You are on page 1of 56

ARALING

PANLIPUNAN
IKASIYAM NA LINGGO
JAY CRIS S. MIGUEL
Teacher I
NILALAMAN NG POWERPOINT
PRESENTATION NA ITO

Wika, Sistema ng
Pagsulat, at
Edukasyon

Musika at Sayaw

Panitikan

Sining at Agham

Panahanan ng mga
Sinaunang Pilipino
2
KULTURA NG
MGA
SINAUNANG
PILIPINO
3
“Kultura” ang tawag
sa paraan ng
pamumuhay ng tao.
4
MUSIKA AT SAYAW
IKALAWANG ARAW

5
“Maglakbay-
diwa Tayo”
6
Sa pamumuhay ng ating mga ninuno,
may ginampanang importanteng
papel ang mga awit, sayaw, at
kuwentong-bayan. May mga awit at
sayaw sila para sa lahat ng okasyon—
pagdadalamhati sa namatay,
pagdiriwang sa kapanganakan,
pagtataboy sa masasamang espiritu,
at marami pang iba.
7
Sa araling ito, matututuhan
mong pahalagahan ang
kanilang mayamang kultura
sa pamamagitan ng pag-
aaral ng ilang halimbawa ng
kanilang mga awit, sayaw, at
kuwentong-bayan
8
Noon pa mang unang
panahon, bahagi na ng buhay
ng Pilipino ang musika.
Mahusay silang tumugtog ng
instrumentong etniko.
9
Ang mga katutubo nating
awitin ay nagpapahayag ng
iba’t ibang pangyayari sa
buhay tulad ng pag-iibigan at
pagkamatay.
10
Isinaliw din nila ang musika
sa kanilang pagsasayaw at
iba pang gawain tulad ng
pagsasaka at pag-aani.
11
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG MGA
INSTRUMENTO SA PAGLIKHA NG MUSIKA NG MGA NINUNO
NATING PILIPINO:

◍ Gangsa-isang uri ng tansong gong na


ginagamit pa rin ng mga katutubong
taga-Cordillera
◍ Kaleleng-instrumento ng mga taga-
Bontok na pinatutunog gamit ang ilong
◍ Tambuli-instrumento ng mga Tagalog
na yari sa sungay ng kalabaw
12
Gangsa ng mga taga-Cordillera

13
Kaleleng ng mga taga-Bontok

14
Tambuli ng mga Tagalog

15
Nasa susunod na slide ang
ilan pa sa mga instrumentong
pangmusika na ginamit ng
mga ninuno natin kasama
ang kanilang kahulugan at
paglalarawan.
16
kulintang set ng mga gong

kulibet gitarang kawayan

kubing alpang kawayan

panangkulang maliit na kampanang nakasabit


sa kanilang kasuotan

tonggatong 17
set ng mga tubong kawayan na
may iba’t ibang haba o sukat
Mayroon din silang awit
at sayaw para sa iba’t
ibang pagdiriwang at
gawain.
18
Sa pamamagitan ng
“dallot”- isang mahabang
berso na binibigkas ng
paawit- hinarana ng mga
sinaunang Ilocano ang
kanilang iniirog.
19
Katumbas ng “dallot”
ang “ayeg-klu” ng mga
Igorot.
20
Nilapatan din nila ng
himig ang ilan nilang
kuwento at epiko.
21
May awitin din sila para
sa tagumpay sa digmaan,
pagkakasal, pagluluksa,
pagsamba sa mga diyos,
at mga larong pambata.
22
Ang “Dandannag” ay isang
magandang katutubong awitin ng
mga Kalinga. Ito ay inaawit nang
padasal ng mang-aawit upang
magbigay papuri sa kanyang
yumaong lola. Inaawit ito nang
hindi sinasaliwan ng anumang
instrumento.
23
Mayaman din sa
katutubong sayaw ang
mga sinaunang Pilipino.

24
Para sa mga taga-hilaga ng Pilipinas, ang
sayaw ay laging nagpapahayag ng buhay—
komunidad na nagpapakita ng iba’t ibang
ritwal at seremonya. Sumasayaw sila para
sa katahimikan ng kanilang mga ninuno,
para paghandaan ang digmaan, luksang-
parangal sa kanilang mga namatay,
pagalingin ang mga maysakit, pagtitipun-
tipon at pagtiyak na magkakaroon ng
masaganang ani.
25
Para sa mga etnikong minorya sa
Mindanao, ang sayaw ay saligang
bahagi ng buhay, na pangunahing
isinasagawa “para sa mga diyos.”
Ang mga sayaw ay nakaugnay sa
mga seremonya, ritwal, pag-aalay,
at buhay.
26
Tingnan ang sumusunod
na paglalarawan sa mga
susunod na slides ng ilan sa
kanilang mga sayaw.
27
Binaylan
(bihn-EYE-lahn)
Nagmula ang sayaw na ito sa tribong Bagobo
ng Mindanao. Ginagaya nito ang galaw ng
manok, ng kanyang mga banog o sisiw, at ng
isang lawin. Pinaniniwalaang sagrado ang
lawin at may kapangyarihang mangalaga ng
kapakanan ng tribo. Sa sayaw, sinusubukang
manila o manghuli ng sisiw ang lawin pero
napatay ito ng mga mangangaso.
28
Blit B’laan
(bliht-bih-LAH-ahn)
Ito’y sayaw ng pagliligawan ng mga B’laan,
ginagaya ang mga ibon sa gubat. Namataan
ng dalawang lalaking ibon ang tatlong
babaeng ibon. Itinatago ng mga babaeng ibon
ang kanilang mga ulo sa ilalim ng kanilang
mga pakpak (malong ang kunwa’y pakpak ng
mga sumasayaw), at sinusundan-sundan ng
mga lalaki ang mga babae kahit saan sila
pumunta.
29
Kadal Tabaw
(KAH-dahl-TAH-bahw)
Ito’y sayaw ng mga ibon na
ginagawa ng mga T’boli sa
panahon ng taniman at anihan.
Dito’y sinusubok na gayahin ng mga
sumasayaw ang galaw ng ibong
tabaw.
30
Pagdiwata
(pahg-dee-WAH-ta)
Ito’y sayaw ng mga Tagbanua
ng Palawan. Ginagawa ito para
ipakita ang pasasalamat sa
magandang ani at para humingi
ng proteksiyon at pabor sa mga
diyos.
31
Tumahik
(TOOH-mah-hihk)
Sa sayaw ng kunwari’y digmaan,
nagsasanay sa paglaban ang
kalalakihan ng tribong Yakan ng
Pulong Basilan. Sila’y nagsisirku-
sirko, naglalakad nang paluhod at
sumisipa nang paitaas.
32
Naging pangunahing
inspirasyon ng ating mga
ninuno ang kalikasan,
tulad ng mga kilos ng
hayop, sa paggawa ng
mga sayaw.
33
Halimbawa nito ay ang
“Tinikling” na hango sa
galaw ng ibong tikling.

34
35
May mga sayaw rin sila na
bahagi ng ritwal tulad ng
“Pagdiwata”, isang sayaw ng
pasasalamat para sa
magandang ani ng mga
Tagbanwa sa Palawan
36
37
Marami rin sa mga sayaw
ang may kinalaman sa mga
gawaing pangkabuhayan ng
mga sinaunang Pilipino.
38
Halimbawa nito ay ang sayaw
ng “Pagtatanim at Paggapas” ng
mga magsasaka sa Katagalugan
at “Pamulad Isda” o sayaw ng
pagpapatuyo ng isda ng mga
taga-Negros.
39
Isa pang halimbawa ng
sinaunang sayaw ay ang
“Salidsid” o sayaw sa
panliligaw ng mga
Kalinga
40
41
Ang “Bangibang” naman
ay isang sayaw para sa
paglilibing ng yumaong
nakaranas ng marahas na
kamatayan ng mga Ifugao
42
Ipinapakita ng tsart sa
susunod na slide ang ilan
pang iba’t ibang katutubong
awit at sayaw ng ating mga
ninuno kasama ang
paglalarawan sa mga ito.
43
44
Ang ating kahanga-hangang kasaysayan
ay nasasalamin sa ating mga katutubong
awit at sayaw. Sa pamamagitan ng mga
ito’y makikita natin ang pamumuhay ng
mga tribong etniko at sinaunang mga
Pilipino. Dahil nauunawaan at
pinapahalagahan natin ang mga ito,
magiging daan ito para maipagmalaki
natin ang pamana ng ating kultura.
45
MGA TANONG
46
1. Ano ang iyong
masasabi sa mga sayaw
at awit ng ating mga
ninunong Pilipino?

47
2. Sa palagay mo ba’y
ginagawa pa rin ng ating
mga kapatid na Pilipino
ang mga katutubong
sayaw at awit? Bakit?
48
3. Makabubuti ba o
makasasama kung hindi
natin gagawin ang ating
mga katutubong sayaw?
Bakit?
49
4. Paano mo
mapahahalagahan ang
mga katutubong awit at
sayaw?

50
GAWAIN
51
PANUTO
Paano mo ilalarawan ang
musika at sayaw noon at
ngayon? Punan mo ng wastong
sagot ang grapikong
presentasyon sa susunod na
slide. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
52
Musika at Sayaw Noon

53

MARAMING SALAMAT!
#ParaSaBata
#ParaSaBayan
migueljaycris119@gmail.com

54

Para sa inyong mga komento at
mungkahi, mangyari lamang na
magpadala ng mensahe sa aking
Facebook account:

Jay Cris Miguel


55
CREDITS
Special thanks to all the people who made and released these awesome resources for free:
◍ Presentation template by SlidesCarnival
◍ Top 10 Languages in the Philippines by Lyza R. Sabornido (October 12,2015) (Blog)
◍ Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Edukasyon ng mga Unang Pilipino, Naiiba Ba?
(Module)
◍ MISOSA Ang Magandang Daigdig ng Ating mga Katutubong Kapatid (Module)
◍ MISOSA IV Kultura ng mga Sinaunang Pilipino (Module)
◍ Panitikang Pilipino ni Rhea A. Estefanio (Blog)
◍ Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa (Batayang Aklat)
◍ Makabayan: Kasaysayang Pilipino (Batayang Aklat)
◍ www.rexinteractive.com (website)
◍ www.digilearn.com (website)
◍ UGAT NG LAHI Handog nina Asis, Bueno, Dolorito, Foronda, Meer, at Talaguit (Video mula sa Youtube)
56

You might also like