You are on page 1of 6

Pagdiriwang at

Tradisyon sa Malabon
Ang grupo o pangkat ng mga taong sama-
samang naninirahan sa isang lugar na may
sariling wika, kultura, tradisyon at paraan ng
pamumuhay ay tinatawag na Pangkat Etniko.
Mayroon silang mga katangian na kakaiba sa
ibang pangkat. Sila at ang kanilang
natatanging pagkakakilanlan ay itinuturing
namahalagang bahagi sa kabuuan ng
Ang mga Tagalog ay isang malaking pangkat ng
mga tao na naninirahan sa Malabon at sa iba pang
lungsod sa NCR. Sila ay isa sa pinakamalaking
pangkat etniko sa bansa. Sila din ay kinagigiliwan
dahil sila ay masayahin, matatalino at may mataas
na kalinangan dahil sila ay nasa sentro ng pulitika,
pangangalakal, lipunan, kultura, at edukasyon.
Filipino ang pangunahing wika ng mga taga
Malabon at ng Pambansang Punong Rehiyon
(NCR) na hango sa salitang Tagalog.
Dahil marami ang wikang sinasalita sa ating
bansa nagkaroon ng problema sa
komunikasyon at pakikipag-ugnayan. Dahil
dito, nagtalaga si dating Pangulong Manuel L.
Quezon ng isang wika para linangin at maging
pambansang wika. Ang wikang ito ay
“Tagalog” at sa kasalukuyan ay tinatawag na
Filipino na wika ring ginagamit ng mga taga
Malabon at ng Pambansang Punong Rehiyon
Tukuyin Natin
1.Sino ang pangulo na nagtalaga ng isang
wikang Pambansa?
2. Ano ang tawag sa pangkat ng taong
naninirahan sa isang lugar na may
sariling wika, pamumuhay at tradisyon?
3. Ano ang tawag sa wikang ginagamit
ng mga taga Malabon?
4. Sino ang patron ng mga taga
Malabon?
5. Ito ay isang uri ng festival sa
Malabon na naghahain ng higanteng
bilao ng pansit Malabon?

You might also like