You are on page 1of 14

²PANAHON NG AMERIKANO³

Nagsimula noong 1899 kung saan pormal na inilipat ng mga Kastila ang
pamamahala ng bansa sa mga Amerikano. Ito ay bilang pagtupad sa
kasunduang naganap sa Paris (Treaty of Paris). Nakalaya ang bansa mula sa
pamamalakad ng mga Kastila ngunit napasailalim naman sila sa mga bagong
mananakop na mga Amerikano. Samakatuwid, hindi nangangahulugang
kalayaan ang kanilang nakamit kundi nailipat lamang ang kapangyarihan ng
mga kastila sa mga Amerikano.

Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng


panitikan tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa.
Maliwanag na mababasa sa mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam
ng tunay na kalayaan.

Talinghaga Sa Palasalitaan
Lope K. Santos

Naniningalang pugad pa lamang nang si Inggo ay tablan ng pag-ibig sa


bagong sumisibol na si Lilay na taga-ibang nayon. Ngunit nakaraan ang ilang
taon na kapwa iginulang na nila nang kaunti sa pagkabinata at pagkadalaga
ay hindi man lamang sila nagkakausap, kundi sa mga mata lamang, ito ay
dahil sa kahinaan ng loob ni Inggo at ng kahigpitan ng mga magulang ni Lilay.

Makailang idinaan sa sulat ni Inggo ang pagpapahayag ng kanyang pag-


ibig, ngunit minsan ma’y, di nakatanggap ng kasagutan. Isa sa mga sulat na
iyon ay tulang pagawa niya sa isang Huseng Sisiw sa kanilang nayon na
nagsisimula ng ganito.

“Ang unang bati ko’y kasabay ng luhod, gaya ng pagbati ng Anghel kay
Hesus…”

At nagtatapos sa paganito.

“Ititigil ko na ang lakad ng pluma, pluma ang titigil, hindi ang pagsinta.”
Datapwat, ito man ay parang nagbuhos ang kanyang pagnanais kay
Lilay. At isang umagang nag-iisang galing ito sa simbahan ay naglakas-loob
ang binata na sumunod. Ngunit bago pa lamang siyang nagbibigay ng
“Magandang araw po,” si Lilay na nakaramdam kaagad na ibig siyang sabayan
ng binata ay nagsalita na nang may kahayapan.

“Ang lansangan po ay para sa paglakad, ang bahay ay para sa pag-


uusap.”

Natigilang sandali si Inggo, na parang inisip-isip ang kanyang narinig. At


nang masakayan ang talinghaga ay tumalinghaga din naman.

“Kung naaabot po ang kamay, kailangan pa kaya ang dumukwang?”

Napa-aba ang dalaga, sabay titig sa binata bago nagsalita ng patanong:

“Bakit pa po tayo may magulang kung tayo ang masusunod na lamang?”

At nang si Inggo ay hindi pa rin kumikibo at napakagat-labi lamang si


Lilay ay nagsalita uli.

“Ang ibig ko pong sabihin sa inyo, bago pasadulo, pasapuno muna kayo.”

Nabuhayan na ng dugo ang binata at ang naipagbangong – puring sagot


ay:

“Sa puno ay magdaraan po ako, kung maaasahan ko ang dulo.”

Na agad namang tinugon ng dalaga, may kasabay pang ngiti at pungay


sa mata:
“Pag sa matinik na puno kayo’y nakaraan, ang minimithing dulo’y inyong
maaasahan…”

Sa di kawasa, si Inggo ay naging asawa ni Lilay.


MALING EDUKASYON SA KOLEHIYO
Jorge Bacobo

Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyon ang


itinuturo sa kolehiyo ay maling edukasyon? Ang sagot ko rito ay “Oo”. Isa itong
kabalintunaan, subalit hindi maitatatwang isang katotohanan. Naniniwala
tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad kung kayat tayo ay
nag-aaral. Datapuwat katulad ng paraan upang mapaunlad ang pamumuhay,
magagamit ang edukasyon upang magtayo o maggupo, magturo o manlinlang.

Nagkaroon ng pagkakataong suriin ang mga patakaran at kaisipan sa


loob ng sampung taon na paglilingkod sa Unibersidad ng Pilipinas. Karamihan
sa mga estudyante ay nakatupad sa iniatas sa kanilang tungkulin sa ilang
aspekto ng edukasyon sa unibersidad. Subalit malungkot aminin na ang kilos
at pag-iisip ng maraming estudyante ay nagbibigay-daan sa pagkabansot ng
isipan, sa pagkatuyo ng puso at pagkitil sa kaluluwa. Hindi tunay na
edukasyon ang nagaganap sa unibersidad. Tatalakayin ko ang tatlong paraan
ng maling edukasyon na binabayaran ng mga estudyante ng mataas na
matrikula at hindi mabilang na sakripisyo.

Una, nariyan ang di-rasyunal na pagsamba sa mga pahina. Ano ang


sinasabi ng aklat? Ang pinakamahalagang tanong sa isip ng mga estudyante
tuwing kakaharapin nila ang mga suliraning kinakailangan nang gamitan ng
pangangatwiran. Maraming estudyante ang halos mabaliw sa paghahagilap ng
mga impormasyon hanggang sa maging kasintaas ang mga ito ng bundok, at
ang isip ay madaganan ng datos. Wala nang ginawa ang mga mag-aaral kundi
ang mag-isip kung paano dadami ang impormasyong hawak nila, sa ganoon,
nawawala ang kanilang kakayahang mag-isip sa malinaw at
makapangyarihang paraan ang mag-isip para sa kanilang sarili.

Pangalawa, ginawang pangunahing layunin ng maraming mag-aaral ang


pagiging mahusay na propesyunal. Ipinasya nilang maging magaling na
abogado, medico, inhenyero, guro at magsasaka. Hindi na ako titigil upang
usisain kung gaanong kabigat na sisi ang ilalatag sa pintuan ng unibersidad
dahil sa hindi makatuwirang empasis ng espesyalisasyon. Hindi naitatatwang
malakas ang kalakarang naturan subalit hindi naman lamang tayo mag-isaip
upang tingnan ang kabayaran nito. Naniniwala ako na walang kabuluhan ang
edukasyon kung hindi ito pinalalawak ang pananaw ng tao, pinalalalim ang
kakayahang dumamay at pinaghahandog ng gabay tungo sa matalinong
pagkukuro ay malalim na damdamin. Ilan sa mga mag-aaral ang nagbabasa ng
panitikan? Nagbabasa tayo ng walang kamatayang tula subalit hindi tayo
naaantig ng kanilang tinig at waring isang estatwa na taglay ang walang lipas
na kagandahan ng guhit ng iba pang katangian, subalit para sa atin, isa
lamang kopyang walang halaga. Sasabihin ninyo sa akin, iyan ba ang uri ng
buhay na dadayuhin sa kolehiyo?

Panghuli, pinalalabo ng ganitong espesyalisasyon, na nakapako sa


tagumpay sa propesyon sa hinaharap, ang pananaw sa buhay. Nanganganib
na maging makitid at hindi maganda ang ating pilosopiya sa buhay sapagkat
nasanay na tayong mag-isip ng tungkol lamang sa maalwang buhay na
materyal. Oo nga’t kailangan nating maging praktikal. Hindi natin lubusang
masasagot ang katanungan kung hindi natin lilinangin ang wastong saloobin
at paniniwala nang sa gayon ay maihiwalay natin ang latak sa ginto, ang ipa sa
palay ng buhay. Dapat nating isagawa ito hindi pagkaraan ng pagtatapos
kundi bago magtapos sa unibersidad.

Sa pangwakas, napansin ko sa mga estudyate natin ang sumusunod:


kakulangan ng pansariling pagpapasya at pagmahal sa walang lamang
pilosopiya dahil sa pagsamba sa pahina at pagmamadaling paghahanap ng
mga impormasyon, ang unti-unting pagkitil sa kakayahang maantig na
kagandahan at kadakilaan dahil sa espesyalisasyon, at ang pagpapabaya sa
tungkuling bigyan katuturan ang pilosopiya sa buhay na bunga ng labis na
empasis sa pagsasanay tungo sa pagiging isang propesyunal.
Pagtatapat
Lope K. Santos

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,


Sa ulo mo’y ako ang buong masilid
Ibig kong iyang mata’y tumititig
Sa balintataw mo’y ako’y mapadikit.

Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig


Ang labi ko’y siyang lumasap ng tamis
Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib,
Bulong ng dibdib ko ang iyong maririnig.

Hangad kong kung ika’y siyang nag-uutos


Akong ako lamang ang makakasunod
Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog
Kaluluwa ko lang ang makakapulot.

Hangad kong sa harap ng iyong alindog


Ay diwa ko lamang ang makakaluhod
Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog
Kamanyang ko lamang ang iyong naisusuob.

Kahit Saan
Jose Corazon de Hesus

Kung sa mga daang nilalakaran mo


May puting bulaklak ang nagyukong damo
Na nang dumaan ka ay biglang tumungo
Tila nahihiyang tumunghay sa iyo
Irog, iyo’y ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim
Nilalapitan ka at titingin-tingin
Kung sa iyong silid pasok na magiliw
At ikaw’y awitan sa gabing malalim
Ako iyon, Giliw!
Kung tumitingala ka sa gabing payapa
At sa langit nama’y may ulilang tala
Na sinasabugan ikaw sa bintana
Na kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga


Isang paruparo ang iyong nakita
Nasa masetas mong didiligan sana
Ang pakpak ay wasak at nanlamig na
Iya’y ako, Sinta!

Ang Panday
Amado V. Hernandez

Kaputol na bakal na galing sa bundok


Sa dila ng apoy, kayang pinalambot
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok
At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-ano’y naging kagamitan


Araro na pala ang bakal na iyan
Ang mga bukiri’y payapang binungkal
Nang magtanim na’y masayang tinamnan.

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo


At ang buong bayan ay bulkang sumubo
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo
Pagkat may laban ng nag-aalimpuyo.

Ang lumang araro’y pinagbagang muli


At saka pinanday nang nagdudumali
Naging tabak namang tila humihingi
Ng paghihiganti ng lahing sinawi.

Kaputol na bakal na kislap ma’y wala


Ang kahalagahan ng ‘di matangkala
Ginawang araro, pambuhay ng madla
Ginawang sandata, pananggol ng bansa.

Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi


Bakal na hindi man maipagmamalaki
Subalit sa kanyang kamay na marumi
Nariyan ang buhay at pagsasarili.

Puso
Victorino Balbin

Amangan ngata a nagnam-ay


No ditoy lubong ni ayat agturay
Ta no adda puso a malmalday
Adda met puso a manglinglingay.

Saan a kas ita nga adu’t lalaki


A nasidunget, agindadakkel, natanggi,
Kasta met nga adu dagitay babbai
A managinkukuna, awan ayat ken asi.

Pudno a nasam-it ti biag


Tay addaan kaayan-ayat
Tapno adda sagabaenna a sugat
Adda nalag-an nga ima a mangdayas.

Wen, natamnay ti biag


Tay awanan kaayan-ayat
Uray pirakna amin a pirak
Uray siribnat’ agluplupias.

Ania ngata no mairuam tayo


Nga agkikinaasi, agdidinungngo
Bin-ig nga isem, lailo ken karayo,
Anian a nagsam-it, makaay-ayo!

Inton kastoy ti maaramid


Bin-igton a dandaniw nga agkakasam-it
Toy daga saanton a yan ti sangsangit
No di ket agbalin a bassit a langit.

Ngem ni “Ulo” arigkola Makita,


Nga agngilangil ket kunana; Utopia
Dardarepdep, pulos a parparmata
Ket pulos nga awan panakabalinanna.

Ngem isungbatko met kenkuana


Nga isu ti agar-arapaap, agfilfilosofia;
Ni “Puso” aawenna ti mariknana,
Ket ti agsao’t mariknana awan ulbod na.

Maysa pay, saan aya nga imbilin


Ni Jesu Cristo daytoy a kababalin?
Ket idinto a Dios mabalin aya ngamin
Nga imbilinna ti saan a mabalin?

Kinonana, “Agayan-ayatkayo
Iti maysa ken maysa kadakayo,”
Saan pay imbilin nga insilpo,
“Ayaten pay dagiti kabusoryo.”

Ubogem a nalaing dagitoy Ulo;


Ngem banbannog mo, ulawennaka ta sirib mo
Ag dumog ka laengen iti bilin ni Cristo
Ket agpakumbabakan iti sao ni Puso.
PAGSASANAY

PANGALAN: Bugtong, Johann Paul L. PETSA: Abril 19, 2022


TAON AT KURSO: Criminology/Panitikan ISKOR: ________________

1. Bakit pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat na larangan ng


panitikan sa Panahon ng Amerikano? (10pts.)

- Isa sa pinaka dahilan ng pagpasok ng mga manunulat na Pilipino sa


larangan ng panitikan ay upang ipabatid at iparamdam sa lahat ng mga
taong makakabasa sa kanilang mga akda, tula, kwento, lathain at iba pa
ang kanilang pagmamahal sa bansa at ang inaasam na kalayaan sa mga
kastila o dayuhan. Muling sumabak ang mga manunulat sa panahon ng
mga Amerikano dahil nabigo ang mga Pilipino sa inaasam na kalayaan,
dahil inaasahan ng mga Pilipino na makakalaya sila sa ma Kastila
ngunit inilipat lamang ng mga kastila sa mga Amerikano ang
pamamahala sa bansa.

Mababasa sa mga sulat nila ang patuloy na pagmamahal at


pagtatanggol nila sa bansa, mula sa mga ibat-ibang panahon ng mga
dayuhan hanggang sa panahon ng mga Amerikano. Dahil sa kanilang
katalinohan, katapangan at pagmamahal sa bansa ay ipinagpatuloy
parin nila ang panunulat upang tuluyang mapagtagumpayan ang
kalayaang matagal na inaasam ng mga Pilipino.

2. Ano-ano ang kadahilanang inilahad ni Jorge Bacobo kung bakit mali ang
edukasyon sa kolehiyo? Magbigay ng konkretong halimbawa (20pts.)

- May mga tatlong dahilan si Jorge Bacobo kung bakit mali ang
edukasyon sa kolehiyo. Una ang “di-rasyunal na pagsamba sa mga
pahina”, na kung saan sinabi niya na nawawalan ang mga mag-aaral ng
kakayahang mag-isip ng malinaw at makapangyarihang paraan para sa
kanilang mga saril dahil nakatutok ang mga ito sa pagsasaliksik ng mga
sagot at impormasyon para sa kasagotan sa mga tanong na pinapahanap
sa paaralan. Halimbawa ang research, maraming estudyante ang halos
mabaliw sa kakahagilap sa internet o mga pahina ng libro para
makakuha ng impormasyon sa kanilang research.Pangalawa ang
“ginawang pangunahing layunin ng maraming mag-aaral ang pagiging
mahusay na propesyunal”, kung saan sinabi niya na walang kabuluhan
ang edukasyon kung hindi ito pinalalawak ang pananaw ng tao,
pinalalalim ang kakayahang dumamay at pinaghahandog ng gabay
tungo sa matalinong pagkukuro. Halimbawa , maraming mga estudyante
ang nakatutok sa ambisyong maging guro, doctor, abogado at iba pa ,
kung saan nawawala ang kanilang ibang pananaw sa buhay at
kakayahang damayan ang iba dahil sa naka tuon lang sa kanila ang
propesyung hinahangad.

At ang panghuli ay ang “pinalalabo ng ganitong espesyalisasyon, na


nakapako sa tagumpay sa propesyon sa hinaharap, ang pananaw sa
buhay”, kung saan sinabi niya na magiging makitid at hindi maganda
ang ating pilosopiya sa buhay sapagkat nasanay na tayong mag-isip ng
tungkol lamang sa maalwang buhay na material. Halibawa, marami sa
mga mag-aaral ang nagpabaya sa tungkuling bigyan katuturan ang
pilosopiya sa buhay na bunga ng labis na empasis sa pagsasanay tungo
sa pagiging isang propesyunal.

3. Paano napasagot ni Inggo si Lilay? Sa panahon ngayon uso pa ba ang


ganoong panliligaw? Patunayan ang sagot. (20puntos.)

- Nag simula si Inggo sa pagpapadala ng sulat kay Lilay para


iparamdam sa kanya ang kanyang paghanga at pag-ibig sa dalaga.
Marami na ring taon ang nagdaan ngunit hindi manlang nagkakausap
ang dalawa, kundi sa mga mata lamang at mga sulat ni Inggo.
Napasagot ni Inggo si Lilay sa pagliligaw niya sa mga magulang at
pagpapakita nito na talagang mahal niya ang kanilang anak at handa
siyang harapin ang lahat ng mga kindisyones o utos ng mga magulang ni
Lilay. Sabi nga ni Lilay “bago pasadulo, pasapuno muna”,ang tunay na
lalaki ay dapat na respetuhin at unahing ligawan muna ang mga
magulang bago ang minamahal na dalaga.

Sa panahon ngayon ay iilan na lamang ang gumagawa ng ganoong


panliligaw, dahil nasa taon na tayo ng makabagong henerasyon
“mellelials” kung tawagin. Halos wala na rin ang pagsusulat ng liham
para sa iniibig, kaibigan o pamilya dahil nariyan na ang mga gadget
kung saan isang pindot lang ay makakarating na sa kanila ang nais
mong sabihin. Marami akong mga patunay na hindi na masyado uso ang
panliligaw na ginawa ni Inggo sa panahon ngayon, gaya na lamang ng
mga nababalita na nagkaroon ng relasyon dahil lamang sa “facebook” at
nakapag asawa dahil lamang sa online game na “mobile legends”. Oo
nasa makabagong henerasyon tayo pero sana ay hindi mawala ang ating
respeto sa mga magulang ng ating iniibig, dapat natin silang puntahan
at unang nililigawan upang matiyak natin at maipakita na tayo ay
karapatdapat sa kanilang anak.

4. Ipaliwanag ang mensaheng nakapaloob sa tulang Ang panday.


(10puntos)
- Ang tulang ang “Panday” ni Amado V. Hernandez ay tumutukoy sa mga
isyu hinggil sa mga manggagawa sa lipunan noon at maging sa kasalukuyan.
Sa tulang ito inilarawan ang mgfa suliranin at kaapihan sa mga manggagawa.
Isinaad din dito ang mga kahalagahan at pakinabang ng mga manggagawa. Sa
panahon ngayon na laganap na ang paggamit ng mga makinarya at modern o
makabagong teknolohiya, ay hindi parin maalis ang tulong ng mga
manggagawa dahil ang mga makabagong makinarya ay kinakailangan parin ng
manggagawa upang magamit ang mga ito. Kahit pa niyayakap na ng
karamihan ang makabagong makinarya ay hindi parin maipagkakaila ang
pangangailangan ng lakas ng mga manggagawa

Isa lang ang punto ng tulang ito na nais ipabatid sa atin ay kailan ma’y
hinding-hindi matatapatan ang kahit ano mang makinarya ang
pangangailangan natin sa lakas ng mga manggagawa, dahil sila ay isang
kayamanan ng bansa yamang tao kung ituring, ang kanilang lakas ay lakas
din ng bayan. Kaya sana’y respetuhin natin sila at igalang, dahil dugo’t pawis
nila ang kanilang puhunan, sila ang mga panday o mga manggagawa sa ating
bansa.

5. Ibigay ang mensaheng nakapaloob sa tulang Kahit Saan, iguhit ito o


kaya ay simbolo. (20puntos)

- Ang mensaheng nakapaloob sa tulang ito ay ang ibat-ibang paraan ng


mga tao sa pag-aalay ng kanilang pag-ibig sa kapwa, bansa at sa
mundong kanilang kinalakihan ating mababasa sa tula ang kagandahan
ng ating bansa o mundo na ating ginagalawan kaya nararapat lamang na
ingatan natin at mahalin ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng
panginoon. May iginuhit at simbolo akong ginawa.

Ps. Maam nasa sa bondpaper ko po ginawa ang guhit, pinasa ko kasabay


nito sa google classroom.

6. Ano ang mensahe ng tulang ANG PUSO? (20puntos)

- Nais iparating sa atin ng tulang ito ni Victorino Balbin na


napakaganda at matiwasay ang ating pamumuhay kung tayong lahat ay
magmahalan at nagtutulungan. Hindi lamang ang ating mga pamilya,
kaibigan o kasintahan ang ating dapat minamahal, kundi
pakamamahalin din natin ang ating kapwa. Ayon nga sa bilin ng diyos,
maging mapagpakumbaba tayo at mahalin natin ang isa’t-isa pati ang
taong kinaiinisan natin. Dahil sa pagmamahal, matatamasa natin ang
buhay na matiwasay at walang iniisip na problema.
Ala, aglisi kan, Ulo, iti trono,
Ta sumublat metten ni Puso;
Tay daga pinagbalin mon a purgatorio
Ngem siak pagbalinek to a Paraiso.

Nakasdaaw ni ayat!
Pasam-itenna ni patay
Amin a rigat laglag-anenna, ragsakenna pay
At talugading ti puso, palimed ni ayat,
A di maawatan ti ulo, puso lat’ makaawat

Tumatak sa aking isipan ang linyang ito, dahil ang anumang galit at
puot na hindi maintindihan ng ating mga ulo ay kayang bagohin at lunasan ng
ating mga puso kung pipiliin nating maging mapagmahal at iwasan ang
pagtatanim ng sama ng loob at galit sa ating kapwa tao.

You might also like