You are on page 1of 2

Epiko ng Biag na Lam-ang

Biag ni lam-ang; Ang Buhay Ni Lam-ang

Siyam na buwan bago siya isinilang sa iyang maharlikang


pamilya .Namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang isang
masamang pangkat ng mga igorot. Sa kasamaang-palad. Napatay ang
ama, pinugot ang kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot
bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako,
nagulat ang ina pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agad-agad
nagsalita.Isinumpa ni Lam-ang sapagkat ito ng ang naging pangalan niya
na amumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa
kanyang ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot,
inakyat ni Lam-ang ang bundok at natagpuan ang bangkay ng ama niya.
Bilang ganti. Pinatay niya ang bawat isa ng mga masamang Igorot, gamit
ang tangi niyang sandata at isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at


sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng
putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa liog
ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa
tubig ay namatay lahat sa pampang.

Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-ang sa in ana mag-aasawa na siya.


Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang
magiging asawa niya ay si Ines, isang babae taga-Kandon, isang munting
nayon sa hilaga, Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isang
batong dambuhala na sumisira sa palay at tobacco sa mga bukid. Gamit
ang kalasag na pilak nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos,
pinugutan niya ng ulo.

Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong


lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa
bahay, napilitan ni Lam-ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw
hanggang umabot siya sa bintana, kung saan siya pumasok sa bahay.
Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng luob ni Lam-ang kaya
pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga
magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya ang mga
magulang ni Lam-ang bago makuha si Ines.
Pumayag si Lam-ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang
lingo, kasam ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman.
Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng
ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba
pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang
ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala.
Nuong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-ang at Ines.Pagkaraan ng 3 taon,
nagka- anak na lalaki ang bagong mag-asawa.

Isang araw, binangungot si Lam-ang. Alang-alang sa kanyang anak, at sa


kanyang mga ninuno, kailangan niyang pagdaanan ang makalumang gawi
ng pahirap. Ayon masamang panaginip, dapat siyang sumisid hanggang sa
sahig ng dagat upang hanapin ang gintong kabibi. Batid ni Lam-ang na
ikamamatay niya ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mga
diyos. Sinagot naman siya at binigyan ng pag-asa.Isiniwalat ni Lam-ang
ang lahat kay Ines; Ang hirap na susungin niya, ang mga pahiwatig ng
kanyang pagkamatay, pati na ang habilin ng pag-asa na sagot sa kanya ng
mga diyos.

Pasapit ng takdang araw,dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa


mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-ang sa gintong
kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-
ang nang biglang umahon si berkakan, ang dambuhalang halimaw na
pating,at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig
na isiniwalat ni Lam-ang. Bumagsak ang kalan,umuga ang hagdan,at
nanginig ang kanilang anak na lalaki.Napahagulhol si Ines; Patay si Lam-
ang.

Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas lumabas at sundin ang
mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto-buto ni Lam-ang na
inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni
Lam-ang, binalot niya ang mga buto sa pualng sutla tumalikod at nagdasal
nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin, naririnig
niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at katawan. Pagkaraan ng
isang sandal lamang, lumitaw si Lam-ang na buhay na muli dahil dito at iba
pang giting na ginawa ni Lam-ang, sialng mag-asawa at ang kanilang anak
ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay
namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang panahon.

You might also like