan. Ang santigwar ay hindi lamang pinaniniwalaan na makapagpapagaling ng mga pisikal na karamdaman. Ito rin ay sinasabing magaling the solusyon sa aspetong espiritw al. Ang santigwar ay may iba't-ibang uri. May mga gumagamit ng itlog, tubig, pal anggana at meron naming mga albularyo na tinitingnan lamang ang ibang bahagi ng katawan upang matukoy and karamdaman. Bukod sa mga kasangkapang nabanggit, gumag amit rin ng mga orasyon na pinaniniwalaan noong araw na galing sa Latin na salit a ngunit napag-alaman na ang mga orasyon ay pinaghalo lamang na Kastila at Latin . Bago pa nasakop ng Espanya ang Pilipinas, mayroon ng sariling paraan ng paggamot ang mga Pilipino partikular na ang mga Bikolano. Ngunit dahil sa pagdating ng m ga Kastila, itininatak sa ating isip ng mga dayuhan na ang santigwar ay gawi ng mga demonyo. Ngunit dahil na lang sa pagpupursige ng ating mga ninuno na mapanga lagaan ang ganitong tradisyon, ang santigwar ay patuloy pa ring ating ginagamit na paraan ng panggagamot. Santigwar Bilang Isang Dula Ang Aquinas University of Legazpi ay bumuo ng dulang Santigwar na kinatatampukan ng mga community-based theater groups ng baranggay Alcala at Pandan ng Daraga A lbay. Ang nasabing dula ay hindi lamang nagpakita ng mga angking talento ng mga tauhan ngunit ito rin ay mayroong hangarin na maprotektahan ang kapaligiran at b uhay ng mga tao. Ang Santigwar ay nagtatampok ng napapanahong isyu dahil na rin sa iba't-ibang trahedya na sinapit ng rehiyon dahil sa mga bagyo at iba pang mga kalamidad. Ang dula ay nahahati sa walong kabanata: pag-otob, pagsirip, pakihuron, pasuway, mga unabi buda pagmangno, pagbawi, tugon, at oratio imperata. Nagsimula ang Santigwar na ipinapakita ang dalawang babaeng humihingi ng saklolo sa isang "parasantigwar." Ang matandang lalake na syang nagsisilbing "parasanti gwar" ang syang inaasahang tutulong upang magapi ang mga "sakit" ng lipunan. Ang mga tawong lipod ay nagsilbing metapora ng mga problema at sakit ng mga tao. Sakit ng Lipunan Marami na ngayong gulo ang nangyayari sa ating lipunan at karamihan sa mga ito a y tao ang may gawa. Hindi natin ito mapapawalang-bahala na lamang dahil itong mu ndong ating tinitirahan ay hiniram lang natin sa ating mga anak. Ang mga gulo, k alamidad at iba pang nangyayari sa ating lipunan ay ang mga susunod na henerasyo n and magsasakripisyo. Hindi na nila pa muling malalasap ang sariwang hangin, an g malinis na karagatan o batis na minsan nagbigay galak at ligaya noong ating ka bataan. Ang walang habas na pagputol ng kahoy upang ipagbili sa malalaking kumpanya ang syang magbibigay-daan sa malalaking baha at landslides. Kahit konting ulan laman g ay magdudulot ng baha sa iba't-ibang dako ng Pilipinas. Marahil ay narinig nyo na ang mga balita sa radyo man o telebisyon ukol sa walang katapusang pagbaha s a Kamaynilaan at sa iba pang lungsod sa Pilipinas. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit konting ulan lamang ay nagdudulot na ng mala laking baha. Ang mga lungsod ang kadalasang nakakatikim ng ganitong kapalaran. K ung iyong mapapansin, konti na lamang ang mga puno lalung lalo na sa mga lungsod . Sa halip na puno ay matataas at malalaking gusali ng iba't-ibang korporasyon a ng iyong makikita. Bukod dito, isa pang dahilan ng baha ang mga basura na nagkal at sa mga ilog. Sa panahon ng tag-ulan, ang mga basurang ito ang babara sa pag-a gos ng tubig-ulan patungong ilog. Hindi lamang mga malalaking lungsod ang nakararanas ng hagupit ng bagyo at iba p ang kalamidad dahil pati na rin ang mga malalayong lugar na inaakala nating masa salanta ng bagyo ay apektado na rin. Inyo pang mapapansin ang kaliwa't-kanang bagyo na bumibisita sa ating bansa. Hin di lamang ang Pilipinas ang nagiging biktima ng malalakas na bagyo kundi ang iba pang bansa. Sila rin ay nakakaranas ng parehong kapalaran ng ating mga kababaya n. Katulad natin, sila ay nawawalan ng tahanan, kabuhayan at kung minsan ay mga mahal sa buhay. Ang mga kalamidad ay pandaigdigang problema na kailangang hanapan ng solusyon up ang wala ng buhay at kabuhayan ang mawala. Tandaan natin na ang mundong ating gi ngalawan ay hindi natin pag-aari. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga biyaya ng natatanggap, nararapat lamang na alaagaan at protektahan natin ang kalikasan para sa mga susunod pa na henerasyon. Bilang matatanda, magsilbi sana tayong mod elo sa mga kabataan at ipakita natin ang ating pagmamalasakit sa kalikasan. - See more at: http://www.aq.edu.ph/index.php?p=main&s=div&taskId=religiousaccis antigwar#sthash.oc5c0GXu.dpuf http://www.aq.edu.ph/index.php?p=main&s=div&taskId=religiousaccisantigwar