You are on page 1of 8

KULTURANG BADJAO

Taga ulat: Limuel C. Opena


Guro: Gng. Cherma Alvez
Ang mga Badjao ay matatagpuan sa Zamboanga at Sulu kung saan sila ay nakatira
sa ibabaw ng tubig sa baybaying dagat kaya naman binansagan silang Sea
Nomads o Sea Gypsies. Bukod dito, mahusay rin sila sa paglangoy kaya isa sa
mga pangunahin nilang kabuhayan ay ang laman dagat.
WIKA
Sinama ang tawag ng mga Badjao sa kanilang wika,  na diyalekto ng wikang Samal. Ang iba nama’y
Badjau, Badjaw, o Badjao ang tawag sa kanilang wika upang maiba sa salitang ginagamit ng
mga Samal na naninirahan sa lupa.  Ipinagpapalagay ng ilan na ang Badjao ay katulad ng maliit na
pangkat ng mga Samal laut (mga Samal na naninirahan sa dagat) o Samal tonqongan
(totoong Samal.)
Gayunpaman, itinuturing ni blumentritt(1892) na ang Samal Laut at Badjao ay dalawang magkaibang grupo.
Unang dumating ang mga Samal Laut bago ang mga Badjao at nanirahan sila sa kapuluan ng Samales na
matatagpuan sa pagitan ng Jolao at Basilan. Naiiba sila sa Samal de Lea o Samal Dea o Samal Lipid(mga Samal
na naninirahan sa lupa) o Samal ha Gimba( Samal sa Kagubatan) na Samal o Sama sa simpleng katawagan.
Tinatawag na Luwaan(tagalabas o itinakwil) ng mga Tausug ang mga Badjau at Palau (lumulutang na mga tao)
kung saan nagmula ang pangalan ng isla ng Palawan. Ang saliatang Palau ay ibang katawagan sa Paraw
(Bangka). Pinangangalanan din silang Kuto Dagat o Kuto Tahik ( mgakuto ng dagat) ng mga Tausug at Samal,
Gayunpaman, sinasabi ng mga Badjao na sila ay mga Samal o Sama (nimmo 1968)
• KULTURA
• Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata,Tapul,
Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos,Bajau,
Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika. Ang mga Badjao ay isang grupo ng mga taona
naninirahan sa kayamanan ng dagat gamit ang kaalamang nagpasalin-salin sa kanilang mga ninuno. Isang
ritwal ngdiumano'y pagtanggap sa lipi ng mga Badjao, ang pagtapon ng bagong panganak sa malamin na
dagat at muling pag-ahon ngmga nakatatandang mga lalaki sa sanggol. Magkaibang-magkaiba ang
kostumbre ng dalawang tribung kaagtas sa buhay. Angmga Tausog ay hambog, tila sila na ang nakaaangat
sa mga Badjao, sapagkat sila ay may paniniwala at tapang. Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura.
May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkatna nagmula sa Johore sa dakong timog ng
pinensulang Malaya.Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13
miyembro ang maaaringtumira sa bangkang-bahay. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay.
Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sapangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan
ay naghahabi ng mga banig na may iba’t-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid
ng perlas.Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin silasa
• Umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.
• Kung tutuusin, ang panglilimos ay hindi naman kaugalian ng mga Badjao, kinailangan lamang na gawin
nila ito upang mabuhay, hindi man kinasanayan ang buhay na wala sa gitna ng karagatan pinipilit na
gawing normal ang kanilang buhay. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pamumuhay malayo sa karagatan
panlilimos ang kanilang naging solusyon at naging pinakapangunahing ikabubuhay sa lungsod mairaos
lamang ang pangaraw-araw na pamumuhay.
• PANANAMIT
• Ang pananamit ng mga badjao ay makukukay at kaakit akit tignan. Ang tradisyonal na suot
mga lalaki ay may mga saplot sa kanilang ulo at may makukulay na damit. Sa mga babae
naman ay may mga perlas sila na kanilang gawa sa kanilang ulo na kanilang tinuturing
palamuti sa kanilang mga katawan. Makukulay din ang kanilang mga suot tulad ng mga sa
lalaki. May iba naman sa kanila na hindi nakasuot ng kanilang tradisyonal na pananamit.
TRADISYON AT PANINIWALA
PANINIWALA
• Una, naniniwala ang mga Badjao na ang pagkilala sa kanilang panginoon at pagkakaroon ng
karunungan ay ang pinakamabisang daan sa pagkakaroon ng magandang buhay sa hinarap. Sa
kanilang pagpapahalaga sa kanilangbpanginoong Mohammed, binibigyan nila ng karangalan
ang mga salip (pinagmulan ng panginoon) nito;
• Pangalawa, bawat simbahan sa kanilang lugar ay dapat na mayroong mosque official. Hindi
dapat na mawalan ng Imam, ang nangunguna sa pagdarasal, Bilal, ang tumatawag at
nagpapasimula ng pagdarasal, at Hatib, ang nagsasagawa ng pagbasa tuwing araw ng biyernes;
• Pangatlo, naniniwala sila na ang kanilang pinagmulan ay mga dugong bughaw kung kaya’t ang
kanilang mga kasuotan ay makukula;
• Pang-apat, ang mga espirito ng patay ay pinananatili sa isang libingan at tuwing panahon ng
Shaaban, ang mga kaluluwa ay pinapayagan ng kanilang panginoon na bumalik sa ating mundo.
Bilang pag-salubong, ang mga tao ay nililinis ang mga libingan at nagsasagawa ng pagdarasal;
• At pang-lima, naniniwala sila na ang mga patay ay kayang makipag-usap sa mga buhay sa
pamamagitan ng ritual ceremonies of celebration, worship, and exorcism.
TRADISYON
• Una, ang kasal ay tumatagal ng tatlong araw na sayawan, kainan, at pagsasaya na buong
bayan ay kasama;
• Pangalawa, ang pag-paplano ng kasal ay dapat na pagkatapos ng ikatlong dalaw ng babae.
Dapat din na mas matanda ng isang taon o higit pa ang lalaking mapapangasawa;
• Pangatlo, ang pagpapatuli ay hindi lamang para sa mga lalaki kung hindi para rin sa mga
babae;
• At pang-apat, ang Panday, babae o lalaking nag-gagamot, ay tinatawag para sa pag-
papaanak, pag-gagamot ng nalaglagang ina, pagbibigay ng gamot para sa pagpapalaglag, at
para sa pagtutuli sa mga babae.
TRADISYONAL NA PAGKAIN
• Ang tradisyonal na pagkain ng mga Badjao ay panggi at isda. Ang kanin ay inihahain
lamang sa hapag bilang panghimagas o ‘di kaya ay tuwing mayroong espesyal na okasyon.
Walang almusal, tanghalian, merienda, at gabihan sa mga Badjao. Kumakain sila kung
kailan nila gusto at kung kailan sila may pagkain.
TRADISYONAL NA SAYAW
• Ang ilan sa tradisyonal na sayaw ng nga Badjao ay:
• Limbai- sinasayaw para sa malugod na pagsalubong sa ikakasal at pamilya ng lalaki.
• Igal-igal- sa sayaw na ito, binibigyang pansin ang pagka-lambit ng galaw ng mga kamay at
pagka-sexy ng galaw ng baywang ng babae.
• Daling-daling- ang sayaw na ito ay nagmula sa Sulu ngunit itinuring na ring tradisyonal na
sayaw ng mga Badjao. Sa pagsayaw nito, dapat na sexy ang galawng babae.
Maraming Salamat sa Pakikinig!!!

You might also like