You are on page 1of 12

Ang Noli Me Tngere

[1]
ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa.
Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal
sa ebanghelyo ni Juan: 20: 1317 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas
ang mga may ketongupang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag
naNoli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela ni
Jose Rizal.
Kasaysayan
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang
aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa
di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang
nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.
Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at
natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibez, isang bantog na manunulat, ang
kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito
ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na
alkalde.
Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni
Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacaang at inabisuhang puno ng
subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit
nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa
nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal saLeitmeritz:
Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong
gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente
ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang
kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang
pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ...
Mga Pangunahing Tauhan
Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan
ng San Diego.
Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng
San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso.
Padre Damaso
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara.
Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang
mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio
Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.
Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasio
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan
ng San Diego.
Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaa o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang
lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.
Ibang Tauhan
Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangi kay Maria Clara.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng
Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-
uugali.
Don Tiburcio de Espadaa - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili
niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Seor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa
yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin;
ama ni Sinang
Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala
ng ama.
Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Buod ng aklat na Noli Me Tangere
Silipin din: Talaan ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere niJose
Rizal


Buod ng Nobela
Mga tauhan
Buod ng Bawat
Kabanata:
1: Isang Pagtitipon
2: Si Crisostomo Ibarra
3: Ang Hapunan
4: Erehe at Pilibustero
5: Pangarap sa Gabing
Madilim
6: Si Kapitan Tiyago
7: Suyuan sa Isang
Asotea
8: Mga Alaala
9: Mga Bagay-bagay
sa Paligid
10: Ang Bayan ng San
Diego
11: Mga Hari-harian
12: Todos Los Santos
(Araw ng mga Patay)
13: Mga Babala ng
Bagyo
14: Si Tasyo: Pilosopo
o Baliw?
15: Ang mga Sakristan
16: Si Sisa
17: Si Basilio
18: Mga Kaluluwang
Naghihirap
19: Mga Kapalaran ng
Isang Guro
20: Ang Pulong sa
Tribunal
21: Kwento ng Isang
Ina
22: Mga Liwanag at
mga Anino
23: Ang Pangingisda
24: Sa Gubat
KnK: Elias at Salome
25: Sa Bahay ng
Pilosopo
26: Bisperas ng Pista
27: Sa Takipsilim
28: Mga Liham
29: Kinaumagahan
30: Sa Loob ng
Simbahan
31: Ang Sermon
32: Ang Kabriya
33: Malayang Pag-iisip
34: Ang Tanghalian
35: Usap-usapan
36: Unang Ulap
37: Ang Kaniyang
Kataas-taasan
38: Ang Prusisyon
39: Si Donya
Consolacion
40: Karapatan at
Kapangyarihan
41: Dalawang
Panauhin
42: Ang Mag-asawang
de Espadaa
43: Mga Balak
44: Pagsusuri ng Budhi
45: Mga Inuusig
46: Ang Sabungan sa
San Diego
47: Ang Dalawang
Senyora
48: Hiwaga
49: Tinig ng mga
Inuusig
50: Ugat ni Elias
51: Mga Palitan at
Pagbabago
52: Baraha ng mga
Patay at ang mga
Anino
53: Ang Mabuting
Araw Ay Nakikilala sa
Umaga
54: (Pagbubunyag)
55: Malaking Sakuna
56: Sabi-sabi at Kuro-
kuro
57: Vae Victis! (Ay,
ang mga Natalo!)
58: Isinumpa
59: Pambayan at mga
Pansariling Kapakanan
60: Ikakasal Si Maria
Clara
61: Pagtakas
Hanggang Lawa
62: Nagpaliwanag si
Padre Damaso
63: Noche Buena
64: Epilogo

Ang kahong
ito:tingnan usapan baguhin
May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at
kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing
pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre
Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa
Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming
panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa
kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating
ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang
naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami
ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre
Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa
kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at
pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na gustong saktan
ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at
tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin
hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra
ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa
malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin
ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa sa
kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mga pandaranas at katusuhan
sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng
mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiago ay sinasabing mahal na
mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni
Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni
Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo.
Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiago bago at pagkatapos ng pag-
uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni
Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa
Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga
Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael
Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga taot bagay-bagay sa mga lansangan
at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga
naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad
ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiago
tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lamang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at
malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra
na. Dating isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at
lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa
ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na
nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kuwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Silay ang kura ng kinatawan ng Papa
sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan.
Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila
ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan.
Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng Malaking
Kura. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang
kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos
at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala
ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang makasiyensiya, makatao, at
maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.

You might also like