You are on page 1of 11

Biag ni Lam-Ang-Ang Buhay Ni Lam-Ang

Siypam na buwan bago siya isinilang sa isang maharlikang familia,


namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang isang masamang pangkat
ng mga Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang
kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala
at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina
pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agad-agad nagsalita.
Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na
mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyang
ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni
Lam-Ang ang bundok at natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang
ganti, pinatay niya ang bawat isa ng mga masamang Igorot, gamit ang
tangi niyang sandata - isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at


sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng
putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog
ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa
tubig ay namatay lahat sa pampang.

Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya.


Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang
magiging asawa niya ay si Ines, isang babae taga-Kandon, isang munting
nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isang
batong dambuhala (stone giant ) na sumisira sa palay at tobaco sa mga
bukid. Gamit ang kalasag na pilak (silver shield ) na minana sa ama,
nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.

Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong


lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa
bahay, napilitan ni Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw
hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa
bahay. Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng luob ni Lam-Ang
kaya pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang
mga magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya (dowry)
ang mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.
Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang
linggo, kasama ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman.
Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng
ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba
pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang
ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala.
Nuong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan ng 3 taon,
nagka-anak na lalaki ang bagong mag-asawa.

Isang araw, binangungot ( pesadilla, nightmare) si Lam-Ang: Alang-alang


sa kanyang anak, at sa kanyang mga ninuno (antepasados, ancestors),
kailangan niyang pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap (ancient
ritual of sacrifice). Ayon masamang panaginip, dapat siyang sumisid
hanggang sa sahig ng dagat (sea floor) upang hanapin ang gintong kabibi (
gold seashell ). Batid ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya
nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya at binigyan
ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susu-
ungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin
ng pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos.

Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa


mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong
kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-
Ang nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na
pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig
na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan (estufa, stove), umuga ang
hagdan (escalera, stairs), at nanginig ang kanilang anak na lalaki.
Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.

Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas lumabas at sundin ang
mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto-buto ni Lam-Ang na
inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni
Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla (seda rojo, red silk),
tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga
panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at
katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na
buhay na muli.
Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at
ang kanilang anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang
buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang
panahon.
Ang Hiwaga ni Maria Makiling

Si Mariang Makiling ay isang dalaga, hindi tumatanda, nakatira sa


magandang bundok Makiling sa pagitan ng provincias ng Laguna at
Tayabas, subalit walang nakaka-alam kung saan talaga o kung paano siya
namamahay. Sabi ng iba, nakatira siya sa isang magandang palacio na
napapaligiran ng mga jardin. Ang sabi naman ng iba, nakatira siya sa
isang dukhang dampa na gawa sa karaniwang kawayan at mga dahon ng
nipa.

Matangkad si Mariang Makiling at mahinhin. Ang kutis niya ay makinis,


kayumangging kaligatan, sa bigkas ng mga Tagalog. Malaki at itim ang
kanyang mga mata, mahaba at makapal ang buhok, at maliliit ang mga
kamay at paa, at mala-candela ang mga daliri. Sa madling salita, siya ay
maniwaring isang diwata, parang isinilang sa maputlang sinag ng buwan sa
ibabaw ng Pilipinas, pasulpot-sulpot sa pagitan ng mga punong kahoy sa
gubat ng Makiling. Ang diwa niya ang namamayani sa bundok subalit siya
mismo ay bihirang makita ng mga tao.

Paminsan-minsan, natatanaw siya ng mga mangangahoy (cazadores,


hunters) sa dilim ng Viernes Santo (Good Friday), kapag namumundok sila
upang humuli ng usa (ciervos, deer). Nakatayo raw si Mariang Makiling sa
gilid ng mataas na bangin, walang katinag-tinag habang umaalon ang
kanyang buhok sa ihip ng hangin. Kung minsan daw, nilalapitan daw sila,
binabati nang tahimik bago lumalayo at naglalaho sa dilim ng gubat.
Walang naglalakas-luob na kumausap, sumunod o magmanman man
lamang sa kanya.

Karaniwang lumalabas si Mariang Makiling pagkaraan ng bagyo (borrasca,


storm) at lumiligid sa mga bukid, binubuhay muli ang mga nasirang
halaman at itinatayo uli ang mga natumbang punong kahoy, at ibinabalik
ang dating ayos ng lahat. Pati ang mga ilog ay bumabalik sa kanilang
takdang landas at agos. At lahat ng sira mula sa bagyo ay naglalaho sa
bawat madaanan niya.

Mabuti ang kaluoban ni Mariang Makiling. Dati-rati, pinahihiram niya ang


mga mahirap ng damit, at pati alahas, para sa mga kasal, binyagan at
fiesta. Tanging kapalit na hinihingi niya ay isang puting-puting dumalaga,
batang inahen na hindi pa nangingitlog. Paminsan-minsan, lumilitaw siya
sa anyo ng isang karaniwang taga-bukid at tinutulungan ang mga
matatandang babae sa pagpulot ng mga panggatong (leñas, firewood ).
Pagkabigkis at pasan na ng matandang babae ang mga kahoy, isinisingit
nang lihim ni Mariang Makiling sa bigkis ang pira-pirasong ginto, barya
(monedas, coins), pati mga alahas ( joyas, jewels).
Minsan, ayon sa cuento, isang mangangahoy ang nakakita ng baboy
damo. Kumaripas ang hayop sa mga sukal at tinik ng gubat habang walang
tigil na humabol ang lalaki, na nagka-galos-galos sa mga tinik. Biglang-
bigla, narating nila ang isang maliit na kubo. Takbo at nagtago ang baboy
damo sa luob. Natigilan ang lalaki, lalo na nang lumabas ang isang
magandang dalaga.

“Sa akin iyong baboy damo,” sabi ni Mariang Makiling sa lalaki, “at hindi mo
dapat hinabol. Subalit nakikita kong ikaw ay pagod na pagod, at sugatan.
Pulos dugo ang iyong mga bisig at binti. Halika sa luob, magpahinga ka at
kumain. Gagaling ka, tapos maaari ka nang umuwi.”

Napukaw ang lalaki sa alindog ni Mariang Makiling. Pumasok siya sa kubo


at, walang imik, kinain lahat ng lugaw na hinain. Masarap at kaiba sa lahat
ng natikman niya. Naramdaman niyang napawi ang kanyang hapo,
gumaling ang kanyang mga sugat at bumalik ang kanyang lakas. Binigyan
siya ni Mariang Makiling ng ilang piraso ng luya (jingibre, ginger).

“Ibigay mo ito sa iyong asawa,” sinabi niya sa lalaki na, utal pa rin, ay
yumuko lamang bago umalis. Isinuksok ng lalaki ang mga luya sa luob ng
kanyang salakot (sombrero de hoya, palm leaf hat). Habang pauwi, pabigat
nang pabigat ang mga luya kaya dinukot niya ang ilang piraso at itinapon.
Kinabukasan, nagulat silang mag-asawa nang nakitang kumikinang ang
‘luya’ na naging lantay na ginto (oro puro, pure gold) ang mga ito. Laking
hinayang nila sa mga ‘luya’ na naitinapon pauwi.

Hindi laging mabait si Mariang Makiling sa mga mangangahoy. Minsan,


pinaparusahan niya ang mga ito.

Isang hapon, 2 mangangahoy ang pauwi mula sa bundok, kasama ang


kanilang mga aso at pasan-pasan ang nahuling usa at baboy damo.
Nasalubong nila ang isang matandang babae na humingi ng limos. Hindi
na binigyan, itinaboy pa nila ang matanda na nagbanta,

“Isusumbong ko kayo sa may-ari niyang mga hayop!”

Humalakhak ang 2 lalaki bago nagpatuloy pauwi. Nakababa na ang araw


pagdating nila sa paanan ng bundok at, sa dilim, narinig nila ang sigaw
mula sa malayo: “Nanduon sila!”

Sinundan ito ng mas malayong sagot, “Duon sila! Duon!”


Hindi naunawaan ng 2 mangangahoy subalit tumaas ang tenga ng kanilang
mga aso, umungol at tumabi sa kanila. Pagkaraan ng ilang saglit, narinig
uli nila ang mga sigaw, mas malapit, mula sa gilid ng bundok. Umingit-ngit
sa takot ang mga aso, ibinaba ang mga buntot sa pagitan ng mga paa, at
kumaripas ng takbo. Tumakbo na rin ang 2 mangangahoy, lalo na nang
umalingawngaw uli ang mga sigaw, malapit na malapit na! Sindak sila sa
bilis ng mga humahabol!

Umabot ang 2 mangangahoy sa sapang Bakal at, sa takot, binitawan ang


dalang usa at baboy damo at umakyat sa isang punong kahoy habang
patuloy na tumakas ang mga aso. Sa isang kisap-mata, dumating ang mga
humahabol - mga dambuhalang halimaw pala! Sinakmal ng mga ito at
kinain ang usa at baboy damo. Ilang minuto lamang, naubos at tumakbo uli
ang mga halimaw pabalik sa bundok. Isa sa mga mangangahoy, mas
matapang, ay bumaril sa mga halimaw subalit mintis!

Wala kahit isang nakatuklas sa mga magulang ni Mariang Makiling, o kung


mayruon siyang mga kapatid o ibang kamag-anak. Ang mga nilalang na
tulad niya ay maniwaring lumilitaw na lamang, tulad ng mga bato na
tinatawag ng mga Tagalog na “mutya.”

Wala ring naka-alam ng tunay niyang pangalan, basta tinawag na lamang


siya ng mga tao na “Maria” dahil karaniwang pangalan ito ng mga Pilipina,
at “ng Makiling” dahil duon sa bundok na iyon siya laging nagpapakita.
Hindi raw siya pumasok sa kabayanan ( pueblo, town) kahit minsan, o
sumali sa anumang pagdiriwang sa simbahan.

Hindi siya nagbago ng anyo. Ang 5 o 6 na anak-anakan ( generations) na


nakakita sa kanya, laging sabi ay bata, maliksi at dalisay si Mariang
Makiling. Subalit ngayon, marami nang taon na hindi siya nakikita, kahit
anino ay hindi na aninaw sa Makiling, kahit na sa liwanag ng buwan.
Ngayon, ang mga kasal at iba pang pagdiriwang ay hindi na nakikitaan ng
mga alahas ni Maria, wala nang tumatanggap ng handog na yaman.

Naglaho na si Mariang Makiling. Sabi ng iba, kasalanan daw ng mga tao sa


kabayanan na ayaw magbayad ng puting dumalaga. Ni hindi raw ibinalik
ang mga hiniram na alahas at mga damit.

Subalit sumbong ng iba, nagalit daw si Mariang Makiling dahil tinatangkang


agawin ng mga hacenderos ang lupain sa bundukin.
Bakit Maalat ang Dagat?

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa


kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay
maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha
naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang
mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang
problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May
nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan
ang kanilang kapaguran.

Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at
inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod
lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang
dambuhalang higante, mabait at matulungin siya.

Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan.


Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-
sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan.
“O hayan, tumulay na kayo! Sisikapin kong hindi igalaw ang mga binti ko nang
makatulay kayong paroon at parito.”

Karga sa likod ang mga sako ng asukal, isa-isang tinalunton ng mga katutubo
ang mga binti ni Ang-ngalo. Maingat na maingat sila. Takot silang madulas at
malunod sa gitna ng dagat. Matagal-tagal din ang paglalakbay nila. Naibaba
nila ang asukal sa ibayong dagat pero hindi namalayan ng lahat na may ilang
sakong nabutas kaya nabudburan ng asukal ang ilang bahagi ng binti ng
higante.

Totoo ang kasabihang kung saan naroon ang asukal, tiyak na patungo doon
ang langgam.

Sa pagbalik ng mga katutubo ay masasaya na nilang dala-dala ang inangkat


na mga sako ng asin. Kahit pawisan ay natutuwa sila sapagkat makababalik
ang bawat isa dala-dala ang produktong labis na kinakailangan sa
kabuhayan.

Hindi napansin ng lahat na sa pag-akyat nila sa binti ni Ang-ngalo ay kasabay


nila ang mapupulang langgam na nakaamoy ng matamis na asukal. Kung
maraming katutubo ang nanunulay na pasan-pasan ang mga asin ay marami
ring langgam ang gumagapang at handang kumagat sa sinumang
mabalingan.

Sapagkat lubos na sensitibo ang balat ng higanteng maramdamin, napasigaw


ito na ikinagimbal ng mga tao.

“Ma…may mga langgam na kumakagat sa binti ko. Magkapit-kapit kayo!”


Nang hindi na matiis ang pangangagat ng mga langgam sa binting may
katamisan ay iginalaw ni Ang-ngalo ang mga paa na ikinahulog ng libu-libong
katutubo kasama ng libu-libo ring sako ng asin.
Bagamat nailigtas ni Ang-ngalo ang mga katutubo ay lumubog lahat ng asin
sa ilalim ng karagatan.
Iyan ang dahilan kaya umalat na ang dagat magmula noon.
Ito ang alamat na pinagmulan ng kaalatan ng karagatan.
Ang Alamat ng Aswang

Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.Isa na dito ay ang
batang si Lam-eng. Kasama niya sa kanilang kahariang patag ang kaniyang
Tiyo Samuel. Nandoon din ang dalawa nilang alalay na sina Inas dilim at si
Amir-ika sinag. Gabi-gabing nananaginip si Lam-eng tungkol sa isang lalaking
kamukhang kamukha niya na nakatira sa bundok. Dahil sa pagkabahala,
tinanong niya ang kaniyang Tiyo Samuel ukol dito.

Sinabi sa kaniya ng kanyang Tiyo Samuel na kambal silang ipinanganak ng


kanilang inang supremong bathala. Siya ay pinatira sa patag kasama ng ng
kanyang tiyo at ang kaniyang kambal na si Asuw-eng naman ay mag-isang
iniwan sa bundok. Napatigil ang kaniyang tiyo sa pagkukuwento. Naisip kasi
nito na kung sakaling magkasama ang dalawang magkapatid, ay magsasama
din ang malalakas na kapangyarihan ng mga ito na maaring makapagpawala
sa taglay na kapangyarihan ni Tiyo Samuel. Kaya naman sinabi agad nito na
napakabangis na taong may pakpak at dalawang malalaking pangil si Asuw-
eng.

Kaya umano ito inilagay sa bundok para doon kumuha ng mga karne ng
hayop bilang pagkain. Mas malakas din umano ito kay Lam-eng at maaari
itong lapain sakaling lumapit si Lam-eng kay Asuw-eng. Gayumpaman, nais
pa ring makita ni Lam-eng ang kaniyang kapatid. Hindi siya pinayagan ng
kaniyang Tiyo Samuel kaya sinabi nito na uutusan na lang niya ang dalawang
alalay na umakyat sa bundok para makuha si Asuw-eng. Gagawin ito pagsikat
ng araw kinabukasan.

Gabi bago ang araw ng pag-akyat sa bundok, pasikretong tinawag ni Tiyo


Samuel si Amir-ika. Sa kanilang pag-uusap, ibinigay ni Tiyo Samuel kay Amir-
ika ang dalawang malalaking karayom. Kailangan umanong itusok ang
dalawang karayom sa leeg ni Inas bago pa sila makarating sa tuktok ng
bundok. Dagdag pa rito, kailangan ding sugat-sugatan si Inas na para bang
nilapa ng isang mabangis na hayop.

Umakyat na nga ang dalawang alalay sa bundok, at nangyari ang ayon sa


plano. Bumaba si Amir-ika na dala-dala ang bangkay ng kasamang si Inas.
Sinabi nito kay Lam-eng na inatake sila ng isang lalaking may pakpak at
malalaking pangil. Buti na lang daw at nakatakbo siya ngunit si Inas ang
nabiktima. Natakot si Lam-eng sa nangyari at paniwalang-paniwala siya na
halimaw nga ang kanyang kapatid. Bumaba ang dalawang babaeng anghel
na itinakdang magbibigay ng anak sa magkapatid.

Ang isa ay pumunta sa bundok at ang isa kay Lam-eng. Nang magkaanak na
si Lam-eng, binalaan niya ang mga ito na huwag pupunta sa bundok dahil
nandoon ang halimaw niyang kapatid na si Asuw-eng. Nagpasalin-salin sa
lahi ni Lam-eng ang kuwento tungkol kay Asuw-eng.

Unti-unti ding nabago ang tawag sa halimaw, mula sa Asuw-eng ay naging


asuwang at ngayon nga ay aswang. Nagkaroon din umano ito ng mga anak.
Ang isa ay nahahati ang katawan na kung tawagin ay manananggal at ang
lalaking malaki't matikas na tinatawag na kapre, ang lalaking anak ni
Asuweng.

Ang Alamat ng Unang Sirena


Sa isang karaniwang bukid nanirahan ang mag-asawang Vilma at Tirso. Ang
kanilang bahay ay malapit sa dagat. Si Tirso ay mangingisda. Ang pangingisda
ang pinagkakakitaan ngpamumuhay ng mga taga roon.

Sa ikatlong taong pagsasama ng mag-asawa saka pa naglihi si Vilma. Sa


kanyang paglilihi laging gustong iulam sa pagkain ay isdang bangus. May mga
araw na walang mahuling bangus si Tirso kaya si Vilma’y nagtatampo at hindi na
kakain. Siya ay iiyak nang iiyak.

Isang araw si Tirso ay pumunta sa dagat. Siya’y walang malamang gawin nang
makarinig ng sigaw. Makatatlong ulit na narinig niya ang kanyangpangalan.
“Tumingin ka sa ibaba!” ang sabi ng tinig.
Tumungo si Tirso at nakita ang isang malaking isdang bangus, maganda at may
korona.

“Ako’y nagmula sa kailaliman ng dagat. Ako ang hari ng kara-gatan. Baka ikaw
ay may kailangan. Ako’y handang tumulong sa iyo!”

Nagtapat si Tirso. “Ang aking asawa ay nagdadalang-tao. Lagi siyang humihingi


sa akin ng isang bangus. Wala akong ibigay. Wala akong mahuli sa dagat at
wala ring mabili sa pamilihan.”

“Kita’y tutulungan. Linggo-linggo o kahit araw-araw kita’y bibigyan ng bangus sa


isang kondisyon?”

“Ano ang kondisyon?”

“Pagdating ng iyong anak sa gulang na pitong taon, siya’y ibibigay mo sa akin!”

Yamang walang ibang paraan sa pagkakaroon ng isdang bangus para sa


kanyang asawa, siya’y pumayag.

“Bukas magsisimula ang rasyon. Bibigyan kita ng isda.” Sila’y naghiwalay


nakapuwa nasiyahan.

Nang sumunod na araw si Tirso ay nagpunta sa aplaya. Nakita niya ang mga
isdang handa at nakahanay sa buhanginan. Kinuha niya ang mga ito at iniuwi.
Niluto ni Vilma ang mga isda at ang mag-asawa’y nagsalo. Ganito ang
pangyayari kahit na si Vilma ay nagsilang na ng sanggol. Pinangalanan ang
sanggol na Marita. Napakaganda ng bata! Mahal na mahal ng ama’t ina si
Marita. Ito’y maitim ang buhok, at mga mata’y kumikislap tulad ng sa manyika.

Ang tatlo ay naglalaro sa looban ng kanilang bahay subalit tikis na hindi


pinapasyal sa dalampasigan.
Ang bata ay lumaki at sa kanyang paglaki ay lalong nag-ibayo ang pagmamahal
ng ama’t ina. Dumating ang ikapitong taon ng bata. Ligalig na ligalig si Tirso.
Hindi niya malaman kung paano niya ipagtatapat ang kanyang ipinangako sa
Haring Bangus.
“Vilma, may ipagtatapat ako sa iyo. Huwag kang magagalit. Sa halip ay ako’y
payuhan mo kung ano ang nararapat nating gawin -kung ano ang solusyon sa
ating problema!”

“Ano bang problema ang pinagsasabi mo?”

“Natatandaan mo ba noong ikaw ay naglilihi? Noong gusto mong kumaing lagi ng


isdang bangus? Suysuy ka nang suysuy na manghuli ako sa dagat. Sa aking
pag-uwi wala akong dala. Wala ring mabili sa pamilihan. Tinulungan ako ng Hari
ng mga Bangus. Siya raw araw-araw ay magbibigay sa akin ng isdang rasyon.
Dahil diyan kaya ako’y pinapangakong pagdating ng ating sanggol sa gulang na
pitong taon, ibibigay ko sa kanya si Marita!”

“Hindi maaari!” sabay tulo ng luha. Siya ay tangi nating kayamanan. Hindi ko
matitiis na siya ay mawalay! Sukdang aking ikamatay, ako’y tutol!”

Isang umaga si Tirso ay nagpunta sa aplaya. “Marangal na Hari ng mga isda,


ayaw pumayag ng aking asawa! Ipinakikiusap na sa halip na kunin mo si Marita,
ikaw ay bibigyan namin ng diamanteng singsing at anim na kalabaw!”

“Magpakalalaki ka! Pahalagahan mo ang iyong pangako at ang ating


kasunduan!”

Nag-isip si Tirso. Pumasok sa kanyang loob na ang kanyang kausap ay isda


lamang kaya hindi nito kayang agawin o kunin si Marita kung ito’y malayo sa
dagat o sa dalampasigan. Ipinasya niya na hindi niya tutuparin ang kanyang
pangako.

Siya’y nagtatakbo na walang kaputok mang sinalita.

Galit na galit ang Haring Bangus. “Oras na ang batang iyan ay pumarito sa
aplaya, siya’y aking dudukutin!” naibulong sa sarili.

Mula noon ay hindi na nakita sina Tirso, Vilma at Marita sa bay-bay dagat.

Isang umaga, may dumating na batel sa dalampasigan. Ang mga tao sa baryo ay
naghalimbumbungan at nag-usyoso. Ang ilan sa kanila ay namili ng kung anu-
anong gamit sa bangkang nakadaong. Natanaw ni Marita ang mga taong
umakyat-manaog sa sasakyan. Tumawag ng pansin ni Marita ang matingkad na
kulay ng sasakyan. Siya’y nagpunta roon. Iyon ang unang pagkakataon ng
gayong uri ng bangka sa daungan.

Nang dumating doon si Marita, nakapag-alisan na ang mga tao. Marahan siyang
lumapit sa bangka. Sa isang iglap siya ay sinakmal ng dambuhalang alon.

Siya’y nagpagibik at humingi ng tulong ngunit nang dumating ang saklolo ay huli
na. Ang ina at ama, kasama ang mga taganayon ay naghanap at ginalugad ang
karagatan subalit nawalan ng saysay.

Tuwing sasapit ang orasyon matapos magdasal sina Vilma at Tirso, sila’y
pupunta sa talukan ng alon sa pagbabaka-sakaling makita si Marita. Lumakad
ang mga buwan at mga taon subalit kahit anino ay walang nakita ang mag-
asawa.

Isang gabing maliwanag ang langit dahil sa kabilugan ng buwan, ang dalawang
matanda ay naganyak na magdalampasigan. Sila’y may namataang isang
magandang babaeng mahaba ang buhok. Ito’y lumalangoy. Ang kalahati ng
kanyang katawan paitaas ay tao subalit sa pababa ay walang paa. Ang
pinakapaa ay puno ng kaliskis. Sa dulo ay palikpik. Ito ang unang sirena.

Ang Alamat ng Aso


Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang
tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan. Ang ama, si
Roque, ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya
ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang
pagkain. Samantalang ang ina naman, si Magda, siyang nag-aasikaso sa
kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose.

Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque dahil may kasama


itong lalaking may sugat. Inalagaan ito ng pamilya. At sa paglipas ng
panahon, naging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.

Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi


niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, naging dahilan upang
manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa
gubat at inatake ng maraming alamid.

Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay
nila ito. Itinuring nila itong kapamilya at nakatulong pa kay Roque sa pang-
araw-araw na pahahanap ng pagkain.

Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihim na pagkagusto sina


Magda at Damaso sa isa't isa. At isang araw nga, nagpasya sina Damaso
at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar. Nag-iyakan ang
dalawang bataang sina Maria at Jose.

"Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria.

"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak
ni Jose. Ngunit hindi napigilan si Magda ng kanyang mga anak. Sumakay
pa rin sila ng bangka at umalis kasabay ng agos no ilog.

Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si


Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso. Mula sa
malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina
Maria at Jose upang humabol. Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam
niyang hindi marunong lumangoy ang dalawang bata. Siyang pagdating ni
Roque na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit
lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sa tubig ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari at sising-


sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang
pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama. Bigla, mula sa tubig ay isang
babae ang lumutang sa hangin.

"Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa


ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging
kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso. Ang kanilang katawan


ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang
mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang
lumalabas sa kanilang bibig.

"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi


natutong tumanaw ng utang na loob sa taong nagpapala sa iyo, at ikaw
Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa
iyong mga magiging anak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon.

Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng


maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig. Sa
pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga
tahanan.

At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay


tapat sa kanilang mga amo. Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang
amo at ipinagtatanggol ang mga ito sa mga kaaway, upang patunayan na
tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang
mawawala ang sumpa ng diwata.

Ang mga inahing aso naman ay labis na binabantayan ang kanilang mga
tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal
sa kanilang mga anak.

Kaya't maging maingat tayong makasakit ng ibang tao, lalo na sa mga


nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong
hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun
din sa mga taong hndi marunong magmahal na tulad ni Magda.

You might also like