You are on page 1of 4

Suring Basa sa Nobelang

"Noli Me Tangere" ni Dr Jose Rizal

I. Pamagat
Noli Me Tangere

II. Buod
Si Juan Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng kaniyang ama
na si Don Rafael sa Europa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago ito muling bumalik
sa Pilipinas. Nagkaroon ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin si
lbarra. Inimbitahan rin ni Kapitan Tiago ang iilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre
Sibyla, Tinyente Guevarr, Donya Victoria, at ilang may impluwensya sa Lipunan. Habang ang iba
ay abala sa salu-salo na naganap ay Ipinahiya namn ni Padre Damaso, ang dating kura ng San
Diego, si Ibarra ngunit wala itong magawa bagkus ay pinalampas lamang niya ang ginawa ng
pari. Magalang itong nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan. Ang Magandang si
Maria Clara ay ang anak-anakan ng Mayamang taga Tondo na si Kapitan Tiago ta kasintahan ni
Crisostomo Ibarra. Kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon ay agad namang dumalaw si
Ibarra kay Maria Clara. Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang
kanilang mga magagandang ala-ala. Muling binasa Maria Clara ang liham na ibinigay ni Ibarra
bago siya tumungo sa Europa. Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guavarra bago ito umalis
upang ipagtapat ang kamatayan ng kaniyang ama. Isinalaysay ni Tinyente Guevarra na
naakusahan ang ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi ito nagsisimba at nangungumpisal.
Dahil sa pagkamatay ng isang kastila ay ipinakulong si Don Rafael kahit hindi namn siya ang
may gawa ng kasalanang iyon. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang nagkasakit at
kalauna'y namatay ang ama ni Ibarra.

Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat sa
libingan ng mga Intsik ngunit dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan ay hindi kinaya na buhatin
ang bangkay kung kaya itinapon nalamang ito sa lawa. Sa kabila ng mga nangyari ay hindi
hinangad ni Ibarra na maka makapaghiganti, sa halip ay ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama
na makapagpatayo ng isang paaralan. Pagkatapos ng pagbasbas ay naghanda ng isang
pananghalian si Ibarra at muli na namang ginulo ni Padre Damaso ang binata sa pagkakataong
ito hindi na nakapagpigil si Ibarra muntikan na niyang saksakin ang prayle kung hindi lang siya
napigilan ni Maria Clara at dahil sa nangyaring ito ay naging ekskomunikado siya. Sinamantala
naman ni Padre Damaso ang pangyayaring iyon at inutusan niya si Kapitan Tiago na itigil ang
pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra at nagpasya si Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara
kay Alfonso Linares. Sa labis na pagdaramdam ni Maria Clara ay nagkasakit ito at sa tulong ng
Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra subalit may mga
taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbibintangan kahit wala itong kasalanan ay
dinakip parin ito at ibinilanggo nakatakas naman si Ibarra sa tulong ni Elias. Nagkaroon naman
ng panahon na makapag-usap ang magkasintahan bago gawin ang planong pagtakas at doon rin
nalaman ni Ibarra na ang tunay na ama ni Maria Clara ay si Padre Damaso kong kaya't tutol ito
sa pagmamahalan at planong pagpapakasal nilang Dalawa.

Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra nakalagpas man sila sa ilang gwardiya sibil
nasundan parin sila. Iniisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong
sa tubig at sapag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputokan ng mga sibil
hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Habang si Maria Clara naman ay nawalan na ng pag-asa
dahil sa pag-aakalang patay na ang minamahal niyang si Ibarra. Napagdesisyonan nitong
pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre Damaso kay
Maria Clara dahil magpapakamatay ito kapag hindi ito pumayag. Noche Buena na nang
makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at nanghihina na. Doon ay natagpuan niya
si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa. Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias
na mamamatay siyang hindi makikita ang maningning na pagbukang liwayway ngunit para sa
mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.

III. Paksa
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal na naglalahad ng mga hindi
katanggap-tanggap na gawain ng mga Kastila sa mga Pilipino noong panahon ng pananakop. Sa
pamamagitan ng mga pangyayari at ng mga karakter, na ipakita sa nobela ang mapangahas na
gawain ng mga Kastila, sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga pang-aapi at pang-aabuso ng
mga prayle at mga opisyal ng gobyerno. Pinakita rin dito ang kawalan ng hustisya at kalupitan
sa sistema ng kolonyalismo.

IV. Tema
Ang tema na nasa Nobela g Noli Me Tangere ay ang mga hindi katanggap-tanggap na
pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino

V. Layon
Ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay upang ipakita at ipaalam sa mga
Pilipino ang mga kahinaan ng lipunan sa ilalim ng kolonyalismo ng Espanyol. Layunin niyang
buksan ang mata ng mga Pilipino sa mga pang-aabuso at pang-aapi ng mga Kastila at ipakita ang
kawalan ng katarungan at kalayaan sa bansa.

VI. Mga Tauhan


Crisostomo Ibarra Magsalin - Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara

Maria Clara - Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; Anak ni Pia Alba at
ng paring si Padre Damaso

Pia Alba - Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria Clara

Kapitan Tiago - Ama-amahan ni Maria Clara;

asawa ni Pia Alba

Tiya Isabel - Tiya ni Maria Clara

Don Pedro Eibarrimendia - Niuno ni Crisostomo Ibarra

Kapitan Basilyo - Kapitan sa bayan ng San Diego

Don Saturnino - Lolo ni Crisostomo Ibarra

Don Rafael Ibarra - Ama ni Crisostomo Ibarra

Alfonso Linares - Napili ni Padre Damaso para Kay Maria Clara

Padre Damaso - Ninong ni Maria Clara

Padre Salvi - Kurang pumalit kay padre Damaso

Padre Sibyla - Kura ng Tanawan

Padre Manuel Martin - Paring Agustinong mahusay sa pag sasalit

Tinyente Guevarra - Tinyente ng gwardiya sibil; Kaibigan ni Don Rafael

Donya Consolacion - Asawa ng Alperes

Alperes - Asawa ni Donya Consolacion

Donya Victorina - Nagpapanggap na kastila; asawa ni Tiburcio

Don Tiburcio - Asawa ni Donya Victorina


Don Filipo Lino - Ama ni Sinang; Bise-Alkalde

Basilio - Panganay na anak ni Sisa; tagapag-patunog ng Kampana

Crispin - Bunsong anak ni Sisa; tagapag-patunog ng Kampana

Sisa - asawa ni Pedro

Pedro - Iresponsableng asawa ni Sisa

Elias - Nagligtas kay Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Ibarra

Lucas - Nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra

Nol Juan - Nagmahala sa pagpapagawa ng paaralan

Pilosopo Tansyo - Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw

VII. Diyalogo
Ang mga diyalogo sa Nobela ay gumagamit ng salitang kastila ngunit ito ay sinamahan rin ng
wikang Pilipino ngunit kung mapapansin natin sa mga linyang ginagamit ng mga karakter ay
hindi ganap natin itong maunawaan kahit ito ay wikang Pilipino dahil gumagamit ito ng
malalalim na salita.

You might also like