You are on page 1of 9

Proyekto sa

Filipino 10

Pinasani ni: Kent Lyster A. Lucabon

Ipinasa kay:Monaliza T. Bejenia

GRADE 10 Mercury
Epiko ng Pilipinas

LUZON

ÁLIM

Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at


Ulahingan saMindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga
Bukidnon at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran ni Agyu. Sa kabilâng dako, ayon
kay Elena G. Maquiso (1977), ang Ulahingan ay isangsanga ng epikong-bayang Bendigan. At nakaukol sa
búhay ni Agyu at kaniyang angkan. Ang Bendigan diumanoay epikong-bayan ng mga Manobo at may
sanga ito na tinatawag na Tulalangan. At hinggil naman sa bayaningsi Tulalang.Malimit na ang paksa ng
Ulahingan ay ang paglalakbay ni Agyu, angkan, at mga alagad upang hanapin ang Nalandangan o
Nelendangan. Nagsisimula ito sa pagdating ng isang malupit na kaaway o mananakop kayâkailangang
tumakas ng komunidad ni Agyu. May episodyo tungkol kay Mungan, asawa ng kapatid ni Agyu nasi
Vanlak. Nagkasakit ng ketong si Mungan at nagpasiyang magpaiwan. Ngunit pinagaling siyá ng
mganaawang diwata at tinuruan pa kung paanong makaliligtas ang komunidad ni Agyu. May episodyo din
sa mgakapatid ni Agyu na gaya nina Tabagka at Len, gayundin sa anak niyáng si Bayvayan. Isang
lumilipad namalaking bangka, ang Sarimbar, ang sinakyan nina Agyu upang makaligtas. Sa dulo, narating
nilá ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon naghari si Agyu sa habang-panahon kasáma ang
mga Adtulusan o pinagpalà.Gayunman, may nakararating ding kaaway at ibang problema sa Nalandangan.
Sa isang Olaging na nakolekta ni Ludivina R. Opeña (1972), inilarawan ang isang malaki’t madu Gong
labanan nang lusubin ng mga kaaway ang Nalandangan. Nagwagi ang mga taga-Nalandangan dahil sa
kapangyarihan ni Agyu at sa husay niyá sa pakikidigma. Ang isang katangitangi sa Olaging na ito ay ang
paglalarawan sa tila-paraisong kalagayan ng Nalandangan at sa malaking bahay ni Agyu.

BÍAG NI LÁM-ANG
Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa Hilagang Luzon,
partikularna sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at
pruweba nitó ang paggamit ng mga pangalang naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring
si Gerardo Blanco angnagtalâ ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na nagtalâ noong 1906.
Sinundan ito ng bersiyon nanailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsáma
niya ang unang dalawang bersiyon atang bersiyon ni Leopoldo Yabes noong 1935.Umiikot ang epikong-
bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago siyá ipanganak ni Namongan, inutusan ng
kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na
bumalik si Don Juan hanggang ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang batà si Lam-angdahil káya na
niyang magsalita at may taglay siyáng kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan angkaniyang
ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot, nag-ayos
si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina. Nakita niya
nanagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siyá, nakita niya ang ulo ng kaniyang ama.
Pinagpapatayniya ang mga Igorot. Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya
upang paliguan siyá. Nang maligo siyása Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang
libag. Hinanap niya ang dalagangnagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa
Kalanutian. Pumunta siyá sa nasabing lugar,kasáma ang tandang at aso niya. Nakarating siyá matapos
ang pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit niSarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay
Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng mgahiling ng magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa.
Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siyá ng berkakan,isang malaking isda. Isang maninisid ang
nakakuha ng kaniyang labí at sa tulong ng kaniyang tandang, mulisiyáng nabuhay at namuhay nang
matiwasay.

HùdHud
Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhúd ay isang mahabang salaysay na patula na karaniwang inaawit sa
panahon ngtag-ani, o kapag inaayos ang mga payyo o dinadamuhan ang mga palayan Inaawit din ito
kapag may lamay sa patay at ang yumao ay isang táong tinitingala dahil sa kaniyang yaman o prestihiyo.
Kinakanta ang Hudhud samga naturang okasyon bilang paglilibang o pampalipas-oras lamang. Hindi
nakaugnay sa anumang ritwal ang pagkanta ng Hudhud.Karaniwang umiikot ang kuwento nito sa mga
karanasan ng isang pambihirang nilaláng, kadalasan aysi Aliguyon, na kabilang sa uring mariwasa o
Kadangyan. Ang diin ay nasa pagsuyo at pakikipag-isangdibdibniya sa isang babaeng mula rin sa uring
kadangyan. Ang tema ng pagibig at kariwasaan ang nangingibabaw saHudhud.Tumatagal nang ilang oras
o isang araw ang pag-awit ng Hudhud. Kinakanta ito ng isang grupo o koro,ang Mun-abbuy, na
pinangungunahan ng isang punòng mang-aawit, ang Munhaw-e. Ang mga linyangkinakanta ng munhaw-e
ang nagdadala ng salaysay. Mga babae ang umaawit ng Hudhud. Kung minsan, panandaliang sumasali sa
pagkanta ang ilang kalalakihan, ngunit ayon sa matatanda, hindi ito sumasang-ayon
satradisyon.Sinasalamin ng Hudhud aNg mga paniniwala’t kaugalian ng sinaunang lipunan ng mga Ifugaw,
at binibigyang ang mga bagay na kanilang pinahahalagahan. Matatagpuan sa Hudhud ang paglalarawan
sa mgakonsepto na kinababatayan ng mga ugnayang pampamilya, at ng mga ugnayan ng iba’t ibang
grupo sa loob at Labas ng Ili o nayon. Makikita rito ang paniniwala ng mga Ifugaw tungkol sa mga diyos at
espiritu, at kung paano sila dapat makipag-ugnayan sa mga ito. Mangyari pa, matatagpuan din sa Hudhud
ang pagtukoy sa iba’t Ibang ritwal na mahigpit na bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Ifugaw.
Noong 2001, kinilala ng UNESCO ang Hudhud bilang isa sa mga Masterpiece of the Oral and
IntangibleHeritage of Humanity.
IBALÓN

Nakamihasnang pamagat ang Ibalón sa salaysay ng pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina Baltog,
Handiong, at Bantong. Pinaniniwalaang isang sinauna’t mitolohikong salaysay ito ng mga Bikolano.
Gayunman, pinagdududahang epikong-bayan ito dahil sa kasalukuyang napakaikling anyo nitó (240
taludtod) atnakasulat sa wikang Espanyol. Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castaño,
isang paringnadestino sa Bikol. May makatang nagsalin ng teksto sa Bikol ngunit walang nakatutuklas
hanggang ngayon ngkahit isang orihinal na saknong nitó sa wika ng mga Bikolano. May tumatawag ding
Ibalón sa Kabikulan. Nagsisimula ang salaysay sa isang kahilingan ng ibong si Yling kay Cadugnung na
kantahin ang kuwento niHandiong. Isinasalaysay muna ni Cadugnung ang kagitingan ni Baltog na pumatay
sa Tandayag, isangdambuhalang baboy. Sumunod ang kuwento ni Handiong. Bago siya dumating ay punô
ng mababangis atmalalaking hayop ang Kabikulan. Madalî niyang pinatay ang mga ito maliban kay Oriol,
ang mailap na ahas nanagbabalatkayo bilang isang napakagandang babae. Pagkatapos mapatay si Oriol
ay nagkaroon ng mga pag-unlad sa sining at industriya sa ilalim ng pamumunò ni Handiong. Ang hulíng
bayani, si Bantong, ang pumataysa dambuhalang si Rabot, isang nilaláng na kalahating tao at kalahating
hayop at nagiging bato ang matingnan.Pinatay ni Bantong si Rabot hábang natutulog. Dito huminto sa pag-
awit si Cadugnung.

Kudaman

Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 Tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan na nakolekta ni


NicoleRevel-Macdonald pagkatapos ng 20 taóng saliksik mulang 1970. Ang saliksik ni Revel-Macdonald ay
patunaysa napakayamang panitikang-bayan ng Filipinas. Ang bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan,
may putongna kalapati at may tahanang nalili Gid ng liwanag. May sasakyan siyáng malaki’t mahiwagang
ibon, Si Linggisan, na isang kulay lilang bakaw, na nagdadalá sa kaniya sa iba’t ibang lupain at
pakikipagsapalaran. Tuwing aalis siyá, iniiwan niya sa mga asawa ang isang bulaklak ng Balanoy na kapag
nalanta ay sagisag ngkaniyang kasawian.Ang kasalukuyang Kudaman ay inawit ni Usuy, isang babaylang
Palawan, at ilang gabi niya itong inawit.Isinalin sa Filipino ni Edgar B. Maranan ang tultul nang ilathala
noong 1991. Nagsisimula ito sa istorya kung paano napangasawa ni Kudaman si Tuwan Putli, at
pagkaraan, ang tatlo pang asawa na nagturingangmagkakapatid at nagsáma-sáma sa isang tahanan.
Sinundan ito ng pagdalo sa isang pagdiriwang ng mga Ilanunupang manggulo. Ilang taóng naglaban si
Kudaman at ang pinunòng Ilanun at sa ganitong labanan ay Nagwawagi sa dulo ang bayani upang
kaibiganin ang nakalaban. Anupa’t malimit magtapos ang mga bahagi ng Tultul sa malaking inuman ng
Tabad, ang alak ng Palawan, at pagkonsumo ng mahigit sandaang tapayan ng alak. Dili kayâ’y
nagsisimula ito sa malaking inuman na nauuwi sa labanan kapag nalasing ang mga panauhin. Sa dulo ng
mga nairekord na tultul, sampu na ang asawa ni Kudaman na nakatagpo sa Iba’t ibang abentura.
Gayunman, mapapansin diumano ang taglay na hinahon at paghahangad ng kapayapaan ni
Kudaman.Maraming tagpo ng sigalot na tinatapos sa kasunduang pangkapayapaan at pagpapasiya
alinsunod sa tradisyongPalawan. Nakapalaman din sa tultul ang mga kapaniwalaan ng Palawan at ang
konsepto nilá ng sandaigdigan.

Epeko ng Ibang Bansa

India

Rama At Sita (Isang kabanata)Epiko

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan,
isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae.Siya ay si
Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang magingasawa”,
sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya
lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.Sagalit
ay bigla siyang naging higante. Nilundagniya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Ramaang
asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan. “Sige patayin mo
siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagipniya ang tenga at ilong ng
higante. “ Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si
Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siyang pinakamagandang
babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw
niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa
nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid.
Pumayag siyang ipaghiganti ito.Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si

Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyoat hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at
Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “ Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni
Maritsa. “Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina
Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.Isang umaga
habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agadniya sina Rama at
Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Bakahigante rin iyan,”
paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “
Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang
sinabi ni Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!” Matagal
na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita siLakshamanan na sumunod
sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,”sabi nito.Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang
nakarinig ng isang malakas na sigaw.

Ramayana

Ang Ramayana o “ang salaysay ukol kay Raghava Rama” o “ang mga ginawa ni Rama”(marami pang
ibang pangalang may karugtong na Rama, isang pamagat ng tao), ay isa sa dalawang pinakamahalaga at
dakilang tulang epiko ng sinaunang India[2], bukod sa Mahabharata. Unang isinulat sa wikang Sanskrit –
isang maagang wika sa Indiya – ng isang paham, o rishi, na si Valmiki noong mga 300 BK.[2] Naglalaman
ang aklat ng mga 96,000 taludtod at nahahati sa pitong mga bahagi. Tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama
ang patulang salaysaying ito, na umalis mula sa Ayodha – ang kabisera ng kanyang kaharian ng Oudh sa
hilagaing Indiya[2] – para hanapin ang kaniyang asawang si Sita na dinukot ni haring Ravana, isang
dimonyo. Ibig ng bayaning-diyos na si Ramang sagipin si Sita mula kay Ravana. Nagtagumpay si Rama sa
pamamagitan ng pagtulong ng hari at hukbo ng mga unggoy.
Bagaman nasa kalahati lamang ng haba, at hindi kasingsigla, ng Mahabharata ang Ramayana, isa pa rin
ito sa mga pinakakilala at pinakahinahangaang mga mahabang tula. Maraming ganitong mga uri ng
salaysayin ang nalalaman ng mga taong Hindu, anuman ang kanilang mga pananaw.[1]
Maraming lumabas na mga bersiyon ang aklat, at naisalinwika sa lahat ng mga pangunahing wika ng
mundo.
Mahabharata

Ang Mahabharata o Mahābhārata, ang dakilang Bharata (“Ang Dakilang Salaysay Ukol sa mga Bharata,”
mas mahaba at tiyak na salin), ay isa sa dalawang pinakamahalagang sinaunang epiko ng India, bukod sa
Ramayana. Tinipon sa sinaunang India ang Mahabharata. Pinaniniwalaang si Vyasa, isang rishi o taong
paham, ang kumatha ng akdang ito. Nilalahad ng alamat na isinulat ito ng diyos na si Ganesh habang
dinikta o sinambit naman ito ni Vyasa. Sinasabing ang Mahabharata ang pinakamahabang akda sa uri nito
sa buong mundo. Naglalaman ang akda ng may 110,000 mga taludturan na may 18 mga bahagi. Mayroon
ding isang itinuturing na ika-19 bahaging tinatawag na Harivamsha. Bahagi ng Mahabharata ang Bhagavad
Gita (o Bhagavadgita), isang diyalogo o pag-uusap sa pagitan nina Krishna at Arjuna.

Ang Purana ay isang malawak na genre ng panitikang Indian tungkol sa malawak na hanay ng mga paksa,
partikular na tungkol sa mga alamat at iba pang tradisyonal na lore.Ang mga Puranas ay kilala sa
masalimuot na patong ng simbolismo na inilalarawan sa loob ng kanilang mga kuwento.Orihinal na binubuo
sa Sanskrit at sa iba pang mga wikang Indian, ilan sa mga tekstong ito ay ipinangalan sa mga pangunahing
diyos ng Hindu tulad ng Vishnu, Shiva, Brahma at Shakti.Ang Puranic genre ng panitikan ay matatagpuan
sa parehong Hinduism at Jainism.Ang panitikang Puraniko ay ensiklopediko, at kabilang dito ang
magkakaibang mga paksa tulad ng kosmogonya, kosmolohiya, talaangkanan ng mga diyos, diyosa, hari,
bayani, pantas, at demigod, kwentong bayan, pilgrimages, templo, medisina, astronomiya, gramatika,
mineralogy, katatawanan, pag-ibig mga kuwento, gayundin ang teolohiya at pilosopiya.Ang nilalaman ay
lubos na hindi naaayon sa buong Puranas, at ang bawat Purana ay nakaligtas sa maraming mga
manuskrito na ang kanilang mga sarili ay hindi naaayon.Ang Hindu Maha Puranas ay tradisyonal na
iniuugnay sa “Vyasa”, ngunit itinuturing ng maraming iskolar na malamang na gawa ito ng maraming may-
akda sa paglipas ng mga siglo;sa kaibahan, karamihan sa Jaina Puranas ay maaaring mapetsahan at ang
kanilang mga may-akda ay itinalaga.Mayroong 18 Mukhya Puranas (Major Puranas) at 18 Upa Puranas
(Minor Puranas), na may higit sa 400,000 mga taludtod.Ang mga unang bersyon ng iba’t ibang Puranas ay
malamang na binubuo sa pagitan ng ika-3 at ika-10 siglo CE.Hindi tinatamasa ng mga Puranas ang
awtoridad ng isang kasulatan sa Hinduismo, ngunit itinuturing na Smritis.

Krittivasi Ramayan

Ang “Krittivasi Ramayan” ay isang mahalagang akdang pampanitikan sa Bengali. Ito ay isang pag-uulit ng
sinaunang epikong Indian na Ramayana, isinulat ni Krittibas Ojha noong ika-15 siglo. Ang epikong ito ay
binubuo ng pitong aklat o Kandas, katulad ng orihinal na Ramayana.
Ang Krittivasi Ramayan ay sumusunod sa kuwento ni Panginoong Rama, ang ikapitong avatar ni
Panginoong Vishnu, at ang kanyang paglalakbay upang iligtas ang kanyang asawang si Sita mula sa
haring demonyo na si Ravana. Kasama dito ang mga pangunahing pangyayari at pakikipagsapalaran na
ipinakikita sa orihinal na Ramayana, tulad ng pagpapatapon kay Rama at Sita, ang pagdukot kay Sita ni
Ravana, ang pagbuo ng isang hukbo upang iligtas siya, at ang huling labanan sa pagitan ni Rama at
Ravana.
Ang Krittivasi Ramayan ay may sariling paglalarawan at interpretasyon ng mga karakter at pangyayari na
nagpapahiwatig ng kakaibang pagtingin sa kuwento. Nagdagdag si Krittibas Ojha ng kanyang sariling tula
at kultural na kaugalian sa epiko, na ginagawang mas nauunawaan ng mga tagapakinig na Bengali. Ang
wika na ginamit sa Krittivasi Ramayan ay malalim at lirikal, nagpapakita ng kahusayan sa panitikan ni
Krittibas Ojha.
Ang epikong ito ay hindi lamang naglalahad ng mga heroiko at pakikipagsapalaran ni Rama kundi
naglalaman din ng mga tema ng pag-ibig, debosyon, katuwiran, at tagumpay ng kabutihan laban sa
kasamaan. Ipinapakita nito ang mga ideyal ng dharma (kabutihan) at ang kahalagahan ng pagganap ng
mga tungkulin at responsibilidad.
Ang Krittivasi Ramayan ay naglaro ng malaking papel sa paghubog ng panitikan at kultura ng mga Bengali.
Ito ay malawakang binasa at ipinagdiwang sa Bengal, at ang impluwensya nito ay makikita sa iba’t ibang
anyo ng sining, kasama na ang musika, sayaw, at dula. Ang epikong ito ay patuloy na pinaparangalan at
pinahahalagahan ng mga taong nagsasalita ng Bengali, na naglilingkod bilang pinagmumulan ng
inspirasyon at moral na gabay.
Sa kabuuan, ang Krittivasi Ramayan ay isang kahanga-hangang akdang pampanitikan na nagdadala ng
walang-hanggang kuwento ng Ramayana sa wikang Bengali, nagpapakita ng katalinuhan at husay sa
panitikan ni Krittibas Ojha.

Harivamsa

Ang “Harivamsa” ay isang epikong panitikan na sumusunod sa kuwento ng buhay ni Panginoong Krishna,
ang ikawalong avatar ni Panginoong Vishnu. Ito ay isang karagdagang bahagi ng Ramayana at
Mahabharata, na naglalaman ng mga kwento at mga pangyayari na sumusunod sa mga henerasyon ng
pamilya ni Krishna.
Sa Harivamsa, ipinapakita ang mga pangyayari bago pa ipinanganak si Krishna, kasama na ang kanyang
mga magulang, sina Vasudeva at Devaki. Ipinapakita rin dito ang mga kaganapan sa kanyang pagkabata,
ang kanyang mga pakikipagsapalaran bilang isang batang diyos, at ang kanyang mga kahanga-hangang
gawain bilang isang lider at tagapagtanggol ng katarungan.
Ang epikong ito ay naglalaman ng mga kwento ng pag-ibig, pakikipagsapalaran, at mga aral sa moralidad
na kaugnay sa buhay ni Krishna. Ipinapakita rin nito ang mga kahalagahan ng pagiging tapat sa tungkulin
at pagtupad sa mga responsibilidad.
Ang Harivamsa ay naglalayong palawakin ang kuwento ng Ramayana at Mahabharata, at nagbibigay ng
karagdagang konteksto at mga detalye sa buhay ni Krishna. Ito ay naglalaman ng mga tanyag na
pangyayari tulad ng pagpapalaganap ng kanyang aral at doktrina, ang kanyang mga labanan sa mga
kaaway, at ang kanyang mga mahahalagang pag-uusap at karanasan.
Sa pamamagitan ng Harivamsa, mas nabibigyan ng malalim na pag-unawa at pagpapahalaga ang mga
tagapagbasa sa buhay at mga gawain ni Krishna. Ito ay naglalayong magbigay-inspirasyon at maghatid ng
mga aral sa moralidad, debosyon, at pagiging tapat sa mga pananampalataya.
Sa kabuuan, ang Harivamsa ay isang epikong panitikan na naglalarawan ng mga pangyayari at mga aral
na kaugnay sa buhay ni Panginoong Krishna. Ito ay isang mahalagang bahagi ng panitikan ng India, na
nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging tapat sa tungkulin, pag-ibig, at paglilingkod sa katarungan.

You might also like