You are on page 1of 15

Talambuhay ni Dr.

Jose Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng.
Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa
Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de
Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-
aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo
14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at
hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa
pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto
siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya
sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam)
upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.


Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng
pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang
nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa
sariling bayan.
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami
ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa
pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din
ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba.
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay
inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang
Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig.
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang
gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni
Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium.


Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina
Gomez,BurgosatZamora.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra,


bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang
hindi maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-
ibig.
buod ng noli me tangere

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang


ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik
ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago
ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre
Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa
lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang
dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya
pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang
lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni
Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa
dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain
ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di
nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya
bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego
ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol
sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero
sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe
at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan
pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil
ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael
at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa
kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang
ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael,
pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap
ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang
usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin
nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng
tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong
sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil
umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na
itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre
Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na
magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang
mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato
habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong
binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling
pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito
papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na
siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at
napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng
Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso
upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal
nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay
si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria
Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya
namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado
ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang
Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang
kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya
siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata
sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig
ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring
mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay
walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap.
Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang
siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang
kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang
nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang
magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang
kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik
Kinahinatnan ng mga sumusunod na Tauhan

Padre Damaso

Nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila at di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial


sa isang malayongprobinsiya. Kinabukasan, siya ay natagpuang patay sa kanyang higaan. Sa
pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot angsanhi ng kanyang ikinamatay.

Padre Salvi

Habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa simbahan ng


Sta. Clara.

Kapitan Tiyago

Dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip


at nawalan ng tiwala samga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya
Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diegosapagkat gusto na lamang mabuhay mag-
isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang
kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana.
Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya satindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal,
napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang datingmarangyang
tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang
nalimot ng mga tao.Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating
iginagalang.

Donya Victorina

Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo
niyang siya ay taga-Andalucia.Siya ngayon ang nangungutsero.

Don Tiburcio

Si Don Tiburcio ay hindi na pinakikilos ni Donya Victorina. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin
siya natatawag bilang"doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.

Linares

Nailibing na sa sementeryo ng Pako. Ang ikinamatay niya ay sakit na iti ang masamang
pakikisama sa kanya ng hipag nasi Donya Vitorina.

Alperes

Umuwi sa Espanya at tinalikdan na ang kalaguyong babae.


Donya Consolacion

Naging mapag-isa at at walang inatupag kundi ang mag-lasing at humithit ng tabako, kaya’t
siya ay kinatakutan.

Maria Clara

May dalawang Guardya Sibil sa bubong ng monastaryo noong bumabagyo. Parang


nagdadasal daw siya. Inireport iyonng mga Guardya Sibil. At napabalitaang siya y namatay.

Elias

Namatay dahil sa binaril siya. Sabi niya kay Basilio na hukayin ang sako at gamitin para
makapag-aral

Basilio

May kumupkop sa kanyang mahirap na pamilya.

Sisa

Akala ni Sisa na namatay si Basilio kaya inatake siya sa puso

Tiya Isabel

Nalulong sa opyum, baraha at sabong

Ibarra

Nakatakas sa tulong ni Elias. ngunit may diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o


pagkalunod niya.
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere

1. 1. Juan Crisostomo Magsalin Ibarra Crisostomo Ibarra mestisong Espanyol may


pangarap na pag- unlad para sa bansa. Tanging anak ni Don Rafael Ibarra Itinuring
na “eskumulgado”wikipedia.com Idinawit sa naganap na pag-aalsa

2. 2. Elias Nagtatago sa batas. Tagapagligtas ni Ibarra sa mga tangkang kapahamakan.


Namatay sa pagliligtas kay Ibarra, alang-alang sa kanyang Inang Bayan.Painting by:
Rommel Joson

3. 3. Maria Clara Babaeng pinakamamahal ni Crisostomo Ibarra. Tanyag sa San Diego


bilang isang maganda at mayuming dalaga. Tinakdang pakasal sa isang kastilang si
Linares na pamangkin ni Don Tiburcio.Fame Flores in “Noli Me Tangere” opera play

4. 4. Don Santiago de los Santos Kapitan Tiyago Kinilalang ama ni Maria Clara. Tanyag
sa pagiging bukas- palad. Madalas magpahanda ng salu-salo.Image from IV-Joule
tripadvisor.com

5. 5. Kapitan HeneralKinatawan ng Hari sa Pilipinas Hindi kinikilala ng mga


prayleTumulong mapawalang-bisa ang excomunion ni IbarraTenyente
GuevarraNagsiwalat ng nangyari kay Don Rafael.

6. 6. Fray Damaso Verdolagas Prayleng Pransiskano Masalita at lubhang magaspang


kumilos Nagparatang kay Don Rafael ng erehe at pilibustero Paring nangutya kay
Ibarra sa isang salu-salo. Ang tunay na ama niImage from IV-Joule tripadvisor.com
Maria Clara

7. 7. Fray Bernardo Salvi Padre Salvi Kura paroko na pumalit kay Padre Damaso May
lihim na pagtingin kay Maria ClaraImage from IV-Joule tripadvisor.com

8. 8. “Noli Me Tangere” from Dulaang UP opera playSisa at Kanyang Mga Anak (Crispin at
Basilio)

9. 9.  Isang mapagmahal na ina Ipinagtabuyan sa kumbento nang kanyang hanapin


ang nawawalang anak na si Crispin. Nagpalaboy at tuluyang nabaliw nang hindi na
niya mahanap ang dalawang anak, at hindi na nakayanan ang matinding dagok ng
kasawian.

10. 10.  Bunsong anak ni Sisa Sakristang kampanero ng simbahan Inakusahang


nagnakaw ng ginto, pinarusahan ng sakristan mayor, at di na natagpuan pa o nalaman
kung buhay o patay na.

11. 11.  Nakatatandang anak ni Sisa Nagbigay-alam sa pag-aakusa sa kapatid


Kinupkop ng isang pamilya sa isang libis dahil sa kanyang pagkakasakit sa loob ng
dalawang buwan. Naulila nang gabi ng Noche Buena.

12. 12. Don Anastacio Pilosopo Tasyo “baliw” para sa mga di nakapag-aral at “pilosopo”
para sa mga edukado. Hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya’t
ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.Painting by: Rommel Joson

13. 13. Doña Consolacion Asawa ng alperes Katawa-tawa kung manamit at


ikinahihiyang isama ng alperes Nagpapalagay na siya’y higit na maganda kay Maria
Clara.Image from IV-Joule tripadvisor.com

14. 14.  Ang Kastilang napangasawa ni Doña Victorina Nagpapanggap na doktor ng


medisina at espesyalista sa lahat ng sakit, ngunit ang totoo’y hindi man lamang
nakapag-aral ng medisina, ni ultimo nakaranas manggamot. Inakala niyang siya ang
nakapagpagaling kay Maria Clara sa kanyang karamdaman. Sunud-sunuran sa
kanyang asawa at walang kakayanang tumutol sa anumang ginagawa nito.

15. 15.  Pamangkin ni Don Tiburcio Binatang ipagkakasundo sanang pakasal kay Maria
Clara.

16. 16. Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña Doña Victorina Isang Pilipinang
nagpapanggap na taga-Europa. Nagnais makapangasawa ng dayuhan kaya’t
napangasawa niya si Don Tiburcio Ipinagmamalaking isang doktor ang asawa upang
tawagin siyang “doktora”Image from IV-Joule tripadvisor.com
PROYEKTO
SA
FILIPINO

IPINASA NINA:
JELLICA T. GONZAGA
MARY ANGELA SUBANG

IPINASA KAY:
MRS.ADELIA JAGOLINO

You might also like