You are on page 1of 11

Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-
aral ng ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira
sa Europa bago ito muling bumalik ng Pilipinas.

Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin


ang binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso,
Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa
lipunan.

Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit
wala itong ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang
itong nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.

Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang


anak-anakan ni Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa


pagtitipon. Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan
ang kanilang mga ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng
binate bago pa ito tumungo sa Europa.

Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang


ipagtapat ang pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang
ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.

Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang


di naman siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang
magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra.

Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay


nito at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya
na buhatin ang bangkay kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.

Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip


ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli
na namang tinira ni Padre Damaso ang binata.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang


saksakin ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa
nagawa ni Ibarra ay naging ekskumunikado siya.

Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at


inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra.
Nagpasya si Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.

Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan


Heneral ay napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra.

Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan.


Kahit walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si
Ibarra sa tulong ni Elias.

Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago


gawin ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang
totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong
pagpapakasal ng dalawa.

Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang
gwardiya sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni
Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa
tubig.

Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil


hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara
dahil pag-aakalang patay na si Ibarra.

Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre.


Napilitang pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw
ito pag hindi ito pumayag.

Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan


at nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni
Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang
hindi nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga
makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid
sa dilim ng gabi.
Noli Me Tangere Tauhan at Kanilang mga
Katangian
1. Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing


tauhan sa nobela

2. Maria Clara

Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago;


anak ni Pia Alba at ng paring si Padre Damaso

3. Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos

Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia Alba

4. Pia Alba

Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria


Clara

5. Tiya Isabel

Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni


Kapitan Tiago

6. Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na


kinainggitan ni Padre Damaso

7. Don Saturnino

Lolo ni Crisostomo Ibarra


8. Kapitan Heneral

Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas

9. Don Pedro Eibarrimendia

Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding


kasawian ng nuno ni Elias

10. Padre Damaso Verdolagas

Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa


bangkay ni Don Rafael

11. Padre Bernardo Salvi

Kurang pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na


pagtingin kay Maria Clara

12. Padre Hernando De La Sibyla

Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay Crisostomo


Ibarra

13. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio

Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw

14. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña

Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don Tiburcio

15. Don Tiburcio de Espadaña

Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni Donya


Victorina; nagpanggap na doktor
16. Donya Consolacion

Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali

17. Alperes

Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil;


kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

18. Kapitan Pablo

Kapitan ng mga tulisan; tinuturing na ama ni Elias

19. Don Filipo Lino

Ama ni Sinang; Bise-Alkalde

20. Elias

Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng


mga ninuno ni Ibarra

21. Sisa

Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni


Pedro

22. Pedro

Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa sugal at lasenggo

23. Crispin

Bunsong anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-


patunog ng kampana sa simbahan
24. Basilio

Panganay na anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw;


tagapag-patunog ng kampana sa simbahan

25. Linares

Umiibig kay Maria Clara at napiling mapangasawa nito; pinsan


ng inaanak ni Padre Damaso

26. Tinyente Guevarra

Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento


kay Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama

27. Nol Juan

Namahala sa pagpapagawa ng paaralan

28. Lucas

Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra

29. Albino

Dating seminarista; kasintahan ni Victoria

30. Andong

Napagkamalang pilibustero

31. Balat

Tiyuhin ni Elias na naging tulisan


32. Tarsilo at Bruno Alasigan

Mga anak ng lalaking pinatay ng mga Kastila

33. Andeng

Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa pagluluto

34. Iday

Magandang kaibigan ni Maria Clara; tumutugtog ng alpa

35. Sinang

Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio

36. Neneng

Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara

37. Victoria

Tahimik na kaibigan ni Maria Clara; kasintahan ni Albino

38. Leon

Kasintahan ni Iday

39. Kapitana Maria

Pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama; babaeng


makabayan

40. Hermana Rufa

Kampi kay Padre Damaso


41. Don Primitivo

Marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin; pinsan ni


Tinchang; tagapayo ni Kapitan Tinong

42. Kapitana Tinchang

Matatakuting asawa ni Kapitan Tinong

43. Kapitan Tinong

Naparusahan dahil sa pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra

44. Kapitan Basilio

Kapitan sa bayan ng San Diego

45. Kapitan Valentin

Kapitan sa bayan ng San Diego

46. Carlicos

Bayaw ni Padre Damaso; piniling manirahan sa Espanya


Ipinasa kay:
Bb. JOYLYN C. ORING
Guro sa Filipino-9

Ipinasa ni:
LEJEE YVONNE ODTOJAN BAJAN
Grade 9-Galilei
Ang Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa
wikang Inges ay Touch Me Not o Huwag Mo Akong Salingin  sa
Filipino. Ito ay hango sa Ebanghelyo ni Juan at isinulat ni Dr.
Jose P. Rizal noong 1884 sa Madrid habang siya ay nag-aaral
ng Medisina.
Nang makatapos ng pag-aaral ay nagtungo sa Paris si Rizal at
doon ipinagpatuloy ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Sa
Berlin na niya natapos ang huling bahagi ng nobela.

Ilan sa mga kilalang tauhan ng Noli Me Tangere ay sina


Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Tinyente Guevarra, Padre
Damaso, Sisa, Basilio at Crispin, Maria Clara at marami pang
iba.

You might also like