You are on page 1of 4

UNIVERSITY OF THE CORDILLERAS

GRADE SCHOOL AND JUNIOR HIGH SCHOOL


FILIPINO 9
Saklaw na Araw: Marso 19-24, 2020
Araw ng pagsusumite: Marso 25,2020
Paksa: Kabanata 1-11 ‘’Ang Piging at Simula
Layunin:

 Nababasa at nauunawaan ang nilalaman ng kabanata 1-11(pahina: 413-419)

 Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa pangungusap.

 Nasasagot ang mahahalagang katanungan na may kaugnayan sa binasang


kabanata.

Aktibidad : I- Isulat ang salita o mga salitang kasingkahulugan ng mga salitang initiman
mula sa mga siping ito ng pangungusap mula sa buod.

1. Marangya ang bahay, elegante ang kasangkapan, at sa oras ng piging, puno ng


mga bisita.

2. Sa pagtungo ng lahat sa hapag, nagkaroon pa ng kakatwang pagtatalo sina Padre


Damaso at Sibyla kung sino ang dapat maupo sa kabisera.

3. Kinabukasan, ikinuwento naman ng tagapagsalaysay ang muling pagtatapo nina


Maria Clara at Ibarra sa asotea ng tahanan ng dalaga.

4. Una’y ipinag-utos ni Kapitan Tiyago na kunin na ang mga gamit ni Maria Clara sa
beaterio kung saan ito nag-aaral at namamalagi.

5. Sa pagkasangkapan ng imahen ng lambong na ‘’tumatabing sa karamdaman,’’


sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusa ng kaniyang bayan.
II- Pag- unawa sa teksto

1. Ano ang pangunahing pangyayari sa simula ng nobela? Paano ito inilarawan ng


tagapagsalaysay? Gawan ito ng balangkas o outline sa espasyo sa ibaba.

2. Ano-ano ang paglalarawan ng nobela sa bahay ni Kapitan Tiyago? Ano ang


masasabi natin sa katauhan ni Kapitan Tiago sang-ayon sa pagkakalarawan ng kaniyang
tahanan?

Paglalarawang o Katangian ng Bahay ni Pahiwatig Hinggil sa Katauhan ni


Kapitan Tiyago Kapitan Tiyago
1.

2.

3.

3. Ano ang naging impresyon ng tagapagsalaysay hinggil sa bisitang si Don Juan Crisostomo
Ibarra?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
4. Ano ang naging impresyon ng tagapagsalaysay hinggil kay Maria Clara, ang irog ni Ibarra?
Papaano inilarawan ang kaniyang nakaraan?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
5. Ano sa palagay mo ang naging damdamin ni Ibarra nang matuklasan ang nangyayari sa
kaniyang ama habang siya ay nasa Europa?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
1. Sa unang 11 kabanata, ano sa palagay mo ang pangunahing tunggalian ng nobela?
Ano ang unang reaksiyon dito ng bayaning si Ibarra?
_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________
2. Sa gitna ng pagdiriwang at karangyaan, masasabi nga bang’’malusog’’ ang
kalagayan ng bansang Pilipinas sa nobela? Papaano pinaiigting ang ganitong pagsusuri sa
lagay ng bansa ng pag-aalay ni Rizal sa bungad ng nobela? Pangatwiranan sa ibaba.

III- Paglalagom
Balikan ang iyong mga aralin sa kasaysayan at ang mga natutuhan hinggil sa buhay at mga
gawa ni Rizal. Itala sa unang kolum ang sa palagay mo ay tatlong pinakamalubhang
suliranin ng mga katutubo noong panahong iyon sa kamay ng mga mananakop. Sa
ikalawa, suriin kung ang mga ito’y tinatalakay sa nobela sang-ayon sa mga kabanatang
bahagi ng aralin. Sa papaanong paraan?

Tatlong Pangunahing Suliranin ng mga Pagtalakay sa Nobela


Katutubo Noong Panahon ng
Pagkasulat ng Nobela
Inihanda nina: Gng. Janeth E. Miranda at Gng. Mary
Joy Tellino

You might also like