Professional Documents
Culture Documents
KASAYSAYAN
Ang Noli Me Tngere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang
pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin". Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 1317 sa Bibliya
na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong
nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer.
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito
at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan,
nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at
isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong
panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito
sa Berlin,Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at
tagabasa.
Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya.
Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang
Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.
Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa
Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacaang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli.
Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa
kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni
Rizal sa Leitmeritz:
Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing
excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila
na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa
ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ...
NOLI ME TANGERE
MGA TAUHAN
Crisostomo Ibarra - Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Maria Clara - Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng
San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso.
Padre Damaso - Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
Kapitan Tiago - Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara.
Elias - Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga
suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio
Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.
Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan
ng San Diego.
Pilosopo Tasio - Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan
ng San Diego.
Donya Victorina - Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaa o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang
"de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.
Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego
habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaa - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni
Maria Clara.
Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Seor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.
Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang
Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa
kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang
nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng
San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din. Ngumakngak naman si Padre
Damaso, nang umalis si Ibarra.
Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya,
dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.
Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging
sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa
ibang lupain.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng
inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay! Mariing sinalungat naman ni
Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa
libingan. Akoy hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!
Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama
ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng
ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin
niya abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.
Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang
Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng
tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay
isang maliit na puno ang itinanim.
Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya
ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong
inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa
dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang-tao lamang ang pagtulong
sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.
Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na
may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na
natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi
naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga
anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
Pahabol:
Akoy dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Paalam
Maria Clara
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsiyami kayat wala siyang magawa kundi
ang manatili sa lupaing ito ng mga salvaje. Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring
nangyari. Hindi siya nagkaanak.
Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa
nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag
nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan namay hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng
bahay.
Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don
sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa
Donya. Tunay na aminit hindi, siya ay Ander de Saya.
Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:Dr. DE ESPADAA, ESPESYALISTA SA LAHAT NG URI
NG SAKIT at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.
Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya
pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa
gastos ng Donya.
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares
na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at
pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado.
Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa kanilang tahanan.
Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya
at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanayy nakadaupang palad nila ang Henerl.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na
nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa
tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng azucena.
Naitanong naman ni Linares kay Padre Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-tagubilin
para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.
Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot
niya ay: Sa umaga ay liquen con leche, jarabe de altea at dalawang pildoras ng cinoglosa. Sinamantala ito ng Donya at
ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.
Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Padre
Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad,
payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
Namatay ang kanilang nuno kayat umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda
ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang
kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan.
Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang
kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na
naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito
namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang
kasintahan. Isang araw nawala na lamang itot sukat. Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong
isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid.
Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa ibat-ibang lalawigan bunga ng ibat-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na
hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.
Nagpalitan pa ng ibat-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga
sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi
ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin.
Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin,
nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito.
Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang
pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito
ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at
pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin
niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman
ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni
Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na
bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong
nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay. Hinang-hina ang lalaking
sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming
tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang
katawan.
Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw
ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na
dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng
panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng
buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw
limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting
nabuwal sa lupa. Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula
sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa
araw ng pagsilang ni Hesus.
NOLI ME TANGERE