You are on page 1of 7

Aralin 3

Biag ni Lam-ang

Tayo ay maraming salaysay ng kabayanihan ang ibat ibang tribu sa ating bansa.Ito ay mahabang patulang pasalaysay ng kabayanihan ng tribu o ng isang tao sa tribu. Ang tawag ditto ay epiko. Ang Biag ni Lam-ang ay epiko ng Ilokos. Sa malayo at tahimik na Lambak ng Nulbuan naninirahan ang magasawang Namongan at Don Juan. Ang Lambak ng Nalbuan ay nasa baybayin ng Ilog Naguilian sa Ilokos. Si Don Juan ay ang pinuno ng kanyang tribu sa Nalbuan.Nilusob ng ilang masasamang tao mula sa tribu sa kabundukan ng Cordillera ang mga tauhan ni Don Juan. Marami ang nasawing tauhan nito. Nagalit siya at nais niyang ipaghiganti ang kanyang mga tauhan. Ayaw sanang payagan ni Namongan ang asawa na umalis pagkat siya ay buntis at malapit nang magsilang ng sanggol. Ngunit hindi napigil si Don Juan dahil ibig niyang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik pa si Don Juan. Samantala, nagsilang ng sanggol na lalaki si Namongan. Pinangalanan anng sanggol ng Lam-ang. Sanggol pa lamanng si Lam-ang ay kumpleto na ang kanyang ngipin at matatas na sa pagsasalita.

Itinanong ni Lam-ang sa ina kung nasaan ang kanyang ama.Walang nagawa angn ina kundi ang ipagtapat ang malungkot na sinapit ni Don Juan. Sinugod ang iyong ama ang tribu na lumusob ditto sa atin at pinagpapatay ang mga tauhan. Mula noon ay hindi na nakauwi ang iyong ama, ang sagot ng ina ni Lam-ang. Nalungkot si Lam-ang. Ibig niyang hanapin ang kanyag ama. Nagpaalam siya sa ina upang hanapin ang kanyang ama. Naglakad nang mag-isa so mga lambak, gulod, bundok, at karapangan si Lam-ang hanggang sa maratin niya ang tribu na nagging kaaway ng kanyang ama. Nakita niya roon ang ulo ng kanyang ama. Sinasayawan ng kabilang tribu nang paikut-ikot. Silay nagsasaya. Nagalit si Lam-ang. Ubos lakas siyang sumigaw. Umalingawngaw ang tinig ni Lam-ang sa nnga lambak at bundok.

Nagulat ang mga nagsasayang tribu. Nang malaman nila na nag-iisa lamang si Lam-ang, sila ay nagtawanan at pinauuwi na nila si Lam-ang. Ngunit sumigaw muli si Lamang.Ibalik niyo ang buhay ng aking ama, ang sigaw niya. Hinahamon ko ang inyong buong tribu. Kayat nagkaroon na ng labanan. Mag-isa si Lam-ang laban sa maraming tauhan ng tribu. Galit nag alit si Lamang sa nakita niya. Nag-ibayo pa nag kanyang lakas, bilis at tapang. Nagapi ni Lam-ang ang tribu. Kinuha niya ang bangklay ng kanyang ama. Ibinaon niya ito nang maayos. Umuwi na si Lam-ang. Ganap nang binata si Lam-ang nang makabalik siya sa nayon nila. Kasama niyang lagi ang kanyang dalawang alaga, isang mahiwagang aso at isang mahiwagang tandang. Matagal na panahong naglakbay si Lam-ang at ang kanyang mga alaga. Maruming-marumi na si Lam-ang at kailangan niyang maligo sa Ilog Amburayan. Pinaliguan siya ng may sandaang dalaga. Dahil sa matinding dumi ni Lam-ang, nagsiahon sa ilog. Iyong mga hindi nakaahon ay nangamatay.

Nagulat ang mga nagsasayang tribu. Nang malaman nila na nag-iisa lamang si Lam-ang, sila ay nagtawanan at pinauuwi na nila si Lam-ang. Ngunit sumigaw muli si Lam-ang.Ibalik niyo ang buhay ng aking ama, ang sigaw niya. Hinahamon ko ang inyong buong tribu. Kayat nagkaroon na ng labanan. Mag-isa si Lam-ang laban sa maraming tauhan ng tribu. Galit nag alit si Lam-ang sa nakita niya. Nag-ibayo pa nag kanyang lakas, bilis at tapang. Nagapi ni Lam-ang ang tribu. Kinuha niya ang bangklay ng kanyang ama. Ibinaon niya ito nang maayos. Umuwi na si Lamang. Ganap nang binata si Lam-ang nang makabalik siya sa nayon nila. Kasama niyang lagi ang kanyang dalawang alaga, isang mahiwagang aso at isang mahiwagang tandang. Matagal na panahong naglakbay si Lam-ang at ang kanyang mga alaga. Maruming-marumi na si Lam-ang at kailangan niyang maligo sa Ilog Amburayan. Pinaliguan siya ng may sandaang dalaga. Dahil sa matinding dumi ni Lam-ang, nagsiahon sa ilog. Iyong mga hindi nakaahon ay nangamatay.

Bumalik si Lam-ang sa kabundukan ng Kalanutian upang manligaw sa dalagang kanyang napupusuan. Siyay si Ines Kannoyan. Kasama ni lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Nasalubong ni Lam-ang ang higanteng si Sumarang. Sila ay naglaban. Pinahipan ni Lamang ang kalaban sa hangin. Sinalipadpad ito sa ikapitong bundok. Nang dumating si Lam-ang sa bahay nina Ines, hindi siya napansin ng mga tao. Tumahol ang mahiwagang aso. Nabuwal ang katabing maliit na bahay. Napansin ng lahat si Lam-ang.

Nagpadala naman si Lam-ang ng kanyang bigay-kaya sa kasal ila ni Ines- dalawang malaking barkong puno ng ginto. Marangyang ikinasal ang dalawa. Pagkatapos ng kasal,kailangan tuparin ang kaugalian sa Kalanutian. Dapat manghuli si Lam-ang ng isdang raring. Parang nakikita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya sa ilalim ng dagat. Siya ay makakain ng pating na berkakan. Ipinagbilin ni Lam-ang kay Ines ang dapat nitong gawin. Nagkatotoo nga ang hinala ni Lam-ang. Kinain siya ng pating na berkakan. Tinupad ni Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinatipon niya ang mga buto ni Lam-ang, inaayos ang mga ito at tinakpan ni Ines ng kanyang saya at tapis. Inukit-ukitan ng mahiwagang aso at mahiwagang tandang. Tahol nang tahol ang aso. Tilaok nang tilaok ang tandang. Walang anu-anoy kumilos ang nga butong mag tapik.Nabuhay si Lam-ang. Agad itong bumangon na parang nanggaling sa mahabang pagkakatulog. Nagyakap sina Lam-ang at Ines. Niyakap nila ang mahiwagang aso at mahiwagang tandang at silay nagdasal ng pasasalamat sa Poong Bathala. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

You might also like