You are on page 1of 6

BIAG NI LAM-ANG

Ti Biag Ni Lam-Ang : Ang Buhay Ni Lam-Ang

Siyam na buwan bago siya isinilang sa isang maharlikang


familia, namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang
isang masamang pangkat ng mga Igorot. Sa kasamaang-
palad, napatay ang ama, pinugot ang kanyang ulo at
isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang
gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang
dako, nagulat ang ina pagkatapos nang biglang lumaki
ang sanggol at agad-agad nagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang
- sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na
mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang
nangyari sa kanyang ama. Kasama ang kaiba at mabuting
pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok
at natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti,
pinatay niya ang bawat isa ng mga masamang Igorot,
gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang


maligo muna at sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-
ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na
nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog
ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na
umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang.

Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-


aasawa na siya. Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa
hiwaga at nabatid niya na ang magiging asawa niya ay si
Ines, isang babae taga-Kandon, isang munting nayon sa
hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang
isang batong dambuhala (stone giant ) na sumisira sa
palay at tobaco sa mga bukid. Gamit ang kalasag na pilak
(silver shield ) na minana sa ama, nilabanan niya at
pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.

Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines


ang libu-libong lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan
silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan ni
Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw
hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya
pumasok sa bahay. Humanga nang matindi si Ines sa
lakas at tibay ng luob ni Lam-Ang kaya pumayag siya agad
na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga
magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-
kaya (dowry) ang mga magulang ni Lam-Ang bago
makuha si Ines.

Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya


pagkaraan ng isang linggo, kasama ng kanyang ina at ng
mga handog at iba pang yaman. Humangos siya pabalik
sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng ginto.
Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga
estatua at iba pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa
Kandon kasama ng kanyang ina, nagimbal ang mga
magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala. Nuong
araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan
ng 3 taon, nagka-anak na lalaki ang bagong mag-asawa.

Isang araw, binangungot ( pesadilla, nightmare) si Lam-


Ang: Alang-alang sa kanyang anak, at sa kanyang mga
ninuno (antepasados, ancestors), kailangan niyang
pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap (ancient
ritual of sacrifice). Ayon masamang panaginip, dapat
siyang sumisid hanggang sa sahig ng dagat (sea floor)
upang hanapin ang gintong kabibi ( gold seashell ). Batid
ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya
nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman
siya at binigyan ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang
lahat kay Ines: Ang hirap na susu-ungin niya, ang mga
pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin ng
pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos.

Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa


nayon, pati na sa mga kalapit sa paligid, upang saksihan
ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong kabibi sa ilalim ng
dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang
nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang
halimaw na pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay,
nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na isiniwalat ni Lam-
Ang. Bumagsak ang kalan (estufa, stove), umuga ang
hagdan (escalera, stairs), at nanginig ang kanilang anak
na lalaki. Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.

Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas


lumabas at sundin ang mga habilin ng mga diyos. Inipon
niya ang mga buto-buto ni Lam-Ang na inanod ng dagat
sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni
Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla (seda
rojo, red silk), tumalikod at nagdasal nang nagdasal.
Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin, naririnig
niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at katawan.
Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang
na buhay na muli.
Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang
mag-asawa at ang kanilang anak ay pinatawan ng mga
diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa
sagana ng mga bukid ng palay habang panahon.

You might also like