Professional Documents
Culture Documents
2
Pangunahing Tauhan:
Ibong Adarna
Isang engkantadong ibon. Ito ay nagpapahinga sa punong may mga
pilak na dahon kung sumasapit ang hatinggabi. Umaawit ito ng pitong
beses at sa bawat awit nito ay nag-iiba ng anyo ang kanyang mga
plumahe. At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang makatulog
sa pitong ulit na pag-awit na ginagawa niya. Pagkatapos ng pitong awit
ay magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog. Mahiwaga ang
kanyang awit at nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa
sinumang makadinig nito, ngunit ang mapatakan ng kanyang dumi ay
nagiging bato.
Haring Fernando
Kinikilalang isang haring makatarungan at makatuwiran. Hinahangaan
nang labis ang kanyang mahusay na pamamahala sa Berbanya dahil sa
payapang namumuhay ang mga mamamayan sa maunlad na
kaharian.
Reyna Valeriana
Ang butihing asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong magigiting na
prinsipe ng Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Ang
kanyang kahinahunan ay lalong nagdulot ng kabutihan upang ang Hari
ng Berbanya ay higit na maging makatarungan at matalino sa
pamamalakad sa kaharian.
Don Pedro
Ang panganay na anak ng Hari at Reyna ng Berbanya. Isa siyang
magiting na mandirigma. Likas ang angking galing at talino na taglay ng
3
isang prinsipeng tagapagmana ng korona, subalit likas din ang kanyang
angking kabuktutan at ang lihim na inggit. Naghahangad na sumunod
na maging hari ng Berbanya.
Don Diego
Ang pangalawang anak ng Hari at Reyna ng Berbanya. Isang prinsipeng
sunud-sunuran sa kapatid na si Don Pedro. Tulad ng panganay na
kapatid, siya ay bihasa rin sa paghawak ng armas. Bagama’t may
angking talino sa pamumuno at may kakayahan ding tanghaling
tagapagmana ng korona ay naging sunud-sunuran si Don Diego sa
panganay na kapatid kaya’t nawalan ng sariling desisyon. Si Don Diego
ay nalilihis ng landas dahil sa kabuktutan ni Don Pedro.
Don Juan
Ang pinakanatatanging prinsipe, ang bunsong anak ng hari at
reyna. Siya ang prinsipeng matuwid at nagmana ng pagiging
makatarungan at makatuwiran ng amang hari. Likas sa puso ang
kabutihan kaya’t nagawang linlangin ng dalawang kapatid na may
buktot na hangarin. Ang likas na kabutihang taglay ang nagligtas kay
Don Juan sa mga kapahamakang nasusuungan.
Ermitanyo
4
Ang matandang nagpayo kay Don Juan ng mga kailangan niyang
gawain para mahuli ang engkantadong Ibong Adarna.
Donya Juana
Ang kapatid ni Donya Leonora at prinsesang iniligtas ni Prinsipe Juan mula
sa higanteng nagbabantay sa kanya.
Donya Leonora
Ang bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas ni Don Juan mula sa
serpyenteng may pitong ulo na tagapagbantay niya.
Haring Salermo
Hari sa kaharian ng Delos Cristal (Kaharian ng mga Kristal) at ama ni
Donya Maria Blanca. May taglay na mahikang itim.
5
BUOD:
Unang Bahagi
Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya, mapayapa
at masayang namumuhay ang mga mamamayan nito na di nakakakilala ng
ligalig. Ito ay utang ng lahat sa mabuting pamamalakad ng mabait na Haring
Fernando at ng kanyang butihing maybahay na si Reyna Veleriana.
6
dinamdam ng bunsong anak na si Don Juan subalit hindi nina Don Pedro at Don
Diego na waring ang pagkakasakit ng ama ay isang bagay na dapat agahan
kundi man malaon nang kainipan.
7
Kung ilang araw na binagtas ni Don Pedro ang kasukalan ng
gubat. Nagpapahinga lamang siya upang kumain at matulog sa
paghahangad na makarating agad sa patutunguhan. Nang sapitin niya ang
rumaragasang ilog ay lalo siyang nagsikap na iyon ay matawid. Sa kabilang
pampang naroon ang Bundok Tabor na kanyang hinahanap. Inakyat niya ang
matarik na daanan ng Bundok Tabor. Abot-abot ang kanyang hingal nang
sapitin niya ang tuktok ng bundok. Kasalukuyang pinapawi niya ang matindi
niyang gutom nang may dumating na isang matanda at humihingi sa kanya
ng pagkain. Hindi niya ito binigyan ng pagkain.
8
hari. Naglakbay noon din si Don Diego. Sa kasamaang palad ay sinapit din
niya ang nangyari kay Don Pedro at naging bato din. Nabigo na naman ang
hari na magamot ang kanyang karamdaman.
9
pulubi. Pinuntahan niya at magiliw siyang tinanggap ng matandang
ermitanyo. Ipinaghain pa siya ng nito ng makakain. Namangha si Don Juan
nang makita na ang inihain sa kanya ay siya ding tinapay na inilimos niya sa
matandang pulubi. Paanong ang tinapay na ipinagkaloob niya sa ketongin ay
naputa sa ermitanyo? Si Don Juan na din ang sumagot sa kanyang sarling
katanungan.
Gayon na lamang ang tuwa ni Don Juan nang muling makita ang
kanyang mga kapatid. Ipinaliwanag ni Don Juan ang buong pangyayari sa
dalawang kapatid at noon din ay pinagharian ang kanilang mga puso ng
matinding inggit. Nang magbukang liwayway, tinungo nila Don Juan ang
kuweba ng ermitanyo upang magpasalamat at magpaalam. Sila ay pinakain
nito at ginamot din ang mga sugat ni Don Juan. Pagkapahinga, ay pinauwi na
sila ng ermitanyo at pinayuhang walang manloloko o magtataksil isa man sa
kanila.
11
Ikalawang Bahagi
Nang makita nilang wala ng lakas at halos hindi na humihinga si Don
Juan, kinuha nila ang Ibong Adarna. Iniwan ng dalawa ang inaasahan nilang
mamamatay na si Don Juan at matulin silang nagbalik sa kaharian ng
Berbanya.
12
anak. Kung sinuman ang magpapakawala nito ay mapaparusahan ng
kamatayan.
Sina Don Pedro at Don Diego ay likas na may kasamaang ugali. Isang
gabi, nang si Don Juan ang nagbabantay ay tila nakatulog. Marahang lumapit
si Don Pedro sa ibon at ito ay kanyang pinakawalan. Lumipad papalayo ang
Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya. Nang magising si Don Juan ay laking
pagtataka niya nang makitang wala na ang Ibong Adarna. Natakot si Don
Juan dahil alam niyang mapaparusahan siya ng
kamatayan. Napagpasiyahan ni Don Juan na umalis upang hanaping muli
ang Ibong Adarna. Nang magising si Haring Fernando, nakita niyang wala na
sa hawla ang Ibong Adarna. Tinanong niya sina Don Pedro at Don Diego kung
sino ang nagpakawala sa Adarna. Ang isinagot ng dalawa ay si Don
Juan. Akala ng dalawa ay naisahan na nila ang kanilang bunsong kapatid
ngunit dahil sa nawawala si Don Juan, ay agad inutos ng amang hari sa kanila
na hanapin si Don Juan.
13
Ikatlong Bahagi
Si Don Juan naman ang sumubok magpatihulog sa balon. Narating
niya ang pinakamababang bahagi ng balon at kinalag niya ang tali upang
siya ay maglakad. Namangha siya sa pook na kanyang nakita at nabighani
nang makita niya si Donya Juana. Iniligtas niya ito mula sa kamay ng higanteng
nagbabantay dito. Hinikayat niyang umalis na si Donya Juana, ngunit nag-
atubili itong umalis sa dahilan na hindi niya maiiwan ang kanyang bunsong
kapatid na si Donya Leonora na hawak naman ng isang serpiyenteng mabagsik
na may pitong ulo. Sa palasyo nagpunta sina Don Juan at Donya
Juana. Namangha din si Don Juan sa kagandahan ni Donya Leonora. Natalo
ni Don Juan ang serpiyente. Dahil sa pagmamadali ay naiwan ni Donya
Leonora ang kanyang singsing na diyamante at ang nadala lang niya ay ang
kanyang alagang hayop na lobo.
14
Nakarating ang lobo sa kinaroroonan ni Don Juan at ginamot nito si
Don Juan. Kinuha ni Don Juan ang singsing ni Donya Leonora at umuwi na ito
pabalik ng Berbanya. Sa paglalakad ni Don Juan, siya ay
napagod. Nagpahinga siya sa isang punongkahoy at nakatulog. Siya namang
pagdating ng Ibong Adarna, dumapo sa puno at nagsimulang kumanta.
15
Ikaapat na Bahagi
Sa kaharian naman ng Berbanya ay nagdadalamhati si Donya
Leonora sa tila patay na si Don Juan dahil sa tagal ng pagkakawala nito.
16
Dumating nga ang tatlong prinsesa sa oras na binanggit ng
agila. Ang kagandahan ni Donya Maria ay talagang kaakit-akit. Sabay-sabay
na naligo ang tatlong prinsesa. Habang naliligo, lumabas ang kapilyuhan ni
Don Juan at tinago ang damit ni Donya Maria.
17
Kaya naman tinawag ni Haring Salermo ang isang utusan at
nagpakuha ng isang salop ng trigo. Binigyan niya ng isang mahigpit na
pagsubok si Juan. Inutusan niyang tibagin ni Don Juan ang bundok at patagin
iyon. Pagkatapos ay isabog ang trigo. Sa gabi ding iyon ay anihin at gawing
tinapay. Ang tinapay na magagawa ay kailangang nasa hapagkainan na
niya pagdating ng umaga.
18
Salermo. Ipinatawag niyang muli si Don Juan upang bigyan muli ng mahirap
na pagsubok. Sinabi ng hari kay Don Juan na ang bundok na nakikita niya ay
kailangang ilagay sa gitna ng dagat. Pagkatapos ay gawing kastilyo at bukas
din ng umaga ay kailangang makita ng hari. Kailangang lagyan din ni Juan ng
tuwid na daanan magmula sa palasyo hanggang kastilyo. Tumango na
lamang si Juan.
19
napakalaking pagkakamali. Nang umahon si Donya Maria at maging taong
muli, kulang ng dulo ang kanyang isang daliri.
Ako'y may kabayong sadyang ilap at kay lupit, nais kong siya'y
paamuhin mo. ang utos ng hari kay Don Juan. Sa unang pagkakataon ay
nagulumihan si Donya Maria nang malaman ang bagong pinag-uutos ng
kanyang ama kay Don Juan. Sinabi niya na ang kabayong kailangang
paamuhin ni Juan ay walang iba kundi si Haring Salermo rin na
nagbabalatkayong kabayo. Kaya naman, tinuruan na lamang niya si Don
Juan kung paano mapapa-amo ang kanyang amang nagbabalatkayong
kabayo. Ginawa ni Don Juan ang lahat ng paraang sinabi ni Donya Maria
upang mapaamo ang mabagsik na kabayo. Mahigpit ang hawak niya sa
renda upang hindi tuluyang makalipad ito habang patuloy na nakapreno ang
kabayo sa tulong naman ni Donya Maria.
20
Ikalimang Bahagi
Kinaumagahan ay ipinatawag ni Haring Salermo si Don
Juan. Masasakit ang katawan ng hari pero panahon na upang ipagkaloob
niya ang isang anak sa prinsipe. Ang sabi ng hari kay Don Juan ay: Yamang
naisakatuparan mo ang lahat nang inutos ko, mamili ka ngayon sa aking
tatlong anak.
21
At nagbalik nga ng kaharian ng Berbanya si Don Juan upang hingin
ang bendisyon ng amang hari. Ang sabik at matagal nang naghihintay na si
Donya Leonora ay lumapit kay Juan. Dahil dito, iglap at nakalimot si Don Juan
sa kanyang binitiwang pangako kay Donya Maria, isang katuparan ng sumpa
ni Haring Salermo.
22
Sa wakas hindi rin nabigo ang sobrang pagkakagusto ni Don Pedro
kay Donya Leonora dahil silang dalawa din ang tuluyang nagpakasal.
Si Don Juan naman ang nagpakasal kay Donya Maria. Hiniling nila na
kay Don Pedro na lamang ibigay ang trono sa kadahilanang sila ni Don Juan at
Donya Maria ay nakatakdang pagharian ang monarka ng Delos Cristal. Kaya
pagkatapos ng kasalan ay umuwi na sila sa kaharian ng Delos
Cristal. Nagkaroon ng isang pista para ipagdiwang ang pagluwalhati sa
Bathala. Kalakip na rin ang dalangin para sa mga yumaong kapatid at
magulang ni Donya Maria. At ang mga na-engkantong mga prinsipe,
kabalyero at konde ay inalisan na ni Donya Maria ng sumpa. At ang lihim na
pinaka-iingatan ng mga magulang ni Donya Maria ay kanya ring inilantad
na. Nagbalik sa pagiging leon at tigre ang mga utusan at nagsilantaran ang
mga tunay na tao na nagtatagong kasangkapan sa loob ng
palasyo. Itinanghal na hari at reyna si Don Juan at Donya Maria sa kaharian ng
Delos Cristal. Siyam na araw ang ginanap na pista. Di magkamayaw sa
kasiyahan ang mga taong-bayan. Sa bagong pamamahala ni Don Juan ay
tanging kaayusan ng kaharian ang hinahangad. At dahil sa kanilang mabuting
pamumuno sa kaharian, sila ay lalong minahal ng taong bayan.
23