You are on page 1of 1

HALUSINASYONG DULOT NG NAKAKADUGONG PANAPOS NA TALUMPATING NAKASULAT SA WIKANG FILIPINO

...ramdam ko nang dahan-dahang umagos ang gatla-gatla at ga-butil ng sitaw na pawis mula sa bumbunang di-maglalaon ay mamamaalam ang huling hibla (well, hopefully, that would still be decades from now at kaya pang itago ng pakikipagsabayan sa trending hairstyles)... dahandahan itong umagos sa nagmamayabang sa tangos kong ilong, hindi dahil sa Spanish ancestors namin kundi hinog-hinog ang wrong-timing kong tigyawat (turuan ba ng proper timing and posture ang tigyawat??.. ano yun dance rehearsals lang o production number sa search for Ginoo at Binibining Tigyawat 2013???)... .. sasaluhin ko sana ito, mala-Tom Cruise sa pelikulang Mission Impossible, bago pumatak sa ginagawa ko... pero tila yata may isip na nag-pause muna sa ere sabay dila ala-Michael Jordan ang pawis at nag-cartwheel and back-flip pa gaya ng mga acrobats sa PGT at Showtime... iniwasan ang nakasahod kong kamay at derederetsong pumatak at kinalat ang tintang pula sa aking sinusulat na kanina pang nagpapasakit sa ulo kong magkaminsay naglalamyerda ang kakarampot na laman... ...well.. naghahallucinate na yata ako... and you cant blame me... ...dalawang oras, isang minuto, at apat na segundo na akong nakikipagbuno at nakikipagsapalaran sa mundo ng salitang-ugat at nakikipag-espadahan sa mga katagang mayaman sa ngunit-subalit-datapwat-marahil... ...dugo-dugo na rin ang ilong ko, hindi dahil sa pumutok na tigyawat, kundi dahil sa paghahabi ng mga sugnay na nakapag-iisa at sa malayang taludturang mas madalas kaysa hindi ay mayaman sa blankong ideya... ...kaya bago pa ako lamunin ng mga mababangis na kawal na nag-aapoy ang armas na tuldok, kuwit, tandang pananong, tutuldok, tuldok-kuwit, at tandang pandamdam ay tatayo na muna akot iiwan ang pinaghihirapang matapos na panapos na talumpating di rin naman ako ang bibigkas sa kalaunan... ... olrayt... dats it bubwit... ... i need a caffeine and nicotine break...

-- joseph guardian escober

You might also like