You are on page 1of 3

Agyu (Epiko ng Ilianon)

Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman. Sa tradisyong Ilianon
sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina
Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko. Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro
ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro
dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kaya’t kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may
ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni Agyu na
magkakagiyera dahil napatay ang datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa
bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at nakita ang
kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.
Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang bundok ng Pinamatun.
Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu
sa pampangin ng look ng Linayagon. Nang sila’y naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si
Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na
araw. Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon. Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman
niyang lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop, nanlaban at napatay ni Tanagyaw ang mga
mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay Tanagyaw. Di nagluwa’t ang bayan ni
Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa ibayong dagat. Ang mga lalaki, bata at matanda ay
sinabihang lumaban ngunit sila’y natalo. Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit
sinalungat at pinarusahan siya ni Tanagyaw. Nagbihis siya ng sampung suson na makasiyam ang kapal at
dinampot ang kanyang sibat at kalasag na hindi nasisira. Nilabanan niya ang mga mananakop sa
dalampasigan. Naghambalong ang mga patay, patungpatong na parang bundok at burol. Itinalaga ni
Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama ang kanyang kaakit-akit na
asawa. Ang akdang iyong binasa ay nagpapatunay na ang panitikang Pilipino ay sumasalamin sa ating
kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan. Ipinapakita rin dito ang pagiging matapang ng
pangunahing tauhan para sa kanyang nasasakupan
Biag ni Lam-ang

(Epiko ng Iloko

Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan,ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki.
Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta sa bundok upang parusahan ang
isang pangkat ng mga Igorot na kalaban nila. Sa kasamaang palad ay napatay ang ama niya. Pinugutan
ito ng ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat.
Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na mga Ilokano noon na tumulong sa
mga hilot kung manganganak ang maybahay nila, ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay
nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang
humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag.
Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroon ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang
pagkasilang. Sinabi ng ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip si Lam-ang
sa di-pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't ibang sandata at
mga anting-anting na makapagbibigay lakas sa kaniya at maaaring siyang hindi nakikita. Talagang
pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't
namahinga sandali. Naidlip siya at napanaginipan niya ang pugot na ulo ng ama na pinagpipistahan ng
mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan
ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-
anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang
Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa naipaghiganti
niya ang pagkamatay ng kanyang ama. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, pinaliguan siya ng ilang
babaeng kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang
mandirigma, pinaliliguan. Matapos na paliguan si Lam-ang, namatay ang mga isda at iba pang bagay na
may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan. Sa
kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y
pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso.
Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang,
kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang.

Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay
makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay
dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba.
Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag. Ang pag-ibig ni Lam-ang kay Ines ay
ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si
Lam-ang kung ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng
dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila ay ikinasal.
Dala nila ang lahat ng kailangan para sa marangal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang
ay sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang magasawa pagkatapos ng
kasal. Isa pa rin sa kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakailangang sumisid
sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat at
mapatay ng berkakan (isang uri ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay
ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang
aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto at nabuhay si Lam-ang. Sa
muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay
sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso.

You might also like