You are on page 1of 3

Ti Biag

Ni Lam-
Ang : Ang
Buhay
Ni Lam-
Ang

Siyam na buwan bago siya isinilang sa isang maharlikang familia, namundok


ang kanyang ama upang sugpuin ang isang masamang pangkat ng mga
Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang kanyang ulo at
isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala at parangal sa
kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina pagkatapos nang
biglang lumaki ang sanggol at agad-agad nagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang -
sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na mamumundok din siya
upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyang ama. Kasama ang kaiba
at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok at
natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat
isa ng mga masamang Igorot, gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at


sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng
putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog ay
namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa tubig
ay namatay lahat sa pampang.

Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya.


Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang
magiging asawa niya ay si Ines, isang babae taga-Kandon, isang munting
nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isang batong
dambuhala (stone giant ) na sumisira sa palay at tobaco sa mga
bukid. Gamit ang kalasag na pilak (silver shield ) na minana sa ama,
nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.

Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong


lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa
bahay, napilitan ni Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw
hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa bahay.
Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng luob ni Lam-Ang kaya
pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga
magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya (dowry) ang
mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.

Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang


linggo, kasama ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman.
Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng
ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba pang
mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang ina,
nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala. Nuong
araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan ng 3 taon, nagka-
anak na lalaki ang bagong mag-asawa.
Isang araw, binangungot ( pesadilla, nightmare) si Lam-Ang: Alang-alang
sa kanyang anak, at sa kanyang mga ninuno (antepasados, ancestors),
kailangan niyang pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap (ancient
ritual of sacrifice). Ayon masamang panaginip, dapat siyang sumisid
hanggang sa sahig ng dagat (sea floor) upang hanapin ang gintong kabibi (
gold seashell ). Batid ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya
nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya at binigyan
ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susu-
ungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin
ng pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos.
Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa
mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong
kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang
nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na pating, at
sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na
isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan (estufa, stove), umuga ang
hagdan (escalera, stairs), at nanginig ang kanilang anak na lalaki.
Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.
Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa
mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong
kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang
nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na pating, at
sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na
isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan (estufa, stove), umuga ang
hagdan (escalera, stairs), at nanginig ang kanilang anak na lalaki.
Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.

You might also like