You are on page 1of 26

MAYAMAN ANG

KULTURA NG MGA
UNANG PILIPINO
ARALIN 8
SISTEMA NG EDUKASYON
• Nagtuturo sa: tahanan, bukid o sa lugar
na pinaghahanapbuhayan.
• Guro: Matanda (Agurang) at magulang
• Itinuturo: pagsulat, pagbasa, pagbilang,
pananampalataya, kaalamang
pampamilya at pagtatanggol sa saril
• Babae: tinuturuan sa pagluluto,
pananahi, paghahayupan at paghahabi.
SISTEMA NG EDUKASYON
• Lalaki: tinuturuan sa paghahanapbuhay
gaya ng pagtatanim, pangingisda, at
pagmimina.
- paggawa ng sasakyang pandagat,
pagkukumpuni ng mga sirang gamit
at paggawa ng sandata.
• Nagmamasid ng kapaligiran at
nakikisalamuha sa iba.
- nakapaglalayag sila sa dagat gamit
ang posisyon ng araw, buwan at bituin.
SISTEMA NG EDUKASYON
• PAGSUKAT: dipa, dangkal, sandamak, at
dali (haba), o kaban, salop at gatang.
• BOTHOAN – sinaunang paaralan
pambarangay sa Panay.
PAGBASA AT PAGSULAT
• PADRE CHIRINA – isa sa unang
misyonerong Espanyol na dumating sa
Pilipinas.
“ Halos walang lalaki o babae ang hindi
nakababasa at nakasusulat. Ang paraan
nila ng pagsulat ay iba sa Tsina at Hapon.”
• ALIBATA – sinaunang alpabeto
- 17 simbolo, tatlong patinig at
labing apat na katinig.
PAGBASA AT PAGSULAT
• Calatagan, Batangas – isang palayok ang
nahukay na may nakasulat sa gilid ng
bunganga nito.
PAGBASA AT PAGSULAT
• Isang sulatang pilak na tinatayang
ginawa noong ika-14 dantaon.
PAGBASA AT PAGSULAT
• Nahukay na kasulatang Tanso sa Laguna
ay isang dokumento na nasa panitik ng
sinaunang Pilipino.
PAGBASA AT PAGSULAT
• Gumamit sila ng matutulis na bagay:
kutsilyo, punyal, pinatulis na bakal, at
kahoy.
• Ginamit nilang sulatan: balat ng kahoy,
biyas ng kawayan, dahon, palayok,
sulatang yari sa pilak, tanso at iba pa.
• Tinta: kulay na dagta
• Pagsulat: mula itaas, pababa
• Pagbasa: mula kaliwa, pakanan.
PAGBASA AT PAGSULAT
• Mangyan
Mindoro
• Hanunoo Sistema ng
• Tagbanua sa Palawan panitik

• MUSLIM – ibinabatay nila ang kanilang


pagsulat sa kanilang wika.
- Kirim sa Maranao
- Jawi sa Tausog
WIKA
• AUSTRONESIAN - ay isang pamilyang
wika na malayang nakakalat sa mga
kapuluan ng Timog-Silangang Asya at
ng Pasipiko, na may ibang kasapi
ginagamit sa mismong kontinente
ng Asya.
SINING
• Paggawa ng palayok
• Paggawa ng alahas na yari sa bato, kabibe,
ginto at iba pang materyales.
• TAGA-CORDILLERA- pag- ukit ng kahoy
- Gumagawa ng pang dekorasyon
• Gumagawa sila ng materyales na
matatagpuan sa kapaligiran.
• ISLAMISADO – paghahabi at pag-ukit
- paggawa ng brasswork,
paghahabi ng batik, ikat, songket at andor,
paggawa ng krus at mga dekorasyong may
disensyong okir.
MUSIKA AT SAYAW
• Ginamit nila ang musika upang ipahayag
ang kanilang damdamin
• Ang kanilang awit ay nagsasaad ng
bawat aspeto ng buhay
• Mayroon silang nakalaang sayaw at
musika sa pag-ibig, paggawa, digmaan,
pananampalataya at kamatayan.
• Kasama sa mga sinaunang awit ang
tagumpay, awit pandigma ng mga
Tagalog.
MUSIKA AT SAYAW
• TUDOB – awit ng mga taga- Agusan tungkol
sa pag-ani
• DAL-LOT – awit ng mga Ilokano
• KUMINTANG – buhat sa Batangas
- dating awit na pandigma
- naging awit ng pag-ibig.
• IHIMAN – awit sa kasal
• TALINDAW – awit ng pamamangka
• UYAYI – hele
• DUAYYA- awit sa pagpapatulog ng sanggol
MUSIKA AT SAYAW
• AGDAMDAMILI – sayaw na pagbuburnay
ng mga Ilocano
• TAGAYAN – sayaw ng pakikidigma ng
mga Maranaw
• BINAYLAN- sayaw ng pamimintuho ng
Manobo
• PANGALAY – sayaw ng mga Pilipinong
Muslim sa kasal
• TADEK – sayaw ng pag-ibig ng mga
Tinaguian.
PANITIKAN
• Alamat : SI MALAKAS AT SI
MAGANDA sa bersyon ng mga
Tagalog; WIGAN AT BUGAN ng
mga Ifugao; TUNGKUNG
LANGIT AT ALUNSINA ng mga
taga- Panay.
PANITIKAN
• Epiko- tumatalakay sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng isang supernatural na bayani
- ALIM AT HUDHUD ng mga Ifugao
- TUWAANG (Bagobo)
- HINILAWOD (Panay)
- BANTUGAN (Maranaw)
- PARANG SABIL (Tausog)
- BAYBAYIN (Bukidnon)
- INDRAPATRA AT SULAYMAN (Maguindanao)
-LAM-ANG (Ilocos)
- IBALON (Bicol)
- DARANGAN (Muslim)
PANITIKAN
• Pampalipas oras ang pagbubugtungan.
Halimbawa ng bugtong:
1. Tanim kong yantok, sa ibabaw ng
bundok. _______________
2. Nang manunga’t nahinog, kamahal-
mahalang gamot. _______________
PANITIKAN
• Mayroon din silang kasabihan,
salawikain at kawikaan madalas
itong mabanggit ng mga
matatanda sa pangangaral sa
kabataan.
LARO
• Ginagawa nila ito kung may paligsahan
sa bahay ng datu o sa mga oras ng
pamamahinga pagkatapos ng
maghapong paggawa.
 Mabilis na pagtakbo
 Bunong braso
 Kadang-kadang
 Palayuan sa paghagis ng sibat
 Malayong paglundag
KASUOTAN
• KANGAN (pang-itaas na walang
manggas) at BAHAG para sa mga
lalaki.
• PUTONG panali sa ulo
• BARO at SAYA para sa mga babae.
• Walang sapin sa paa.
PAGKAIN
• Bigas at halamang- ugat ang pagkain
• Isda
• Gulay
• Karne
• Bungangkahoy
• Tuba – mula sa niyog
• Basi – alak mula sa tubo
• Lambanog
• Tapuy
• pangasi
Brasswork
batik ikat
Songket at andor okir

You might also like