You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 7
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna
(week 2 & 3)

MELC: Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido”


(F7PT-IVa-b-18)
 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng
pag-aaral ng Ibong Adarna (F7PSIVa-b-18)
 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na
impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)

Inihanda ni:

DAPHNEE JEAN R. TAGALA


Guro I
San Nicolas National High School
Filipino – Ikapitong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Daphnee Jean R. Tagala
Editor: Leonida D. Castillo
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagalapat: Marvin M. Marugay
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Ipagpapatuloy muli natin ang ating
pag-aaral. Nawa’y maging matiyaga ka sa mga kasunod na aralin dahil ito ay tiyak
na kasiya-siya para sa iyo.
Ang kabuoan ng modyul na pag-aaralan mo ay tungkol sa isang kuwentong
bayan ng Maranao sa Mindanao at malalaman mo rin ang mga pahayag sa
pagbibigay ng mga patunay.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


 Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)
 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna (F7PSIVa-b-18)
 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay
ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)

1
Subukin

Bago tunghayan ang kariktan ng aralin na Ibong Adarna, magkakaroon muna


tayo ng paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang mga kasunod na mga aralin
para mataya kung ano ang mga dapat mo pang malaman sa mga susunod na pag-
aaral.

A. PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung ito ay
TAMA at M naman kung ito ay MALI. Isulat ang iyong sagot sa patlang na
nakalaan.
1. Ang korido ay mayroong walong pantig sa bawat taludtod.
2. Andante ang himig sa korido na mabagal o banayad.
3. Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang
korido.
4. Sa korido, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong
maganap sa tunay na buhay
5. Halimbawa ng korido ay ang Florante at Laura.
6. Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa korido,
ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga
pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
7. Ang korido ay nakuha sa impluwensya ng mga Espanyol.
8. Ang korido ay isang popular na pasalaysay na awit at panulaan na
isang uri ng ballad.
9. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag
ng mga tula.
10. Ang himig sa korido ay allegro.

B. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa


katangian ng koridong Ibong Adarna. Lagyan ng (√ ) tsek kung ito ay katangian
ng Ibong Adarna at (x) ekis naman kung hindi.

1. Masasalamin sa Ibong Adarna ang pagmamahal sa pamilya.


2. Matutunghayan dito ang hindi magandang dulot ng inggit.
3. Ang pagtitiwala sa Diyos ay hindi mahalaga sa Ibong Adarna.
4. Ang pagtitiyaga at determinasyon sa pagkamit sa mga pangarap sa
buhay ay napatunayan ni Don Juan.
5. Ang kahalagahan ng pagpapatawad ay nakapagpapagaan ng kalooban.

Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa man ang


iyong iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang ito. Ipagpatuloy
mo lamang ang aralin at tiyak ang marka mo’y tataas din.

2
Aralin

1.1 Korido

Magandang araw sa iyo aking mag-aaral!


Sa pagtatapos ng araling ito, malalaman mo kung ano ang kahalagahan at
katangian ng korido.
Handa ka na ba? Simulan na natin

Balikan

Bago ka magpatuloy atin munang lilinangin ang iyong kaisipan hinggil sa mga
mahihirap na salita sa ating tatalakayin.

Gawain 1: Ayusin mo!


PANUTO: Ayusin ang mga titik na nasa ibaba upang matukoy ang mga salitang
gagamitin sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay ang nilalaman sa isang saknong na maaaring magturo ng
mga mabubuting aral. (R B S E O)
2. Ito ay ang mga masakit na pangyayari. (T A D H A R E Y)
3. Himig na mabilis (O R G E L L A)
4. Paglalakbay na may minimithi (N A R A L A P A S G A P I K I K A P)
5. Tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t
prinsesa at mga mahal na tao (U T N L A G O R A M S A N)

Tuklasin

Narito ang kahulugan at katangian ng isang korido. Pag-aaralan din natin ang
pinagmulan at sino ang nagdala nito sa larangan ng panitikan.

KORIDO
Ang korido ay isang popular na pasalaysay na awit at panulaan na isang uri
ng ballad. Isang uri din ito sa panitikang Pilipino,na nakuha ang impluwensiya mula
sa Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa
isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang

3
pagpapahayag ng mga tula. Ito ay binibigkas sa kumpas na martsa allegro. May
kabilisan ang uri ng panitikang ito.
Ayon kay Trinidad H. Padro de Tavera, ito ay kwentong nasa berso ukol sa
makasaysayang pangyayari, minali (falsified) at maguni- guni (fanciful); trahedyang
pag- ibig, puno ng kahanga- hangang insidente, sinamahan ng banal at kagila-
gilalas na pangyayari at kamahinawaring madyik.
Ang korido ay maaaring nakapasok sa Pilipinas noong 1600 sa pamamagitan
nina Miguel Lopez de Legaspi. Naging tanyag ito noong ika- 19 siglo hanggang ika-
20 siglo. Sa pagpasok ng modernong babasahin, humina ang katanyagan nito.
Naobserbahan ang pagtanyag nitong muli sa huling bahagi ng siglo, na maaaring
isang iskolar o bilang bahagi ng pagsusumikap ng mamamayan na matuklasan ang
kanilang sariling bansa.
Isa sa halimbawa ng korido ay makikita sa ibaba:

“Ama ko’y iyong tulutan


Ang bunso mo’y magpaalam
Ako ang hahanap naman
Ng iyo pong kagamitan

Ngayon po’y tatlong taon na


Di pa bumabalik sila
Labis ko pong alaala
Ang sakit mo’y lumubha pa”

“Bunsong anak kong Don Juan”


Ang sagot ng haring mahal,
“kung ikaw pa’y mawawalay
Ay lalo kong kamatayan”

Masaklap sa puso’t dibdib


Iyang gayak mong pag- alis
Hininga ko’y mapapatid
‘pag nawala ka sa titig

- Hango sa Ibong Adarna (saknong bilang 110-161)

Ito ay isang halimbawa ng isang korido. Kung susuriin ang bawat linya,
mayroon itong wawaluhing pantig. Mapapansin din dito na binubuo ng apat na linya
ang bawat saknong. Ang karaniwang paksa nito ay pag- ibig at pakikipagsapalaran.
Kailangan ng masidhing pagsusuri upang sa ganoon ay makuha ang ibig sabihin ng
isang korido.

4
Gawain 2: Unawain Mo!
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Anong uri ng panulaan ang korido?
A. ballad B. falsified C. fanciful D. verse
2. Sino ang maaaring nagpapasok ng korido sa Pilipinas noong 1600?
A. Miguel Lopez de Legaspi C. Miguel Lopez delos Santos
B. Miguel Lopez Jaena D. Miguel Lopez de Madrid
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang korido?
A. minali C. maguni- guni
B. kagila- gilalas D. masalimuot
4. Binibigkas ang korido sa paraang ________.
A. patula C. pasayaw
B. pakanta D. balagtasan
5. Ang sukat ng pantig sa bawat linya ng isang korido ay ______.
A. anim na pantig C. walong pantig
B. labindalawang pantig D. sampung pantig
6. Ang karaniwang paksa sa korido ay ______.
A. pag- ibig B. sakim C. galit D. poot
7. Bakit humina ang katanyagan ng korido?
A. dahil nalalaos na ito.
B. dahil sa napakahaba ng sulatin.
C. dahil mahirap itong unawain.
D. dahil umusbong ang ibang sulatin
8. Ang bawat linya ay binubuo ng _____ sa isang saknong?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 6
9. Basahin ang saknong. Ano ang nais ipahiwatig nito?
“Ama ko’y iyong tulutan
Ang bunso mo’y magpaalam
Ako ang hahanap naman
Ng iyo pong kagamitan”
A. pagmamahal sa ama C. pagmamahal sa kasintahan
B. pagmamahal sa anak D. pagmamahal sa ina
10. Batay sa korido sa bilang 9, ano ang gagawain ng tauhan?
A. Makikipagsapalaran C. hahanapin ang mahal
B. Makikibaka D. makikipag- ayos sa kaaway

Mahusay, binabati kita! Upang lubos mo pang maintindihan kung ano ang
korido, makatutulong sa iyo ang pagsagot sa mga mahahalagang katanungan. Alam
kong kayang-kaya mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan dahil ikaw ay
may malalim nang pang-unawa sa binasa.

5
Suriin

Basahin at unawain mo kung ano ang Tulang Romansa na kung saan dito kabilang
ang korido. Makikita rin dito ang kaibhan ng korido sa awit.
Alam mo bang…
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang
dalawang ito ayon sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan.
Korido
(1) May walong pantig sa bawat taludtod.
(2) Sadyang para basahin, hindi awitin.
(3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod,
wawaluhing pantig lamang.
(4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa
ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng
bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
(5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap
sa tunay na buhay.
(6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.
Awit
(1) May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
(2) Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
(3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
(4) Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na
makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang
kapangyarihang supernatural ang mga bida.
(5) Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
(6) Halimbawa nito ang Florante at Laura.
May iisang layunin ang awit at korido sa paglikha ng mga tauhang may kahanga-
hangang kakayahan: Lumikha ng larawan ng isang bayaning maaaring hangaan at
pamarisan.

6
Pagyamanin

Gawain 3: Suriin Mo!


A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na saknong. Isulat ang iyong
pagpapakahulugan sa nakalaang sagutan sa bawat bilang.

1. Itong limos mong tinapay


Dalhin mo na, o Don Juan
Nang mabaon mo sa daan
Malayo ang paroroonan

2. Ang Prinsipe’y di kumibo


Ngunit nasaktan ang puso
Ang matanda’y hinuhulo
Baka siya’y binibiro

3. “Ugali ko pagkabata
Na magmalimos sa kawawa
Ang naipagkawanggawa
Bawiin pa’y di magawa”

Isaisip

Tandaan!
Ang korido ay isa sa mga impluwensiya ng mga Espanyol na kalimitang
pumapaksa sa pag- ibig at pakikipagsapalaran. Ang bawat linya ay binubuo ng
walong pantig. Mayroong apat na linya ang bawat saknong.

7
Isagawa

Gawain 4: Ikaw Naman!

Panuto: Sumulat ng tatlong saknong na binubuo ng apat na linya. Gawing


pamantayan ang rubrik sa ibaba.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA

Pamantayan Kraytirya Puntos Natamong


Puntos
Nilalaman Napakalalim at napakahulugan 20
ang nilalaman.
Presentasyon Gumamit ng simbolismo at 15
piling-piling mga salita.

Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa 10


(Originality) ng korido.

Kabuuan Maayos ang kabuuan ng korido. 5

KABUUAN

8
9
ARALIN 1.1
GAWAIN 1: BUUIN MO GAWAIN 3: SURIIN MO
1. BERSO - Iba’t iba ang sagot ng mga mag- aaral
2. TRAHEDYA
3. ALLEGRO
4. PAKIKIPAGSAPALARAN
5. TULANG ROMANSA
GAWAIN 2: UNAWAIN MO GAWAIN 4: IKAW NAMAN
1. a - Iba’t iba ang sagot ng mga mag- aaral
2. a
3. d
4. b
5. c
6. a
7. d
8. a
9. a
10. a
A.
1. T 6. M
2. M 7. T
3. M 8. T
4. T 9. T
5. M 10. T
1. √
2. √
3. x
4. √
5. √
Susi sa Pagwawasto
Aralin
Kahalagahan ng Pag-aaral
1.2 ng Ibong Adarna

Tuklasin

Narito ang ilan sa mga kahalagahan kung bakit kailangan nating pag- aralan
ang Ibong Adarna. Dito natin matutunghayan kung bakit kaialngan nating malaman
kung ano ang nilalaman nito bagkus sinasabi na ito ay makaluma ng panitikan.

Ang Ibong Adarna ay isang mahabang awit at korido. Matagal na ito, pero
wala pang nakaalam kung sino ang makata. Ito ay tunkol kay Don Juan at ang
kanyang pakikipagsapalaran. Mahalaga ang Ibong Adarna dahil ang tula na ito
ay nagtuturo sa mambabasa ng maraming aral, at ipinapakita ng Ibong Adarna
ang tunay na kagandahan ng panitikan ng Pilipino.
Mahalaga ang pagbabasa ng Ibong Adarna para sa mag-aaral katulad mo
na nasa mataas na paaralan dahil maraming mahahalagang aral ng buhay ang
matututunan mo dito. Itong mga aral na ito ay makakatulong sa iyo habang ikaw
ay tumatanda at nakakasalubong ng mga iba’t ibang karanasan. Karamihan sa
mga kabanata ay tungkol sa pag-ibig at pakikipagsapalaran.
Ang Ibong Adarna ay isang istoryang Pinoy. Maipagmamalaki natin ang
mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa Koridong ito. Mula sa Koridong ito,
makikita natin ang ganda at pagkawalang tulad ng ating wika, ang wikang
Filipino. Maibabahagi rin nitong korido ang ilan sa mga tradisyon ng mga Pilipino,
lalo na noong panahon pa ng mga Kastila. Ilan sa mga tradisyong ito ay bihira
nang makikita sa kasalukuyan pero mahalaga pa rin ito dahil mula dito natin
makikita ang mayamang kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. Nagbabahagi rin
itong Korido ng mariming mga aral. Ito’y isang kwento ng pag-ibig at paglalakbay
na puno ng sari saring aral tungkol sa buhay.
Ang Ibong Adarna ay isang obra maestra na makapagpapatunay sa mataas
na kultura ng mga Pilipino. Masasabing ang Ibong Adarna ay ang ugat ng
literaturang Pilipino sapagkat inaangat niya ang kulturang Pilipino. Mahalagang
basahin natin dahil ito ay bahagi na ng ating kultura at dapat na ipagmalaki.

10
Gawain 1: Kaisipan Mo’y Mahalaga!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong sariling
opinyon.

1. Sa iyong sariling pagpapaliwanag, bakit kailangang pag- aralan ang Ibong


Adarna?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang dahilan kung bakit kailangang pag- aralan ang Ibong Adarna sa
Ikapitong Baitang?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Sa iyong sariling pananaw, ano kaya ang nilalaman ng Ibong Adarna?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mahusay! Naibigay mo ang iyong sariling pananaw tungkol sa


kahalagahan sa pag- aaral ng Ibong Adarna. Halina’t atin pang palawakin ang
iyong kaalaman sa susunod na pahina.

11
Suriin

Narito ang ilang dahilan kung bakit mahalagang pag- aralan ang Ibong Adarna
habang ikaw ay nasa Ikapitong Baitang.
Ang Ibong Adarna ay isang korido na umikot sa buhay ni Don Juan, isa sa
mga anak ni Haring Fernando, ang hari ng Berbanya.
Ang koridong ito ay mahalagang pag-aralan dahil nakapaloob sa isang
maromansang storya ay mga aral na maaaring magamit ng makakabasa sa kanilang
araw-araw na buhay gaya ng:
1. Pagmamahal sa pamilya
Ipinakita sa Ibong Adarna ang pagmamahal sa pamilya. Ang pagmamahal ni
Don Juan sa kanyang ama ay higit pa sa pagmamahal niya sa trono. Iba't-
ibang klaseng pagtataksil ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan
dahil sa labis na pagkainggit dito. Gayunman, si Don Juan ay natutong magpatawad
bago ang ikatlong pagtataksil.
2. Ang hindi magandang dulot ng inggit
3. Pag-asa at pagtitiwala sa Diyos
Ipinakita ni Don Juan ang pagtitiwala niya sa Diyos noong siya ay iwanan ng
kanyang mga kapatid sa balon.
4. Pagtulong sa kapwa at hindi pagtingin sa pisikal na anyo
 Ang naging pagtulong ni Don Juan sa iba sa kabila ng sariling pangangailangan ay
bumalik din sa kanya. Sa kanyang kabaitan, natulungan siya ng ermitanyo na
makuha ang Ibong Adarna.
5. Pagiging matiyaga
 Dahil sa tiyaga at determinasyon ni Don Juan, nakuha niya ang Ibong Adarna,
nailigtas niya ang mga prinsesa, at napangasawa niya si Donya Maria Blanca.
Ang kwentong ito, bagaman ipinapakita ang dulot ng pag-ibig at kapusukan, ay
nagtuturo sa marami ng mabuting asal, na hindi malilimutan kahit pa tumanda na.

12
Pagyamanin

Gawain 2: Alamin Mo!


Panuto: Tukuyin kung anong kaugalian ang isinasaad sa mga sitwasyon sa ibaba.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik lamang.

A. pagmamahal sa B. inggit C. tiwala sa D. pagtulong E. matiyaga


pamilya Diyos sa kapwa

1. Si Chezka ay laging na nagdarasal sa Diyos na bigyan siya at ng kanyang


pamilya ng matiwasay na pamumuhay.
2. Lubos na sinisiraan ni Honey ang kanyang kaibigan dahil nais niyang
makuha ang atensyon ng karamihan sapagkat napakatanyag niya.
3. Hindi alintana ni Mayrose ang init ng panahon habang siya ay nagtitinda
ng kakanin upang matulungan niya ang kanyang nanay na makalikom ng
sapat na halaga sa operasyon ng kanyang ama.
4. Si Andrea ay palaging nahuhuli sa pag- uwi galing sa trabaho dahil
nangunguha pa siya ng mga boteng maaaring ibenta.
5. Ang pinakamalaking dahilan ni Aaron kung bakit siya nag- aaral ay ang
kanyang pamilya upang pagdating ng panahon ay matulungan din niya
ang mga ito.
6. Ang Diyos ang sandigan ni Aling Lourdes sa kanyang araw- araw na
pamumuhay.
7. Marami ng nagsisilabasan na community pantry sa bawat barangay dahil
layon nitong matulungan ang mga taong naghihikahos sa
buhay.
8. Laging nagbibigay ng tulong si Froilan sa mga nasalanta ng bagyo.
9. Nagsakripisyong tumigil muna sa pag- aaral si Jenifer upang gamitin
muna ang kanyang pang-tuition para sa gamot ng kanyang ama.
10. Nag- aaral si Kenny at isinasabay niya ang magtrabaho upang matustusan
niya nag kanyang mga pangangailangan.

Gawain 3: Ikaw Naman!


Panuto: Magbigay ng iyong sariling karanasang nagpapakita ng mga kaugalian na
naibigay sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan.
1. Pagmamahal sa Pamilya
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Inggit
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
3. Tiwala sa Diyos
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Matiyaga
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Pagtulong sa Kapwa
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip

Tandaan!
Ang Ibong Adarna ay bahagi na ng ating panitikan kung kaya’t ito ay ating
pahalagahan. Ito ay isang kayamanan na dapat nating ipamana sa susunod na
henerasyon dahil ito ay sumasalamin sa ating nakaraan.

Isagawa

Gawain 4: Opinyon Mo, Ilahad Mo!


Panuto: Sumulat ng iyong sariling pananaw/opinyon tungkol sa kahalagahan ng
pag-aaral ng Ibong Adarna. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na medium-sized
coupon bond. Gawing gabay sa pagsulat ang rubrik o pamantayan sa pagmamarka.

Rubrik o pamantayan sa pagmamarka

5 4 3 2 1
Napakaayos, Mahusay at Maayos ang Hindi Walang
malaman at maayos ang inilahad na maayos ang nailahad na
malawak ang inilahad na pananaw/opiny pagkakalah pananaw/opi
inilahad na pananaw/opiny on ad ng mga nyon.
pananaw/opin on. opinyon.
yon.

14
15
TUKLASIN!
Gawain 1: Kaisipan Mo’y Mahalaga
Ang mga sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba.
PAGYAMANIN
Gawain 2: Alamin Mo!
1. c 6. c
2. b 7. d
3. a 8. d
4. e 9. a
5. a 10. e
PAGYAMANIN
Gawain 3: Ikaw Naman!
Ang mga sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba.
ISAGAWA
Gawain 4: Opinyon Mo, Ilahad Mo!
Ang mga sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba.
Susi sa Pagwawasto
Aralin
Kaligirang Pangkasaysayan
1.3 ng Ibong Adarna

Tuklasin

Ngayon malalaman mo ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.


Matutunghayan dito kung saan nanggaling ang koridong ito. Simulan natin ang ating
pag- aaral.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna


Ang kuwento ng Ibong Adarna ay isinulat bilang isang korido o isang uri
ng awit na mayroong walong pantig ang bawat taludtod. Ang mga korido ay
isinusulat noon bilang panalanging iniaalay sa Birheng Maria.
Hindi matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng akdang ito na naging
malaking bahagi ng panitikan ng Pilipinas. Ngunit sinasabing nagmula ang
korido sa bansang Mexico at nakarating lamang sa Pilipinas noong 1610. May
haka-haka na ang manunulat na si Huseng Sisiw o Jose dela Cruz daw ang
maaaring nagsulat o nagsalin nito ngunit walang makapagpatunay.
Ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna ay Corrido at Buhay na
Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
Kahit hindi isinulat ng isang Pilipino, niyakap ito ng marami dahil
naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng kuwento nito,
kabilang ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa magandang ugnayan ng
bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak. Kabilang din sa aral na
makukuha sa korido ay ang pananampalataya.
Ang orihinal na bersiyong nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056 na
saknong at ang kabuuan ng aklat ay mayroong 48 na pahina.
Dahil sa mga aral na makukuha sa korido ay ginawa itong kabahagi ng
pag-aaral ng mga kabataan at isa sa mga akdang pampanitikang tinatalakay sa
haiskul.
Sinabi ni Santillan-Castrence (1940) na ang kasaysayan ng Ibong Adarna
ay maaaring hango sa mga kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa, tulad ng
Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba pa. Taglay ng
Ibong Adarna ang motif ng cycle na matatagpuan sa mga kuwentong bayan o
folklore. Ito’y ang sumusunod: maysakit ang ina (isang reyna) isang ama (isang

16
hari) at kailangan ng isang mahiwagang bagay upang gumaling, tulad ng ibong
umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa. Maglalakbay ang tatlong anak
ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil matulungin) na makuha ang
makalulunas na bagay sa tulong ng matandang ermitanyo. Pagtutulungan siya
ng nakatatandang mga kapatid upang agawan ng karangalan, at magdaranas
siya ng maraming hirap, ngunit magtatagumpay rin sa huli.

Ilan sa mga kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna ay ang sumusunod:


1. Mula sa kuwentong Scala Celi (1300)
2. Mula sa Hessen, Alemanya (1812)
3. Mula sa Paderborn, Alemanya
4. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati”
(1808)
5. Mula sa Denmark (1696)
6. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
7. Mula sa Malayo-Polinesya ni Renward Brandsetter
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch

Ang mga kuwentong-bayan na ito ay may pagkakahawig ngunit may


pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa.

Gawain 1: Sagutin Mo!


Panuto: Basahin, sagutin ang mga sumusunod at isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.
1. Anong uri ng panitikan ang Ibong Adarna?
A. awit B. alamat C. Sayaw D. Korido
2. Binibigkas ang Korido sa paraang _________.
A. patula B. pakanta C. pabulong D. pasigaw
3. Taglay ng mga tauhan ng isang Korido ang ______.
A. may madyik C. may kababalaghan
B. may kapangyarihan D. may ibang uri
4. Ang mga sumusunod ay magkakapatid maliban kay ___________.
A. Don Pedro C. Don Diego
B. Don Juan D. Don Fernando
5. Ang Kastilang sumulat ng Ibong Adarna ay si _____________.
A. Jose dela Cruz C. Manuel Lopez de Legazpi
B. Jose Corazon de Jesus D. Manuel L. Quezon
6. Ang pinapaksa ng Ibong Adarna ay _____________________.
A. Pinapaksa nito ang kataksilan ng mga lahing kumakalaban sa
Kastila.
B. Pagtatagumpay ng mga tauhang may pambihirang lakas at
kapangyarihan.
C. Pinapaksa nito ang pakikipagsapalaran at kabayanihan ng
maharlikang tao.
D. Paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa nangangailangan at
relihiyong Kristiyanismo.

17
7. Ang pagkakaiba ng awit at korido batay sa katangian ng tauhan ay _
A. Ang mga Katoliko at Muslim ay nag- aaway.
B. Ang mga tauhang nagsisipagganap ay mahihirap.
C. Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihang supernatural.
D. Ang mga tauhan ay kumakanta at itinatanghal sa entablado.
8. Ano ang ibig sabihin ng allegro sa konsepto ng Ibong Adarna?
A. Ito ay isang awit. C. Ang himig ay mabagal.
B. Ito ay may kumpas na 4/4. D. Ang himig ay mabilis.
9. Bakit walang tiyak na pinagmulan at petsa ang tula ang Ibong Adarna?
A. Ang akda ay maaaring hinango sa kwentong- bayan.
B. Ang akda ay isang halimbawa ng pabula.
C. Nakilala ito noong panahon ng Midieval o Middle Ages.
D. Instrumento ito ng mga Espanyol upang mahimok ang katutubo na
yakapin ang Katolisismo.
10. Ang nagsabing ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa
mga kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa.
A. Jose dela Cruz C. Manuel Lopez de Legazpi
B. Jose Corazon de Jesus D. Santillan-Castrence

Mahusay! Naibigay mo ang iyong napagtagumpayan mong sagutin ang mga


katanungan. Halina’t atin pang palawakin ang iyong kaalaman sa susunod na
pahina.

18
Suriin

Ating dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa Kaligirang Kasaysayan ng


Ibong Adarna. Siguradong mas mahihiwagaan ka pa sa kaalaman na iyong
matutunghayan.

Ang Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna


Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay
Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak
ng Haring Fernando at Reina Valeriana sa Kahariang Berbania. Walang tiyak na
petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang
naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose
de la Cruz ngunit wala pa ring katibayan. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz
Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng
tula. Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don
Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo
sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit
sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay
dinapuan ng kung anong sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko.
Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano
sa sakit ng hari. Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng
korona't setro ng hari.Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga
pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit
hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapwa nabigo sina Don Diego at
Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa
matarling na awit ng Adarna at maiputan nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na
nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang
matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng
matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng
kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay
Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na
nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling
nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang
pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig din si Don Juan
sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit
ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling
dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli
si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa
kahariang nakamit niya.Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang
tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring
ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na
pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

19
Pagyamanin

Gawain 2: May Tama Ka!


Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kapag
ang pahayag ay tama at MALI naman kapag ito ay mali.
1. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano
kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.
2. Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don
Fernando na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na
dumara-po sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor.
3. Sa Bundok Taboy lamang makikita ang Ibong Adarna.
4. Ang ama ng mga magkakapatid ay si Don Fernando.
5. Nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
6. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito,
bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng
Sisiw na palayaw ni Jose de los Santos ngunit wala pa ring katibayan.
7. Si Don Juan ang nakakuha ng Ibong Adarna.
8. Nagkaroon ng masidhing sakit ang ama ng tatlong magkakapatid kung
kaya’t kailangang makipagsapalaran ang mga ito upang hanapin ang
gamot para sa kanilang ama.
9. Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa.
10. Tinulungan ni Donya Maria si Don Juan noong siya ay sinaktan ng
kanyang mga kapatid.

Isaisip

Tandaan!
Sa pagbabasa ng akdang pampanitikan kailangan mong alamin ang
kasaysayan sa likod ng pagkakalikha ng isang akda. Mas mauunawaan natin kung
paano at bakit nalikha ang isang akda. Gaya ng obrang ‘Ibong Adarna’ na lumaganap
noong panahon ng Kastila na isang yaman ng panitikang Pilipino na dapat basahin
at pag- aralan.

20
Isagawa

Gawain 3: Suliranin Ko, Solusyon Mo!


Panuto: Sumulat ng isang talata na nagmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan. Isulat ito sa isang medium-
sized coupon bond. Nasa ibaba ang iyong gabay sa pagsulat.

Rubrik o pamantayan sa pagmamarka

Pamantayan Napakahusay! Mahusay! Paghusayin Marka


5 puntos 3 puntos pa!
1 puntos
Nilalaman Malinaw at May Walang
makabuluhan kabuluhan kabuluhan
ang mga ang mga ang mga
iminungkahing iminungkahing iminungkahing
solusyon solusyon solusyon
Organisasyon Kapuna-puna Kapansin- May
at nakaagaw pansin kaguluhan
pansin ang kaisahan ang kaisahan
ang ng ng mga
kaisahan ng mga solusyon solusyon.
mga solusyon.
Wika Wasto at May ilang mga Hindi-gaanong
angkop pagkakamali Naisaalang-
ang paggamit sa alang
ng mga paggamit ng ang
bantas, bantas, paggamit ng
baybay, at baybay, mga bantas,
gamit at gamit ng baybay, at
ng mga salita. salita. gamit
ng mga salita.

21
22
TUKLASIN!
Gawain I: Sagutin Mo!
1. d 6. c
2. b 7. c
3. c 8. d
4. d 9. a
5. a 10. d
SURIIN
Gawain 2: May Tama Ka!
1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA
ISAGAWA
Gawain 3: Karanasan Ko, Ipapahayag Ko
Ang mga sagot ng mag-aaral ay maaaring magkakaiba-iba.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Rex Interactive . Supplemental-Filipino, High School- Grade 7.
https://brainly.ph/question/2080311
https://tl.wikipedia.org/wiki/Korido
https://brainly.ph/question/2720164
https://ratantee.wordpress.com/about/kahalagahan-ng-ibong-adarna/
https://www.scribd.com/doc/268720229/Kaligirang-Kasaysayan-Ng-Ibong-
Adarna
https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna-buod
https://quizizz.com/admin/quiz/5e1bcf901f48cd001bd06e55/kaligirang-
pangkasaysayan-ng-ibong-adarna
https://www.goconqr.com/en/quiz/4412944/kaligirang-pangkasaysayan-ng-
ibong-adarna

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like