You are on page 1of 4

John Kenneth E.

Vargas EE-2A

Papel Bilang: 2 August 21, 2019

MATATAPANG NA MANDIRIGMA

Ano nga ba ang epiko? Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng

pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan

siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Halimbawa na lamang nito ay ang buhay ni Lam-ang

ng mga Ilocano at ang Ibalon na galing sa Bikol. Ang mga kwento na ito ay nagpapakita ng

katapangan makipaglaban sa mga kaaway at sa mga iba’t ibang uri na nilalang. Mapapansin din

dito ang mga katapangan ng mga tagapagligtas o ang mga mandirigma. Nagpapakita din dito ng

pagmamahal sa pamilya at ang paghanap ng hustisya sa namatay na magulang.

Simulan natin sa epiko ng mga Ilokano na ang pamagat ay Biag ni Lam-ang o ang buhay

ni Lam-ang. Sa epiko na ito ay mayroong isang pamilya na nakatira sa Nalbuan. Ito ay sina Don

Juan at ang kanyang asawa na si Namongan. Si Don Juan ay pumunta sa kabundukan upang

paslangin ang mga kalabang Igorot. Hindi alam ni Don Juan na ang asawa niyang si Namongan ay

buntis pala. Makalipas ang ilang araw ay di na bumalik si Don Juan. Dumating na ang panahon ng

kapanganakan ng kanilang anak. Pinanganak ni Namongan ang kanyang anak ay humingi ito ng

isang pabor na pangalanan siyan Lam-ang at siya din ang pumili ng kanyang ninong. Sa

pangyayaring ito ay nagtanong din si Lam-ang tungkol sa kanyang ama at kung nasaan ito.

Mapapansin natin na may supernatural na katangian si Lam-ang simula palang ng kapanganakan

ay nagsasalita na ito at may ideya na siya sa mga nangyayari sa mundo. Makalipas ang siyam na
buwan ng paghihintay ni Lam-ang sa kanyang ama ay nagdesisyon siya na hanapin at puntahan

ang kanyang ama. Talagang pambihira ang katangian ni Lam-ang sa edad na siyam na buwan at

may katapangan na siyang harapin ang mga pagsubok na kanyang haharapin sa pahanap sa

kanyang ama. Nalungkot ang kanyang ina sa paglalakbay ni Lam-ang. Habang naglalakbay ay

nakaramdam ng pagod si Lam-ang ay nakatulog siya at napanaginipan ang kanyang ama. Ang ulo

daw ng kanyang ama ay nakatusok sa isang poste ng mga Igorot. Napukaw ang kanyang damdamin

sa kanyang mga nakita. Pinuntahan agad niya ang nayon ng mga Igorot at pinaslang ang mga ito.

Sa lakas ni Lam-ang ay natalo niya ang mga Igorot. May pinakawalan siyang isa upang sabihin

ang kanyang kadakilaan sa pakikilaban. Napakalakas ni Lam-ang isa lamang siyang paslit na

siyam na buwan ngunit may lakas at kanyang talunin ang isang grupo ng kalaban kahit siya lang

mag-isa ang makipaglaban.

Bumalik siya sa bayan ng Nalbuan na dala ang tagumpay. Sa pagbalik niya ay pinaliguan

siya ng mga babae sa ilog ng Amburayan ngunit namatay ang mga isda dahil sa kanyang mabahong

amoy at maduming katawan. Ito ay dahil sa kanyang paglalakbay at sa pakikipaglaban sa Igorot

kaya di siya masyado nagkaroon ng paglinis sa kanyang pangangatawan. Mayroong isang babaeng

nais niyang ligawan. Ito ay si Ines Kannoyan na nakatira sa Calanutian. Binisita niya ito, dala niya

ang kanyang puting tandang at ang kanyang kulay-abong aso. Nasalubong niya si Sumarang na isa

ring manliligaw ni Ines. Nakipaglaban siya at natalo niya ito. Nakita niya na maraming maliligaw

si Ines at may dala itong tandang na nagpabagsak sa isang bahay at ang aso ni Lam-ang ay tumahol

at tumayo ulit ang bahay. Nakita ito ng pamilya ni Ines at pumayag upang pakasalan ang kanyang

anak. Mapapansin natin sa parte ng kwento na ito ang panliligaw at ang pagawa ng kabutihan. Ito

ay nagdudulot sa mabuting resulta na payagan si Ines ng kanyang pamilya na magpakasal kay

Lam-ang. Pagkatapos ng kasal ay may isang tradisyon na lumangoy at kumuha ng isdang rarang.
Hindi inaasahang si Lam-ang ay dumiretso sa bunganga ng isang nilalang sa katubigan na si

Berkakan. Nakuha ni Marcos ang buto ni Lam-ang. Tumuraok ang tandang at tumahol ang aso.

Nabuhay muli si Lam-ang at namuhay ng mapayapa at masaya.

Ang epiko ng Bikol na pinamagatang Ibalon. Sa epiko na ito ay may tatlong mandirigma

na nagtulong tulong upang talunin ang mga kalaban. Si Baltog na isang bantog na mandirigma.

Siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya din ay napamahal sa mga taong nandoon. Sa lugar na ito ay

may lumabas na isang malaking baboy-ramo na sumira ng pananim at pumatay ng buhay ng tao.

Pinaslang ni Baltog ang malaking baboy-ramo at bumalik sa maayos at payapa ang bayan. Kung

ikukumpara ito sa buhay ni Lam-ang ay may edad na si Baltog na lumaban sa mga kakaibang

nilalang at may lakas din na pambihira. Ginamit niya din ang kanyang lakas upang tulungan ang

kanyang bayan, maging ligtas ang lugar at panatilihin itong mapayapa.

Tumanda na si Baltog, nilusob ang kaharian ng higanteng kalabaw, lumilipad na pating, at

buwaya. Si Handiong na dumaan sa bayan ng Ibalondia ay tumulong upang talunin ang mga ito.

Tinulungan siya ng kanyang mga kawal. May isang kalaban si Handiong na hindi niya mapasuko.

Ito ay si Oriol na minsan ay ahas at minsan naman ay napakagandang babae. Siya’y hindi

nagtagumpay kay Handiong. Ang ginawa niya ay tinulungan na lamang niya si Handiong upang

kalabanin ang mga kakaibang nilalang.

Dumating si Rabot sa bayan ng Ibalondia. Nagagawa niyang bato ang mga taong kanyang

nagugustuhan. Si Bantong ang kumalaban kay Rabot namatay ito gamit ang espada. Sa labanang

ito ay yumanig ang lupa at umalon ang katubigan. Nang natapos ang labanan ay umusbong ang

isang bulkan at ito ay ang Bulkang Mayon.


Mapapansin natin sa dalawang epiko na nagpakita ng katapangan sa pakikilaban ang mga

tauhan. Ginamit din nila ang lakas nila upang talunin ang kalaban at maging ligtas ang bayan. Sa

epiko ng buhay ni Lam-ang ay mayroon itong kakaibang kapangyarihan kahit siya ay siyam na

buwan palamang. Kumpara sa Ibalon na mayroon silang lakas na naaayon sa kanilang edad. Sa

Lam-ang ay mayroong kalabang totoo o nakikita natin sa realidad kumpara sa Ibalon na ang mga

kalaban ay kakaibang nilalang na parang mga kathang isip lamang. Matututunan din natin sa ating

binasa na ang pag-ibig ay hindi lamang para sa tao ngunit para din sa ating bayan.

You might also like