You are on page 1of 2

BUONG KWENTO NG BIAG NI LAM-ANG

“BIAG NI LAM-ANG”
Epiko ni Pedro Bucaneg
May isang mag-asawa na nagngangalang Juan at Namongan ay nakatira sa malayong baryo
ng Nalbuan. Isang araw iniwan ni Don Juan ang kanyang buntis na asawa at pumunta sa
kabundukan upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot. Habang papunta sila sa kabundukan
ay ipinanganak ni Namongan ang isang batang lalaki. Kakaiba ang sanggol sa iba sapagkat
pagkasilang pa lamang ay nakapagsasalita na ito. Gusto niyang pangalanan siyang Lam-ang. Siya
na rin mismo ang pumili ng kanyang mga ninong nang siya ay binyagan. Nasaan ang aking ama?
isang araw ay tinanong ni Lam-ang ang kanyang ina na si Namongan. Nasa kabundukan siya upang
ayusin ang di pagkakaunawaan sa isang grupo ng Igorot doon, sabi ng kanyang ina. Nalungkot si
Lam-ang. Hindi pa niya nakikita ang kanyang ama buhat ng siya ay isinilang at nasasabik na siyang
makita ito. Matatagalan kaya ang kanyang pagbalik? Hindi ko alam, malungkot na sagot ng kanyang
ina na si Namongan na nasasabik din itong makita. Ni hindi ko man lamang alam kung buhay pa
siya. Isang araw ay nanaginip si Lam-ang. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang ama na
walang awang pinatay ng isang grupo ng Igorot. Lubos siyang namuhi nang siya ay nagising.
Nagpasya siya na sundan ang ama sa kabundukan. Siyam na buwan siya noon. Nang marating niya
ang pamayanan ng mga Igorot, nakita niya na nagsasayawan ng mga ito paikot sa ulo ng kanyang
ama na nakatusok sa isang kawayan. Sa kanyang galit ay kinalaban at pinatay niya ang lahat ng
Igorot, kasama ang kanilang pinuno na pinahirapan muna bago pinatay. Sa kanyang pag-uwi sa
Nalbuan ay napadaan siya sa ilog ng Amburayan. Doon ay naligo siya sa tulong ng kanyang mga
kaibigang babae na pinupunasan ang kanyang katawan upang maalis ang mga dumi at dugo, ngunit
ito’y nakapatay sa lahat ng nabubuhay na hayop sa ilog. Nang siya ay nasa hustong gulang na
upang mag-asawa ay may nakilala siyang isang magandang babae, si Ines Kannoyan at umibig siya
rito. Pumunta siya sa bahay nila Ines upang umakyat ng ligaw kasama ang kanyang puting tandang
at ang kanyang paboritong aso. Nang makarating siya sa bahay ay nainis siya sa dami ng naunang
manliligaw sa kanya. Inutusan niyang tumilaok ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito.
Noon din ay gumuho ang bahay nila Ines at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At
inutusan naman niyang tumahol ang kanyang aso at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik sa dati ang
gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang kanyang mga magulang upang salubungin siya.
Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang kay Ines Kannoyan. Ang aking panginoon na
si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka niyang pakasalan, sabi ng puting tandang kay Ines sa
lenggwaheng naiintindihan niya. Pakakasalan kita kung matutumbasan mo ang aming kayamanan,
sagot ni Ines Kannoyan. Ang pagsubok’na ibinigay ni Ines ay hindi nakapagpahina kay Lam-ang.
Umuwi siya kaagad at bumalik kasama ang isang malaking bangka na puno ng ginto, hinigitan nito
ang halaga ng kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at namuhay ng masaya. Lumipas ang mga taon at
dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na humuli ng isda na tinatawag na rarang. Ito ay isang
obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang komunidad upang manghuli ng rarang. Ngunit
nararamdaman ni Lam-ang na mapapatay siya ng isang berkahan, (isang uri ng isda na kabilang sa
pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang manghuli ng rarang. Ngunit kailangan niyang
tuparin ang kanyang tungkulin at isang gabi ay pumalaot siya sa karagatan. Napatay siya ng
berkahan tulad ng kanyang inaasahan. Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang puting
tandang ng paraan upang buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines Kannoyan ng mga maninisid
upang hanapin ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat. Madaling nahanap ng mga maninisid
ang lahat ng mga buto at pinagsama-sama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang at ang
paboritong aso ni Lam-ang ay namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw ay nabuhay si Lam-
ang. At mula noon ay namuhay sila ng masaya.
Biag ni Lam-ang (Tagalog: “Buhay ni Lam-ang”) ay isang epikong tula ng mga Ilokano mula sa
rehiyon ng Ilokos sa Pilipinas. Sinalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Ilokano, pinapaniwalaang
na pinaghalong gawa ito ng iba’t ibang mga lumilikha ng tula na pinasa sa pamamagitan ng mga
salinlahi, at unang sinulat noong 1640 ng isang bulag na manunulat na si Pedro Bucaneg.

BUOD
Sa lambak ng Naibuan ay may mag asawang nagngangalang Don Juan at Namonga.Nang
malapit ng manganak si Namongan,napilitan si Don Juan na maglakbay patungong kabundukan ng
mga igorot upang ayusin ang isang gusot.Hindi na muling bumalik si Don Juan upang Makita ang
kanyang bagong silang na anak.Kakaiba ang batang ito sapagkat marunong na itong magsalita
agad. Pinangalanan niya ang sarili bilang Lam-Ang at siya narin mismo ang pumili ng kaniyang mga
ninong at ninang sa binyag.Sa edad na siyam na buwan ay nagtungo si Lam-Ang sa kabundukan ng
mga Igorot upang hanapin ang kanayang ama.Pagdating niya sa lugar ng mga Igorot ay nakita niya
ang putol na ulo ng kanyang ama.Sa matinding galit ay hinamon at pinatay niya ang lahat ng Igorot
na naroroon.Matapos nito’y nagtungo siya sa ilog Amburayan upang linisin ang dungis sa kaniyang
katawan.Tinulungan siya ng mga dalagang naroroon sa paglilinis ng katawan.Agad namatay ang
lahat ng isdang nasa ilog nang siya’y maligo roon.Matapos ay nagtungo siya sa lugar ni Ines
Kannoyan upang hingin ang kamay nito.Ang kaniyang kasamang tandang at aso ang tumulong sa
kaniya upang pormal na magpakilala sa dalaga’t magulang nito.Hiningian ng bigay kaya (dowry) si
Lam-Ang ng mga magulang ni Ines Kannoyan.Agad nagpadala ng dalawang barkong puno ng ginto
ang binata.Sila’y kinasal sa isang simbahan.Nagkaroon ng magarbong pagsasaya sa kanilang pag-
iisang dibdib.Bilang pagtupad sa mga tradisyon, ang bagong kasal na si Lam-Ang ay sinubukang
humuli ng raring.Bagamat alam niyang siyang makakain ng berkahan ay nagpatuloy siya.Ngunit
bago nito’y ipinagbilin niya sa asawa ang mga dapat gawin kung sakaling Lam-Ang ng
berkahan.Ipinasisid ni Ines Kannoyan ang mga buto ni Lam-Ang.Sa tulong ng tandang at ng aso,
muling nabuhay si Lam-Ang mula sa kaniyang mga buto.Masaya at mapayapang namuhay ang mag-
asawa matapos nito.

MGA TAUHAN AT MAHALAGANG BAGAY:


Lam-Ang – ang pangunahing tauhan at bayani ng epiko. Siya ay inilalarawan bilang isang matapang
na mandirigmang may supernatural na lakas.
Don Juan – ama ni Lam-Ang na pinatay ng mga Igorot. Siya ay isang hasyendero.
Namongan – ina ni Lam-Ang.
Ines Kannoyan – ang babaeng inibig at naging asawa ni Lam-Ang.
Rarang – ang isdang tradisyonal na hinuhuli ng mga bagong kasal na lalaki.
Berkahan – ang pating na kumain ng buhay ni Lam-Ang.
Aso at Tandang – ang dalawang kasa-kasama hayopni Lam-Ang. Ang dalawng ito ang tumulong
kay Lam-Ang sa panliligaw kay Ines Kannoyan. Sila rin ang bumuhay ulit kay Lam-Ang. Ang matapos
itong makain ng berkahan.
Lambak ng Nalbuan – ang luagr ng kapanganakan ni Lam-Ang.
Kabundukan ng mga Igorot – kung saan nilabanang mag-isa ni Lam-Ang ang mga Igorot.
Ilog Amburayan – kung saan naligo ang bagong-laban na si Lam-Ang. Lahat ng nilalang na
naninirahan dito’y agad namatay ng naligo ditto si Lam-Ang.
Kalanutian – lugar ng kapanganakan ni Ines Kannoyan.

You might also like