You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 8
Panitikang Katutubo: Epiko, Sanhi at Bunga

Unang Kuwarter - Modyul 3

Mary Ann O. Wijetunge

Manunulat

Mary Ann O. Wijetunge

Tagasuri

Dr. John Albert B. Colle

Quality Assurance Chair

Schools Division Office – Muntinlupa City

Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Bago pa man dumating ang mga mayroon na tayong panitikan. Kasama ang
mga ito sa itinuturing na kabang-bayan ng karunungan ng ating bansa. Ang Epiko
ay isa sa mga karunungang-bayan kinagiliwan sa panahon ng mga katutubo. Sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga Epiko, nalalaman natin ang mga kabayanihan
at pakikipagsapalran ng mga pangunahing tauhan.
Sa pagtalakay sa modyul na ito ikaw ay inaasahanag;

1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng

napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at
mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F8PN-Ig-h-22)
2. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:
paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda at dating kaalaman
kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)

Panuto: Tukuyin kung sinong mga natatanging nilalang ang inilalarawan.

Piliin ang sagot sa mga pangalang nakatala mula sa loob ng kahon.

A. Darna

B. Panday

C. Lastikman
D. Supertwins
E. Captain Barbell

1. Ang kanyang kapangyarihan ay nanggagaling sa isang mahabang espada.

2. Siya ay isang magandang dalagang ang kapangyarihan ay nagmumula sa
isang bato.

3. Siya ay isang nilalang na humahaba ang katawan kung kaya’t madali

niyang nahuhuli ang kanyang mga kalaban.
4. Siya ay isang simpleng lalaking kapag kailangang makipaglaban ay
kaagad binubuhat ang kanyang barbell upang doon manggaling ang
kanyang kapangyarihan.
5. Sila ay dalawang magkapatid na ang kapangyarihan ay nanggagaling
sa isang singsing.

2
Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang mga karunungang-bayan
kung saan ang Alamat ay itinuturing na isa sa mga uri nito at ang Pang-abay na
Panlunan at Pang-abay na Pamanahon.
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong. Piliin ang titk ng wastong
sagot.
1. Ito ay akdang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar o katawagan.
A. Alamat B. Epiko C. Kuwentong-bayan D. Salawikain
2. Kuwentong tumatalakay sa pagkawala ng anak na tamad at laging nagdadabog
kapag inuutusan ng inang maysakit.
A. Alamat ng Bayabas C. Alamat ng Saging
B. Alamat ng Pinya D. Alamat ng Ube
3. Sa bahaging ito nalalaman kung sino ang mga tauhan sa kwento.
A. Simula B. Papataas na pangyayari C. Kasukdulan D. Wakas

4. Pang-abay na tumutukoy kung saan naganap ang kilos na isinasaad.

A. Pang-abay na Pamaraan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Panggaano
5. Pang-abay na tumutukoy kung kalian naganap ang kilos na isinasaad sa
kuwento.
A. Pang-abay na Pamaraan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Panggaano

Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko

Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng tungkol sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala.

3
Ito ay isang kuwento na punom-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat
pangkat ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Ang salitang epiko ay nagmula sa salitang Griyegong “EPOS” na nangangahulugang
salawikain o awit. Isa itong mahalagamg salaysay na anyong patula na maaaring awitin
o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga
o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa
sa pamamagitan ng mga nakapaloob na paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan.
May nagsasabing ang epiko raw ay hango sa pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang
manunulat ng mga Espanyol sa kanilang kapanahunan dahil sa kanyang likas na
pagiging malikhain at matalino.
Ang epiko ay mahabang salaysay, ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula.
Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang
kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga
sinaunang mamamayan ng isang bayan.
Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga
mananaliksik bawat pangkat sa Pilipinas ay pinaniniwalaang may kani-kanilang epiko.
Ang mga Iloko ay kilala sa kanilang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang). Ito
ay isinulat ni Pedro Bukaneg. Sa Bicol ay tanyag ang Ibalon na ang orihinal na sipi ay
nakasulat sa Bicolano gayundin ang epikong Handiong. Sa Visayas nagmula ang epikong
Maragtas at sa Mindanao naman ang epikong Daragan. Nakapaloob sa Daragan ang mga
kilalang epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Samantalang
ang mga kapatid natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular sa Ifugao ay
may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging
aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura.
Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng
mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin
sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.

Basahin ang isang halimbawa ng epiko.

SI TUWAANG AT ANG DALAGA NG BUHONG NA LANGIT
Sa kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag
niya ang kanyang kapatid na si Bai.
Lumapit si Bai at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng
nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapupunta siya sa
kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit
hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga
kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang, Kinakabahan si Bai
sa maaaring masamang mangyari kay Tuwaang. Ngunit hindi siya pinakinggan ng binata
at agad-agad na naghanda upang tumulak na papunta sa kaharian ni Batooy.

4
Pagkarating doon ay kaagad siyang nagtungo sa bahay ng binata ng Pangavukad
at sinamahan siya nito sa kanyang paglalakbay.
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang
nagbalita sa kanya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni
Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala nila ang isa’t isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit, tumakas siya at nagtatago mula
sa binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo, abot ang mga ulap.
Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok nito.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga
saanman siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayang pinagtataguan ng dalaga, kaya
naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ng dalaga kay Tuwaang, biglang dumating ang binata ng
Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ng Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga
sandata. Ngunit magkasinlakas ang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata.
Tinawag ng binata ng Pangumanon
Ang kanyang Patung, isang mahabang bakal. Ito’y kanyang ibinato at pumulupot
kay Tuwaang. Nagliyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at
namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata.
Nagliyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga
namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kanyang bayan
sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang paniginip na darating si
Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa
paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Nagpatuloy sila sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang binata ng
Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang binata ng Liwanon, ang binata na
Pagsikat ng Araw at ang binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang
tagasunod. Nakiusap ang binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga
hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang
dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak
ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na
inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal sa babaeng ikakasal, hanggang may
naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang binata ng Sakadna na hindi niya
kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha
ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi
(o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang dalaga ng Monawon, ang
dalagang ikakasal ay nagbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan
ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang binata
ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan,
samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang
natira. Nakipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay
si Tuwaang at ang binata ng Sakadna.

5
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita
niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang
binata at itinapon naman si Tuwang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang
tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya
roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto
ng binat na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang.
PAGLINANG NG TALASALITAAN:
Bigyan ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda at gamitin sa pangungusap.

Salita Kahulugan Pangungusap

Patung

Sinaunang gong

Gintong salumpuwet

Nganga

Gintong bansi

Pagkilala sa pangunahing tauhan: Batay sa mga detalye at pangyayaring nakapaloob sa

epiko, bumuo ka ng CHARACTER PROFILE ng pangunahing tauhan.
Pangalan: _______________________________________________________
Edad: ___________________________________________________________
Tirahan: _________________________________________________________
Hilig: ____________________________________________________________
Katangian: ________________________________________________________
Kakayahan: _______________________________________________________
Pangarap: ________________________________________________________
Misyon: __________________________________________________________

ALAM MO BA NA ………
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita sa maayos
na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap. Mahalaga rin sa
pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang higit itong
maging malinaw sa lahat. Kagaya ng pagpapahayag ng Sanhi at Bunga, may mga
hudyat ng ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.

• Hudyat ng pagpapahayag ng sanhi at bunga

-sapagkat/pagkat
-dahil/dahilan sa
-palibhasa, at kasi
-naging….

6
• Hudyat ng pagpapahayag ng bunga o resulta
- kaya/kaya naman
-kung kaya
-bunga nito

A. Kilalanin ang mga hudyat ng sanhi at bungang ginamit sa

pangungusap. Salungguhitan ang mga hudyat ng sanhi at bungang
ginamit sa pangungusap. Bilugan ang sanhi at ikahon ang bunga.
1. Minahal nang husto ni Adlaw si Bulan kaya’t pinakasalan niya ito.
2. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t biniyayaan
sila ng maraming anak.
3. Naging mabigat para kay Adlaw ang pagkakaroon ng maring anak
kaya naman naisip niyang patayin ang mga ito.
4. Sapagkat ina ay hindi naatim ni Bulang pumayag sa naging pasiya
ng asawa.
5. Nagkaroon tuloy ng buwas at bituin sa gabi nang magkahiwalay
sina Adlaw at Bulan.
6. Sapagkat namatay ang kanyang ama ang nakatatandang prinsipe
ay naging hari.
7. Si Prinsipe Bantugan ay malakas at matapang kaya naman kaya
niya tayong protektahan.
8. Nararapat lamang na siya ang maging bagong hari sapagkat
napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno.
9. Siya ang pinakamatapang na sundalo kung kaya’t
pinamumunuan niya ang kanyang hukbo.
10. Nabuhay na muli si Bantugan kaya nagkaroon ng pagdiriwang.
B. Gumamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
buhay ni Tuwaang.
1. Sapagkat si Tuwaang ay_______________________________________
_______________________________________________________________.
2. Dahil dito ang dalaga ng buhong na langit
ay______________________________________________________________
_______________________________________________________________.
3. Dahil dito ang buong kaharian ay_______________________________
________________________________________________________________
4. Sapagkat ang binata ay nagtungo sa ilalim ______________________
________________________________________________________________
5. Nagalit ang binata dahil_________________________________________
_______________________________________________________________.

7
Tandaan na ang epiko ay pagsasalaysay ng mga pangyayari kung saan
nagpapakita ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. Ito ay
kadalasang kapupulutan ng magandang aral kung saan nag-iiwan ng mahalagang
kaisipan sa mga mambabasa. Ipinakikita rito ang mahalagang katangiang dapat
taglayin ng isang tao at ipinagmamalaking kultura ng isang rehiyon. Nakapaloob
ditto ang mga katangiang ipinagmamalaki ng mga mamamayan sa isang
espisipikong lugar o tribu.
Epiko-dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas. Ito ay mahabang tulang
pasalaysay tungkol sa kabayanihan na pangunahing tauhan. Nagtataglay din ito
ng mga di-kapani-paniwalang pangyayari.
Mga tanda ng Epiko:

1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling

tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
5. Patuloy na pakikipagdigma ng bayani.
6. Mamamagitan ang isang bathal upang matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
8. Ang pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
11. Pag-aasawa ng bayani
-Pansinin na nakapokus ito sa tatlong punto: ang paulit-ulit ng paksa at tema,
ang paglalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng
karakter sa istorya. Ipinakikita rito ang kultura ng isang pabgkat ng mga tao.
Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
Katangan at pakikipagsapalaran ng bayani
Mga supernatural na gawa ng bayani
Pag-ibig at romansa
Panliligaw-pag-aasawa-pagbubuntis-mga yugto ng buhay
Kamatayan at pagkabuhay
Pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
Kayamanan, kaharian at iba’t ibang mga kasiyahan o piging
Mga ritwal at kaugalian
Ugnayan ng magkakapamilya

8
Makinig ng balita hinggil sa patuloy na banta ng pandemiya. Sumulat ng isang
sitwasyong kinakaharap ngayon ng mga tao sa gitna ng banta ng COVID 19.
Gumamit ng mga salitang nagpapakita ng nagpapakita ng hudyat ng sanhi at bunga
__________________________________________________________________________________

9
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong. Isulat ang A kung TAMA
ang pahayag at B kung MALI.

1. Ang Epiko ay isang akdang tumumatalakay sa kabayanihan at

pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

2. Sa epiko rin mababasa ang pagkamatay ng tauhan subalit muli silang

mabubuhay at ipagpapatuloy ang misyon.

3. Ang salitang EPOS ay nangangahulugang salawikain o awit.

4. Hindi nakapaloobsa epiko ang kultura ng isang lugar.

5. Hindi mahalaga ang pamilya sa akdang epiko.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8…Ailene Baisa-Julian atbp…Phoenix Publishing House, 2017
Panitikang Pilipino Modyul ng mga Mag-aaral ne Department of
Education, 2012
Babasahin: Ang Batikan ……Educational Resource Center
Website: Google Search

Pangwakas na Pagsusulit: 1. A, 2.A, 3A, 4B, 5.B

Balik-tanaw: 1. A 2.C 3 A 4.B 5. C
Unang Pagsubok: 1.B, 2A, 3C, 4E, 5.
Susi sa Pagwawasto:

10

You might also like