You are on page 1of 8

Debate o Pagtatalo

Ang pagtatalo o debate ang pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa


magkasalungat ng panig tungkol sa paksang napagkaisahang pagtalunan
(proposisyon) sa tiyak na oras at lugar na pangyayarihan. Ito ay ang
pagbibigay ng gantihang pangangatwiran ng dalawa o higit pang panig
hinggil sa isang makabuluhang paksa o isyu. Ito ay maaaring pormal o di
pormal na pagtatalo. Ang pagtatalo o debate ay naglalayong na
makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng
pangangatuwiran; Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip;

Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagsasalita.


Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran; Malinang ang
kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid.

Uri ng mga Pagtatalo:

A. Debateng Oregon-Oxford
o madalas gamiting paraan ng pagtatalo o binubuo ng dalawang koponan na
may 2-3 kasapi o may mga huradong susuri sa mga argument na may sapat
na kaalaman sa paksa
B. Debateng Oregon
o Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid
ng kani-kanilang panigo Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang
maipakilala ang karupukan ng mga matuwid na panig ng katalo o
Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin
ang mga matwid ng kani-kanilang panig

Dapat tandaan sa pagtatalo o debate:



Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa
isang positibong pahayag
Isalang-alang ang antas ng pang-uunawa ng mga nakikinig
Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katuwiran at ito ay
nakahalad sa isang maayos na pagpapahayag.

Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katuwiran at kalaban

Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng
kalaban

Ang Mitolohiya

Ang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth


at alamat. Ito ay mga kuwentong naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-
diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng
mga sinaunang tao. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na
mythos at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang
muthos ay halaw pa sa mu na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa
bibig. Sa makalumang mitolohiya, ang myth/mito ay kumakatawan sa
marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito
upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng
mundo, ng tao ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Inilalahad din
ng mitolohiya ang misteryo sa likod ng mga nakakatakot na puwersa ng
kalikasan tulad ng kidlat, kulog, baha, apoy, at kamatayan. Hindi man ito
kapani-paniwala, itinuturing itong sagrado ng iilan dahill ang mga tauhan
nito ay mga diyos at diyosa. Kumikilala rin ito sa daigdig ng langit at ilalim
ng lupa. Sa Pilipinas, ang mitolohiya ay makikita sa mga kuwentong-bayan.
Ang mga kuwentong ito ay may mga tauhang tulad ng anito, diyos, diyosa,
at iba pang mga nilalang tulad ng duwende, tikbalang, aswang, at iba pa.

ELEMENTO NG MITOLOHIYA

Matatandaang ang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng


mga mito/myth at alamat. Ito ay mga kuwentong naglalahad ng kasaysayan
ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao. Sa pagbabasa ng mga ito
nangangailangan ng masusing pag-unawa sa mga bagay-bagay upang mas
madali ang gagawing pagbabasa. Sa Modernong panahon ngayon sa
nagagamit na rin iba’t ibang uri ng social media sa mabisang pagsasalay.

ELEMENTO NG MITOLOHIYA
1. TAUHAN - diyos o diyosa Makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap
ng mga tauhan.May taglay na kapangyarihan lahat ay magagawa
2. BANGHAY - Pagsunod-sunod na kaganapan at pangyayari.Masusuri ang
pagiging makatotohanan o dimakatotohanan ng akda
3. TAGPUAN - Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa
kungsaan ito umusbong.May kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan,
palayan, kabundukan at iba pa Nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon
at sa kasalukuyan Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang
kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon
at pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan.

Liongo
(Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P Urgelles
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying dagat ng Kenya
Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa
kanilang lugar Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi
nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya'y tatamaan ng
karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Longo at ang
kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at
Ungwana sa Tana Delta at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Nagtagumpay
siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang
si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam
Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng
kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa
pagsasalin ng trono Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya
ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri
habang ang parirala (Refrain) nito ay inaawit ng mga nasa labas ng
bilangguan bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng
bantay Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pagawit Tumakas siya at
nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan
nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay
nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala'y pakana ng hari upang siya
ay nadakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang
nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan
laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na
dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.
Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraidor at
pumatay sa kaniya.

ANG ALAGA (BUOD)


ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
Ang matandang si Kibuka ay ayaw magretiro sa kanyang trabaho sa
gobyerno. Subalit dahil umabot na siya sa edad ng pagreretiro, napilitan
siyang tumigil sa pagtatrabaho. Lubhang nalungkot si Kibuka sa kawalan
niya ng gawain, kaya’t naisipan ng kanyang apo na bigyan ang kanyang lolo
ng isang itim na biik para may mawilihan ang matanda. Itinuring ni Kibuka
ang biik bilang isang alaga. Pati sa kama ay natutulog sila nang magkatabi.
Mabilis na lumaki ang biik hangga’t hindi na makayanan ni Kibuka na
bilhan ito ng pagkain. Nang nalaman ito ng kanyang mga kapitbahay, inalok
nilang bigyan ang baboy ng makakain. Tuwang-tuwa sila kasi parang alaga
na rin nila ang baboy at dinadalaw nila ito palagi. Ngunit isang araw ay
naaksidente si Kibuka, kasama ng kanyang alaga. Sinagasaan sila ng isang
motorsiklo. Sa kasawiang-palad ay naipit ang leeg ng baboy sa kung saan,
at ito ay namatay. Isip ng lahat ay iluluto ni Kibuka ang namatay na baboy.
Ganoon kaya ang ginawa ni Kibuka?

Mga Salita o Pahayag na naglalalhad ng Opinyon

Alam mo ba na ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay


mahalagang maunawaan natin? Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng
ating kausap o ng mambabasa. Narito ang mga salitang nagpapakilala ng
pagsasaad ng opinyon:
a. sa palagay ko…
b. ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
c. batay sa aking paniniwala…
d. sa tingin ko…
e. maaaring…
f. baka…
g. siguro…
HALIMBAWA
Mga Pahayag na masasabi nating opinyon
1. Sa palagay ko ay mahihirapan ang ating bansa na maipanumbalik ang
lahat sa normal kung hindi mabibigyan ng bakuna ang bawat Pilipino.
2. “Ang panlabas na kagandahan ay kumukupas, subalit ang may mabuting
puso ay hindi kailanman lumilipas.” Ipinahihiwatig ng kaniyang sinabi
na mas kinikilala ang kagandahan ng kalooban kaysa panlabas na anyo.
3. Batay sa aking paniniwala ang buhay ng tao ay maikli lamang na
tulad ng kandila na unti-unting
nauupos. Kaya habang tayo’y nabubuhay pa ay patuloy na maglilingkod sa
Panginoon at sa pagbagong-buhay.
4. Sa tingin ko ay magpapabakuna ang lahat ng Pilipino kung
mapatunayan ng Kagawaran ng Pangkalusugan na epektibo ang bakunang
binili mula sa dayuhang bansa.
5. Maaaring mapabilis na maipanumbalik ang pag-angat ng ekonomiya ng
bansa kapag magpapabakuna ang lahat.
Pag-unawa sa Mahalagang Konsepto ng Maikling Kuwento “Ang Alaga”

Ang maikling kwento ni Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na isinalin sa Filipino


ni Magdalena O. Jocson ay naglalahad ng pagmamahal na iniukol ng isang
tao sa kaniyang alaga. Ito ay maiuuri natin na Kuwento ng Tauhan. Ang
binibigyang diin dito ay ang ugali at katangian ng tauhan at gayundin ang
kaniyang kilos at desisyon na nakabatay sa kaniyang paligid o
lipunangginagalawan.

Mga Salita o Pahayag na naglalalhad ng Opinyon

Alam mo ba na ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay


mahalagang maunawaan natin? Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng
ating kausap o ng mambabasa. Narito ang mga salitang nagpapakilala ng
pagsasaad ng opinyon:
a. sa palagay ko…
b. ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
c. batay sa aking paniniwala…
d. sa tingin ko…
e. maaaring…
f. baka…
g. siguro…

HALIMBAWA
Mga Pahayag na masasabi nating opinyon

1. Sa palagay ko ay mahihirapan ang ating bansa na maipanumbalik ang


lahat sa normal kung hindi mabibigyan ng bakuna ang bawat Pilipino.
2. “Ang panlabas na kagandahan ay kumukupas, subalit ang may mabuting
puso ay hindi kailanman lumilipas.” Ipinahihiwatig ng kaniyang sinabi
na mas kinikilala ang kagandahan ng kalooban kaysa panlabas na anyo.
3. Batay sa aking paniniwala ang buhay ng tao ay maikli lamang na
tulad ng kandila na unti-unting nauupos. Kaya habang tayo’y nabubuhay
pa ay patuloy na maglilingkod sa Panginoon at sa pagbagong-buhay.
4. Sa tingin ko ay magpapabakuna ang lahat ng Pilipino kung
mapatunayan ng Kagawaran ng Pangkalusugan na epektibo ang bakunang
binili mula sa dayuhang bansa.
5. Maaaring mapabilis na maipanumbalik ang pag-angat ng ekonomiya ng
bansa kapag magpapabakuna ang lahat.

MEDUSA: Ang Babaing Ahas


Si Medusa, ang babae na may mga ahas na buhok ay marahil isa sa
pinakakilalang nilalang sa mitolohiyang griyego. Gayunpaman, hindi siya
dating halimaw. Siya ay anak na babae nina Phorcys at Ceto na mga
primordial diyos ng dagat. Si Medusa ay ipinanganak na may kakaibang
kagandahan. Napupukaw ng dalagang ito ang mga puso ninuman kahit
saan man sya magpunta. Pero sa kabila ng kaniyang mapang-akit na
hitsura, si Medusa ay inosente, malinis at dalisay. Dahil hinahangaan niya
ang diyosang si Athena, napagpasyahan niya na maging isang paring babae
sa templo ni Athena. Birhen at may kadalisayan ay kailangang-kailangan
para sa posisyong ito. Si Medusa ay isang perpektong babaing pari at
sobrang napakaganda niya kung kaya’t napakadaming mga bisita ang araw-
araw ay pumupunta lamang sa templo upang hangaan at makita ang taglay
niyang ganda.
Kaya't nangyari na ang diyosang si Athena ay sobrang nagselos at nainggit
sa kaniya dahil sa kaniyang kagandahan at dahil siya rin ang may
pinakamagandang buhok sa lahat. Isang araw may isang mamamayan ang
nangahas na sabihin na ang buhok ni Medusa ay magiging mas maganda
kaysa sa buhok ng diyosa na si Athena. Bagaman nasaktan at nagalit, si
Athena ay hindi naghiganti. Gayunpaman, isang araw sa isang pampang na
malapit, si Medusa ay napansin ni Poseidon, ang diyos ng Dagat at umibig
ito sa napakagandang dilag. Pero tinanggihan at iniwasan lamang ni
Medusa ang diyos ng dagat. Si Poseidon ay may personal na away kay
Athena kung kaya’t ang kagustuhan niyang mapasa-kaniya si Medusa ay
isang matinding pagkahumaling. Dahil sa palagiang pagtanggi ni Medusa
kay Poseidon, nagpasya siyang puwersahing kunin ang dalaga. Ang takot na
takot na si Medusa ay tumakbo papunta sa templo ni Athena para
makakuha ng proteksiyon. Nakasunod si Poseidon at sapilitang hinawakan
ang dalaga at ginahasa ito sa sahig sa harap ng rebulto ng diyosang si
Athena. Nang matapos ang karahasan, ang diyosang si Athena ay lumitaw
at nagalit. Nagpasiyang bigyan ng malupit na parusa si Medusa. Hindi
magawang parusahan ni Athena si Poseidon dahil isinaalang-alang niya na
ang kanyang nagawa ay likas lamang na katangian ng mga lalaki ngunit
itinuturing niyang nagkasala si Medusa ng pang-aakit sa diyos ng dagat at
pagdadala ng kahihiyan sa kaniyang templo. Isinumpa ni Athena ang
dalaga, ginawang ahas ang kaniyang magandang buhok at mula sa araw
ding iyon, ang sino mang tumingin sa kaniyang mga mata ay agad na
magiging bato.
Si Medusa ay hinahabol ngayon ng mga mandirigma na nagnanais ng
kanyang ulo bilang isang tropeo pero silang lahat ay naging bato. At Sa
wakas ang bayani na si Perseus ay nagawang pugutin ang nilalang. Pero ang
hindi nila alam ay dinadala ni Medusa ang anak nila ni Poseidon, kung
kaya't sa kamatayan ni Medusa at sa pagbuhos ng dugo ay pinanganak niya
sina Chrysaor at Pegasus.

TALUMPATI

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng


isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao. Proseso o paraan
ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa
isang partikular na paksa.

Mga Paraan ng Paggawa ng Talumpati:

 Paghahanda sa Pagsulat – Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa


pangongolekta ng mga impormasyon at mga ideya pa sa sulatin. Dito
isinasagawa ang pagpaplano sa binubuo ng paglikha, pagtuklas,
padedebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya.
 Aktwal na Pagsulat – sa hakbang na ito isinasalin na mga manunulat
ang kaniyang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag eksperimento
na ang manunulat sa pagbuo ng kaniyang sulatin. Malaya siyang gumamit
ng iba’t ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya.
 Pagrerebisa at Pag-eedit – ito ay nangangahulugan ng muling pagtingin,
muling pagbasa, muling pagiisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang na sa
sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. Ang hakbang na ito ay
nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman sa organisasyon ng mga
ideya at sa istrukura ng mga pangungusap at talata.
Mga Bahagi na Dapat Taglayin ng isang Talumpati Upang Maging Mabisa

 Panimula – Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig.


Kadalasang gumagamit ng anekdota o di kaya nagpapatawa ang mga
mananalumpati sa bahaging ito para mapukaw ang atensyon ng mga
tagapakinig.
 Paglalahad – Ang bahaging ito ang pinaka-katawan sa talumpati. Dito
inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. Dito
rin ipinapaliwanag ng mananalumpati ang layunin ng kaniyang paksa.
 Paninindigan – Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kaniyang
pangatwiran hinggil sa isyu. May layunin itong humikayat o magpaliwanag
sa mga nakikinig.
 Pamimitawan – sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na
pangungusap ng isang talumpati.

Tuwiran at Di Tuwirang Pahayag


Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng
angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Mahalaga ang mga ito
sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas
malinaw ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang
pagpapahayag. Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyon.
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento
upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang
patunay, at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat
munang pasyalan bago ang
ibang bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito
ang kaniyang sertipiko.
Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may
ebidensiya kaya’t kapanipaniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag
ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat
naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa.
Ang paksa ng mga epiko ay tungkol sa mga kabayanihan ng pangunahing
tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma.
Halimbawa:
 Epiko ng Pilipinas - Biag ni Lam-ang, Maragtas
 Epiko ng ibang Bansa- Iliad at Odyssey ng Gresya, Ramayana at Hiawatha
ng India
Pagsuri sa Nobela
Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayaring pinagkabit kabit sa pamamagitan ng isang mahusay na
balangkas na ang pangunahing layunin ay maipalabas ang hangarin ng
kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing pagsasalaysay ng mga
kawi- kawil na pangyayari ayon sa pagkakasunod- sunod at pagkakaugnay
ugnay nito. Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa kabuuan ng nobela.
Mga Katangian ng Nobela: (1) malinaw at maayos ang pagkakasulat ng mga
tagpo at kaisipan; (2) pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay; (3) malikhain
at maguni - guni ang paglalahad; (4) pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa at kawili-wili; (5) isinasaalang - alang ang kaasalan; (6)
maraming ligaw na tagpo at kaganapan; (7) ang balangkas ng mga
pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari; (8) malinis at maayos
ang pagkakasulat; (9) kaaya – aya; (10) maraming magagandang tagpo kung
saan higit na nakikilala ang mga tauhan. Mga Uri ng Nobela: (1) Nobela ng
Kasaysayan; (2) Nobela ng Pagbabago; (3) Nobela ng Pag – ibig o Romansa;
(4) Nobela ng Pangyayari; (5) Nobelang Panlipunan; (6) Nobela ng Tauhan
Halimbawa ng isang Nobela:

Pelikula

Ang pagsusuri ng pelikula ay isang gawain na nagbibigay ng kaalaman sa


mga taong bumuo ng pelikula kung ano ang mga dapat para maging
maganda ang isang pelikula at kung paano pa ito pagagandahin. Pero bago
natin bigyang pansin ang mga paraan ng pagsusuri ng pelikula, tatalakayin
muna natin ang mga bagaybagay na dapat malaman sa paggawa ng
pelikula.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa
mga detalyeng nais bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa
magandang nakita sa iskrip at/o sa pelikulang pinanood gayundin naman
sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang
pinanood. Ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni
Vilma M. Resuma, maipapaliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong
paraan: (1) pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan, (2)
pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsiyon,
kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad at
pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong nang malaki ang
paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag.
Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang pang-ugnay
upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na, ng, g.
Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig,
ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n, at ginagamit
naman ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig.
Maliban ditto, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag,
kung, at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.

Ang Africa at Mga Katangian Nito

Kilala ang Africa bilang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa buong


mundo at pangalawa rin sa dami ng populasyon sumunod sa Asya. Ang
kontinenteng ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal
Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan,
Karagatang Indiyano sa timogsilangan, at ang Karagatang Atlantiko naman
sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa kontinente
ng Afrika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam
na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang
rekognisyon sa kontinenteng ito. Ang Afrika ay tahanan ng iba’t ibang
etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa
ay sinakop ang malaking bahagi ng Afrika. Karamihan sa mga modernong
estado sa Afrika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong
ika-20 siglo. Masasalamin rin ang kagandahan ng kanilang bansang nag-
uumapaw sa mga likas na yaman at mga hayop na naninirahan dito. Sa
kabilang banda mas kilala ang Afrika bilang bansang inapi ng mga
mananakop at sapilitang ginawang alipin at ipinagbili bilang alipin.
Sapagkat sila'y itim, hinding-hindi rin sila nakalusot sa rasismo at
diskriminasyon na siya ring naging dahilan ng mababang pagtingin sa
kanila at pagyurak sa dignidad at karapatang pantao ng mg aprikano. Ito rin
ang dahilan kung bakit hindi nakapag-aral ang mga afrikano.
Sa kabila nito, nakaa-aliw at nakali-libang ang panitikan ng Africa.
Ito'ybinubuo ng iba't ibang genre, pasalita man o pasulat na gamit.
Napapabilang sa kanilang oral literature ang kuwento, dula, bugtong,
kasaysayan, mito, awit, at salawikain na nagtuturo at nakalilibang sa mga
bata. Bilang tala ni George Joseph sa kanyang kabanata sa African
literature in Understanding Contemporary Africa, kung saan ang pagtanaw
ng European sa panitikan ay madalas na paghihiwalay ng sining at
nilalaman, ang kamalayan ng Africa ay inklusibo: "Panitikan" ay maaaring
maging bahagi din ng Asya at nagpapahiwatig ng isang masining na
paggamit ng mga salita para sa kapakanan ng sining. ang africa ay hindi
pinaghihiwalay ang sining mula sa pagtuturo. Ang mayaman na akdang
pampanitikan ng bansang Aprika, ang kanilang mahuhusay na manunulat
sa larangan ng pilosopiya at paniniwala, mga literaturang sumasalamin ng
kanilang kultura at tradisyon ay iilan lamang sa mga naiambag ng bansang
Afrika sa mundo ng panitikan.

You might also like