You are on page 1of 2

Ang “Bagobo” ay nagmula sa salitang “bago”(new) at “obo”(growth).

Ito ay isang tribo na kung saan ang


pinagmulan ay nag-ugat sa mga taong nagdala ng Hinduismo sa Mindanao sa panahon ng pananakop ng
Imperyong Sri Vijayan at Majapahit. Ang mga dayuhang ito ay nakihalubilo sa mga taong dati nang
nakatira roon hanggang sa sila'y makabuo ng isang panibagong lipunan. At, sila nga'y tinawag na Bagobo
na sa madaling sabi ay nangangahulugang pagsibol ng bagong lipunan.

...Katangian...

Ang mga Bagobo ay may malalapad na mukha, kayumangging balat, at itim na buhok na may pagkakulot.
Ang kanilang mga mata ay malaki ng konti at ang kanilang kilay ay manipis ang pagkakaahit. Ang
karaniwang taas ng mga lalaking Bagobo ay 5'3” habang ang mga babae naman ay 5'0”.

...Ang mga Bagobo...


Ang mga Bagobo noon ay nahahati sa dalawang grupo ayon sa lugar ng kanilang tinitirhan at sa maliliit
na pagkakaiba sa kultura. May mga makikita sa bundok at mayroon ding malapit sa baybaying-dagat.
Ngunit nang naimpluwensyahan ang mga nakatira sa baybaying-dagat ng Kristiyanismo, plantasyon, at
mga Bisayang nakatira rin sa baybaying-dagat, nagtungo sila sa mga bundok na kung saan nakatira ang
ibang mga Bagobo, at doon sila nanirahan hanggang sa naging isa na lamang sila. Ang pangunahing
pinagkukunan nila ng kabuhayan ay ang pagsasaka tulad ng palay, kamote, at iba pa. Kumukuha rin sila
ng pagkain mula sa pangingisda at pangangaso. Ang mga Bagobo ay itinuturing na pinakamakulay na tao
sa Pilipinas dahil sa kanilang kasuotan na karaniwang gawa sa abaka na dinisenyuhan ng mga makukulay
na tela at mga beads. Gumagawa din sila ng mga bagay na gawa sa metal tulad ng brass, bronze at iron.
Ang mga Bagobo ay kilala sa kanilang maliliit na mga bells na nakakabit sa kanilang kasuotan. Naniniwala
sila sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa kalangitan, at mga Diyos at Diyosa o mga Diwata
na may kapangyarihang magbigay ng mga kaparusahan at kamatayan sa mga taong nagkasala. Kilala rin
sila sa kanilang mga epikong tula na tinatawag na tuwaang.

Ang mga Bagobo ang sinasabing unang nakatagpo sa mga KAstila pero bigo ang mga Kastila na sakupin
ang mga Bagobo. Naninirahan sila sa Davao at kilala sila sa kulay mais na buhok na inilalagay sa kanilang
ulo.Tunay nga namang maipagmamalaki ang mga Bagobo dahil sa kabila ng kahirapang dinaranas nila
kung ikukumpara sa iba, marami pa rin sa kanila ang kontento na sa kung anong mayroon sila at sa kung
ano sila ngayon. Mga Bagobo, tunay ngang mga Pilipino!!!

SANGGUNIAN :

McFarland, C. (1983). A Linguistic Atlas of the Philippines. Linguistic Society of the Philippines.

You might also like