You are on page 1of 79

FRANCIS B.

ABILA

37
Noli Me Tangere
ni Dr. José Rizal
Sinimulang sulatin ni Dr. José P. Rizal ang mga unang bahagi ng Noli
Me Tangere noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng
Medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling
bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng Noli Me Tangere ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa


Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng
mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting
Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng
mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat


sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon
ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito
nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang
pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si


Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang Noli. Ang
lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig


sabihin sa Tagalog ay Huwag Mo Akong Salingin na hango sa Ebanghelyo ni
San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap
sa buhay ng isang tao.

Sa kasalukuyan, ang Noli Me Tangere ay isa sa mahahalagang akda


ng Panitikang Filipino na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan (sa
ikatlong taon), alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.

38
Mga Tauhan:
Crisostomo Ibarra
binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng
paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego

Elias
piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara

Padre Damaso
isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos
maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego

Padre Salvi
kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi
kay Maria Clara

Maria Clara
mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong
na anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng
San Diego

Sisa
isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon
ng asawang pabaya at malupit

Basilio at Crispin
magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego
39
Alperes
matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
babaing nagpapanggap na maging mestisang Kastila kung kaya abut-
abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila

Donya Consolacion
napangasawa ng Alperes; dating labandera na may malaswang bibig
at pag-uugali

Don Tiburcio de Espadaña


isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap
ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina

Linares
malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan


namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan

Lucas
taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na
pagpatay kay Ibarra

Tarsilo at Bruno
magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila

Tiya Isabel
hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara

Donya Pia
masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na
siya'y maisilang

40
Iday, Sinang, Victoria, at Andeng
mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral
pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra

Don Rafael Ibarra


ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa
yaman kung kaya nataguriang erehe

Don Saturnino
nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias

Mang Pablo
pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias

Kapitan Basilio
ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin

Tinyente Guevarra
isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama

Kapitana Maria
tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra
sa alaala ng ama

Padre Sibyla
paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra

Albino
dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa

41
Noli Me Tangere
Ni: Dr. Jose P. Rizal
Mga Kabanata
• Kabanata 1: Isang Handaan
• Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
• Kabanata 3: Ang Hapunan
• Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
• Kabanata 5: Pangarap sa Gabing Madilim
• Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
• Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
• Kabanata 8: Mga Alaala
• Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
• Kabanata 10: Ang San Diego
• Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
• Kabanata 12: Araw ng mga Patay
• Kabanata 13: Mga Unang Banta ng Unos
• Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
• Kabanata 15: Ang mga Sakristan
• Kabanata 16: Si Sisa
• Kabanata 17: Si Basilio
• Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap
• Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro
• Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal
• Kabanata 21: Mga Pagdurusa ni Sisa
• Kabanata 22: Liwanag at Dilim
• Kabanata 23: Ang Piknik
• Kabanata 24: Sa Kagubatan
• Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo
• Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista
• Kabanata 27: Sa Pagtakip-Silim
• Kabanata 28: Sulatan
• Kabanata 29: Ang Umaga
• Kabanata 30: Sa Simbahan
• Kabanata 31: Ang Sermon
• Kabanata 32: Ang Panghugos

42
• Kabanata 33: Malayang Kaisipan
• Kabanata 34: Ang Pananghalian
• Kabanata 35: Mga Usap-usapan
• Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
• Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral
• Kabanata 38: Ang Prusisyon
• Kabanata 39: Si Donya Consolacion
• Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas
• Kabanata 41: Dalawang Dalawa
• Kabanata 42: Ang Mag-asawang De Espadaña
• Kabanata 43: Mga Balak o Panukala
• Kabanata 44: Pagsusuri sa Budhi
• Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig
• Kabanata 46: Ang Sabungan
• Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
• Kabanata 48: Ang Talinhaga
• Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
• Kabanata 50: Ang mga Kaanak ni Elias
• Kabanata 51: Mga Pagbabago
• Kabanata 52: Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
• Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
• Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit
ng Parusa
• Kabanata 55: Ang Pagkakagulo
• Kabanata 56: Ang mga Sabi at Kuro-kuro
• Kabanata 57: Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
• Kabanata 58: Ang Sinumpa
• Kabanata 59: Pag-ibig sa Bayan
• Kabanata 60: Ikakasal na si Maria Clara
• Kabanata 61: Ang Barilan sa Lawa
• Kabanata 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
• Kabanata 63: Ang Noche Buena
• Kabanata 64: Katapusan

43
Kabanata 1:
Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de
los Santos na higit na popular sa taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay
gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-
Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng
Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay
kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa
mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang
isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat
asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel,
isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina
Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok, si Padre
Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang
Paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng
mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa
ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang
magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan
ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang
mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay
hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol
tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari
Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni
Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura
paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat
manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing
may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng
bansa.
Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari
Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang
marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa
hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan
Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring
Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya
ang mga kasulatang nawaglit.

44
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari
Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga bagong
panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at
Donya Victorina.

Kabanata 2:
Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang
kasuotan. Binating lahat ni Kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng
mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari
Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng
kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong
pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang
masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay
kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong
Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang
ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin
ng Pari. Totoo, siya ang Kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang
ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya
ang Pari at napaharap sa Tinyenteng kanina pa namamasid sa
kanila. Masayang nag-usap sina Tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang
Tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang
nangyari. Basag ang tinig ng Tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa nito ay
higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa Tinyente, ang ama ni
Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang
hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan
niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-
aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang
mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang
binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang
lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian
kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

45
Kabanata 3:
Ang Hapunan
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa
anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang
pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman si
Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko
niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang Tinyente. Ang ibang bisita
naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan
Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa Tinyente sapagkat natapakan ang
kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang
buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay
pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo
roon. Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya
ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman
ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung
kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang
iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang
mapagitnaan nang dalawang pari. Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang
ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may
karaniwang may pahanda, magalang na tumanggi ang Kapitan sabay sabing
huwag mo akong alalahanin. Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan
ang pagpupuyos ng damdamin ni Pari Damaso nang ihain ang Tinola. Paano
puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay
puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng
Kapitan ang manok para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na
malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja,
siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa
bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang
nakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita
tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni
Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang
binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito
nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay
magtaling-puso. Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon,
tugon naman ni Ibarra. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa
ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong
wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang ginagamit
niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang

46
kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa
Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang
napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero,
nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng
bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito. Naudlot ang
pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre
Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung
iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng
pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat
sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang
niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong
maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi
nakaimik ang nangangatal na si Damaso. Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni
Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko
ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang
babalik kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si
Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng
kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng
pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na
makapag-aral sa Espanya. Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng
Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging
sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at
ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.

Kabanata 4:
Erehe at Pilibustero
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya
hanggang sa may Liwasan ng Binundok. Sa maraming taong pagkakawala
niya sa bayan, wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan. Sa paggala-
gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa
kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra, na sumunod sa kanya upang
paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka
matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay
ng Tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala
siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang
taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag
nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang
abala sa kanyang mga gawain.

47
Ganito ang salaysay ng Tinyente: Si Don Rafael ay siyang
pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan
din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga Kastila. Ang mga Kastila
dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa
Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit
na mga Kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,
si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don
Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na
kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit
na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang Artilyero
ng ba be bi bo bu na labis na ikinagalit nito. Pinukol ng kanyang tungkod ng
Artilyero ang mga bata. Isa ang sinampalad na tinamaan at
nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si Don
Rafael. Kinagalitan niya ang Artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at
si Don Rafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi
ipagtanggol ang sarili. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-
suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang
pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na
bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto
ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe
at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na
pinakamabigat na parusa. Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang
dibdib. Pinaratangan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat
(El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay,
isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga
tulisan.
Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael
at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang
abugadong Pilipino na si G.A. at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri
na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael
ay malapit ng lumaya dahil sa tapos ng lahat ang mga kasong ibinintang sa
kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi
nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng
bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay ang Tinyente. Inabot nito ang kanyang
kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang
magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng
maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.

48
Kabanata 5:
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala (ito ay isang uri
ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na
nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon. Sa sinapit ng ama,
gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng
himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa
kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig
din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita
niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na
nababalot ng manipis na habi, may suot na diyamante at ginto. Sa likuran
naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga
umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, Intsik, militar ay nakatuon lahat
sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga,
maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang
nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag
samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng
dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi,
madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot
ng antok ay ang batang Pransiskano.

Kabanata 6:
Si Kapitan Tiyago
Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya
ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa
pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang
nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang
negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna
bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lobong hinihipan sa pagpintog
ng kanyang yaman.
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya
ay malakas sa mga taong nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga
prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi
Pilipino. Kasundo nya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa
kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng
kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at

49
santong sinasamba katulad nina Sta.Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de
Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo,
Hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiyago kahit na ano ang itakda an mga Kastila, yaon
ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino,
sya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay
kanyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may
okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya mayroong
handog na regalo.
Si Kapitan Tiyago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng
asukal sa Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag
aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring Dominiko. Nang
mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag-isang nangalakal. Nakilala nya si
Pia Alba na isang magandang dalagang taga Sta. Cruz. Nagtulong sila sa pag
hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang
maging kaututang-dila roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibigan
din nila ang pinakamayaman sa buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang
ama ni Crisostomo Ibarra. Dahil sa anim na taon ng pagsasama sina Tiyago at
Pia at hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina
San Pascal Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Sra. de Salambaw.
Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay naglihi. Gayunpaman
nagiging masakitin si Pia, nang siya ay magdalangtao. Pagkapanganak niya,
siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak ni Pia
ay pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay karangalan sa dalawang
pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang
mag-aruga kay Maria. Lumaki sya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel,
kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si Maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng Sta
Catalina. Luhaan syang nagpaalam kay Pari Damaso at sa kanyang kaibigan
at kababatang si Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra
naman ay nagpunta na ng Europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na maski
nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang
dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang
paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.

50
Kabanata 7:
Suyuan sa Asotea
Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya
Isabel. Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa
paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan
Tiyago ay binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba
ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo
namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa Malabon
o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon
sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang
pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang
mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya
babalik sa Beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang
tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni Tiya Isabel na mag-
ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang
paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng
kaligayahan sa kanilang puso.
Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na
nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa
pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi
ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa
kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng
ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man,
anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre
kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang
paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng
tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay
nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni
Maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrero upang hindi maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang
kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang isang
liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang
bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang
mukha.

51
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si
Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan
ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang
sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya
ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa
kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya.
Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya
Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong
umuwi dahil bukas ay Undas na.
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay
ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin
nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-
ale. Tumango si Ibarra at umalis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at
inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San
Roque at San Rafael.

Kabanata 8:
Mga Alaala
Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa
isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay
nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya
sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang
alaala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa
pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga
Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga
lalaking hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga
karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa
ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na
walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa
tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang
karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inaantok pa sa kanilang mga
pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga Tsino at paring walang
kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari
Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at
dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.
Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging
kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang
nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.

52
Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang
mga magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa
ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon
niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid
ng makakapal at nilumot na mga pader. Ang pagkakapatingin niya sa
Bagumbayan ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging gurong pari bago
siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng Pari ay (1) Ang karunungan ay para
sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2)
Kailangang pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod
na salin-lahi at (3) Ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap
ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga
dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (mga dayuhan).

Kabanata 9:
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan
Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na
sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at tinanong ang mag-
ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang
ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy siya sa bahay
ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon
itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng Pari
nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano
rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan
Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad
na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel
II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng
isang matandang paring may sakit. Siniglahan siya ng matinding pagkaawa
rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na
pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si
Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng
mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan
Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng
maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong
iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang
kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na
nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat,
anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino

53
ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin
ng sa kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang Tinyente ay hindi rin
nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari
Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita
ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na
mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-
uusap nina Kapitan Tiyago at Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan
Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na
kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang
inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng Pari, kaagad na pinatay niya ang mga
ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating
paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.

Kabanata 10:
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang
baybayin ng isang lawa at may malalapad na bukirin at palayan. Karamihan
sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang
mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa
Tsino. Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos
natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na
sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang
isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong
itinatagong alamat. May isa umanong matandang Kastila na dumating sa
bayan. Ito ay matatas magsalita ng Tagalog at nanlalalim ang mga
mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit,
alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng
masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita
nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng
Baliti. Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat
nung nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat
bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga
mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas
naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong Kastila ang dumating at
sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay
masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa

54
siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang
Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan
kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar,
mula sa pagiging nayon, ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre
Damaso na ang pumalit at naging kura ng parehong bayan.

Kabanata 11:
Ang mga Makapangyarihan
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang
kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay
iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa
kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng
magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kumampi.
Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda
ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa
bayan. Kapag siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na Sakristan Tiyago.
Ang Kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na
casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa
halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng Alkalde Mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na
pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina
Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang Pransiskano at siyang pumalit kay
Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung
ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si
Pari Salvi at ang Alperes at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang
Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang Alperes ang puno
ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa
pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init
ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang Alperes at Pari Salvi kapag sila ay
nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng
maraming tao at parang walang anumang namamagitan di
pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-
kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San
Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique.

55
Kabanata 12:
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang
malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang
napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at
nagpuputik naman kung tag-ulan.
Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay
mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na
niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng
paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating
sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali,
dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng
ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang
hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap
na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan
na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna
ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at
namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong
katawan. Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng
mga Intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng
bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos
ng malaking kura na si Padre Garrote.

Kabanata 13:
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama - si Don
Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda
kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito
anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng Adelpa at Sampaga at nilagyan
ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang
palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero,
nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at
itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit
umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa
ito sa libingan ng mga Intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng
husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na

56
nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na
nakabaston na may puluhang garing.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra
ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari
Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking
kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may
kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata 14:
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng
lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw
na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng
nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang
taong may toyo sa ulo o baliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto
sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang
ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka
makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay
magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang
siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang
asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat
hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos
sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya
pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong
nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, diretso ang sagot niya:
Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagka’t ito ang
magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga
kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon
na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng
kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.
Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili
at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang
bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog
ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at
nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing
ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumango ang mga
bata.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may
kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling
Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si

57
Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita
niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman
ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim
na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa
purgatoryo sapagkat nuon ay Undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya
naniniwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at
maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at
dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang
tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.
Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng
ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo
Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang
kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

Kabanata 15:
Ang mga Sakristan
Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng
magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni
Pilosopo Tasyo at sinabihan na sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para
sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino
na sila ay hilahod sa hirap.
Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya
ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni Sisa
na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng
pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana wag
magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi nila ay dalawang piso sa isang
buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio
sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng
dalawang onsa ay P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio.
Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang
sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil
dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat
maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng Kura at siya’y
mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si
Basilio. Nasindak ang huli sa binanggit ng kapatid.
Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina
napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni
Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipakikita niya ang
maraming latay na likha ng pagpalo ng Kura at ang bulsa niyang butas-butas
na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong Pasko, na
kinuha pa sa kanya ng hidhid na Kura.

58
Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang
magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang makakain ng
masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi
pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang
onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang
magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at
sabungero.
Habang nag-uusap ang magkapatid, ang Sakristan Mayor ay walang
kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa
galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi
tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap
at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang
onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero
sinansala siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi
makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal
si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad
sa lansangan kung gabi.
Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan
mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang
sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero,
wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng
sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata
at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip
na kung kailan siya maaaring mag-araro sa bukid habang naririning niya ang
paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag
ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at
nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay
unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.

Kabanata 16:
Si Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing
na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng
dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay
gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May
isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking
iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa
lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang
kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya
ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.

59
Sa madalang na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya
ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunman, para kay Sisa ang lalaki
ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin.
Mayroong tuyong Tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang
ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok
o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit
sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang
ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo
kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda
ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga
pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa
niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang
sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng
anak. Windang ang puso ni Sisa.
Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang
dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng
kanyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na
tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga
anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang
iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng
kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa
kapaligiran.
Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang
dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya ng malakas na
tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Kabanata 17:
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang
ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng
kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto
sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang
kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi
niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya
sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si
Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng
kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog
siya sa puno.

60
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na
napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi
ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng Sakristan Mayor. Napaluha si
Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila
ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay.
Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina
nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama
tumitikim ng bugbog ang ina nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging
mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera
ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita
niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major
hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pag-
ungol, siya ay ginising ni Sisa.
Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni
Basilio ang dahilan at sa halip, kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa
kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang
magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din,
(2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw
at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng
kapirasong lupa na masasaka.
Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya
ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang
sasakahin kung saka-sakali.
Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa
paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa
ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak
sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

Kabanata 18:
Mga Kaluluwang Naghihirap
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi
ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong
upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan
ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang
paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng
‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang
nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang
indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong
pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay
pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang

61
Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang
pagdating ni Sisa.
Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na
pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na
katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng Kura. Suot niya ang kanyang
pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.
Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig
ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang mga sakristan
at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na
mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa
sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang Pari. Pero, sinabi sa kanyang
hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, kung nasaan si
Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa
kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw
ng dalawang onsa at ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng
alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay
maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa
ng alila.
Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang
dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong
mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong
nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Kabanata 19:
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo, ang lawa ay hindi gaanong
nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa,
nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung
saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya,
kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang
tanging magawa nuon kundi makipaglibing.
Malaki ang utang na loob nito kay Don Rafael. Nuong bagong salta
ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa
pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga
mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga
magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng
mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na
karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata
sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang
klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng

62
Kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog
sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang
ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang Kastila. Pero siya
ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay
sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay
Tagalog.
Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di
marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa
kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang
magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng
wikang kastila para sa kanyang pansariling interes.
Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro
sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo, siya ay ipinatawag ng kura upang
ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa
pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat
mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo
sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang
guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang
kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong Kura.
Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa
wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila.
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,
pagsasaka, kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at
sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin
ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang
guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng
pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng Tinyente Mayor.

Kabanata 20:
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at
lugar na pulungan ng mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang
dumating sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong. May
dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian
sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman
ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay
pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos
ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista
na. Tinuligsa ni Don Felipo ang Tinyente Mayor at Kapitan dahil malabo pa ang
mga paghahanda sa piyesta.

63
Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si
Kapitan Basilyo, isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa
at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito, isinahapag ni Don Felipo
ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo
ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya
sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00
samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi. Kailangan din
ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa
kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.
Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno
ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2)
walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at
ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at
kapintasan.
Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag
ng Kapitan na tapos na ang pasya ng Kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng
Kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa
mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na
lamang ang dalawang pangkat.
Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa
ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

Kabanata 21:
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matindi ang
bumabagabag sa kanyang isip, ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi
ng Kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano
maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga Sibil. Tumindi ang sikdo ng
kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya
nag dalawang Sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang
dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding
pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang Sibil. Pilit na
tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang
ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng
Kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang
pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga Sibil. At sa halip pakaladkad
na sinama siya sa kuwartel.
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga
kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa
nga Sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa
kabayanan na.

64
Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng
misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa
kuwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa
ang kanyang damit. Ang buhok naman ay daig pa ang sinabungkay na
dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng
katinuan.
Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni
Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na
palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang
nakabalandra sa isang sulok.
Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating
sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan. Tinawag ang
pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito
makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod, at
sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang
bumalik sa bahay.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may
bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa
sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob ng
matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang
mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng
malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang
buong pagkatao.
Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas
na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay
magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong
nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

Kabanata 22:
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San
Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria
sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa,
minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at
kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa
kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.
Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na
dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin
nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na
naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.

65
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag nang isama ang Kura sa
lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng
pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang Kura. Malagkit kung tumingin
ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya,
tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre
Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni
Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga-
San Diego.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi.
Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa
pagsasabing masakit ang kanyang-ulo.
Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik.
Inaasahan iyon ng Kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan,
nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa
kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa
kanyang problema sa asawa at mga anak.
At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

Kabanata 23:
Ang Piknik
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,
kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang
bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong
sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at
pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba’t-
ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa, akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na
sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng
mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang
kanilang kuwentuhan.
Nagtig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang
kanilang sinasakyan. Dahil dito, mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa
bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay
napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang
mga dalaga.
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad
sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo, matipuno ang
pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.

66
Habang hinihintay na maluto ang agahan, si Maria ay umawit ng
Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang
sabaw para sa isisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang
magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,
kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito.
Ngunit, wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil
sa buwaya. Agad na lumundag si Elias. Sigawan ang mga babae na baka
mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing
sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas
ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at
lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga
‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. nLumundag pa ang isang
anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a
Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na
kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si
Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli
naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni
Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punongkahoy na
tumutunghay sa batisan.

Kabanata 24:
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa
kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang
kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-
almusal. Ipinahanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di–kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa
kumbento. Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si
Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na
sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si
Ibarra nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga
dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na
lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa
sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang
taong tumatampalasan kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit

67
nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na
iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga
sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi at Don
Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa Kura ang
paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang
dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay
Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at
dalaga na naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung
magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya
ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap
lamang. Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng
Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na
nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-
paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria at ang
natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa
kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Pari Salvi. Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at
pinagpunit-punit ito. Malaking kasalanan, anya ang maniwala sa aklat
sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si
Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan
ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon
ang Kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na
ito sa kumbento.
Dumating naman ang apat na Sibil at ang Sarhento. Hinahanap nila
si Elias na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra
dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni
Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong
kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong
ito. Ginagulad ng mga Sibil at Sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na
umano’y nagtapon din sa labak sa Alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang
nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-
unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.

Kabanata 25:
Sa Tahanan ng Pilosopo
Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang
Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala
ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito

68
nang siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, sinabi ni Mang Tasyo na ang
sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na
salinlahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at
malamang hindi maihahambing sa panahon ng kanilang mga ninuno.
Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit
namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao. Kung kaya’t isinangguni niya ang
kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng
matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni
Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang Kapitan ng
bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayon pa rin sa kanya, ang mga
taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang
pagsangguni ay hindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang
kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa
mga pinagsangunian.
Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero
mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan
ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa
pamahalaan, ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang
binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman, ang lahat ng kanyang mga
pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi
ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at
pamahalaan.
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang
Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan
lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng
kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.
Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang di pagdaing
ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati–rati
tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang
Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang
panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping
buntunghininga’y magsisiklab. Ang bayan ay maniningil ng pautang at sa
gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.
Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam
ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon
ay di papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman
ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi
natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng
bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat, ang utos ng Hari ay
nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang
aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng
tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na
lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkahi muli ni Ibarra ang paghingi niya

69
ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo
sa mga naghari-harian.
Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-
sunod na tanong ang kanyang pinakawalan: (1) Kailangan bang magyuko at
mapanganyaya? (2) Kailangan bang maapi upang maging mabutiing
Kristiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3) Bakit
ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?
Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang
lupang pagtatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay
mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay! Mariing
sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa
pagsasabing: humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin
sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking
relihiyon. Ngunit ang anak ay hindi nakakalimot!
Sa sinabing ito ni Ibarra, inimungkahi ng matanda na habang buhay
sa alaala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang
tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang
gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga
kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang
gawin niya abang naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa
si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.
Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang
ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang
isang rosas na sa dayami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung
ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang
sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng Makopa. Dati-rati, anya, ay
isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat
hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. ang puno ay itinanim niya
ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay
ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing
mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi
kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay
sumalubsob sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng Kura ang ginawa niya. Nag-
aalala na baka pakitang–tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang
pagtuturo ay magiging kaagaw ng kumbento sa kayamanan ng bayan.
Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra,
ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong
pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang
mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni
Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang Kura na marahil ay hindi
naman kasingtulad ng umusig sa kanyang ama. Ipakikiusap din niya sa Kura na
tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang
umalis na si Ibarra.

70
Kabanata 26:
Ang Bisperas ng Pista
Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San
Diego. Naging masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako. Ang mga
bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May
nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.
Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na
bungang kahoy, may nakahandang pagkain, alka na binili pa sa Maynila na
katulad ng hamon at ng relyenong pabo, serbesa, tsanpan at iba pang klase
ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa
mga banyaga, kaibigan o kaaway, at sa mga Pilipino, ahirap man o mayaman
upang masiyahan sila sa pista.
Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga
kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga
dalaga, belong ginansilyo, alpombra, bulaklak na gawang kamay, banehang
pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga. Dahil sa sobrang kintab
ng sahig ay pwedeng nang makapanalamin. Puno ng kurtinang sutla ang mga
pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din.
Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong
kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may
paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan
upang makadaan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang
magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-
Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasunod ang mga putok ng
mgha kuwitis at bomba.
Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra
ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan
Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay
sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas
at Sta. Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita, si Padre
Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman
pagdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda
ng manok, baboy, bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang
may-ari na kanilang sinasaka.
Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng
mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay
paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang
abala ang mga manggagawa, ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay
isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalaki at ang
ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng
mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong

71
A, na siyang arkitekto, ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming
puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad
na mag-aral.
Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman
samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at
magbabasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pista. Sa mga
pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simbahan
ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang lahat ng gastos.
Dahil dito, siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa
Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang na ang
natutularan sa kanila ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga
kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit,
bilang ng butones ng tsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga
nakakatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasabi ngunit tinugon
siya ng matanda sa isang aral ni Balagtas na Kung ang isalubong sa iyong
pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong pag-ingata’t
kaaway na lihim… siyang isaisip na kakabakahin.

Kabanata 27:
Sa Pagtakip-Silim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan
Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga
taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin. Dahil si
Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya
ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang
dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni
Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay
Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na
mula sa bangka ni San Pedro.
Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga
ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi
ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan
naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago
maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na
inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya
maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na
bisita.
Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria
ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya
Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng
kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Sinang. Nanaog

72
kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra at
pinuri naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at
tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang
maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti
lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting
yaon, kung oo, o hindi.
Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na
nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at
nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit
nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa
pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.
Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng
pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng
ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang
agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa
may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak
ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang
namamalisbis sa mukha.
Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan
sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo
at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro
rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman ang anak niyang
si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin
ang ketongin na dala ang bakol.
Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon
palang mga taong kulang-palad.

Kabanata 28:
Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol
sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid
ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa
dyaryo na walang makakatulad sa karangyaan ng pista ng
pinangangasiwaaan ng mga paring Pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando
Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batangas
at Maynila.
Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng
musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga
makapangyarihan sa Kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng
Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don
Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso
Verdolagas.

73
Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga balitang
artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat
pero dahil sa Kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng
Espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga
Pilipino sa komedyang Tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay
ipinagtaka ng lahat.
Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon
ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang
karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang
misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos
ng. Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din
ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang
nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay
humanga sa ganda.
Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-
anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte
sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Juaquin,
Kabesang Manuel at ang Konsul.
Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang
liham:
Crisostomo:
Ilang araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t
ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman
malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot
ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan
ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.
Ipaabot mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay
Itay. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya
kaysa sa iyong katulong.
Maria Clara
Habol:
Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa
paaralan. Paalam.

Kabanata 29:
Ang Umaga
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng
musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at
mga paputok.
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga
hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit
ng bihisan. Binati siya ng Tinyente Mayor. Sumagot ang Pilosopo na Ang

74
magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan. Ang
pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si
Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit wala siyang
magawa sa kagustuhan ng Kapitan at ng Kura.
Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa
kalilibot. Binabatak naman ng mga Hermana Mayor ang mga tao upang
tumikim ng kanilang inihandang pagkain.
Dahil sa mga tanyang na tao, mga Kastila at Alkalde ang magsisimba
ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi
makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi
sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalam at
nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya
ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento.
Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela
at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati
sa alak.
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay
dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa
kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga
nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala
ang mayayaman at mahihirap.
Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at
ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang
ay si Pari Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla. Ang prusisyon
ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.
Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina
Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang Alkalde, si Kapintan Tiyago, si
Maria, si Ibarra at ilan pang Kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga
kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na
pagkakatayo.

Kabanata 30:
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong
makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob
ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad
sa komedya na magtatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga
tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay
mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay
tuloy-tuloy sa langit.

75
Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng
abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan
naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.
Ilang saglit lang dumating ang Alkalde kasama ang kanyang mga
tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang
medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang Alkalde ay osang sibil na
nagsuot-komedyante.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig
ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan
ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at
at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig
sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.
Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan
ang kuwderno upang kumuha ng tala.

Kabanata 31:
Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang
Kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II,
Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni
Estres ng nagsasaad ng: Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu
upang sila’y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan
mo sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw.
Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre
Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na magaling ang
pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.
Nagpugay ang pari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at
itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya
upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nag-alinlangan ang Alperes, iniisip
niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng
magsalita ang predikador.
Sinabi ni Pari Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng
Diyos upang maging kapaki-pakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong
at lumalaki sa lupain ng banal na si Francisco. Hinikayat niya ang mga
makasalanan na tularan ang mapagwaging si Gideon, ang matapang na si
David, ang mapagtagumpay na si Roldan ng ka-kristiyanuhan, ang guwardiya
sibil ng langit.
Nakita ni Pari Damaso na napakunot – noo ang Alperes sa kanyang
tinuran. Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na opo, ginoong
Alperes, higit na matapang at makapangyarihan bagamat walang armas
kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman

76
at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng
paglikha kay Diego de Alcala.
Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari Damaso sa
wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan
ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San
Francisco. Umasim din ang muha ng Alperes, kaya inakala ng marami na
pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.
Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin
ang pagwawalang – bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang
namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng
alak at madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng
patente.
Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay
napahikab. Samantala, si Maria ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala
siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamang sa kanya. Nang
simulan na sa Tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si
Padri Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at
pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito, pati si Ibarra ay nabalisa
lalo nang turulin ng Pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal
na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin
nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at
mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopo... ang mga parinig na ito ay
nadarama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya.
Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na
si Pari Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita
ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si
Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang
sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay
at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra
si Elias na kaagad namang umalis.

Kabanata 32:
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya
mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo. Ito ay
mayroong walong metro ang taas, nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa
haligi nakasabit ang malalaking lubid kaya tila napakatibay ng pagkayari at
napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang
kulay.
Tiningnang mabuti ni Nor Juan kung paano itinaas at ibinababa ang
batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng

77
kahit isang tao lamang. Hanggang hanga si Juan sa taong
madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.
Sinabi ng taong madilaw kay Nor Juan na natutuhan niya ang
paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa
anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa araw
ang kanyang mga tauhan; marunong ding gumising ng mga natutulog at
magpatulog ng gising.
Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa
pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming
habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga
panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa
almusal ay mga guro at mag-aaral.
Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis
ng damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati
na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahang
bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.
Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang
may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas
at magbaba ng batong na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa
gitna ang bato, sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.
Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang
Kastila ang Alkalde. Pagdaka’y isa-isang bumaba ang Kura, mga Prayle , mga
Kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa
biro ni Kapitan Tiyago at amuki ng Alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra.
Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa
kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalimbukay ang makapal na
alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan
ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.
Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan
ng mga biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng Alkalde na ipahuli ang
nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nor Juan. Pero, nakiusap
si Ibarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria,
kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit.
Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na
pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula.

Kabanata 33:
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito
ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad
lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring
mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway. Batas

78
ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa
pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa
lalong mayaman at makapangyarihan, pagdidiin pa ni Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar,
dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil
na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni
Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng
sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing hindi kakanin ng
isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo.
Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat
kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi
ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni
Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami
pa sanang mababatid buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na
mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng
bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at
naging hukom.
Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito
ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang
lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na
marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na
ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya
sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

Kabanata 34:
Ang Pananghalian
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na
nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo
ng mesa sina Ibarra at ang Alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at
nasa kaliwa naman ang Eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok
sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga Prayle, kawani at kaibigang
dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama
sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at
magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan
Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung
saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi,
ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga
magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang
mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat
bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat

79
nagsisimula nang ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng Alkalde na
panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang
usapan, pero patuloy ang Pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si
Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng
ama ni Ibarra ng may kasamang pag-aglahi, sumulak ang dugo ni
Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa
dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan
ang mga kasalo sa pananghalian.

Kabanata 35:
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay
madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung
sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging
matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan
Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang
awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang
lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng
kanyang itinangi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak
na kitlan ng hininga si Padre Damaso.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na
tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang
nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang Kapitan ng Bayan
na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga
prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa
at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at
mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na
mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili
kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na
magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong
ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi
matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Sapagkat bawa’t isa sa kanila ay
naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na
matutuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinawag na pilibustero ng
prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan
ng Pilibustero.

80
Kabanata 36:
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi
inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis
at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga,
pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang
hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa
kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing
susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang
mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre
Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para
magkausap ang magkasintahan.
Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi
nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng
magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra
sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay
huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyang buhay at kaluluwa.
Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay
nakita lamang niyang umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-
anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang
inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni
Kapitan lalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga
tainga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng
katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.
Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo, iminungkahi ni Tiya
Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan
lamang sapagkat ang Arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan
kundi ang mga kapwa prayle. Pagkaraang pagsabihan ng Kapitan si Maria na
tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na
niya ang paghahanda sa bahay.
Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong
kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria
naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang
kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang
makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang
nag-ayos ng katawan.

Kabanata 37:
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si
Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang taga-Maynila na

81
nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang
paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig
ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng
Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng
mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa
katarungan.
Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga
reverencia na sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga
prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral… Dahil hindi
kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng Heneral. Sinabi nina Pari Sibyla at
Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa
Heneral ay sina Kapitan Tiyago at Maria.
Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa
pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya, maaring nautas na si Ibarra si Padre
Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria
na kagyat namang tumutol.
Smantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at
nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo
nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis
patungong Espanya. Sinabi naman niya sa Alkalde na samahan siya nito sa
paglilibot.
Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay
excomulgado. Pero, hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na
ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusta na gumaling ito
kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na
nagpaalam. Nakasalubong nila ang pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila
nagkakibuan. Mata lamang ang nag-usap.
Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at
sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol
sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang Arsobispo tungkol sa
pagkaka-excumulgado ni Ibarra.
Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo
ang pamilya ng Kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng
Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa
kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino
ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling
pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki
niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa
Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,
sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at
pinamuhayan din ng mga magulang nito.
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat
inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang
maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang

82
kanyang kasintahan at itagubilin ang paparoonin sa kanya si Kapitan
Tiyago. Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa
pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na. Kapagdaka, tinawag ng Heneral
ang mga kagawad at sumunod ang Alkalde. Sinabihan ng Heneral ang
Alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at
ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang
mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa
ng Heneral.
Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang
pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si Tiyago
kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak
at marangal na manunungangin. Nagprisinta pa ang Heneral na maging
ninong sa kasal.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa
silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang
pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang
ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

Kabanata 38:
Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga
batingaw ay nagbabadya ng inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na
halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni
Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang Alkalde, ang
Alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng Kapitan. Nagpatayo ang Kapitan
ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng
tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng
Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni
Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na
mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang
may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may
dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa
hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para
gamiting pang-ilaw sa prusisyon.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan
Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De
Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay
hinihila ng anim na Hermano Tercero.
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa
pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may
pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang

83
lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila
at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay
ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria
Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung
napatigil si Padre Salvi ay sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama
ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng
kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra
nang palalahanan siya ng Kapitan Heneral tungkol sa imbitasyon nitong
makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at
Crispin.

Kabanata 39:
Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay
pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa na Alperes at paraluman ng
mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang
lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng Alperes ang katawa-tawang
pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga
guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang
maganda kaysa kay Maria Clara.
Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay
hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung
alipustain at murahin siya ng Alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip
kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa
kanyang ng ibayong ngitngit.
Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya
sa bantay ang lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din
nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang mabuti pati
pintuan. Habang nag-iisip ang Donya, narinig niyang umaawit si Sisa na
dalawang araw ng nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang
pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang utos ng Donya, hindi ito
maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na siyang baliw.
Kinuha ng Donya ang latigo ng Alperes at muling inutos na kumanta
si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang sundalo
na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman
ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Donya at nakakapagsalita ng
Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong ng
Tagalog ang Donya. Napansin ng Donya ang pagkamaang ng kawal, kaya
galit na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila
ay inutusan itong magbaile o sumayaw.
Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si
Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa

84
nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang
kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa.
Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng Alperes na pasikad na
binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng Alperes kay Sisa, sinagilahan
ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang
mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya. Tinanong pa niya ang
Alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang
Alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at pagkain si
Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang
higaan at huwag lalapastanganin. Ang dahilan ay si Sisa ay nakatakdang
ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan din.
Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si
Donya Consolacion yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na
edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na
mapangasawa niya ang Alperes na nuon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan
kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan,
marunong ng Kastila at may ugaling Europeo.

Kabanata 40:
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga
kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay
naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong
naglalakad patungo sa liwasang bayan.
Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa
palabas ay ang Tinyente Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa
sugalan. Kausap ng Tinyente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang
pag-uusap na nagbibitiw na ang Don sa kanyang tungkulin. Danga’t
nalamang hindi tinanggap ng Alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang
pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan.
Kasunod nilang dumating ang kura at ilang Kastila. Isa-isa silang inihatid sa
upuan ng Tinyente.
Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina
Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Ang pansin ng lahat ay
nasa entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria
Clara.
Tapos na na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si
Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na
binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Pari Salvi o ang
Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang
Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng
malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya natatakot sa gagawin ng kura

85
sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneral at ng Alkalde ng
lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong dapat ipangamba. Napilitan umalis ang
Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing
huwag pansinin ang paglisan ng Kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing
si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila ay nasa
panahon pa ng edad Media.
Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali
siyang mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni
Sinang subalit nangako si Ibarra na babalik na lamang siya. Papalabas na si
Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at
ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang Alperes at si
Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga Sibil at
natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo.
May dalawang Sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang
palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don
Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si
Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindakna dalaga. Walang tigil
naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang mga Sibil na inihatid ng
mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May mga
pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga Sibil. Pero,
pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang
pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siya nakiusap. Sinabi
ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan
ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng
piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa
ng nagsi-alisan ang mga tao.
Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong
pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin
tungkol sa nangyaring kaguluhan. Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa
kanyang pangitain na si Maria Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at
nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento
at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga Kastila,
pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago.
Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria
Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng Pari ay unti-unting
nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi.

Kabanata 41:
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin mg antok si Ibarra, kaya naisipan
nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang
kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-

86
bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang
panauhin ay si Elias.
Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang
ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na
siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo,
itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni
Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan
nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na
namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga Sibil. Ang ama ng
magkakapatid na pinatay sa palo ang mga Sibil na nanggulo sa liwasan. Pero
dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling
napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias.
Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa
pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan
nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa
kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa
paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa
pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng
kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil
dadalaw ito sa isang maysakit. Saka na nila pinag-usapan ang tungkol sa
pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya
kaagad si Lucas.
Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa
sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa
ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat. Subalit kapag ito (Ibarra)
ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.

Kabanata 42:
Ang Mag-asawang De Espadaña
Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si
Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin
ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa
Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito
ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos
ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil
ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang
dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari
Damaso (Linares) at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.
Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos
na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang
silid.

87
Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya
ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong
gulang lamang. Nuong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang
maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang
pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber
at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na
inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na
kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa
isang maralitang Kastila na taga-Espanya na itinaboy ng bayang Extremadura
at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio de
Espanada na may 35 taong gulang, ngunit mukha pang matanda kay Donya
Victorina.
Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko
dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya
na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa
Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho
dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-
aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang
kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging
puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya
siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya,wala siyang mapagpipilian kundi
sumunod sa payo.
Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang
tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at
upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una mabana
ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang
pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang
kanyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa
Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng
pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala’t kababayan
subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.
Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang
pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya
Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang
mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang
kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang
Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa
katawan. Ilang buwan ang lumipas, ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa
Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging
rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat
nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina de los Reyes de Espanada.
Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay
naunsyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa lupaing ito ng

88
mga salvaje. Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot,
ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.
Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak,
naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero
ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo,
kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung
minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.
Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay
ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na
naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at
sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de
Saya. Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:
DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito
ay ikinabit sa kanyang bahay.
Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang Kastila sa
kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga
Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng
pagkamananggol, sa gastos ng Donya.
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng
kakilala ng mag-asawa ang Pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang
ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga
tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang Alkalde at ng
iba pang nasa mataas na poder sa estado.
Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw
lamang ng Kapitan–Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala
ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang
na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Maria disin sanay’y
nakadaupang palad nila ang Heneral.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na
noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at
pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at
nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibigang babae at si Andeng
na may hawak ng punpon ng Azucena.
Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso,
sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw
ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.
Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit
ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: sa Umaga ay liquen
at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito
ng Donya at ipinakilala si Linares na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang
mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.
Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa
magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari
Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain

89
mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay
dumalaw nga kay Maria Clara.

Kabanata 43:
Mga Balak o Panukala
Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at
luhaang sinabi na Anak ko, hindi ka mamamatay. Nagtaka si Maria sa nakitang
anyo ng Pari. Ang mga nakakakilala sa Prayle ay halos hindi rin makapaniwala
na ang Paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon
palang gayong kalambot na damdamin ng Pari. Tumindig si Pari Damaso at
nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at umiyak na parang
batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na
talagang mahal na mahal ng Pari ang inaanak na si Maria.
Nang kumalma na ang damdamin ng Pari, ipinakilala ni Donya
Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso
na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman
niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabho at
mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho
ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad
Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si
Tiyago.
Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na
lamang siya nang batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa
pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas, pilit na
nagpapatulo siya ng luha nang isalaysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra
at binigyan lamang ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang
kapatid. Nagalit ang Pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito
at pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-
bulong si Lucas.

Kabanata 44:
Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang
pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang
inang hindi man lamang nakikilala. Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang
mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na
magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang
bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na
inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot
ang pustiso ng asawa.

90
Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang paglipat ng parokya
ni Pari Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong
pagkakalayo ng Pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin
niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay
bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng Kura na mabuti nga
ang di pag papahintulot ng Kapitan na mag kausap ang anak at si
Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat
matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling
kay Maria.
Hindi pinansin ni Pari Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki
raw ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi
ang lahat namga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming
pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Pari Salvi
na gamutin ng kanyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes.
Hindi umimik ang Pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan
Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa
gabing iyon at bibigyan niya ng Viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang
kanyang paggaling.
Samantala, pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa
bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kaag nakakaramdam siya ng
pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang kung hindi sumulat si Ibarra. Sumagot
si sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng Arsobispo ang
kanyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pag-uusap sapagkat
siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si
Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapagtanong si Sinang dahil
nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga
kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng
isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen.
Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na
sa halip na makinig ang pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa
isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Pari Salvi, ito ay namumutla at
nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang
kinumpisalan na di nagtamo ng patawad.

Kabanata 45:
Ang mga Pinag-uusig
Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay
sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nang makita ni
Elias ang matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may
bahid ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na
nang huli silang magkita. Noon, ayon kay matandang Pablo siya ang naaawa
Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto . Si Elias ay malakas

91
samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at
kalooban. May 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan
Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang
lalawigan. At ngayon nga ay kanyang natagpuan.
Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng
mga di-binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa
sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa kanyang paghahanap
sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na
magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na
silang nag-iisa sa buhay. Umiiling lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at
sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa ibang
lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay
ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng mga
buhong. Nuon anya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at kamatayan ang
isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo. Karumal-
dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang kanyang
pagpupuyos.
Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang
kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa
niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa
niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at
narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa
buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na
pumatay o magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang anak
ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang kurang
nagparatang ay inilipat sa ibang lugar. Pero ang kanyang anak ay namatay sa
sobrang pahirap na dinanas.
Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pingambahan na siya
ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawang kapatid. Ito ay hinuli ng mga
awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay
pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng
nalalabi sa kanya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at
makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib na kapwa
rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa kanyang pangkat
na pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw
upang lumusob.
Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni Kapitan Pablo, siya man daw
ay tulad nito na sa pangambang makasugat nang walang kinalaman,
kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa Kapitan, ang paglimot ay
lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat
siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-
asa. Nangako ang matanda na hindi rin siya susugat sa sinumang walang
kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kanyang

92
pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong tumutupad lang
naman ng kanyang tungkulin.
Ipinahayag ni Elias kay matandang Pablo na siya ay nagkapalad na
makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-
aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang
Pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang
pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang
binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa Heneral ang mga hinaing
ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na
malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanyang lakad o
pakikipag-usap sa binata (si Ibarra ) sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan
ng Kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin
niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at
makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang
kasama niyang maghahadog ng buhay.

Kabanata 46:
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San
Diego. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi. May pasukan ito sa pinto na
binabantayan ng isang babaeng naniningil ng bayad sa
pagpasok. Nakahanay naman sa magkabilang daraanan na mga tao ang
mga tindera na nagtitinda ng kung anu-ano na katulad ng pagkain, gamit na
maliliit sa bahay, sigarilyo at iba pa. Kalapit ito ng isang may kalakihan ding
lugar na kinaroroonan ng mga tahur, magtatari at mga sobra ang hilig sa
sabong. Dito nagpapalipat-lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng mga
tao at pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay ulutan. Ang ikatlong
bahagi naman ng sabungan ay tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga
sultada. Makikita sa lugar na ito ang mga taong may matataas na tungkulin,
mayayaman, ang mga tahur at sentensyador.
Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at
Lucas. Nagtanong si Kapitan Basilio tungkol sa manok na isasabong ni Kapitan
Tiyago samantalang papasok ito sa sabungan na kasunod ang dalawang
alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at isang malaking puting
tinali. Bulik naman ang manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng batian
tungkol sa pagkakasakit ni Maria Clara, pagkaraan nagkasundo ang dalawa
na paglabanin ang bulik at ang lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na
kumalat ang paglalaban. Nagkaroon ng pustahan ang mga
sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at llamado naman ang puti.
Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa
gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo
at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay matamang pinagmamasdan

93
ni Lucas. Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas at
nakiusap na pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay
may masaklap na karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo
ng mga ito.
Tinanong ni Lucas ang magkapatid kung payag na sila sa kondisyong
kanyang ibinigay. Ayaw ng nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit
kilala man niya ang magkapatid na ayaw ipaghiganti ang pagkamatay ng
kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang hindi niya pag-
aari. Ang pera, anya ay kay Don Crisostomo Ibarra. Gayunman, kung
papayag sila sa kanilang amuki, madali niyang mabibigyan ng pera ang mga
ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi lamang sa kanilang kapatid na babae ay
matagal na siguro silang nabitay. Pero, sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay
ay mga duwag lamang, walang salapi at mahihina at kung sakali ay malapit
lamang ang bundok.
Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali
lang ay kapwa sugatan. Pero matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib
samantalang ang sa pula naman ay sa pakpak lamang. Gayunman, unang
bumulagta ang puwit na nagkikisay at sumunod naman ang pula na ipinipikit
ang mga mata. Ang nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo
ang sumunod.
Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disin sana’y
nanalo ng tig-P100 bawat isa. Sa di kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa
ni Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas. Naisip nilang pumusta sa sususnod na
laban. Tiyempo namang ang isusunod na paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan
Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol
sa kanilang kapatid na babae. Naisip nilang walang mangyayari sa kanila
kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si Crisostomo ay
kaibigang matalik ng Heneral at kasama pa nito sa pamamasyal.
Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay
binigyan ng tig- P30.00 sa kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa
kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, tig-sasampu uli sa bawat maisama
nila. Kapag nagtagumpay sila sa gagawing pagsalakay, may tig-P100 at ang
mga kasama nila at sila naman ay tig-P200 ang tatanggapin. Tumango sila
pareho sa lahat ng kondisyon. Kaagad na tinanggap ang perang hinihingi nila.
Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid na kinabukasan ay darating ang mga
sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay
kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap ng utos. Ito lamang at
naghiwalay na silang tatlo. Tuloy ang sabong.

94
Kabanata 47:
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay
naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin
ang bahay ng mga Indio. Ayon sa Donya pangit ang mga bahay ng mga
Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi
nagpupugay sa kanila ang mga nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don
na mamalo ng sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga raw ng kanyang
kapansanan.
Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng Alperes
nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim. Tiningnan ng
Alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa
kabila. Sinugod ng Donya ang Alperes at nagkaroon ng mainitang
pagtatalo. Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng Alperesa
samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at
mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, habang hawak na
mahigpit ang latigo ng Alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang
daluhugin si Donya Victorina. Pero, bago magpang-abot ang dalawa,
dumating ang Alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan
ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
Dumating ang Kura at pinatitigil ang dalawa, ngunit pasinghal na
binulyawan siya ng Alperes kasabay sa pagtawag ditong mapagbanal-
banalang Carliston. Nagalit naman ng husto si Victorina at sinabi kay Tiburcio
na kailangan hamunin niya ang Alperes sa pamamagitan ns sabelo o
rebolber. Tumanggi ang Tiburcio, kaya nahablot na naman ng di oras ang
kanyang pustiso ng nagtatalak na asawa.
Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni
Linares si Maria at ang mga kaibigan nito. Kay Linares nabaling ang atensyon
ng Donya, inutusan nito na siya ang humamon sa Alperes sa pamamagitan ng
baril o sable at kung hindi ibubulatlat nito sa madla at kay Kapitan Tiyago ang
tunay nitong pagkatao. Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin sa
Donya.
Siya namang pagdating ni Kapitan Tiyago na lugo-lugo sapagkat
natalo ang kangyang lasak. Hindi pa nakapagpapahinga si Tiyago, tinaltalan
kaagad siya ng Donya. Sinabi niya sa Kapitan na hahamunin ni Linares ang
Alperes at kapag hindi niya ito nagawa, di dapat itong magpakasal kay
Maria. Sapagkat ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin
pa ng Donya. Dahil sa narinig nagpahatid si Maria sa kanyang silid.
Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan
nila ang kuwenta sa paggagamot kay Maria at ito’y umaabot sa kung ilang
libong piso. Naiwan naman si Linares na nasa gipit na kalagayan.

95
Kabanata 48:
Ang Talinhaga
Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas
sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang
tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at
dadalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa Arsobispo na ibinigay nito sa
Aura at nagsasaad na inaalis na ang ekscomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel,
sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang
pamangkin si Maria ang Kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at
pinatuloy si Ibarra.
Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang
kalapit ng kasintahan si Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria
at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na
nagkukumpol ng Rosas at Sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra
samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang
tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga
sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang di ipinasabing
pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang
bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro
ni Ibarra na bukas na lamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si
Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang
kanyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang
paaralan. Binati siya ni Nol Juan at manggagawang dinatnan niyang abalang
gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat
ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na
excomugaldo. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang
excommunion sapagkat silang lahat ay pawang excomulgado.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod
si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong
sabihin sa kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa
kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan. Nilapitan ni
Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias
na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong
mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang
isang napakahalagang bagay Tumango lamang si Ibarra nang makitang
papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan
ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si Elias.

96
Kabanata 49:
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi
nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya
ang Alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang
makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata
ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng Alperes. Saglit na napabuntong-
hininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang
pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra
na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang
napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (si Kapitan Pablo) na hindi na
binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng
mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa
Gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na
sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang
pangangasiwa ng Gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa
pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at
kapangyarihang taglay ng mga Sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng
paglapastangan sa karapatang pantao.
Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na
makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin
ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na
ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang
magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga
bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay
matatawag naman nilang masasamang kailangan.
Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay
naniniwala sa tinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin
nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng
mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng
isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan
ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting
manggagamot, anya ay sinusuri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at
hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng
mga Sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa
pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At
kapag pinahina ang Guwardiya Sibil ay malalagay naman sa panganib ang
katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may
mga Sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang
mga Sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang
pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa

97
nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang
mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na
walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang Guardia Sibil nanunulisan
ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na
ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad
ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi
naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga
paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga
pandarahas ng mga may-kapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila
mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap
ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang
daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang
pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

Kabanata 50:
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang
malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad. May 60 taon na ang
nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay-
kalakal ng Kastila. Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay
nanirahan sa Maynila. Isang gabi nasunog ang isang tanggapang
pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya
ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at
pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka
pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa
anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno,
silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi
nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng
babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang
pagkamatay ng asawa. Nahatulan din siyang paluin. Pero, ito ay hindi itinuloy
at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman,
pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas,
lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay
naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang
maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilala siya sa tawag na
Balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman

98
sa tawag na haliparot, delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait
at tinawag na lamang anak ng ina.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay
na. Ito ay nakabulagta sa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala
sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon
samantalang ang mga paa, kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang
dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa
kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng
kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang
angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng
magandang ugali.
Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang
kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-
bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding
pangamba na mamanhikan. Nangangamba siyang matuklasan ang tunay
niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang
puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman
ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili, siya ay
nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang
pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay
nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. B ata
pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman
sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang
magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y maykaya ang nuno, si Elias ay nag-
aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa
Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon
ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi silang
magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.
Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae
ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahal sa kanya, ngunit ang
kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang
salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang
nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang
matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na
naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging
dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat
niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang
mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala
na lamang ito’t sukat. Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni
Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayin ng
Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay
nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang

99
tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni
Elias.
Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa
sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya
(Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdamin. Lamang, wala
siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-
nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man
ay mayroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin,
nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag
babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta
ni Kapitan Pablo at sinabi sa Kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay
ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng
pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

Kabanata 51:
Mga Pagbabago

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat


nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:

Mahal kong pinsan,

Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng


Alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya
nakakalaban ay, ipababatid ko kay Kapitan Tiyago na ikaw ay di naging
kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez
sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria)
at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko
basta kalabanin mo lamang ang Alperes. Ako ay hindi tatanggap ng
anumang paumanhin o dahilan.

Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso,

VICTORINA DE LOS REYES ESPADANA

Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi

Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin


niya ang Alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino
niya, ang Kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang
paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na
makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

100
Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang
ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng Arsobispo tungkol sa pag-alis
ng ekskomunyon kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring ang binata ay
kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na
lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi
kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang Pari. Narinig ni Maria
ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.
Sa bahaging iyon ng usapan ng Pari at Kapitan Tiyago pumasok si
Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binati niya ang Kapitan at yumukod naman
kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong
katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at
lumapit kay Sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong
kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na
siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra na gusto niyang makausap ng sarilinan ang
kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.

Kabanata 52:
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa
mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May
tatlong anino na paanas na nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong
ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong
kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon
ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni
Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa
kumbento upang makaganti siya sa Kura. Binigyang diin naman ng ikatlong
anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga Sibil na
kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila
ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pag-aasanan ang mga anino
nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay
sa bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong
dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at
tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang
mga sandata kasabay ng sigaw na Mabuhay Don Crisostomo! ang tatlong
anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay
sa sulok ng pintuan.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang
paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng
unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa
kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob
ng libingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang

101
magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si
Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang
nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi
kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Nang gabing iyon dalawang Sibil ang naglalakad sa tabi ng
simbahan Pinag-uusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat
sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong
buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa
simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa
Alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamang, si Elias mismo ang
nakasalubong ng mga Sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni
Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa
kanyang kapatid. Ang mga Sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang
pinasukan ni Lucas.

Kabanata 53:
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na
nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga
kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na
sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana ang sipa kahit
na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman
ng Kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don
Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni
Don na tinanggap ng Alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi
naman mapakali si Tandang Tasyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw
ay hindi nararapat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang
puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pag-iisip ni Pilosopong
Tasyo. Ayon sa kanya, nag-iba ang bayan na di na katulad noon na may 20
na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas
na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang
pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadama na rin .
Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng
malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba
pang uri ng kaalaman na ituturing na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na
pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalawan at
tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang
nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin
kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong
kabihasnan.

102
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan,
sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng
mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang
Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong
hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga
mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga
maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay
Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na
siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan
ng bayan ang kanyang inaalaala. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang
Pilipinas ay tumatahak pa rin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don
Filipo.

Kabanata 54:
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Orasyon. Pahangos na patungo ang Kura sa bahay ng Alperes. Ang
mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-
tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinawag ang Alperes. Lumabas
agad ang Alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago
makapag-salita ang Kura, inireklamo agad ng Alperes ang mga kambing ng
Kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng Pari na nanganganib
ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa
na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng Pari, anya sa pamamagitan ng
isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang
kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang Kura at Alperes na
paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang
Kura ng apat na Sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel
naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay
ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang
mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kaya nakini-
kinita ng Alperes at Kura ang pag-ulan ng krus at bituin sapagkat ganap silang
nakahanda.
Sa kabilang dako, isa namang lalaki ang mabilis na tumatakbo sa
daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap
sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa
laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang
nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural
at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang
lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay
mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga Sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga
kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong

103
niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong
pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli
lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto
ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang
bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit,
saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang
matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid
kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy
ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.

Kabanata 55:
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang
kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinang sa piyano. Nagbulungan
silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi
mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni
Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si Linares at isinadasal nilang
umalis na ang multong si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi
si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa
kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang Pari
samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang
tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya
namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni
Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod
sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman
ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay
nakakarinig ng puro putukan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At
mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisan…
tulisan… Si Tiya Isabel ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang
nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang
putukan at silbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng
biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng Alperes ang
Kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa Pari
Salvi. Tiniyak ng Alperes na wala nang panganib kaya lumabas na sa
pinagtataguan ang Kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman
ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta
nagpatuloy na lamang sa paglakad ang binata, mabilis. Napadaan siya sa
hanay ng mga Sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal,
nangingibabaw ang tinig ng Alperes sa pagtatagubilin sa Kapitan na wag
niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.

104
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang
kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete
at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan
at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang
rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malakas na pagputok
sa pintuan. Tinig ng isang kawal na Kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago
ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang
pinto. Dinakip siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa
bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang
sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at
ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang
duwag. Labis na pangingipuspos ang kanyang damdamin. Hanggang sa
maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni
Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang
nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka
umakyat sa bintana na patungo sa Gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan,
mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid
niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga
Sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nag-ipon
siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.
Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila
ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari
silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya
tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila
ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa Gabinete. Biglang
nagkaroon ng malalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at
nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Kabanata 56:
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan
ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng
daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang
naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa
ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang
mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang
nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap,
lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba
na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay
nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng
mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang

105
hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala
ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga Sibil.
Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling
lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang
balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra,
pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay
ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng
binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang
nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Kabanata 57:
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Balisa ang mga Sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang
pagbabanta sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan
ang mga nadakip. Naroroon ang Alperes, Direktorsillo, Donya Consolation at
ang Kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang Kura
at wala sa loob na naitanong niya sa Alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod
niya ang isang parang batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa Kura
ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga Sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din
niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang
ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga Sibil. Dahil dito,
iniutos ng Alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita
niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa
ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong
walang imik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa
galit ang Alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo
ang buong katawan nito.
Hindi makakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan
niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga
santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niya
nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang
buong katawan. Hindi nakayanan ng Kura ang gayong tanawin kaya lumabas
siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng Kura ang isang dalagang parang
nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at
nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina
Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang
Alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang
binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang
kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si
Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang

106
tubig at amoy. Kung ilang beses ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa
balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng
hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang
binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.
Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at
kaya napapunta sa patyo ay upang magbawas sapagkat pinapakain ng bulok
ng biyenan nito. Inaantok ang Alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya
iniutos itong ipasok na muli sa karsel.

Kabanata 58:
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-
balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng
lunas sa kanilang mga inilalakad. Palibhasa wala silang kilalang malakas at
makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na
bilanggo. May sakit ang Kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw
daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang Alperes naman ay nagdagdag ng
mga bantay upang kulahatin ang mga babaing nagsusumamo sa kanya. Ang
Kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw
umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni
Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana
Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang
anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na
ipinagsasabi na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong
salawal. May isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si
Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang guro ng paaralan ay
kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na
sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang
isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan
ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana
Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng
kanilang kaanak ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng
kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo
na nakuha pang batiin ng nakangiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin
ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang Sibil. Nang makita naman si
Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si
Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang
pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, ang
seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si

107
Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang
namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at
naghahanap ng isang mukhang kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na
kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan
ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang
kanilang mga pinuno ang mga Sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang
Alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang
katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang
tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at
tinawag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay
isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat
mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalaala niya ang kwento ni
Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa
punongkahoy. Ang kasaysayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa
kanyang pangitain.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong
Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan
nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali
pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay
na si Tasyo sa may pintuan ng kanyang bahay.

Kabanata 59:
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating
at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa
kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-
unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at
paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga
provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga
pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo
at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa
nga na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay
napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi
naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga
nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging
pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong
dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya
panay ang sisi sa kanya ng asawang si Kapitana Tinchang. Ang kanilang
dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni

108
Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa
Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa mga
manghihimagsik.
Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang
dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isang lalaking may edad
at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan
ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng
pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsan. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong
si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay
ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat
ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t
walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si
Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik
ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay
sila ng regalo sa Heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko
at (2) sunuging lahat ng mga kasulatan na maaaring makapagpahamak kay
Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga
kasulatan.
Boto silang lahat sa payo.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng
mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-
uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking
komang galit na galit daw ang Heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti
pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang
na loob ang mga Indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na
tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat
ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya
sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang
babae at ipinaliwanag na si Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na
puno ng brilyante sa Heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung
totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay
tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga
kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag
na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama
sa mga inimbita.

Kabanata 60:
Ikakasal na si Maria Clara
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong
man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil

109
dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa
Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan,
masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng
karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang
‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya
ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng
bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam
ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni
Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang
nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina
si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa
pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si
Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol
sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na
ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa
palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang
tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan
ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang
Kastila at Intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
Pransiskano at Dominikano, ang Alperes na ngayon ay Tinyente at may grado
ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng
dating at si Tinyente Guevarra ng mga Sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit
malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang
babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman.
Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa
buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni
Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang
kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang Kura
ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng Alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad
ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon
lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay
binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At
nagpaalam na ang Tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad
sa may sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng
bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng
bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan
lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya

110
ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na
kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang
pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang
nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra
lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si
Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa
bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang
papalayo sa lumuluhang si Maria.

Kabanata 61:
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na
itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra
na itinago niya sa may puno ng Balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang
ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa
ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan
sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra
na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at
magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang
nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at
tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista,
sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito
nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya
ng damo ang hukom at ang Kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias
kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag
magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang
bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng
gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at
mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila
ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing
siya ay taga-Peñafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang
mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan.
Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig
At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-
bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias
ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at
magandang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit
sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang
kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias.

111
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan
nabanaagan nila ang isang palwa ng mga Sibil na papalapit sa
kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni
Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa
may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag
sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na
napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa
mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra
na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni
Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.
Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay
natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan
nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang
ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa
kasasagwan. Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga Sibil sapagkat
napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

Kabanata 62:
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton
sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi
naman binabasa ni Maria ang diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari
Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang
kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na
ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang
pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang
kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang
sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas
habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay
Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si
Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng
lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos
na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang
walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang
pagkalinga. Damdam na damdam ng Pari ang kasiphayuang dinaranas ni
Maria.

112
Kabanata 63:
Ang Noche Buena
May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang
nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-
anak na Tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa
lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang
tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok,
gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at
batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang
nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw
siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong
dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may
dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang
sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay
nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay
pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa
kanyang inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa
hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit
ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit
na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay
wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa
mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero,
hindi naman nananakit ng kapwa.
Ang pinsan nitong si Victoria ay si Iday. Si sinang ay tumanggap ng
liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman
ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang
Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan
Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang
ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng
Alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng
babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita
ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina,
pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero
hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may
gubat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang Kastila si Sisa. Ito ay nasa
tabi ng punong baliti. Pilipit na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang
sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong
niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting
nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito

113
ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng anak. Nawalan ng malay.
Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig
at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang tainga sa dibdib ni
Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang
ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at
napahagulgol ng malakas, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo,
nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang
tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.
Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio
na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng
maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan
sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin
ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng
Balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang
gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na
dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si
Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay
tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang
dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-
liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang
daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala
niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.
Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San
Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan
ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang Rufa ang gumawa ng siga na hindi raw
marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.

Kabanata 64:
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre
Damaso sa Maynila. Di nagtagal, aniya ay inilipat ang Padre Provincial sa isang
malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang
higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng
kanyang ikinamatay.
Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging
obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan
ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa
Maynila.
Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si
Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin,
nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga
kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na

114
umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay
mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot
na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at
paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan
ng Intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan
at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong
nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang
nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang
tanyag at dating iginagalang.
Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang
mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon
ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin
na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang doktor para mag-gamot. Wala na rin
siyang ngipin.

115

You might also like