You are on page 1of 33

7

FILIPINO
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikalima-Ikawalong Linggo
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Ikalima – Ikawalong Linggo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MA. EDNALYN C. REJANO, TII, POLO NHS; ZENAIDA M. ALOTA,


Bagbaguin NHS; LORENZ IRAH J. AGUSTIN, T 1, Paso de Blas NHS; RACHEL T.
GALOSO, T1, Justice Eliezer DS NHS; CAMILLE JOY C. VALIMENTO, TII –Valenzuela
NHS; GILSANNE I. MEMPIN, T1, Malanday NHS.
Editor: GRACE IMPERIAL-YUMUL, HT 3, VALENZUELA NHS
Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator
Tagapamahala:
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Division of City Schools - Valenzuela


Office Address: Pio Valenzuela St., Valenzuela City
Telefax: (02) 294 0658
E-mail Address: sdovalenzuela2015@gmail.com

2
Ikalimang Linggo
* Pag-uugnay ng Karanasan sa binasang Ibong
Aralin
Adarna
5
* Pagsusuri sa damdaming namayani sa mga
tauhan sa pinanood na dulang pantelebisyon
Alamin

Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang mga gawaing nilalaman


ng modyul, inaasahang magagawa mo ang:
• Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa
binasa. (F7PB-IVc-d-22);
• Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na
dulang pantelebisyon/pampelikula (F7PD-IVc-d-19)

Subukin
Panuto: Ikahon ang letra ng tamang sagot.
“Magtaksil? Pagtaksilan 1. Ang saknong ay halimbawa ng tayutay na ________.
ang buhay ng aking buhay? A. pagwawangis
Prinsesa kong minamahal B. pagtutulad
panahon ang magsasaysay.” C. pagsasatao

2. Anong damdamin ang masasalamin sa saknong?


Dito na siya tumawag
A. pag-asa
Sa Diyos, Haring mataas,
B. pananalig
Sa kabaka niyang ahas
C. pagsisisi
Huwag nawang mapahawak.

3. Ano ang naramdaman ni Don Juan matapos ang unang yugto ng kanilang paglalaban ng
serpyente?
A. ibayong lakas B. nanghihina C, nanlalamig
4. Ano ang naramdaman ng serpyente sa pakikipaglaban kay Don Juan sa loob ng tatlong
oras?
A. Pagwawagi B. pagkapagod C. pagkamatay
5. Dinaranas ng serpyente ang matinding pagkatukol dahil sa pakikipaglaban kay Don
Juan.Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang _____.
A. paglakas B. panghihina C. sobrang pagod
6. Aling katangian ang ipinakita ni Don Juan nang sabihin niyang “Anong saklap mabuhay
kung duwag na tuturingan.
A. katatagan B. katapangan C.karuwagan
7. Paano napatay ni Don Juan ang serpyente?
A. Sa pamamagitan ng pagbuhos ng balsam
B. Espada na matatalim ang ginamit
C. Pag-awit ng Adarna
8. Naduhagi ng matapang na prinsipe ang mabangis na serpiyente na may pitong ulo.Ang
salitang nagpapahayag ng damdaming pagkatalo ay ______.
A. Naduhagi B. mabangis C. matapang

3
9. Nanggilalas si Don Juan nang makita niya ang palasyo na yari sag into at pilak.Ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay _____.
A. natuwa B. natakot C. namangha
10. Maraming pinagdaanang pagsubok si Don Juan na halos ikasawi niya ito.Sa kabila nito
napagtagumpayan niya ito sa tulong ng Panginoon.Ang ipinararating ng may akda
ay_____.
A. Ituro na mahiwaga ang buhay.
B. Itanim sa isip ng mambabasa ang hirap ng buhay.
C. Ipaalala na ibinibigay ng Diyos ang lahat ng ayon sa kanyang kalooban.
Para sa bilang 11-12:
Panuto: Kilalanin ang mga paniniwalang isinasaad sa mga sumusunod na saknong.
Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

11. Saknong 634: “Mataimtim palibhasa A. Mabisa ang dasal kung taimtin
Ang pagtawag kay bathala. B. Nawawala ang sindak dahil sa dasal
Sindak niya ay nawala’t C. Tumatapang kapag nagdarasal
Katapangan ay lumubha.

A. Lalo niyang nakilala ang Diyos


12. Saknong 638: “Lalo niyang nakilalang
maatpos siyang magdasal.
Ang diyos ay nasa kaniya
B. Naniwala siyang panig sa kanya
Nang hapuin ang kabaka
ang Diyos
Hingiy mamahinga muna.
C.Lalo siyang naniwala sa Diyos.

13. Saknong: Dito na siya tumawag


13. Ang tinutukoy na “siya” sa saknong ay
Sa Diyos, Haring mataas,
na ito? A. Donya Leonora
Sa kabaka niyang ahas
B. Don Juan
Huwag nawang mapahawak. C. Diyos

14. Sa saknong 632, kanino tumatawag ang persona?


A. serpyente B. Diyos C. Donya Leonora
15. Ang hiniling ng persona sa saknong 632 ay ________.
A. huwag siyang mapahamak
B. mapatay niya ang ahas
C. makauwi sa kanilang palasyo

Balikan
Panuto: Suriin ang saknong bilang 567-610, itala sa “Fish Bone Diagram” ang mga
mahahalagang pangyayari.

4
Tuklasin
Panuto: Panoorin ang apat (4) na video clips mula sa teleseryeng “Ang Sa Iyo ay Akin” na
nagpapakita ng iba’t ibang emosyon. Matapos panoorin ay sagutin ang mga sumusunod:

1. Alin sa mga video ang nagpapakita ng matiniding emosyon? Ipaliwanag.


2. Isa-isahin ang mga tauhan sa nasabing telenobela at ilahad ang kanilang mga katangian.
3. Anong damdamin ang namayani sa napanood na video clip? Iugnay ito sa iyong sariling
karanasan.
4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga sa isang telenobela/serye na magpaantig ng damdamin
ng manood?

Suriin
Basahin at unawain ang “Buod ng Saknong 567-610” sa inyong FB Group
Page.

Pagyamanin
Gawain 1: Hambingan at Kontrast
Maglahad ng mga katangiang taglay ng mga tauhan sa akda at ihambing sa mga kilalang
personalidad sa inyong lipunan.
TAUHAN KATANGIAN KILALANG DAHILAN
PERSONALIDAD
DON JUAN
DONYA LEONORA
Gawain 2: Basahin ang mga sumusunod na saknong at maglahad ng reaksyon o saloobin
sa nais ipahiwatig nito gamit ang istratehiyang 2 R’s.

5
Gawain 3: Pumili ng isa sa mga saknong mula sa 567-610 na naglalaman ng may
damdamin/emosyon, at iugnay ito sa iyong sariling karanasan. Mula dito ay lumikha ng
isang tula na may dalawang saknong at may apat na taludturan.

Gawain 4: Kilalanin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa pagkakasunud-sunod


ng mga pangyayari. Isulat ito ayon sa elemento nito.

a. Dumating ang serpiyente, galit na galit at ang pitong ulo’y nangagtaas.


b. Binigyan ni Leonora ng balsam si Don Juan at nagbilin na sa bawat ulong
mapuputol ay buhusan ng gamot.
c. Naglaban ang serpiyente at si Don Juan nang may tatlong oras.
d. Napagod ang serpiyente at nakiusap na mamahinga muna.
e. Napatay ang serpiyente.
f. Sa bawat ulong maputol ay nagdudugtong ito, nag-iibayo ang tapang ng ahas.

Gawain 5: Tukuyin ang damdaming namayani sa mga tauhan mula sa mga hindi
malilimutang linya ng isang telenobela/serye. Iugnay at ipaliwanag ang sariling damdaming
namayani sa nasabing linya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Hugot o makahulugang linya mula sa Damdaming Sariling


telenobela/ serye namayani sa Tauhan Damdamin/Paliwanag
“Ayokong pineperahan ako ng mga
itinuturing kong kaibigan.Alam mo
naman ang mga plastic,nababagay sila
sa basurahan”-
Ivy (Wildflower)
“Huwag ka munang umarteng para
kang asawa, dahil sa mata ng Diyos at
sa mga mata ng tao,kabit ka pa rin.At
ang mga kabit, binabasura yan ng mga

6
lalaki para balikan ang mga tunay na
asawa”
-Emma(Ika-anim na utos)
“Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo dati
Aubrey, walang nagmahahal sa 'yo, e,
kasi pokpok ka. Pero Aubrey, kahit
pokpok ka, mamahalin kita, Aubrey.”-
Boyet (My Special Tatay)
"Sana lahat ng pag-ibig ay gaya ng sa
inyong dalawa, yung hindi sumusuko " -
Angelo, Pangako sayo

Gawain 6: Lumikha ng isang sanaysay na nagpapakita ng iyong katatagan. Ilahad ang


pangyayari/pagsubok na dumating sa iyong buhay na napagtagumpayan mo dahil sa
pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan.

Isaisip
Panuto: Mula sa nakatalang parirala, bumuo ng kaisipan at isulat sa sagutang papel.
Pananalig sa Diyos ___________________________________
Matatag na Kalooban _________________________________
Pag-asa sa buhay _____________________________________
Madaling makalimot __________________________________

Isagawa

Panuto: Maglahad ng mensahe batay sa mga sumusunod na saknong sa akda

Pagkat marami sa puso Nabuo at nang huwag na


Talusira sa pangako, Paglayuin ng pagsinta
Sa pagsintay mapagbiro Ang magtaksil sa kanila
Matuwaing sumiphayo Sa Diyos ay may parusa

Sa Sarili Sa Kapuwa Sa Lipunan

Tayahin
Panuto: Punan ng letra ang mga kahon upang maibigay ang kasingkahulugan ng
salitang nasa panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. dalaga D. mapagsira
B. pang-aalipusta E. nadiskubre
C. ibig

1. O, pangahas, sino ka ba, At ano ang iyong _________?(pita)


2. Humahalik at ang hangad maglingkod sa iyong __________.(dilag)
3. Kung palad kong masaliwa tanggapin ang ________________.(pagkadusta)

7
4. Unang ibig kong malaman kung paano mo ______________.(natuklasan)
5. Pagkat marami sa puso ________________ sa pangako.(talusira)
B. Panuto: Ikahon ang letra ng tamang kasagutan.
1. Anong damdamin ang nangingibabaw kay Don Juan nang makita si Donya Leonora na
nakadungaw sa palasyo?
A. pagkatakot B. pagkasindak C. pag-ibig
2. Ang palasyong tinitirhan ni Leonora ay gawa sa _______.
A. pilak B.tanso C. ginto
3. Anong palamuti ang nakalagay sa bintana ng palasyo na tinitirhan ni Leonora?
A. perlas B.piedras C. bulaklak
4. Bakit pinaalis ng prinsesa si Don Juan sa palasyo?
A. sapagkat natatakot siya sa anyo ni Don Juan
B. dahil ayaw niyang mapahamak si Don Juan mula sa serpyente
C. upang di masaktan si Don Juan mula sa hari
5. Nakalimot sa pangako ang Prinsipe nang “masilayan” nito si Prinsesa Leonora sa
palasyo. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. magustuhan B. makita C. matitigan
6. Sinabihan ni Donya Leonora si Don Juan na ____ sa buhay niyang maaaring mawala.
A. manghinayang B. matakot C. maghanda

Panuto: Tukuyin ang masasalamin na damdamin sa mga sumusunod na saknong. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

7. Suwayin ang iyong nais A. pagmamakaawa


pinid sa akin ang langit; B. pagtatampo
lumayo sa iyong titig C. pagyayabang
hininga ko’y mapapatid.

8. Pagka’t marami sa puso A. pagseselos


talusira sa pangako, B. pag-aalinlangan
sa pagsinta’y mapagbiro C. pagkatuwa
matuwaing sumpihayo

9. Gasino na yaring palad A. paggalang


na hamak sa lalong hamak B. pagtitiwala
kung may daan pang tumaas C. pasasalamat
nang sa iyo’y maging dapat

10. Ikaw baga’y nagbibiro A.takot


O kaya’y sinisiphayo? B. galit
hayo’t dito ay lumayo, C. pagkalito
taong lubhang mapaglako.

Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng mga pahayag na magsisimula sa akrostik na PAG-IBIG.
P-
A-
G-
I-

8
B-
I-
G–

Ikaanim na Linggo
Aralin
Ibong Adarna
6
(Simbolo at Kahulugan)

Alamin

• Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda. (F7PS-IVc-d-21)

• Nagagamit ang mga angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip.


(F7PT-IVc-d-23)

Subukin
A. Panuto: Salungguhitan ang mga salitang nais ipakahulugan upang mabuo ang diwa ng
mga sumusunod na kaisipan.
1. Nag-isip si Haring Salermo ng bagong (estratehiya, utos, pagpapahirap, batas) na
ipagagawa kay Don Juan.
2. Ibig ni Haring Salermo na malipat sa tapat ng kanyang (sala, kusina, bintana, silid) ang
bundok upang malanghap niya ang sariwang hangin.
3. Sinabi ni Maria Blanca na (imposible, himala, matutupad, maiiwasan) ang kahilingan
ng hari kahit ito’y mabigat gawin.
4. (Ikatlo, Ikaapat, Ikalima, Ikaanim) ng umaga nang matapos ni Maria Blanca ang
paglilipat ng bundok na hiniling ng kanyang ama.
5. Sinabi ni Haring Salermo na humahanga siya kay Don Juan dahil sa hawak nitong
(kapangyarihan, karunungan, katapangan, katapatan).
6. Isa raw si Don Juan sa (kinaiinisan, napatangi, napatanyag, kinalulugdan) sa
maselang pagpili ni Haring Salermo sa pagsubok na gagawin niya.
7. Ipinagagawang (palasyo, mansyon, hasyenda, kastilyo) ni Haring Salermo ang
bundok kay Don Juan.
8. Ibig ni Haring Salermo na (magisnan, makita, marinig, mapanood) ang mga kanyon
na nagpuputukan.
9. Pinagbilinan ni Maria Blanca na kunin ang ikapitong kabayo na pinakamabilis subalit
nakuha ni Don Juan ang (ikaanim, ikawalo, ikasiyam, ikasampu) kabayo na mabagal
tumakbo.
10. Sinabi ni Maria Blanca kay Don Juan na (matulog, manood, makinig, mag-aral) nang
matiwasay at siya na ang bahala sa ipinagagawa ng kanyang ama.

B. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na kaisipan ayon sa nais ipahiwatig nito. Isulat ang
letra sa iyong sagutang papel.
______11. Ang ermitanyo sa ikapitong bundok at ang naunang ermitanyo na
tumulong kay Don Juan sa kanyang muling paglalakbay ay _________.
A. magpinsan B. magkapatid C. magkaibigan D. magkumpare
______12. Inabot ng ilang taon si Don Juan sa paghahanap sa Reynong Cristal.
A. isa B. dalawa C. tatlo D.apat
______13. Ang pahayag na “Ang dibdib mo kahit bakal, madudurog din sa lumbay”
ay nangangahulugang _________.

9
A. kahit ang taong may matigas na puso ay mahahabag
B. matigas man ang kalooban ay daranas din ng kalumbayan
C. ang kalumbayan ay nagpapalambot sa pusong bakal
D. pilit na itinatago ng taong may matigas na puso ang kanyang pagkahabag sa ibang tao
______14. Sakaling dumating ang hindi inaasahang pagkawala ng isang taong minamaha,l
anong damdamin sa puso ang maaaring maghari?
A. katatagan ng loob C. paghihinagpis
B. pagsasawalang-kibo D. pagkapoot
______15. Sa paghahanap sa Reyno delos Cristales, ang unang ermitanyo na kanyang
nakasalubong ay naninirahan sa bundok ng _________taon.
A. limandaan B. tatlong daan C sandaan D. pitong daan

Balikan

A. Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ang
pangungusap. Nasa loob ng kahon ang mga pagpipilian at isulat ang salita sa iyong
sagutang papel.

trigo kaurali monarko


panagimpan mahika negra

1. Sa _________ natalos ni Don Juan na sa Reyno delos Cristal niya makikita ang
babaeng karapat-dapat sa kanya.
2. Ang ________ ng Reyno delos Cristal ay walang iba kundi si Haring Salermo.
3. Iniutos ng hari na itanim ang ________ upang gawing tinapay para sa kanyang
agahan.
4. Laging ________ ni Don Juan sa puso at isipan si Maria Blanca.
5. Isang _______ lamang ang hawak na kapangyarihan ni Haring Salermo.

B. Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng bawat taludtod.

A. Hindi tumigil sa pag-iyak sa loob ng silid.


B. Kalimutan at huwag na muling isipin.
C. Nakatulog kaagad.
D. Habang natutulog ay biglang dumating ang Adarna.
E. Ikaw pa rin ang mahal kahit mamatay.
F. Maawa po kayo at ako’y gabayan
G. Palaging tinatawag pangalan ni Don Juan.

_______1. Kung buhay ma’y mautas , Pag-ibig ko’y iyong hawak.


_______2.Walang tigil sa pagtangis, Doon sa kanyang silid.
_______3. Sa akin po ay mahabag, Ituro mo yaong landas.
_______ 4.Sa kalamigan ng hangla, Prinsipe ay nagupiling
_______5. Ngunit yaon ay limutin, At huwag ng sariwain
_______6. Palagi ng sinasambit, Ngalan ni Don Juang ibig.
_______7. Sa kanyang pagkakahimbing , Ang Adarna ay dumating.

Tuklasin

10
Panuto: Buuin o muling iguhit ang mga piraso ng puzzle. Bigyang paliwanag ang simbolong
kinakatawan ng nabuong larawan at punan ng wastong pahayag ang nasa web organizer
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Paliwanag:

Pangarap kong maging isang


________________________________

Para maabot ko ang aking pangarap, ito ang gagawin ko:

Suriin
Ngayon naman ating sabay-sabay na basahin at unawain ang aralin ng modyul na ito.
At ating alamin kung ano ang kaugnayan nito sa mga unang gawaing iyong sinagutan.

ANO ANG SIMBOLO?


Ang salitang ito ay nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o
hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Maaaring ang mga simbolo ay
nanggaling sa mga karaniwang simbolo na namana sa mga nagdaang iba't ibang salin-lahi o
mga nilikhang simbolo gaya ng mga nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga
manunulat upang maipahayag o maipabatid ang kanilang ideya o hangarin na nais
makarating.
Kadalasang ginagamit ang simbolismo sa mga tula. Ginagamit ito ng mga manunulat
sa hindi literal na paraan para ipabatid ang hangarin. Ang intensyon ng manunulat ay dapat
malapit o makuha ng mambabasa ang tunay na ideya ng tula.

Halimbawa:
Ako ay sadyang tunay na pinagpala
Mga magulang ko’y mahal akong talaga
Sila ang sa aki’y pinakadakila
Dahil ang alaga nila’y walang palya
Bumagyo man sa’min ng kapighatian
Alam kong sila’y aking masasandalan
Kaya’t abot langit ang kaligayahan Simbolo:
Mga magulang ko’y ang aking kayamanan. kayamanan= kaligayahan

11
Iba pang halimbawa:
puno -buhay
ilaw -pag-asa
tinik -pagsubok/problema

Pagyamanin

GAWAIN 1
Panuto: Suriin ang damdaming nangingibabaw sa mga sumusunod na kaisipan. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan.

A. nag-aalala B. nag-aaruga C. nagtataka


D. nangungulila E. nagtitiwala F. nalulumbay
G. nagseselos H. nagagalit I. nahihiwagaan
J. tumatanaw ng utang na loob.
______1. Nilapitan ang matanda, buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga, dininig
sa ninanasa.
______2. “Ako ay may nasa supot, tinapay na durog-durog, ikaw na nga ang dumukot
kumain ka’t nang mabusog.”
______3. Di nakaya ng akala na tarukin ang hiwaga, sa sarili ay nawikang “Ito’y isang
talinghaga.”
______4. “Di man nga po makaganti may araw pang nalalabi, dalangin ko ay
mangyaring matulungan ka sa huli.”
______5. “Kaya hayo Don Juan, kaylayo ng paruruunan, didilimin ka sa daan, tatahaki’y
anong sukal.”
______6. Sa silid ay nag-iisa kaurali’y mga dusa, maningning niyang mga mata sa luha’y
nanlalabo na.
______7. Dibdib niya’y nawawalat sa tuwing kanyang mamamalas si Leonora’y umiiyak,
si Don Jua’y tinatawag.
______8. At sa buong pagngingitngit ay madalas pang masambit “Pag nabigo yaring
nais, hahamakin pati lintik.”
______9. “O Don Juan, bakit baga hanggang ngayon ay wala ka., di mo kaya
natatayang dito’y hinihintay kita?”
_____10. “Kung nasawi ka sa balon, bakit kaya nagkagayon? Lobo’y saan naparoon at
wala rin hanggang ngayon?”
GAWAIN 2
Panuto: Pagtambalin ang mga nasa Hanay A at Hanay B upang mabuo ang diwa ng mga
kaisipan mula sa akdang binasa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.
HANAY A HANAY B
______1. Walang kapantay ang kagandahan A. Puso nila’y umaawit sa ligaya
ni Donya Maria. ng pag-ibig.
______2. Sa kanyang pangungubli ay hindi B. Lubos na humanga si Don
na nakatiis ang prinsipe sa pag-ibig Juan sa prinsesa.
na nadarama. C. Nahabag ang prinsesa kay
______3. Nalaman ng prinsesa na nawawala Don Juan dahil sa ipinakitang
ang kanyang damit. pagpapakumbaba ng prinsipe.
______4. Inamin ng prinsipe na siya ang kumuha D. Ninakaw niya ang damit ng
ng damit. prinsesang sadyang marikit.
______5. Nabuo ang pag-iibigan sa puso nina E. Ang prinsesa ay nagalit dahil
Don Juan at Donya Maria. sa pangyayari.

12
GAWAIN 3
Panuto: Lagyan ng tsek ( )ang patlang kung positibo ang kaisipang ipinapahayag, at
ekis ( ) naman kung negatibo ang diwa nito.

_____1. Sumisigaw si Leonora kapag kumakatok si Don Pedro sa silid nito.


_____2. Nagseselos si Don Pedro sa nakikitang pagsamba ni Leonora sa larawan ni
Don Juan.
_____3. Limang taon nang hindi nakikita ni Leonora si Don Juan.
_____4. Buo ang pasya ni Don Juan na makita ang reynong Cristal kaya nakalimutan na
ang dalagang nananangis.
_____5. Gusto nang sagutin ni Leonora si Don Pedro.
_____6. Matiyagang mangingibig si Don Pedro.
_____7. Ayaw buksan ni Leonora ang pinto kapag si Don Pedro ang tumatawag.
_____8. Maging ang lobo ay hinahanap din ni Leonora.
_____9. Ayaw nang umasa pa ni Don Pedro sa pag-ibig ni Leonora.
____10. Nagpaalam si Leonora kay Don Pedro upang hanapin si Don Juan.

GAWAIN 4. Panuto: Tukuyin ang mga isinisimbolo ng mga salitang may salungguhit.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
____1. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Dagiti’t dumagit saan man
sumuot… -Ildefonso Santos, Ang Guryon-
A. pagsubok sa buhay C. isang laruan
B. problema/suliranin D. pangarap
____2. At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap.
-Teo T. Antonio, Kasal ni Kikay
A. tahanan/bahay C. kahirapan
B. pamilya D. kayamanan
____3. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y
nagisnan na naming magkakapatid. -Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato
A. katandaan C. pamana
B. panahon D. kabuhayan
____4. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang
kapalaran ng lupain mong kawawa
-Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
A. damdamin C. pag-ibig sa bayan
B. mga pasakit/pagdurusa ng bayan D. pagliligtas sa bayan
____5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na
ibon: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng
malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao.
-Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit
A. katakawan C. gahaman sa yaman
B. kabulastugan D. kasakiman
GAWAIN 5. Panuto: Bumuo ng angkop na simbolo at paliwanag na naglalarawan sa mga
sumusunod na tauhan batay sa pahayag na kanilang nabanggit sa nabasang akda.

“Pakat kita’y iniibig, Simbolo:


pag-ibig ko’y hanggang langit,
Don Juan, hindi ko nais
Paliwanag:
mabilang ka sa naamis.”

“Mahal na Haring Salermo Simbolo:


di miminsang nasabi ko
itong abang pagkatao’y Paliwanag:
alipin ng utos ninyo.”
13
“Kung gayo’y iyong pakinggan,
ang utos kong ibibigay, Simbolo:
utos na ito’y tandan
tutupdin mong madalian. Paliwanag:

GAWAIN 6
Panuto: Bumuo ng isang iskrip o dayalogo batay sa hinihinging sitwasyon.
Salungguhitan ang magagamit na simbolo sa bubuuing dayalogo.
Sitwasyon:
Naniniwala ka ba sa love at first sight o pag-ibig sa unang pagkikita?
Ipaliwanag sa mabubuong iskrip o dayalogo.

Isaisip
Panuto: Gamit ang Graphic Organizer, itala ang magagandang katangian ni Don Juan
na naging dahilan kung bakit napagtagumpayan niya ang mga hirap at sakit na
kanyang naranasan sa matagal na paglalakbay patungong Reyno Delos Cristales.

Mga Katangiang Ipinamalas ni


Don Juan.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong naging sagot sa graphic
organizer.
1. Ano-anong katangiang itinala mo sa itaas ang nais mo ring mahubog sa iyong sarili?
Bakit?
________________________________________________________________

14
2. Bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga katangiang ito sa pagharap
sa mga pagsubok na iyong mararanasan?
______________________________________________________________

Isagawa
. Panuto: Gumuhit sa loob ng kahon ng mga simbolong angkop na naglalarawan batay sa
hinihingi sa bawat bilang. Bigyan ng paliwanag ang mga naguhit na simbolo.

1. Katangian ng taong madalas mong lapitan upang hingan ng payo o tulong


sa tuwing ikaw ay nakararanas ng pagsubok.

Paliwanag:
________________________________________
2. Isang bagay na maiuugnay mo sa iyong buhay.

Paliwanag:
________________________________________

Tayahin
A. Panuto: Iugnay ang mga sumusunod na kaisipan gamit ang mga salitang
kaparehang nakapaloob sa puzzle.

matanda ermitanyo sandaang Reyno de maitim na bumbong


taon los Cristal tinapay

1. sumipot sa isang bundok


2. pupuntahan ni Don Juan
3. pagkaing ibinigay ng matanda
4. lalagyan ng tubig
5. sasalubong kay Don Juan.
B. Panuto: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga simbolong nasa unang
hanay. Isulat ang letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang.
SIMBOLO KAHULUGAN
_____1. anghel A. mahinhin
_____2. di-makabasag pinggan B. pag-asa
_____3. malalim ang sugat C. pag-ibig
_____4. pulang rosas D. mabait
_____5. araw E. may poot sa puso
_____6. pusong bato F. paghihigpit
_____7. kamay na bakal G. patay na
_____8. kawayan H. matayog
_____9. pantay ang paa I. mabagal
____10. pagong J. matigas ang kalooban

Karagdagang Gawain

15
A. Panuto: Pumili ng isang plakard at bilugan ang pahayag na sa palagay
mo ay dapat gawin upang mabatid at maliwanagan ang mga kabataang
tulad mo. Bumuo ng maiksing dayalogo o iskrip na malinaw nagpapaliwanag
ng nais sabihin nito.

Maaaring kausapin ng
puso sa puso ng
Ang paaralan ay maaaring magulang ang anak.
mag-anyaya ng isang resource
speaker upang magbugay ng
talk ukol sa “Ang Mabuti at
Tamang Samahan ng
Magulang at Anak” bago
Paluin o saktan na
ipamahagi ang report card.
lamang upang magtino.

Ikapitong Linggo
Aralin
Ibong Adarna
7
(Katangian ng mga Tauhan)

Alamin

Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaanim at huling bahagi ng koridong Ibong


Adarna. Natatandaan mo ba kung ano ang korido? Ang korido ay mahabang tulang
pasalaysay tungkol sa mga pakikipagsapalarang hindi nagaganap sa tunay na buhay pero
nabibigyang buhay ng mayamang imahinasyon. Masusuri mo rin dito ang iba’t ibang
katangiang ginampanan ng bawat tauhan at mga pantulong na tauhan.
Matatamo mo sa araling ito ang kasanayan na:
Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng pangunahing tauhan at
mga pantulong na tauhan. (F7PB-IVg-h-23)

Subukin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____ 1. Ang ______ ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng
maikling kwento, pabula, parabola, alamat at iba pa.
A. tauhan C. diyalogo
B. tagpuan D. direktor
____ 2. Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Dito umiikot ang kwento, mula sa
simula hanggang wakas
A. Katunggaling tauhan C. Ang may akda
B. Pantulong na tauhan D. Pangunahing tauhan
____ 3. Ang ________ay may katangiang tulad din ng sa isang totoong tao. Nagbabago ang
kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaaring magsimula siyang mabait, masipag,
at masunurin subalit dahil sa ilang mga pangyayari ay nagbago ang kanyang
katauhan.
A. tauhang bilog o round character C. tauhang parisukat o square character

16
B. tauhang lapad o flat character D. tauhang protagonist
____4. Inilagak muna ni Don Juan si Maria sa isang nayon at siya lamang ang umuwi sa
palasyo upang __________
A. ihanda ang marangal na pagsalubong sa prinsesa
B. tuluyang iwan ang prinsesa
C. sa ibang babae magpakasal
D. gawin ang maitim na balak
____5. Kabilin-bilinan ni Donya Maria sa prinsipe na iwasang malapit sa sino mang babae,
maging sa kanyang sariling _____
A. kapatid na babae C. ina
B. pinsang babae D. pamangkin
____6. Sa sobrang haba ng panahon na paghihintay ni Maria pumunta siya sa palasyo na
nakabihis na tulad ng isang ______.
A. pulubi B. alipin C. emperatris D. mahikero
____7. Upang ipaalala kay Don Juan ang pangako sa prinsesa, si Donya Maria ay
may dalang prasko at nagpalabas ng dayalog na ginampanan ng dalawang _____
A. prinsipe B. hari C. malay D. ita
____8. Bilang paghihiganti, binuksan ni Donya Maria ang dalang prasko, ibinuhos ang
laman nito at sa palasyo ay ___________
A. bumaha C. sinunog
B. tinangay ng ipu-ipo D. lumindol
____9. Sa wakas, si Don Juan ay ikinasal kay ________
A. Juana B. Leonora C. Maria D. Valeriana
____10. Isinalin ni Haring Fernando ang korona at setro ng Berbanya kay ______
A. Don Pedro B. Don Diego C. Don Juan D. Don Lucas
B. Panuto: Basahin ang saknong at sagutin ang mga tanong.

11. Ano ang dahilan ng pag-aalala ng nagsasalita?


“O, Don Juan, aking kasi,
A. Natatakot baka mabihag ng ibang babae si Don Juan.
alaala ko’y malaki:
karaniwan sa lalaki B. Nababahala na hindi siya muling makilala ni Don Juan
ang mabihag ng babae.” C. Masaya na iiwan siya ni Don Juan
D. Malungkot na aalis sa piling ni Maria Blanca

12. Sino ang taksil na tinutukoy at Ano raw ang nangyayari


Ang taksil ay magbabayad sa isang duwag?
kataksila’y mauutas,
A. Si Don Juan at nagiging api-apihan
pag ang tao’y lagingduwag
kakaning-itik ang labas. B. Si Don Pedro at nagiging utusan
C. Si don Pedro at nagiging mahina
D. Si Don Juan at nagiging matiisin
Pinagdimlan ang Prinsesa’t 13. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Donya Maria?
sa galit na nagbabaga
nawala ang awa niya’t
A. Mapagpatawad C. Mapagtanim ng galit
ang higanti’y ginawa na. B. Maaalalahanin D. Nawalan ng pasensiya

14. Anong katangian ang ipinakikita ni Don Juan?


“Tunay kaming A. matampuhin C. mabait
magkapatid B. mapagparaya D. mayabang
ang magtalo’y lubhang
pangit,
lalo pa nga’t sa pag-ibig
hindi dapat magkagalit. 15. Ano ang damdaming nangibabaw sa saknong na may
Sa palasyo’y anong saya
lahat doon ay masigla, salungguhit?
tiwala ang Hari’t Reynang A. galit C. kaligayahan
ang ulap ay naparam na.

17
B. B. lungkot D. pighati

Balikan

Panuto: Pagkilala sa mga pangyayari kung ito ay may katotohanan isulat ang letrang T , at
DT kung ito ay pawang likha ng imahinasyon o walang katotohanan.
_____ 1. Pagtatanim ng trigo, pagpapalaki ng trigo, pag-ani ng bunga at paggawa ng tinapay
mula rito sa loob lamang ng magdamag.
_____2. Mga itang nakakulong sa isang prasko.
_____3. Pag-uusod ng bundok sa tapat ng bintana ng hari.
_____4. Paglilipat ng bundok sa dagat, pagtatayo ng kastilyo sa dagat na may pananggol at
mga kanyon sa loob lamang ng magdamag.
_____5. Pagsasauli ng bundok na ito sa dating kinalalagyan sa tapat ng bintana ng hari.
_____6. Pag-iibang anyo ng tao tulad ng anyong kalapati ni Maria nang dumatal sa banyo.
Si Maria ay naging mumunting isda nang tadtaring pinung-pino. Si Haring Salermo
ay naging kabayo.
_____7. Kababalaghang bunga ng mga bagay na inilaglag ni Maria tulad ng Karayom na
naging tinik, Sabon – naging sangga, Kohe – lumikha ng dagat.
_____8. Pagtulog nang mahimbing ni Don Juan sa kabila ng mahigpit na bilin ni Maria.
_____9. Pagkalito ni Don Juan sa pagkuha ng kabayo – sa halip na ikawalo ay ang
ikapito ang nakuha niya.
_____10. Paglimot ng lalaki sa babaeng pinangakuan ng pag-ibig.

Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan ng tauhan ayon sa kanilang katangian. Sa iyong
palagay, sino ang nararapat na magmay-ari ng puso ni Don Juan. Pagkatapos ay ilahad ang
pagkakaugnay ng kanilang katangian sa kasabihang nasa loob ng scroll.

“Ang tunay na pag-ibig ay napagwawagian,


Nalalagpasan maging mabibigat na kabiguan
Upang sa pagharap sa bagong pakikipagsapalaran
Pag-asa ang dulot sa kinabukasan.”

Suriin

Tauhan bilang Elemento ng akda


Ang tauhan ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad
ng maikling kwento, pabula, parabola,alamat at iba pa. Nakasalalay sa maayos at
makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda.
Ang uri, dami o bilang ng mga tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap

18
itakda ang bilang ng mga tauhang magpapagalaw sa isang kwento sapagkat ang
pangangailangan lamang ang siyang maaring magtakda nito. Ayon sa Manwal sa
Pagsulat ng Maikling Kwento ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang
akdang tuluyan ay ang mga sumusunod:
• PANGUNAHING TAUHAN: Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Dito
umiikot ang kwento, mula sa simula hanggang wakas
• KATUNGGALING TAUHAN: Siya ay sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan. Mahalaga ang kaniyang papel sa kwento sapagkat sa mga tunggaliang
ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda
• PANTULONG NA TAUHAN: Karaniwang kasama ng pangunahing tauhan. Ang
pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang-loob o
sumusuporta sa tauhan.
• ANG MAY-AKDA: Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi
nang magkasama ng loob ng katha o kuwento. Bagama’t ang naririnig lamang
ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan
ng makapangyarihang awtor.
Bukod sa mga uri ng tauhang nabanggit ay may iba pang pag-uuri o katawagan ang
tauhang gumaganap sa kwento batay sa kanilang karakter o pagkatao. Ito ay ang tauhang
bilog at ang tauhang lapad.
Ang tauhang bilog o round character ay may katangiang tulad din ng sa isang totoong
tao.Nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaaring magsimula siyang
mabait, masipag, at masunurin subalit dahil sa ilang mga pangyayari ay nagbago ang
kanyang katauhan. Mahalagang maging epektibo ang paghabi ng mga tauhan upang ang
tauhan ay maging makatotohanan o maging isang tauhang bilog.
Ang tauhang lapad o flat character ay ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao
mula simula hanggang sa katapusan ng akda. Bihirang magkaroon ng ganitong uri ng
tauhan sa mga akda subalit minsa ay kinakailangang maglagay nito upang higit na
lumutang ang taunang binibigyang-pansin

Pagyamanin
Gawain 1: Suriin ang mga sumusunod na katangiang inilalarawan sa bawat saknong at t
tukuyin ang tauhan na nasa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

A. Haring Salermo
B. Donya Maria Blanca G. Haring Fernando
C. Ibong adarna H. Don Pedro
D. Donya Leonora I. Ermitanyo
E. Donya Floresca J Manggagamot
F. Don Diego K. Don Juan

1. “Sakit mo po haring mahal 6. “Sa sarili ay nawaring


ay bunga ng panagimpan hatol niya’y tila mali,
mabigat man at maselan sakali mang mababawi
may mabisang kagamutan. di magawa’t siya’y Hari.”
sa pag-ibig
hindi dapat magkagalit.

19
2. “Maglubag na, aking giliw, 7. “Hiningi sa kamahalan
sa galit mong kinikimkim, pitong taong pagbabanal,
kahit ano ang marating pag-iwas po na makasal
ako’y iyo’t ikaw’y akin.” sa hindi ko minamahal.
3.sa“Ang balbas nito sa haba
pag-ibig 8. “ O, prinsipe ng Berbanya
hindi dapatnamagkagalit.
sumasayad sa lupa, katoto kong sinisinta,
balahibo’y mahahaba’t sa tulog moy gumising ka
mapuputi namang pawa.” ako ay may ibabadya.”

4. “Kaya ngayon ang magaling 9. “O, pagsinta na ang lakas


si Don Juan ay patayin; kalabanin ay kayhirap,
kung patay na’y iwan natin, pag ikaw na ang bumihag
ang Adarna nama’y dalhin.” hahamakin na ang
. lahat!”sa pag-ibig
hindi dapat magkagalit.
5. “Iyang iyong panukala, 10. “Isa ma’y huwag magkulang
tila mandin anong sama; ang negritong pawawalan,
alamin ang mawawala isa nitong mapalita’y
kapatid nating dakila.” kapalit ang iyong buhay.”sa
pag-ibig
hindi dapat magkagalit.
Gawain 2: Suriin ang akda batay sa mga dayalogo ng mga sumusunod na tauhan. Ilahad
ang mga katangiang taglay at ang kanilang papel na ginampanan sa akda. Isulat ang sagot
sa talanahanayang nakalaan.

Tauhan Diyalogo Katangian at papel na ginampanan

1. Haring Fernando

2. Don Juan

3. Donya Leonora

4. Donya Maria

5. Haring Salermo

Gawain 3: Tukuyin ang mga tauhang inilalarawan sa talahanayan at ilahad ang kahalagahan
ng kanilang ginagampanang papel sa akda.
Paglalarawan Pangalan ng tauhan Kahalagahan
sa ibong Adarna ng tauhan
1. Ang makapangyarihang ibong 1. ____________ 1. ______________
nakatira sa puno ng Piedras
Platas. 2. ____________ 2. ______________
2. Ang butihing hari ng Kahariang
Berbanya na nagkaroon ng
malubhang karamdaman.
3. Ang kabiyak ni Haring Fernando at 3. ____________ 3.____________
ina ng tatlong prinsipe.
4. Ang panganay na anak, unang
umalis at nakipagsapalaran na 4. ____________ 4.____________

20
hanapin ang mahiwagang ibon sa
bundok Tabor.
5. Ang ikalawang anak at ikalawang
sumubok na hanapin ang Ibong 5.____________
Adarna. 5. ____________
6. Ang bunsong anak at ang nakahuli
sa Ibong Adarna. 6. ____________ 6.____________
7. Ang unang babae na nagpatibok
sa puso ni Don Juan. 7. ____________ 7.____________
8. Ang nakababatang kapatid ni
Donya Juana. 8. ____________ 8. ____________
9. Ang Prinsesa ng Reyno De los
Cristales. Maraming taglay na 9. ____________ 9.____________
kapangyarihan ang dalagang ito.
10. Ama ni Donya Maria Blanca na
naghain ng maraming pagsubok 10. ____________ 11. __________
na kinakailangang malagpasan ni
Don Juan.

Gawain 4: Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay suriin kung ano ang katangian
ng mga tauhan sa akdang binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. “Itakwil ka’t pabayaan sa iba siya pakakasal, ito’y siyang kabayaran sa gawa mong
kataksilan.” Si Haring Salermo ay ________.
A. malupit na ama C. maaruga
B. mapagtanim ng sama ng loob D. mayabang na ama
2. “Ano na ang sasabihin ng ama mo kung malining, siyang galit na sa atin ang
pagsumpa’y sapin-sapin. Si Don Juan ay ________.
A. maalalahanin C. mapang-alipusta
B. taksil na anak D. matapat
3. “Ngayon ko ipagtatapat sa inyo at sa lahat, ang sa puso ko’y may hawak si Don Juan,
inyong anak.” Si Donya Leonora ay _______.
A. madasalin C. matapat
B. mapamahiin D. Matatakutin
4. Kaya’t nawalan nang kibo ang hari? sa maayos niyang upo, nagkunwaring kinukuro
ang tumpak at hindi wasto. Si Haring Fernando ay _______.
A. padalos-dalos ng desisyon C. mapagpakumbaba
B. maawain D. mayabang
5. “O, pagsinta na ang lakas kalabanin ay kay hirap, pag ikaw na ang bumihag
hahamakin na ang lahat!”. Si Donya Maria Blanca ay________.
A. Mayabang C. malupit
B. Matapat D. matapang

Gawain 5: Suriin ang kahulugan ng sumusunod na mga pahayag na binitawan ng mga tauhan
sa akda. Pagkatapos ay ipaliwanag kung anong katangian ang masasalamin sa ginampanan
o ipinahayag na tauhan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. “Ang hiling ko pag nilabag asahan mong mawawakwak ang dangal ko’t yaring palad sa
basahan matutulad.”
A. Nagpapaalala sa kahahantungan ng dangal at palad ni Donya Maria sa sandaling
hindi makatupad sa kanyang bilin kay Don Juan
B. Nagbibigay babala si Donya Maria kay Don Juan sa sasapitin niya kung sakaling
iwanan siya ng walang pasabi.
Katangiang masasalamin kay Donya Maria Blanca ____________________________.
2. “O, Don Juan, aking kasi, alaala ko’y malaki: karaniwan sa lalaki ang mabihag ng babae.”
A. Naiinis siyang hindi na balikan ni Don Juan.

21
B. Natatakot siyang baka mabihag ng ibang babae si Don Juan.
Katangiang masasalamin kay Donya Maria Blanca __________________________

3. Ang taksil ay magbabayad kataksila’y mauutas, pag ang tao’y laging duwag kakaning-itik
ang labas.
A. Ang mga duwag ay laging talunan.
B. Nagiging api-apihan (kakaning-itik) ang taong naduduwag at ang taksil naman ay
nagbabayad ng kasalanan sa huli.
Katangiang masasalamin kay Don Juan __________________________
4. At ngayong ang hinihintay narito na’y bakit naman iibigin pang tumagal ang kimkim na
kahirapan.
A. Matagal na siyang nagtiis kaya di na dapat pang palawigin ang pagtitiis na ito.
B. Hindi na kaya ni Donya Leonora ang magtago ng lihim na poot.
Katangiang masasalamin kay Donya Leonora__________________________
5. Sa sarili ay nawaring hatol niya’y tila mali, sakali mang mababawi di magawa’t siya’y Hari.
A. Nagpadalos-dalos ang hari ng desisyon at hindi na maituwid dahil baka siya ay
mapahiya bilang hari.
B. Paninindigan ng hari sa kanyang desisyon na tama ang kanyang hatol.
Katangiang masasalamin kay Haring Fernando__________________________

Gawain 6: Suriin ang mga pangyayari at ipaliwanag ang katangian ng bawat tauhan sa
diyalogo na inihanda. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.“Dito ako natagpuan Paglalarawan sa katangian ni Donya Leonora


ng Prinsipeng si Don Juan _______________________________________
sa kanIyang pananambitan Pagsusuri sa pangyayari.
naging kanIya yaring buhay. _______________________________________

2. Babasagin na ang prasko


Upang gunawin ang reyno, Paglalarawan sa katangian ni Donya Maria
Ang lahat na sa palasyo Blanca_____________________________________
Nagitlahanang totoo.. Pagsusuri sa pangyayari.
______________________________________

3. At noon di’y inilagda Paglalarawan sa katangian ni Haring Fernando


ang hatol na magagawa; _______________________________________
Sa pangalan ng Bathala Pagsusuri sa pangyayari.
Ang nauna ang may pala! _______________________________________

4. Mga halimbawang ito’y Paglalarawan sa katangian ni Don Juan


namana ng mga tao, ______________________________________
kaya sila nang yumao Pagsusuri sa pangyayari.
nagluksa ang buong reyno. _______________________________________

Isaisip

22
Panuto: Ang bawat bilang ay may dalawang pangungusap –X at Y. Suriin kung Tama at
Mali ang isinasaad ng mga ito. Gawing batayan ang mga sumusunod. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa inyong sagutang papel.
A- Ang X ay tama C- Parehong tama ang X at Y
B- Ang Y ay tama D- Parehong Mali ang X at Y

_______1. X- Mula sa Reyno Delos Cristales ay agad na humarap sina Don Juan at Donya
Maria kay Haring Fernando.
Y- Nais ni Don Juan na mabigyan ng marangal na pagtanggap si Donya Maria sa
araw na ihaharap niya ang dalaga sa kanyang magulang.
_______ 2. X- Nagawang hadlangan ni Haring Salermo ang nagmamahalang sina Don Juan
at Donya Maria.
Y- Ang kapatid na babae mula sa Inglatera ay nabighani kay Don Juan at ninais
niya itong makaisang-dibdib.
_______ 3. X- Ang lahat ng tao sa kaharian ng Berbanya ay nagsaya nang dumating si Don
Juan maliban kina Don Pedro at Don Diego.
Y- Hindi magawang lapitan ni Donya Leonora si Don Juan dahil sa sobrang
sama ng loob sa binata.
_______ 4. X- Pitong taong nagtiis si Donya Leonora alang-alang sa kanyang wagas na
pagmamahal kay Don Juan.
Y- Sa huli ay itinanghal si Don Pedro bilang hari ng Berbanya at nakasal siya
kay Donya Leonora.
_______ 5. X- Pinamunuan nina Don Juan at Donya Maria ang kahariang naiwan ng
yumaong si Haring Salermo.
Y- Nagtanan sina Donya Leonora at Don Juan upang hindi matuloy ang pasiya
ng haring ipakasal ang prinsesa kay Don Pedro.
Isagawa
Panuto: Suriin ang katangian ng mga tauhan at iugnay ito sa sarili. Ilahad ang mabubuti at di
mabubuting katangian o asal ng bawat isa sa talahanayan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin
ang mga inihandang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
TAUHAN MABUBUTING DI MABUBUTING
KATANGIAN KATANGIAN
1. Don Juan
2. Haring Salermo
3. Don Pedro
4. Don Diego
5. Donya Maria Blanca
6. Donya Leonora
7. Reyna Valeriana
Tanong:
1. Alin sa mga katangian o ugaling naitala ang may katulad na katangian sa sarili o
masasabi mong bahagi ng kaugaliang Pilipino?
2. Sa paanong paraan mapananatili ang mabubuting katangian at maiwawaksi ang
hindi mabubuting katangiang iyong naitalang bahagi na ng kaugaliang Pilipino
hanggang sa kasalukuyan?
Tayahin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Nasa ibaba ang ilang
halimbawa ng mga kaisipang nagpapakita ng katangiang taglay ng tauhan, Tukuyin ang
kaisipang nakalahad sa mga taludtod. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Anak ko man at suwail/ang marapat ay itakwil

23
A. kahit sariling anak ay dapat parusahan kung nagkasala
B. di dapat parusahan nagkasala man kung anak ng hari
2. pagkat isang kataksilang ang sumpa ko’y talikuran
A. tama lamang talikuran ang sumpa
B. kataksilan ang di pagtupad sa sumpa
3. Tunay kaming magkapatid/ang magtalo’y lubhang pangit
A. tama lamang sa magkakapatid ang magtalo
B. hindi magandang magtalo ang magkapatid
4. O, pagsinta na ang lakas/kalabanin ay kayhirap
A. mahirap labanan ang pag-ibig
B. dapat kalabanin ang pag-ibig
5. Kapwa kami may tungkuling/ang magulang ay susundin
A. may tungkulin ang anak na sundin ang magulang
B. may tungkulin ang magulang na sundin ang anak
6. lalong katungkulan namin/kaharia’y patatagin
A. dapat patatagin ng magkapatid ang kaharian
B. walang sino mang may katungkulan sa pagpapatatag ng kaharian
7. Nasa aming mga anak/ang sa baya’y ilalakas
A. nasa mga anak ang lakas ng bayan
B. nasa lakas ng bayan ang kinabukasan ng anak
8. Anuman ang babalakin/mahinay na lilimiin
A. ano mang balak ay pag-isipang mabuti
B. ano mang balak ay mabagal na ipatupad
9. Sa usapin ng puso hindi ngayon at nataho ang una at huling tagpo ang hatol ay di na liko.
A. pagdating sa pag-ibig dapat ay pakatimbangin ang hatol na mabubuo
B. sa pag-ibig dapat ay tiyak na pakatimbangin ang bawat tagpo
10. Si Leonora’y isang banal marapat sa pagmamahal.
A. Si Leonora ay hindi kailangang mahalin.
B. Si Leonora ay karapat-dapat ding mahalin.

B. Panuto: Suriin kung ano ang katangian ng mga tauhan sa akdang binasa. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Arsobispo’y binalingan at ang sabing malumanay: “O Diyos sa kalangitan, kami iyong
liwanagan.
A. Matatakutin C. mahilig umasa
B. Malungkutin D. Maka-Diyos
2. Hari nama’y buong giliw wika sa mamanugangin: Manalig ka na sa aki’y anak kitang
mamahalin.
A. maawain C. mapagkumbaba
B. mapagmahal D. matapat
3. “Maglubag na, aking giliw, sa galit mong kinikimkim kahit ano ang marating ako’y iyo
at ika’y akin.”
A. masinop C. maaalalahanin
B. mapamahiin D. madasalin
4. Sa kamay ng bagong hari kaayusa’y namalagi sinusunod niyang tangi ang lahat ay
walang hindi.”
A. Mayabang C. Mahusay na naglilingkod
B. Masayahin D. makapangyarihan
5. Mga halimbawang ito’y namana ng mga tao, kaya sila ng yumao, nagluksa ang buong
reyno.
A. mapagpahalaga sa nasasakupan C. mayaman
B. mapagmahal sa kapwa D. madasalin

24
Karagdagang Gawain
Panuto: Iguhit at pumili ng isang tauhan na iyong naibigan sa Koridong binasa. Sagutin ang
mga tanong na inihanda.
1. Bakit siya ang iyong napili?
2. Ano ang mabubuting katangian na iyong tutularan mula sa tauhang napili?
3. Pumili ng isang Diyalogo na nagpakita ng kaugalian nito na katulad sa mga Pilipino.

Ikawalong Linggo
Aralin
Ibong Adarna
8
(Paglikha ng Iskrip)
Alamin
Narito ang tiyak na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul.
• Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip. (F7WG -IVJ-23)

Subukin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang mga bahagi ng pagsulat ng iskrip ay pre-writing, writing at ______.
A. rewriting stage C. hand writing
B. pananaliksik D. pagbabasa
_____2. Ayon kay Ricky Lee sa kanyang aklat na Trip to Quiapo: Script Writing
Manual, ang prewriting stage ay ang bahagi ng pag-iisip at ______________.
A. pagsusulat C. pagpaplano
B. pagbubuod D. pagbabasa
_____3. Pagkatapos ng prewriting stage ay maaari ng magsimulang sumulat .
Ito na ang tinatawag na ___________. Sa simula ng pagsulat ng iskrip ayon kay Ricky
Lee ay makabubuting sumulat muna ng sentence outline.
A. pre-writing C. re-writing
B. writing stage D. pagbubuod
______4. “Nang marinig yaong sinta’y, hinimatay na sa saya”.
Anong damdaming ang nais iparating ng pahayag?
A. kaligayahan B. pag-ibig C. poot D. galit
_____5. “Anak ko man at suwail, ang marapat ay itakwil.”
Anong kaisipan ang nais iparating ng pahayag?
A. kahit sariling anak ay dapat parusahan kung nagkasala
B. di dapat parusahan nagkasala man kung anak ng hari.
C. tama lamang talikuran ang pagkakasala
D. kataksilan ang di pagtupad sa pagkakasala.
_____ 6. ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.
A. Iskrip B. karakter C. actor D. tauhan
_____ 7. Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na ________. Ito ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula.
A. tanghalan B. bahay C. sine D. kusina

25
_____8. Ang ______ ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip
mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
A. writer B. aktor C. director D. kamera
_____9. Ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan.
A. lugar B. tema C. iskrip D. diyalogo
_____ 10. Ang _______ ay ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang
sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
A. dayalogo B. oras C. lugar D. salita
B.
B. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin at may
salungguhit sa pangungusap.
_____11. Dahil sa labis na pagmamahal ng dalaga sa binata ay nilabag niya ang
kahilingan ng hari.
A. kinalimutan C. sinuway
B. pinahalagahan D. tinakasan
_____12. Handa ang binatang magbata ng hirap alang-alang sa dalagang sinisinta.
A. magtiis C. mag-alay
B. magdanas D. magsakripisyo
_____13. Matagal ding di-umimik ang dalaga nang marinig niya ang pasiya ng ama.
A. hindi nagsalita C. hindi makapag-isip
B. maunawaan D. makalimutan
_____14. Hindi lubos na matalastas ng dalaga kung bakit labis ang galit ng ama sa binate.
A. mapahalagahan C. maayos
B. makalimutan D. maunawaan
_____15. Inilangkap ng magkasintahan sa kanilang panalangin na sila ay tulungan at iligtas
sa kapahamakan.
A. Ipinahayag C. sinambit
B. Isinama D. tiniyak
.

Balikan
Panuto: Tukuyin at isulat kung sino ang inilalarawan sa pamamagitan ng pagsagot sa tsart.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paglalarawan sa Tauhan Sino ang Paglalarawan sa Tauhan Sino ang


Tinutukoy Tinutukoy
1. Ang bunsong anak nina 6.Ang butihing hari ng
haring Fernando at Reyna Berbanya na nagkaroon ng
Valeriana. Makisig, matapang malubhang karamdaman.
at may mabuting kalooban.
Siya ang nakahuli sa Ibong
Adarna at nagligtas sa
kanyang kapatid.
2. Ang prinsesa ng Reyno Delos 7. Ang hari na naghain ng
Cristales. Maraming taglay na maraming pagsubok kay
kapangyarihan ang dalagang Don Juan upang
ito. Siya rin ang tumulong kay maprotektahan ang kanyang
Don Juan sa pinagdaanang anak na dalaga.
pagsubok mula sa kanyang
amang si Haring Salermo.

26
3. Siya ang unang umalis at 8. Butihing ina nina Don
nakipagsapalaran upang Pedro, Don Diego, Don Juan
makuha ang Ibong Adarna at asawa ni Haring
sa bundok ng tabor. Fernando.
4. Ang nakababatang kapatid ni 9. Makapangyarihang ibon
Donya Juana na bihag naman na nakatira sa puno ng
ng isang serpiyente. Nang Piedras Platas na makikita
makilala siya ni Don Juan ay sa bundok Tabor.
nahulog din ang loob ng
binata sa kagandahang taglay
ng dalaga.
5. Ikalawang anak ng hari at 10. Ang palaging tumutulong
reyna. Siya ay sunud-sunuran kay Don Juan dahil
sa kanyang nakakatandang nakakitaan siya ng busilak
kapatid. na puso.

Tuklasin
Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita sa bilo-haba upang malaman ang kahulugan ng
malalim na salitang may salungguhit mula sa diyalogo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sa Gayon, Itong prinsesa
sa upo ay umayos na,
olpaam
sa dyamanteng singsing niya’y
humingi ng kanyang pita.
2. Negrita ay may suplinang
inas Hawak na panghampas niya,
Kung kumilos ay tila ba
Isa siyang munting Reyna.
3. “Dawag na panay na tinik
na bakal at matutulis
matukas Hari’y naghirap umalis
Kayo nama’y tumalilis.”
4. “kalaliman ay mahaba
Ang dilim ay mahiwaga,
tatamakot
Mahihindig sa pagbaba
Pag duwag ang magsasadya.
5. At sa ulo ni Leonora
Ipinutong ang dyadema
okorna Siya na ang bagong reyna
Sa kahariang berbanya.
Suriin

Pagsulat ng Iskrip ng Dulang Pantanghalan


Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang iskrip.
Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal
lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay
ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong
dula.Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa

27
ng dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay
na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga
aktor, ang mga tagpo,ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan. Ito ang mga
bersiyon ng mga salitang dapat sabihin o batayan sa pagganap ng mga aktor sa dula.
Sa mga nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang mahahalagang elemento ng isang
salaysay. Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isinasaalang-alang ang mga bagay na ito.
Kailangang maging malinaw ang plot o banghay, tauhan, tagpuan, at ang mahahalagang
kaisipang hatid nito sa mga manonood.
Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga
karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa
mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan
ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita
at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang
dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga
aktor.
4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng
dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
7. TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas
base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na
emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.
Pagyamanin
Gawain 1: Punan ng mga letra ang mga bilog upang mabuo ang salita o terminong
tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula
kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

OOOOOOOO
2. Anumang pook na pinagpasyahang gawing pagtatanghalan ng isang dula.

OOOOOOOOO
3. Siya ang nag-aayos sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

28
OOOOOOOO
4. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao sa lansangan; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.

OOOOOOOO
5. Ang mga bahagi ng pagsulat ng iskrip ay may _____________ , writing at rewriting
stage.

OOO-OOOOOOO
6. Taglay nito ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging
ng buong dula.

OOOOOO
7. Ang iskrip ang ______ ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito.

OOOOOOOOOOOOOO
8. Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isinasaalang-alang ang mga
bagay na ito. Kailangang maging malinaw ang plot o _______, tauhan, tagpuan, at
ang mahahalagang kaisipang hatid nito sa mga manonood.

OOOOOOO
9. Siyang kumikilos sa dula .OOOOOO
10. Ang gumaganap o _____ ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula.

OOOOO
Gawain 2: Tukuyin kung kaninong dayalogo ang sumusunod na pahayag. Bilugan ang
tamang sagot. (Mula sa mga saknong 934-1278).
(Agila,Don Juan) 1. “Aba, Pababa ng langit, hininga ko ma’y mapatid ikaw rin
ang iniibig.”
(Don Juan, Agila) 2. “ Sa iyo ako ay paalam, ang loob mo ay Tibayan . . . “
(Donya Maria,Don Juan) 3. “ …sa aba mong kalagayan habag ko’y di mapipigilan.”
(Donya Maria,Don Juan) 4. “. . . kung ako’y nagkasala hintay ngayon ang
Parusa ng sa iyo’y may pagsinta.”
(Donya Maria, Agila ) 5. “Kaya lahat ng bilin ko ay itanim sa loob mo, ingatang huwag
mabuyo sa kanyang amang mapanukso.”

Gawain 3: Sumulat ng mga 2-3 dayalogo ng mga tauhan na makikita sa aklat na tumatak
sa iyong isipan.
1. Don Juan
2. Donya Maria
3. Donya Leonora

29
Gawain 4: Tukuyin ang damdaming ipinapahayag sa mga taludtod. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.
_____1. Pinagdimlan ang Prinsesa’t
a. poot o galit b. kaligayahan c. panghihinayang
_____2. sa sarili’y nagbabagang ganito ang parirala
a. poot o galit b. kalungkutan c. kaligayahan
_____3. ang sa puso ay may sugat
a. poot o galit b. kalungkutan c. pagdaramdam
_____4. Si Don Jua’y napahindig/nang maramdaman ang sakit
a. sakit b. dalamhati c. galit
_____5. kalooban ay nabakla
a. pagkagulat b. pagkabahala c. dalamhati
Gawain 5: Isulat sa iyong sagutang papel ang salita na nagsasaad ng damdamin na
matatagpuan sa loob ng pahayag.
1. nang marinig yaong sinta’y, hinimatay na sa saya.
2. Sa palasyo’y anong saya, lahat doon ay masigla.
3. “Aruy ko!” yaong daing
4 Pinatugtog ang musikang/himig-himutok ng tao
5. Pinagdimlan ang Prinsesa’t
6. sa sarili’y nagbabagang/ganito ang parirala
7. ang sa puso ay may sugat
8. Si Don Jua’y napahindig/nang maramdaman ang sakit
9. kaya sila nang yumao/nagluksa ang buong reyno
10. “ …sa aba mong kalagayan habag ko’y di mapipigilan.”
Gawain 6. Piliin ang angkop na kasagutan na matatagpuan sa panaklong at isulat sa
sagutang papel ang inyong sagot.
Unang bahagi ng Poot ng Naunsyaming Pag-ibig
Tauhan: Donya Maria
Tagpuan: Sa nayon kung saan iniwan ni (Don Pedro, Don Juan) 1. _______ si Donya Maria.
Panahon: umaga, maliwanag ngunit maulap
Pagkahawi ng tabing o sa pagliliwanag ng tanghalan ay makikita ng madla si Donya
Maria suot ang isang magandang damit habang malungkot na nakatingin sa kanyang
singsing.
Maraming mga puno sa kanyang paligid at ipakita ang isang munting tahanang yari sa
bato sa kanyang likuran.
Donya Maria: Don Juan, ako’y talagang iyo nang (nakasama, nalimot) 2. ______. Paano na
ang iyong mahal na prinsesa kung ikaw ay magpapakasal kay Donya Leonora?
Mamasdan ang singsing at hihiling sa kanyang (kwintas, singsing) 3. ______na tila
naiiyak pa.
Donya Maria: Mahiwagang singsing, ako’y bigyan ng isang magandang karosa….
Lalabas ang karosa. May labindalawang kabayo at labindalawang kabataang lalaking
maganda ang tindig na nakatayo sa tabi ng (karosa, kabayo) 4. _______.
Maglalakbay si Donya Maria sakay ng karosa at nang makarating sa kaharian ni Don
Juan ay humanga at nagtaka ang mga tao sa (panauhin, dalaw) na kanilang nakita.

Isaisip
Panuto: Dugtungan mo ang mga sumusunod.
Ang natutunan ko sa pagsulat ng iskrip ay _______________________________
_______________________________________________________________________

30
Isagawa
Panuto: Pagsulat ng iskrip gamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay upang maging makabuluhan ang pagbuo ng iskrip.
Team Stay, One Stray
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng kani-kanilang bahagi ng
kuwento ng Ibong Adarna na kailangan nilang basahin at pag-aralan. Ang iskrip na isusulat
ay dapat na isang yugto lamang na maaaring maitanghal sa loob ng sampung minuto.
Narito ang mga paksang nakalaan sa bawat pangkat.
Pangkat 1: Ang Kabutihan ni Don Juan
Pangkat 2: Mga Pagtataksil kay Don Juan
Pangkat 3: Mga Pag-ibig ni Don Juan
Pangkat 4: Mga Pagsubok at Pakikipagsapalaran ni Don Juan
Pangkat 5: Mga Tagumpay ni Don Juan

Tayahin
A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag patungkol sa pagsulat ng Iskrip ng dulang
pantanghalan. Isulat ang salitang Sang-ayon kung wasto ang pangungusap at Di Sang-
ayon kung hindi.
_______ 1. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang
tagpo at maging ng buong dula.
_______ 2. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito.
_______3. Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isinasaalang-alang ang mga bagay na ito.
Kailangang maging malinaw ang plot o banghay, tauhan, tagpuan, at ang mahahalagang
kaisipang hatid nito sa mga manonood.
_______4. Ang Tauhan siyang kumikilos sa dula Pangalan, edad, kalagayan sa buhay; mithi
ay dapat ispesipiko.
_______ 5. Ang Gumaganap o aktor/ Karakter ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula.
_______ 6. Ang Dayalogo ay ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan
ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.
_______ 7. Ang Tanghalan ay anumang pook na pinagpasyahang gawing pagtanghalan
ng isang dula.
_______8. Ang direktor ang nagsusulat sa isang iskrip; siya ang nag-aayos sa iskrip
mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
_______ 9. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang hayop sa lansangan; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin
ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
_______ 10. Ang mga bahagi ng pagsulat ng iskrip. Ito ay may pre-writing, writing at rewriting
stage.

B. Panuto: Basahin at Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
11. Sino ang mga nagsiganap sa dula-dulaang itinanghal ni Donya Maria?
A. Negrito at negrita B. Mga ahas C. mga hayop

31
12. Sino ang nasaktan nang hagupitin ng negrita ang negrito?
A. Si Donya Lenora B. Maria Blanca C. Don Juan
13. Bakit kay Leonora ibig ipakasal si Don Juan, at di kay Donya Maria?
A. Dahil taksil si Donya Maria
B. Dahil mas nauna si Donya Leonora
C. Dahil maraming pagsubok ang hindi nalampasan
14. Anong higanti ang ginawa ni Donya Maria?
A. Pinagbaha niya ang kaharian
B. Sinunog ang kaharian
C. Nalunod ang mga tao
15. Anong uri ng mga namumuno sina Don Juan at Maria?
A. Mabuti at makatarungan
B. Masipag at mapagparaya
C. Matipid at malupit
Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ng mga salita na bubuo sa pangungusap nang may kaisahan at


pagkakaugnay-ugnay sa buod ng Ibong Adarna.
Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at (1)
______________ na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo
sa puno ng (2) _____________ sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ang ibon upang
mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng (3)
____________ na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot. Ang mahiwagang
huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari. Sumapit na
sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan
sa sinumang prinsipe. Ngunit ito'y hindi sapat sa haharapin nilang mga pagsubok. Kapuwa
nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghugis bato sila nang
mapahimbing sa maamong (4) ___________ ng Adarna at maiputan sila nito. Ngunit
naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang matandang
(5)_____________ nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda
ang prinsipe, upang mabihag ang (6)____________ at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang
dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila
ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan dahil sa
kanilang pagtutulungan na bugbugin ito. Nakuha ng magkapatid ang Ibong Adaran at iniuwi
sa palasyo. Muling nakaligtas si Don Juan at tinulungan ng ermitanyo upang manumbalik ang
kanyang lakas at makauwi na sa Berbanya. Nang makabalik na siya ay laking gulat ng dalawa
niyang kapatid at ang mga ito ay naparusahan ng magsimulang kumanta ang ibong adarna.
Pinabantayan ng hari ang ibon ngunit ito ay nakawala. Muling naghanap ang magkakapatid
sa Ibong Adarna. Muling nagtaksil ang dalawang Prinsipe nang ihulog sa isang malalim na (7)
___________. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ng (8)
______________, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal
dahil na rin sa kanyang napanaginipan tungkol sa ibong adarna. Napa-ibig si Don Juan kay
Donya (9) ___________. Siya ay dumaan sa mga pagsubok na mula kay (10)
_________________. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at
namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya. Samantala, ang Ibong Adarna ay
mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit
lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng
mga prinsipe sa iba't ibang pook.

32

You might also like