You are on page 1of 89

ARALING

PANLIPUNAN
IKASIYAM NA LINGGO
JAY CRIS S. MIGUEL
Teacher I
NILALAMAN NG POWERPOINT
PRESENTATION NA ITO

Wika, Sistema ng
Pagsulat, at
Edukasyon

Musika at Sayaw

Panitikan

Sining at Agham

Panahanan ng mga
Sinaunang Pilipino
2
KULTURA NG
MGA
SINAUNANG
PILIPINO
3
“Kultura” ang tawag
sa paraan ng
pamumuhay ng tao.
4
PANITIKAN NG MGA SINAUNANG
PILIPINO
IKATLONG ARAW

5
May dalawang anyo
ng panitikan ang mga
sinaunang Pilipino-
pasalita at pasulat.
6
Halimbawa ng pasulat at pasalitang
panitikan noon ay ang mga sabi,
alamat, kuwentong bayan, epiko,
awiting bayan, salawikain,
sawikain, parabula, bugtong,
suliranin at indulanin (uri ng
awiting kalye), talindaw (awit sa
bangka), uyayi at hele, at tigpasin
(awit ng pagsasagwan)
7
Ang alamat ay isang uri
ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa
pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig.
8
Ang kuwentong
bayan ay salaysay
hinggil sa mga likhang-
isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga
uri ng mamamayan.
9
Ang epiko ay tumatalakay sa
mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway
na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-
paniwala.
10
Halimbawa ng epiko ay ang mga:
1. Bidasari (Moro)
2. Biag ni Lam-ang (Iloko)
3. Maragtas (Bisaya)
4. Haraya (Bisaya)
5. Lagda (Bisaya)
6. Kumintang (Tagalog)
11
Ang awiting bayan ay
mga awit ng mga
Pilipinong ninuno at
hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin
ng ilan.
12
Halimbawa ng awiting bayan
ay ang:
1. Leron Leron Sinta
2. Bahay Kubo
3. Paruparong Bukid
4. Atin Cu Pung Singsing
13
Ang sawikain ay
maaaring tumutukoy
sa: idyoma, moto, o
salawikain.
14
Ang idyoma ay isang
pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi
komposisyunal.
15
Ang moto ay parirala
na nagpapahiwatig ng
sentimiento ng isang
grupo ng mga tao.
16
Ang salawikain ay mga
kasabihan o kawikaan na
karaniwang naghahayag
ng mga gintong aral.
17
Ang parabula ay isang
maikling kuwentong may
aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
18
Ang bugtong ay isang
maikling tulang
karaniwang naglalarawan
ng isang bagay na siyang
pahuhulaan.
19
Ginamit din ng mga sinaunang
Pilipino ang panitikan upang
maipaliwanag kung paano
nilalang ang daigdig at tao, at
upang maisalaysay ang
kabayanihan ng mga
pambihirang tao at diyos.
20
Iba pang halimbawa ng
pasulat na panitikan noong
sinaunang panahon ang
“Darangan” ng mga
Maranao at “Ibalon” ng
mga Bicolano.
21
Ang “Darangan” ng mga
Maranao ay kinilala ng
UNESCO bilang
“masterpiece of the oral
and intangible heritage of
humanity” noong 2005.
22
Itinuturing din itong
pinakamahabang
naisatitik na tradisyong
pagbigkas ng Pilipinas.
23
Nakatala naman sa
“tarsila” ang salaysay ng
pinagmulan at
pinagnunuan ng mga taga-
Sulu at Maguindanao.
24

Dagdag
Kaalaman
25
Nakakapanood tayo sa TV at
nakakabasa sa komiks ng
mga superbayani tulad nina
Batman, Superman, Ninja
Turtle, X-Men, atbp. Mula sa
ibang bansa ang mga
tauhang ito sa TV at komiks.
26
Pero alam ba ninyong hindi na ninyo
kailangang lumayo pa para makakita ng
mga superbayani? May sarili tayong
mga superbayani tulad nina Tuwaang,
Aligaynon, Bantugen, atbp. Sino-sino
ang mga tauhang ito? Sila ang
matatapang, magigiting, at
matatalinong tauhan ng mga
kuwentong-bayan ng ating mga ninuno.
27
Basahin at alamin natin
ang tungkol sa kanilang
makukulay at
interesanteng
pakikipagsapalaran.
28
Si Aligaynon
Si Aligaynon ang
bayani sa kuwentong-
bayang Hudhod ng mga
Ifugao. Sanay na sanay
siya sa pagsalo ng mga
sibat.
29
Si Aligaynon
Lumaban siya sa isa sa
pinakamatatapang na
mandirigma sa komunidad ng
Daigdigan, na nagngangalang
Pumbakhayon.
30
Si Aligaynon
Nagtagal ang alitan
nila ng isa’t kalahating
taon hanggang sa
magkasundo sila.
31
Si Aligaynon
Uminom sila ng alak at pagkatapos ay
iniuwi ni Aligaynon ang kapatid na
babae ni Pumbakhayon na si Bugan
para maging asawa. Napangasawa
naman ni Pumbakhayon si Agiraya,ang
kapatid na babae ni Aligaynon.
32
Si Bantugen
Si Bantugen ang
bayani sa
kuwentong-bayan ng
mga Maranao at
Maguindanao, ang
epikong “Darangen.”
33
Si Bantugen
Sa kuwento, napatay
siya pero muli siyang
binuhay ng mga espiritu
(tonong).
34
Si Bantugen
Nilabanan niya ang kanyang
mga kaaway at lagi siyang
nagtatagumpay sa labanan
dahil sa kanyang
mahiwagang kalasag.
35
Si Bantugen
Nakakalipad din siya,
gamit na sasakyan ang
kanyang kalasag.
36
Si Banna
Si Banna ang
bayani ng
kuwentongbayan ng
mga Kalinga, sa
epikong “Ulalim.”
37
Si Banna

Umiibig si Banna sa
dalagang nagngangalang
Laggunawa.
38
Si Banna
Nang sagutin siya ng kanyang
minamahal, pumunta siya sa
Gowa kasama ang kanyang
mga kaibigan, para magputol
ng kawayan.
39
Si Banna
Nauna pa’y binigyan na siya
ng babala ng kanyang ama na
ang mga kawayan ay may
engkanto. Pero hindi siya
nakinig sa kanyang ama.
40
Si Banna
Nang nagpuputol siya ng
kawayan, nagsimulang dumugo ang
kawayan. Natilamsikan si Banna ng
dugong nagmula sa kawayan at
unti-unti siyang naging ahas.
41
Si Banna
Nagulat ang mga taumbaryo,lalo na
si Laggunawa, sa nakitang itsura ni
Banna. Pero kinalaunan, natutuhan
na siyang tanggapin ng mga tao.
42
Si Banna
Sa kabila nito, naging malungkutin
si Banna. Isang gabi, lumayas siya.
Habang naglalakbay, nakakita siya
ng taong nakakaakyat sa puno,
nangunguha ng bunga ng nganga.
43
Si Banna
Dungdungan ang
pangalan niya.
Ngumunguya ng nganga
noon si Dungdungan.
44
Si Banna

Nang makita ang ahas (si


Banna), natakot siya at
dinuraan niya ang ahas
45
Si Banna

Ang ahas, ang


naengkantong si Banna,
ay naging taong muli.
46
Si Banna
Magkasamang umuwi sa
baryo si Banna at si
Dungdungan at pinakasalan
ni Banna si Laggunawa.
47
Si Indarapatra
Si Raja Indarapatra
ng mga Maranao at
Maguindanao ay
napakatalino at
napakatapang na
bayani.
48
Si Indarapatra

Tinuruan niya ang mga


kababayan niya ng iba’t ibang
klase ng pamumuhay.
49
Si Indarapatra
Minsan, ang kanyang kapatid
na si Sulayman ay
nakipaglaban sa mga kakila-
kilabot na Halimaw.
50
Si Indarapatra
Napatay sa labanan si
Sulayman. Ipinaghiganti siya ni
Indarapatra at nilabanan ang
halimaw, gamit ang kanyang
espada (juru pakal)
51
Si Indarapatra
Pagkatapos, binuhay niya ang
kanyang kapatid sa pamamagitan
ng pagbuhos ng tubig mula sa langit
sa mga nakakalat na buto ni
Sulayman. Masayang nagsamang
muli ang magkapatid.
52
Si Tuwaang
Si Tuwaang ang
bayani ng
kuwentong-
bayan ng mga
Manobo.
53
Si Tuwaang

Mayroon siyang
kapangyarihan ng
kababalaghan.
54
Si Tuwaang
Hindi lamang siya isang
napakalakas na mandirigma
kundi isa ring makatwirang
lider ng kanyang mga
nasasakupan.
55
Si Tuwaang

Mahusay din siyang


panday.
56
Si Tuwaang
Isang araw, habang
nagpapahinga siya, umihip ang
hangin at sinabi sa kanyang
may kakaibang babaeng
dumating sa bahay ni Batooy.
57
Si Tuwaang
Sinabi sa kanya na
napakaganda ng babae at
wala siyang gustong
makausap kundi siya.
58
Si Tuwaang
Nagtataka si Tuwaang kung
sino ang babae kaya’t
nagbihis siya at nagdala ng
armas, isang sibat, kalasag,
at punyal.
59
Si Tuwaang
Tinawag niya ang
kidlat para dalhin siya
sa lupain ng
Pinanggayungan.
60
Si Tuwaang
Sa bandang gabi nang araw
ding iyon, nagpahinga siya.
Nang magising siya, lumitaw
ang dalaga at nagkuwento sa
kanya.
61
Si Tuwaang
Hindi pa tapos ang dalaga sa
pagkukuwento nang biglang
lumitaw ang napakalaking
lalaking mukhang
makapangyarihan.
62
Si Tuwaang
Sinimulan niyang buhatin
ang mga bahay na naaabot
niya at pinatay ang mga tao
sa paligid.
63
Si Tuwaang
Pagkatapos, hinarap niya si
Tuwaang. Walang kaabug-
abog na hinampas niya nang
paulit-ulit si Tuwaang pero
hindi nasaktan si Tuwaang.
64
Si Tuwaang
Pagkatapos, tinawag ng
higante ang kanyang patung,
isang mahiwagang baras ng
bakal at iniutos na puluputan
si Tuwaang.
65
Si Tuwaang
Nakulong sa baras na bakal si
Tuwaang.Pero nang itaas ni
Tuwaang ang kanyang
kanang kamay, natanggal
ang baras ng bakal.
66
Si Tuwaang
Tinawag ni Tuwaang ang
kanyang patung, isang bola
ng sinulid na ginto at
iniutos niya dito na puluputan
ang higante.
67
Si Tuwaang
Pagkatapos, sumunod na
tinawag niya ang hangin
para paypayan ang bola ng
sinulid na ginto at bigla itong
nag-apoy.
68
Si Tuwaang

At doo’y nasunog ang


higante hanggang sa
mamatay.
69
Bakit kailangan nating
malaman ang panitikan
ng ating mga ninunong
Pilipino?
70
Upang makilala ang
kalinangang Pilipino,
malaman ang ating
minanang yaman ng
kaisipan, at taglay na
katalinuhan ng lahing
ating pinagmulan.
71
Upang malaman ang
ating mga kagalingan sa
pagsulat at
mapagsikapang ito ay
mapagbuti at
mapaunlad.
72
Bilang mga Pilipinong
mapagmahal at
mapagmalasakit sa ating
sariling kultura ay dapat
nating pag-aralan ang ating
panitikan. Tayo, higit kanino
man ang dapat magpahalaga
sa sariling atin.
73
GAWAIN
74
PANUTO
Kumpletuhin ang bawat
pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

75
1. Si Tuwaang ang
bayani ng
kuwentong-bayan
ng ______.
76
2. Si_____ang
bayani ng mga
Kalinga.
77
3. Si_______ ay
nakipaglaban sa
pinakamatapang na
mandirigma sa komunidad
ng Daigdigan.
78
4. Ginamit ni Bantugen ang
kanyang _______sa
pakikipaglaban sa
kanyang mga kaaway.
79
5. Tinalo ni Raja
Indarapatra ang mga
halimaw gamit ang
kanyang
espadang_______.
80
PAGSANAYAN MO
Subuking sagutin ang
mga sumusunod na
bugtong. Isulat sa
kuwaderno ang sagot.
81
Bugtong bugtong
kalibugtong
Yaring kawayan kugon
ang bubong
(bahay-kubo)
82
Hindi salakot, hindi
sumbrero
Kakapiraso nakapatong
sa ulo
(putong)
83
Kubli, kubli nandyan na
ang hari
Hukom at pinuno,
katawa’y matipuno
(Datu)
84
Hindi sa papel, hindi sa
kahoy ipininta
Parte ng kasuotan kung
ito’y makita
(tatu)
85
Sakbit-sakbit, dala-
dala
Kahit saan sila
pumunta.
(itak at pana)
86

MARAMING SALAMAT!
#ParaSaBata
#ParaSaBayan
migueljaycris119@gmail.com

87

Para sa inyong mga komento at
mungkahi, mangyari lamang na
magpadala ng mensahe sa aking
Facebook account:

Jay Cris Miguel


88
CREDITS
Special thanks to all the people who made and released these awesome resources for free:
◍ Presentation template by SlidesCarnival
◍ Top 10 Languages in the Philippines by Lyza R. Sabornido (October 12,2015) (Blog)
◍ Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Edukasyon ng mga Unang Pilipino, Naiiba Ba?
(Module)
◍ MISOSA Ang Magandang Daigdig ng Ating mga Katutubong Kapatid (Module)
◍ MISOSA IV Kultura ng mga Sinaunang Pilipino (Module)
◍ Panitikang Pilipino ni Rhea A. Estefanio (Blog)
◍ Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa (Batayang Aklat)
◍ Makabayan: Kasaysayang Pilipino (Batayang Aklat)
◍ www.rexinteractive.com (website)
◍ www.digilearn.com (website)
◍ UGAT NG LAHI Handog nina Asis, Bueno, Dolorito, Foronda, Meer, at Talaguit (Video mula sa Youtube)
89

You might also like