Professional Documents
Culture Documents
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasintahan ni Maria Clara at anak ni Don Rafael Ibarra
Don Pedro Eibarramendia nuno ni Don Crisostomo
Kapitan Tiyago mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria
Clara. Naging kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa simula ng
nobela.
Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego; tunay na ama ni Maria Clara
Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangin kay Maria Clara.
Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego
na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba
kay Padre Damaso.
Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego. Isa sa mga makabayang
Pilipino ng San Diego.
Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego
Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya
abut-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila.
Donya Consolacion Napangasawa ng alperes; dating labandera na may
malaswang bibig at pag-uugali
Don Tiburcio de Espadaña Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni
Donya Victorina.
Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng 9
inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo Tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni
Sinang
Señor Nol Juan Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit
sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra
Tarsilo at Bruno Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga
Kastila.
Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay
Maria Clara.
Donya Pia Alba Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na
kaagad na siya'y maisilang.
Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre
Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Kapitan Basilio Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng Santo Tomas.
Tenyente Guevarra Isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na
nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng
kanyang ama
Kapitana Maria Tanging babaing makabayan na pumapanig sa
pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni
Ibarra.
Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Kapitan Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na
maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kabanata 1: Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa
taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng
Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad
sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong
araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan.
Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay.
Kabilang sa mga bisita sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok, si
Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang Paisano. Ang isa ay kararating lamang
sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay
ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako.
Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga
ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong
mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat
manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari
Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na
napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing na
isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring
Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla
na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga bagong
panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal.
Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal
ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga. Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael.
Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na
pinakamabigat na parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib. Pinaratangan din siyang nagbabasa ng mga
ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa
salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na
tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A. at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa
pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Bago mailipat si Padre Damaso sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra ay siya ang
tumatayong kura paroko sa simbahan doon. Kabilang ang mga Kastila at ilang mga mayayamang Pilipino sa
mga kinikilala namay mataas na tungkulin sa bayang iyon.
May isa umanong matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego ayon sa alamat. Ito raw ay
matatas magtagalog at malalalim ang mga mata.
Ito diumano ay bumili ng gubat sa pook na iyon kung saan ang kanyang ipinambayad ay ang kanyang
mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi.Kinalaunan ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng
isang balete. Ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya’t sinunog ng ilan ang mga damit ng
matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog.
Di nagtagal ay dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino.Sinikap niyang sinupin
ang naiwang ari-arian ng ama. Siya ay nakapagasawa ng isang taga-Maynila at nanirahan sila sa San
Diego.Nagkaroon sila ng isang supling at ito ay si Don Rafael na siya namang ama niIbarra.Kinagiliwan ng
mga magsasaka si Don Rafael at dahil sa pagsusumikap nito ay naging bayan mula sa pagiging nayon ang
San Diego. Ang pamumunong ito ni Don Rafael ang sinasabing naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang
mga kaibigan kalaunan.
Kay Basilio, totoo man o hindi ang paratang ay tinitiyak niyang magagalit ang kaniyang inang si Sisa
pag nalaman ang akusasyon kay Crispin na pagnanakaw.Naniniwala naman si Crispin na paniniwalaan siya
ng kaniyang ina dahil ipapakita niya ang kaniyang mga sugat at latay na sanhi ng papaparusa sa kaniya ng
pari.Ipapapakita rin niya ang gula-gulanit niyang damit na may bulsang punit at hindi maaring pagtaguan ng
sinasabing ninakaw.Pati ang kaniyang pamaskong laman nito ay kinuha pa ng ganid na pari.Ibig na ibig ni
Crispin na matapos na ang kanilang problema para makauwi na sila sa kanilang tahanan. Gutom na gutom na
sila dahil hindi sila pinapakain hanggang hindi naibabalik ang sinabing ninakaw.
Ang pagbibintang sa kanila ay nag-uugat sa kanilang ama na lasengero at sabungero. Hindi
namalayan ng magkapatid ang pagdating ng sacristan mayor habang sila ay nag-uusap. Kaagad itong nagalit
at pinagmumulta niya si Basilio dahil sa maling pagtugtog ng kampana. Sinabihan naman niya si Crispin na
hindi pa rin ito makakauwi hanggang hindi ibinabalik ang ninakaw nitong dalawang onsa. Pilit nangatwiran si
Basilio pero sinabihan siyang hindi siya makakauwi hanggang alas diyes ng gabi. Bawal na ang maglakad ng
gabi paglamaps ng alas nuwebe ng gabi kayaHindi makapaniwala si Basilio sa lanyang narinig. Pagkatapos
pagsabihan si Basilio na hindi na nakuhang makiusap sa sacristan mayor, hinila ng huli si Crispin. Pakaladkad
niya itong ipananaog sa hagdan habang ito ay nagpapalahaw. Walang nagawa si Basilio na naiwanang
nakatulala. Hindi niya Makita ang kapatid sa kadiliman pero naririning niya ang mga pagdaing nito sa sakit sa
pananakit ng sacristan mayor. Nagpigil sa sarili si Basilio at nanggangalit sa hirap na dinanas ng kaniyang
kapatid. Naisip niyang mag-araro ng bukid habang naririnig niyaang panaghoy ng kapatid paghingi ng tulong.
Umakyat siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo at doon sa pamamagitan ng lubid na kinalag niya sa
pagkakatali ay nagpadausdos siya pababa. Tumigil na ang ulan at ang langit ay nagpapakita ng kaunting
liwanag.
yugyog ng kanyang ina si Basilio at sa halip na ipinagtapat ang laman ng kanyang panaginip ay sinabi na
lamang niya ang kanyang pangarap para sa ina at kapatid.
Ani Basilio, nais niyang huminto na sila sa pagsasakristan ni Crispin.Magpapastol na lamang siya ng
baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra.Pagsapit sa edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid ay hihiling siya
ng kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya raw ito at kapag umunlad na ang kanilang buhay ay pag-
aaralin niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo. Ang kanynag inang si Sisa ay patitigilin na rin niya sa pananahi.
Bagaman nagpapakita ng pagkatuwa ang ina sa mga pangarap ng anak ay lihim naman siyang
nasasaktan dahil hindi isinama ni Basilio sa kanyang mga plano ang kanyang ama.
Ang guro ay natuwa ng malaman na hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego kaya minabuti
niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Kahit pa nagkaroon
ang kalayaan ang guro na iangkop ang kanyang mga aralin ay higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang
pagtuturo tungkol sa relihiyon.
Nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat
ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya raw babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente
Mayor ang mga napagusapan nila ng guro.
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na
payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag
sila ay nasa kabayabnan na.
Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa.
Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang
kanyang damit. Ang buhok naman ay daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip
ay parang ibig ng takasan ng katinuan
Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang
damdamin ag Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din
siyang nakabalndra sa isang sulok.
Paikot-ikot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling
umakyat siya sa kabahayan. Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi
niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod, at sa may gilid ng bangin.
Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang
damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo.
Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi
madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay
unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa.
Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang
kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong ay nahihintakutan sa kanya.
Habang hinihintay na maluto ang agahan. Hinawakan ni Maria Clara ang alpa at umawit ng Kundiman.
Baldtdana ay hindi nakaimik. Bigla naman nagulanta ang mga tao roon sapagkat may narinig silang
nakatutulig na ingay: pag ihip ni Albino sa tambuli Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa
isisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang
mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit, wala ring nahuling isda. Sinabi
na ang kawalan ng isda sa lawa. Sasagwan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng
ilang mgakalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias.
Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat
ang mga „dalaga noon ay hindi marunong mahimatay. ‟
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang
gulok. Pamayamaya‟y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na
kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra.
Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay.
Bumalik ang utusang humanap kay Sisa at sinabing hindi niya ito natagpuan. Pagkapananghali,
hinamon ni Kapitan Basilio si Ibarra na maglaro ng ahedres. Napagkasunduan ng dalawa na kapag natalo si
Kapitan Basilio, aakuin nito ang
nagugol ni Ibarra sa usapin niya sa pagpapatayo ng paaralan na matagal nang pinapanukala ni Don
Rafael noon pa mang ito ay nabubuhay. Habang naglalaro, tumanggap ng pahatid-kawad si Ibarra. Itinago
niya ito nang hindi binubuksan at ipinagpatuloy ang paglalaro. Humingi ng labinlimang minuto si Kapitan
Basilio upang pag-aralan ang susunod niyang galaw. Tumayo si Ibarra at lumapit sa mga dalagang masayang
naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Inilabas ni Ibarra sa kaniyang lukbutan ang telegrama. Ang nilalaman nito
ay: “Bahay-paaralan, pinagtibay. Usapin ninyo, nanalo.” Ang kalahati ng telegrama ay iniabot ni Ibarra kay
Maria Clara na nakakuha ng magandang kasagutan at sinabing ang paaralan ay handog niya sa mga bata ng
San Diego. Ang kalahati ng pahatid-kawad ay ibinigay naman niya sa nakakuha ng pinakamasamang sagot. Si
Sinang ang nakakuha nito. Lumayo na si Ibarra upang ipagpatuloy ang paglalaro ng ahedres. Lumapit ang
Kura sa mga naglalaro ng Gulong ng Kapalaran at sinabing iyon ay kasalanan.
Kinuha at pinunit niya ang aklat na siyang ikinagalit ng kabataan. Pagkatapos nito, ang Kura ay
nagpaalam na. Naging tabla ang laban nina Kapitan Basilio at Ibarra kaya kahit panalo sa usapin, iniurong ito
ni Ibarra. Walang ano-ano, dumating ang isang sarhento at apat na guardia civil na sandatahan at nakakasa
ang mga bayoneta. Nagkagulo at nangatakot ang kababaihan.
“Hinahanap namin ang piloto ng bangka. Siya si Elias, isang masamang tao. Hindi kayo dapat
tumanggap ng masamang tao sa inyong handaan,” ang mabalasik na salita ng sarhento.“Hindi ko tungkuling
ipagbigayalam sa inyo ang aking gawain.
Tinatanggap ang lahat sa aming piyesta,” ang sabi ni Ibarra.Walang nagawa ang mga guardia civil
kundi iwan ang kasayahan.
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay
Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa
pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.
Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap
tulad ng sa isang bansa sapagkat dati – rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi
naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong
magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga‟y magsisiklab. Ang.Bayan ay maniningil ng
pautang at sa gayo‟y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.
Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik.
Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay dipapayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo.
Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba
dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos
ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito
kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang
Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng
matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.
Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang kanyang
pinakawalan. (1) Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2) Kailangan bang maapi upang maging
mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3) Bakit ako
mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?
Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na “Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay
hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!”
Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:” humalik pagkatapos
nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako‟y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking
relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!”
Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa alaala ng binata ang sinapit ng
kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang
gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra
ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria.
Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.
Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa.
Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin.
Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay
matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng
mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay
hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong
inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan
ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling
makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang –tao lamang
ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.
Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala
sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing
isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at
sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama.
Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang
umalis na si Ibarra.
Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad.
Ipinakita ng taong madilaw kay Nol Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong
ang kanyang itinayo. Aito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi
nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman
ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Tinignang mabuti ni Nol Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa
ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong madilaw.
Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.
Sinabi ng taong madilaw kay Nol Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don
Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at
magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga natutulog at magpatulog ng
gising.
Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng
bahaypaaralan. Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng
mga panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga guro at
mag-aaral.
Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Ang
mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa
isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.
Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay
nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba.
May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.
Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde. Pagdaka’y isa-isa
ng bumaba ang kura, mga prayle , mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya.
Dahil sa biro nio Kapitan Tiyago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra. Hustong nasa ibaba ito,
nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo.
Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si
Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.
Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga biga na nasa paanan ni
Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nol Juan. Pero,
nakiusap si Iabarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si
Ibarra upang magpalit ng damit.
Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang
simula.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya
ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang
paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod
sa kapritso ng Donya. Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang
tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kanyang
pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang
sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat
inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria. Sa bahaging
iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binata niya ang
kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong
katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang itanong
kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na
limutin na siya ng binate ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di
nagluwat, umalis na si Ibarra.
Ang Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, aiya ay
inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang
higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay. Sa kabilang
dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng
Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa
Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-
saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga
kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San
Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi
at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana.
Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya
ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa
pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala
sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang. Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina
upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don
Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para
mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.