You are on page 1of 3

BIAG NI LAM – ANG

Pamagat ng akda: Biag ni Ni Lam-ang

May akda: Pedro Bukaneg ay isang dakilang Pilipino na mula sa lupain ng mga Samtoy
(bandang Ilocos). Itinuturing siyang unang edukadong Ilokano, orador, musikero, leksikograpo
at dalubwika. Siya ang itinuring na Ama ng Panitikang Ilokano.

Mga tauhan:

Lam-ang: siya ay masipag, matapang at magaling sa pakikipag digmaan, siya din ang
pangunahing tauhan.

Namongan: ang Nanay ni lam-ang

Don Juan: ang tatay ni lam-ang na pinugutan ng ulo ng mga igorot

Ines kanoyann: dalagang niligawan ni lam-ang

Mahiwagang tandang: alaga ni lam-ang na may kakayanan mag buwal ng bahay sa


pamamagitan ng tilaok

Mahiwagang aso: alaga ni lam-ang na may kakayanang mag patayo ng mga nabuwal na bagay
o bahay

Sumarang: isa sa man liligaw ni ines

Buod:
Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union naninirahan ang mag-asawang
kilala sa pangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit ng manganak si Namongan ay
biglang sinugod sila ng mga igorot kaya naman ay sumugod si Don juan sa mga igorot upang
ipag higanti ang kanyang mga tauhan. Ngunit sakanyang pag alis ay hindi na siya nakabalik
pang muli balita nila ay pinugutan na ito ng ulo Maka lipas ang ilang araw Isinilang ni
Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng
pangalang Lam-ang.Nang madiskobre ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama,
isinumpa niyang ipaghihiganti niya ito.sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas,
matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin
ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.Nag tungo siya sa lupain
ng mga igorot kasama ang isang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Baon rin niya ang
kanyang talisman mula sa punong saging. Dahil sa kanyang talisman ay madali niyang nalakbay
ang mga kabundukan at kaparangan.Sa pagod ni lam ang siya ay nakatulog at napanaginipan
niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsasayawn at pina paligiran ang pugot
na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy parin siya sa paglalakbay at narating sa lugar ng mga
Igorot. Nakita niya ang ulo ng kanyang ama na nasa haligi ng kawayan.Hinamon ni Lam-ang
ang mga Igorot.Ngunit pinauwi siya ng mga igorot upang wag matulad sa ama. Ngunit hindi
siya ng patinag sumigaw ng ubod ng lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan.Narinig
ng marami ang kangyang pag sigaw kayat dumating ang maraming Igorot at pinag babato ng
kanilang mga sibat. Hindi manlang nasugatan ang bata . Nang maubusan ng sibat ang mga
Igorot gumanti naman si lam ang .hinugot nya ang kanyang itak at pinag papatay ng walang
hirap ang mga igorot.Naligo siya sa Ilog Amburayan.dahil sakanyang kadungisan, namatay ang
mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.Pag katapos
mamahinga ay pumunta siya sa kaniyang nililigawan na si Ines Kannoyan. Nabitbit ang kanyang
mahiwagang tandang at mahiwagang aso.Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya
ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay napunta sa
ikapitong bundok.Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Tumahol ang mahiwagang aso ni
Lam-ang ng hindi niya napapansin. Biglag bumuwal ang bahay at tumayo rin ng tumilaok ang
tandang Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines.
Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung malalagpasan niya ang kayamanan ng
pamilya ni Ines.Kayat nag padala si lam ang ng dalawang barko laman ay ginto Si Ines at si Lam-
ang ay ikinasal simbahan. Pagkatapos ng kasalan,bilang tradisyon , kailangang manghuli si Lam-
ang ng mga isdang rarang.natatnaw ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay
makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.Si
Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Kininsiya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang.
Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Inipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng
mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.Walang
anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang
bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap
din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

Pagsusuri:
1. Panahon ng kinabibilangan: Ang panahong kinabibilangan ng akdang ito ay pre-colonial
era sapagkat sa panahon nila ay wala pang mananakop na mga espaniol ngunit
mayroong pagtutunggali sa mga tribo
2. Sariling Puna: Mahusay ang pag kakagawa ng kwento ito ay nakaka engganyong basahin
dahilan na mayroong lakas ang mga tauhan sa kwento
3. Gintong Kaisipan o Balyus ng kwento: Pag mamhal at malasakit sa kapwa ang dapat na
pinapairal lalong lalo na sa pamilya
4. Mungkahi o suhestiyon: Hindi sa lahat ng bagay kailangan kang lumaban o gumanti
maaari naman ang diyos na ang gumanti

You might also like