You are on page 1of 19

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.6 (Pangwakas na Gawain)
Panitikan: Pagkilala sa Dulang Pantanghalan
Wika: Pagsulat ng Iskrip ng Dulang Pantanghalan
Bilang ng Araw: 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IVe-f-23)
 Nakikinig nang mapanuri upang makabuo ng sariling paghahatol sa
napanood na pagtatanghal.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IVh-i-25)


 Nabibigyang-puna/mungkahi ang nabuong iskrip na gagamitin sa
pangkatang pagtatanghal.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IVc-d-23)


 Nagagamit ang mga angkop na salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip.

PANONOOD (PD) (F7PD-IVc-d-22)


 Naibibigay ang mga mungkahi sa napanood na pangkatang
pagtatanghal.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IVj-23)


 Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na
naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.

PAGSULAT (PU) (F7PU-IVe-f-23)


 Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang
pagtatanghal.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IVj-23)


 Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7-IVh-i-10)


 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa mga
impormasyong kailangan sa pagsasagawa ng iskrip ng pangkatang
pagtatanghal.

Ikaapat na Markahan | 143


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IVe-f-23)


 Nakikinig nang mapanuri upang makabuo ng sariling paghahatol sa
napanood na pagtatanghal.

PANONOOD (PD) (F7PD-IVc-d-22)


 Naibibigay ang mga mungkahi sa napanood na pangkatang pagtatanghal.

II. PAKSA

Panitikan: Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (GUESS THE WORDS)
Huhulaan ng mga mag-aaral ang mga salita sa pamamagitan ng pagbuo sa
mga ginulong letra batay sa larawan. Maaari itong gawing pangkatang
gawain kung saan ang grupo na makakakuha ng tamang sagot ang
magkakaroon ng puntos. Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling
panalo.

K I S R P I N A L G H A T N A

Ikaapat na Markahan | 144


ISKRIP TANGHALAN

K I R D T E R O N A D O N O M O

DIREKTOR MANONOOD
http://cdn.slidesharecdn.com/ss_thumbnails/halimbawangmgadula-141016201534-conversion-gate02-thumbnail-4.jpg?cb=1413490685 https://www.etc.cmu.edu/projects/virpets/spring03/jichen%20stage/stage%20shot%20new.jpg
http://images.clipartpanda.com/movie-director-clipart-12827140-movie-director.jpg http://www.clipartkid.com/images/152/firstan-audience-reminds-the-writer-why-he-she-writes-the-audience-fdxDNC-clipart.jpg

Gabay na Tanong:
a. Sangkap ng anong genre ng panitikan ang mga nabuong salita?
b. Magbigay ng ilang dulang iyong napanood at ilarawan ang
pagkakatanghal niyon ayon sa iyong naging pagsusuri.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga elemento ng dulang pantanghalan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (PANOORIN AT SURIIN)


Pagpapanood ng isang dulang pantanghalan mula sa youtube.

Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan


https://www.youtube.com/watch?v=dmSMBcOQbe0

ANALISIS

1. Ano ang katuturan ng dula, partikular ang dulang pantanghalan, bilang


akdang pampanitikan?
2. Tungkol saan ang inyong napanood? Isalaysay ito.
3. Paano gumaganap ang mga tauhan sa inyong napanood na
pagtatanghal?
4. Paano kumikilos at nagsasalita ang mga gumaganap na tauhan sa taas

Ikaapat na Markahan | 145


ng entablado?
5. Ano-ano ang maimumungkahi ninyo sa kanilang naging pagtatanghal?
Pagbibigay ng Input ng Guro
DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)

ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa


tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang
ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Elemento ng Dula
a. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula
b. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; ang    mga
tauhan ang bumibigkas ng dayalogo sa dula
c. Suliranin – ang problema na binibigyang-solusyon sa isang dula
d. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
e. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at  tauhan laban sa kanyang sarili
f. Kasukdulan – sa elementong ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan
g. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian
h. Kalutasan – sa elementong ito nalulutas, at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula

Ilan pang mga sangkap sa pagtatanghal ng isang dula:


a. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa
ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
b. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip, nagbibigkas ng dayalogo at
ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood na tauhan sa
dula.
c. Dayalogo – Ang dayalogo ay ang mga bitaw na linya ng mga aktor na
siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
d. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula ay tinatawag na tanghalan.
e. Tagadirehe o direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang
iskrip, nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan,
ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan.
f. Manonood – Sila ang mga taong makasasaksi o makapanonood ng
dulang itatanghal. Sapagkat ang isang dula ay hindi maituturing na dula
kung hindi ito mapanonood ng mga tao
Ikaapat na Markahan
g. Tema | 146
– ang pinakapaksa ng isang dula.
Sanggunian: https://iamcarlitorobin.wordpress.com/2011/10/05/ang-makulay-na-mundo-
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (TSART NG MGA ELEMENTO)


Pupunan ang tsart ng mga hinihinging detalye upang maibuod ang paksang
tinalakay.

DULANG PANTANGHALAN

MGA ELEMENTO MGA SANGKAP

1. __________________ 1. __________________
2. __________________ 2. __________________
3. __________________ 3. __________________
4. __________________ 4. __________________
5. __________________ 5. __________________
6. __________________ 6. __________________
7. __________________ 7. __________________
8. __________________

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (I-SHARE MO)


Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga dulang kanilang napanood o
napakinggan batay sa mga paksang ibibigay ng guro. Isasalaysay ng mga
mag-aaral ang napanood na dula at magbibigay sila ng mga puna hinggil sa
naging pagtatanghal ng dulang kanilang ibabahagi.

Masalimuot na Isyung Pamilya


Pag-ibig Pangyayari Panlipunan

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang tawag sa genre ng panitikang ang layunin ay itanghal sa


entablado/ tanghalan?

Ikaapat na Markahan | 147


a. Maikling kuwento c. Korido
b. Dula d. Nobela
2. Sa anong bahagi ng banghay ng dula nasusubok ang katatagan ng
tauhan sapagkat dito tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin?

a. Simula c. Kasukdulan
b. Kakalasan d. Wakas

3. Leproso: Huwag maging di-paggalang, ano po ang inyong pakay?


Don Juan: Ang akin pong hanap, sa ama ko ay panlunas.
Ang nasa itaas ay anong sangkap ng dula na siyang itinuturing din na
pinakakaluluwa nito?

a. Tema c. Manonood
b. Iskrip d. Tema

4. Isang umagang maliwanag ngunit maulap , si Donya Maria ay natanawan


sa nayon kung saan siya iniwan ni Don Juan. Ang pariralang may
salungguhit ay elemento ng dula na ____________.

a. Banghay c. Tauhan
b. Mensahe d. Tagpuan

5. Ito ang sangkap ng dula na kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula. Dito rin


umiikot ang mga pangyayari sa dula.

a. Aktor c. Manonood
b. Direktor d. Prodyuser
Sagot:
B C B D A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Manood ng isang dula at gumawa ng pagsusuri batay sa tinalakay na mga


elemento at sangkap ng isang dulang pantanghalan.
Ikaapat na Markahan | 148
2. Magsagawa ng sistematikong pananaliksik tungkol sa mga impormasyong
kailangan sa pagsasagawa ng iskrip ng pangkatang pagtatanghal.

LINANGIN
I.LAYUNIN

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IVc-d-23)


 Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7EP-IVh-i-10)


 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa mga
impormasyong kailangan sa pagsasagawa ng iskrip ng pangkatang
pagtatanghal.

II. PAKSA
Panitikan: Iskrip ng Dulang Pantanghalan
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (USAP TAYO)


Magbibigay ang guro ng ilang mga senaryo. Sa loob ng isang minuto ay
bubuo ang mga mag-aaral ng usapan higgil sa nabunot nilang eksena.
Pagtatapat sa magulang tungkol sa Komprontasyon mo sa matalik mong
pagbagsak sa halos lahat ng asignatura kaibigan na nagtraydor sa iyo

Pagkakatuklas mo sa malubhang karamdaman ng iyong ina

Gabay na Tanong:
a. Naging madali ba para sa inyo ang pagbuo ng salitaan sa pagitan ng mga
tauhan sa senaryong inyong napili?
b. Ano ang tawag ninyo sa nasusulat na dayalogo o salitaan sa pagitan ng
mga tauhan sa mga dula-dulaan?

Ikaapat na Markahan | 149


Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.
2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalaga ang iskrip sa isang dulang pantanghalan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READ, ACT AND ANALYZE)


Pipili ang guro ng isang mag-aaral na magbibigay-buhay sa iskrip na nasa
ibaba. Lalapatan ng mag-aaral ng angkop na damdamin at kilos ang
pagbibitaw ng linya ng tauhang nasa iskrip.
Unang Bahagi ng Poot ng Naunsyaming Pag-ibig
(Saknong 1429 – 1442)

Tauhan:
 Donya Maria – makapangyarihan, matalino at magandang prinsesa

Tagpuan:
 Panahon: umaga, maliwanag ngunit maulap
 Tagpuan: sa nayon, kung saan iniwan ni Don Juan si Donya Maria

Pagkahawi ng tabing o sa pagliliwanag ng tanghalan ay makikita ng


madla si Donya Maria suot ang isang magandang damit habang
malungkot na nakatingin sa kanyang singsing.

Maraming mga puno sa kanyang paligid at ipakikita ang isang munting


tahanang yari sa bato sa kanyang likuran.

Donya Maria: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang
iyong mahal na prinsesa kung ikaw ay magpapakasal kay
Donya Leonora?

Mamasdan ang singsing at hihiling sa kanyang singsing na tila naiiyak


pa.

Donya Maria: Mahiwagang singsing, ako’y bigyan ng isang magandang


karosa...

Lalabas ang karosa. May labindalawang kabayo at labindalawang


kabataang lalaking maganda ang tindig na nakatayo sa tabi ng karosa.

Ikaapat na Markahan | 150


4. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (BE A SCRIPTWRITER, BE AN ACTOR)


Pipili ang bawat pangkat ng isang aralin sa Ibong Adarna at igagawa iyon ng
iskrip. Maaari ring gawing batayan ang ipinasaliksik na mga paraan at mga
dapat tandaan sa pagsulat ng iskrip ng isang dulang pantanghalan. Matapos
gumawa ng iskrip ay itatanghal ng bawat pangkat ang aralin sa Ibong Adarna
na kanilang napili.
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN
Di-gaanong
BATAYAN Napakahusay Mahusay
Mahusay
Di-gaanong
Nagpapakita ng
Lubos na nagpapakita ng nagpapakita ng
ORIHINALIDAD AT orihinalidad ang
orihinalidad ang isinulat orihinalidad ang
NILALAMAN isinulat na iskrip at
na iskrip at naaayon sa isinulat na iskrip at di-
(5) naaayon sa paksang
paksang napili.(5) gaanong kaugnay ng
napili.(3)
paksang napili. (2)
Di-gaanong
Lubos na gumagamit ng Ang mga salita at
nagpapakita ng
KAISAHAN AT mga salita at pangungusap na
kaisahan at
PAGKAKAUGNAY- pangungusap nang may ginamit sa iskrip ay
pagkakaugnay-ugnay
UGNAY kaisahan at may kaisahan at
ang mga salita at
(3) pagkakaugnay-ugnay. pagkakaugnay-ugnay.
pangungusap na
(3) (2)
ginamit sa iskrip.(1)
WASTONG ANG Lubos na malinaw at Malinaw at wasto ang HIndi malinaw at hindi
BALARILA/ wasto ang paggamit ng paggamit ng balarila/ wasto ang paggamit
GRAMATIKA balarila/ gramatika. gramatika. ng balarila/gramatika.
(2) (2) (1) (0)
KABUUAN (10)

5. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

7. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro

ANALISIS

1. Nakatulong ba ang mga mahahalagang impormasyong inyong nakalap sa


pagsusulat ng isang maayos na iskrip para sa araling inyong napili?
Paano?
2. Paano ninyo isinulat ang iskrip ng araling inyong napili? Isa-isahin ang
mga naging hakbang sa pagbuo nito.
3. Magbigay ng mga mungkahing paraan ng tamang paggawa ng isang
iskrip.
4. May maganda bang naidudulot ang pananaliksik sa pagbuo ng isang

Ikaapat na Markahan | 151


isang maayos na iskrip ng isang dulang itatanghal? Ipaliwanag ito.
5. Paano nakatutulong ang isang iskrip sa isasagawang pagtatanghal ng
isang dula? Ipaliwanag.

Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)

PAGSULAT NG ISKRIP NG DULANG PANTANGHALAN

Isa sa pinakamahalagang sangkap ng dula ay ang iskrip. Ito ang


nakasulat na bersiyon ng mga salitang dapat sabihin o batayan sa
pagganap ng mga aktor sa dula. Ginagamit ito sa produksiyon at
programa. Mahalaga ang iskrip dahil ito ang gabay ng mga tagaganap o
aktor, ng direktor, ng taga-ayos ng musika, ng editor, at maging ng
technician.
Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isinasaalang-alang ang mga
elemento ng isang dula. Mahalaga ring alamin ang tatlong bahagi ng
pagsulat ng iskrip. Ito ay ang pre-writing, writing at re-writing stage.
Ayon kay Ricky Lee sa kanyang aklat na trip to Quiapo:
Scriptwriting Manual, ang pre-writing stage ay ang bahagi ng pag-iisip at
pagpaplano. Dito binubuo ang konsepto ng istorya, sino ang mga tauhang
gaganap kabilang ang bida at kontrabida, saang lugar o tagpuan gagawin
at anong banghay ang gagamitin. Pasok din sa bahaging ito kung anong
paksa ng iskrip.
Pagkatapos ng pre-writing stage ay maaari nang magsimulang
sumulat. Ito na ang tinatawag na writing stage. Sa simula ng pagsulat ng
iskrip ayon kay Ricky Lee ay makabubuting sumulat muna ng sentence
outline. Ang sentence outline ay isang de-numerong pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa istorya. Hindi mga deskripsyon, hindi mga iniisip ng
tauhan, kundi ang eksena.

Halimbawa ng sentence outline:


1. Nasa nayon si Maria Blanca at nalaman niya sa pamamagitan ng
kanyang mahiwagang singsing ang nalalapit na pag-iisang dibdib n
ina Don Juan at Donya Leonora.
2. Humiling si Donya Maria sa kanyang mahiwagang singsing ng
isang magandang karosa at kasuotang pang-emperatriz.
3. Umalis si Donya Maria Blanca sakay ng magandang karwahe.

Kapag nagawa na ang sentence outline ay repasuhin ito at pinuhin.


Sa bahaging ito ay maaari nang buoin ang iskrip kasama ang tauhang
magsasalita, mga props, eksena at iba pa.
Kapag natapos na ang pagsusulat ay muling basahin ang nabuong
iskrip. Ipabasa sa ibang tao at ipa-kritik sa lalo pang ikagaganda ng iskrip.
Tandaang sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isaalang-alang ang
mga natutuhan sa gramatika at retorika.Upang madagdagan pa ang iyong
kaalaman tungkol sa pagsulat ng iskrip ay gumawa ng isang sistematikong
Ikaapat na Markahan
pananaliksik | 152dito.
tungkol

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 ni Elma M. Dayag


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (AKROSTIKS)


Gagawa ng isang akrostiks ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng
iskrip sa dulang pantanghalan.

I
S
K
R
I
P
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (THINK AND SHARE)


Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan ng guro.

Kung papipiliin ka sa mga tauhan ng Ibong Adarna na kayang-kaya mong


bigyang-buhay ang pagbibitaw ng kanyang mga dayalogo sa iskrip, sino
iyon at bakit?

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ayon kay Ricky Lee sa kanyang aklat na Quiapo: Scriptwriting Manual,


ang mga sumusunod ang mga hakbang sa pagsulat ng iskrip ng isang
dulang pantanghalan. Alin ang hindi kabilang?

a. Baguhin mula sa simula kung may makikitang ilang mali sa ibang bahagi

Ikaapat na Markahan | 153


ng iskrip.
b. Pagrerebisa sa iskrip na binigyang-puna.
c. Pagbubuo sa istorya, kung sino ang mga tauhan at sino ang gaganap.
d. Pagsulat ng sentence outline.
2. Sa simula ng writing stage, kailangang gumawa muna ng de-numerong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa istorya, hindi mga
deskripsyon, hindi mga iniisip ng tauhan, kundi ang eksena. Ano ang
tawag dito?
a. Topic sentence c. Main Idea
b. Sentence Outline d. Daft

3. Kapag dumaan na sa pagpuna ang naisulat na iskrip at iyon ay napino na,


sa aling bahagi muling isusulat ang nasabing iskrip upang mas
maunawaan at mas madaling itanghal?
a. Pre-writing stage c. Revision stage
b. Re-writing stage d. Writing stage

4. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng iskrip ng


dulang pantanghalan. Alin ang hindi kabilang dito?
a. Isaalang-alang ang mga natutuhan sa gramatika.
b. Magsagawa ng sistematikong pananaliksik.
c. Tandaan ang mga elemento ng isang dula.
d. Mas bigyang-pansin ang iisipin at ikikilos ng tauhan.

5. Sa aling bahagi nagaganap ang lahat ng pagpaplano hinggil sa gagawing


iskrip?
a. Pre-writing stage c. Revision stage
b. Re-writing stage d. Writing stage

Sagot:
A B B D A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Basahing muli at unawain ang nilalaman ng Ibong Adarna.


Pangkat 1: Kaharian ng Berbanya at Bundok ng Tabor
Pangkat 2: Bundok ng Armenya

Ikaapat na Markahan | 154


Pangkat 3: Reino delos Cristales
Pangkat 4: Pagbabalik sa Berbanya at Masayang Wakas
2. Humanda sa pagsulat ng iskrip na gagamitin sa malikhaing pagtatanghal
ng mga araling naiatas sa inyong pangkat.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IVj-23)


 Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip.

PAGSULAT (PU) (F7PU-IVe-f-23)


 Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang
pagtatanghal.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IVh-i-25)


 Nabibigyang-puna/mungkahi ang nabuong iskrip na gagamitin sa
pangkatang pagtatanghal.

II. PAKSA

Wika: Pagsulat ng Iskrip


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya:PICTURE SEQUENCING)


Sa tulong ng mga larawan sa ibaba, pagsunod-sunorin ang mga
pangyayari sa koridong Ibong Adarna. Matapos maiayos ang mga
larawan, isasalaysay ng mag-aaral ang buod ng akda.

Ikaapat na Markahan | 155


2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang


pagtatanghal.

ROLE: Scriptwriter ka ng inyong pangkat

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro na magbibigay-puna sa iskrip

SITUATION: Naatasan kang sumulat ng iskrip na gagamitin para sa


Ikaapat na Markahan | 156
pagsasadula ng Ibong Adarna bilang kailanganin sa
asignaturang Filipino.
.
PRODUCT: Iskrip ng bahagi ng Ibong Adarna na naiatas sa inyong
pangkat.

Pangkat 1: Kaharian ng Berbanya at Bundok ng Tabor


Pangkat 2: Bundok ng Armenya
Pangkat 3: Reino Delos Cristales
Pangkat 4: Pagbabalik sa Berbanya at Masayang Wakas

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na Di-gaanong
Nagpapakita ng
nagpapakita ng nagpapakita ng
orihinalidad ang
ORIHINALIDAD AT orihinalidad ang orihinalidad ang
isinulat na iskrip at
NILALAMAN isinulat na iskrip at isinulat na iskrip at
naaayon sa
(5) naaayon sa paksang di-gaanong kaugnay
paksang ibinigay.
ibinigay. ng paksang ibinigay.
(3)
(5) (2)
Di-gaanong
Lubos na gumagamit Ang mga salita at nagpapakita ng
ng mga salita at pangungusap na kaisahan at
KAISAHAN AT
pangungusap nang ginamit sa iskrip ay pagkakaugnay-
PAGKAKAUGNAY-
may kaisahan at may kaisahan at ugnay ang mga
UGNAY
pagkakaugnay- pagkakaugnay- salita at
(3)
ugnay. ugnay. pangungusap na
(3) (2) ginamit sa iskrip.
(1)
Lubos na malinaw at HIndi malinaw at
Malinaw at wasto
WASTONG ANG wasto ang paggamit hindi wasto ang
ang paggamit ng
BALARILA/GRAMATIKA ng balarila/ paggamit ng
balarila/ gramatika.
(2) gramatika. balarila/gramatika.
(1)
(2) (0)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga iskrip na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagbibigay-puna/ mungkahi ng guro sa iskrip na isinulat.

5. Muling pagpapasulat sa iskrip na ginawa ng mga mag-aaral batay sa


mga puna/ mungkahi ng guro.

IV. KASUNDUAN

Ikaapat na Markahan | 157


1. Pag-aralan ang isinulat na iskrip, saulohin ang mga linya ng mga tauhan
sa Ibong Adarna na iyong gagampanan.
2. Humanda sa malikhaing pagtatanghal ng mga naisulat na iskrip ng mga
bahagi ng Ibong Adarna.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSASALITA (F7PS-IVj-23)
 Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na
naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.

II. PAKSA

Pangwakas na Gawain: Pagtatanghal ng Ibong Adarna


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 3 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (LINYA MO, IBATO MO)


Ang bawat isang pangkat ay pipili ng pinakamahusay na aktor/ aktres na
magbibigay ng pamosong linya ng tauhang ginagampanan ng aktor/ aktres
na iyon.

2. Pagtalakay sa Isasagawang Pagtatanghal sa Tulong ng GRASPS

GOAL: Makapagsagawa ng malikhaing pagtatanghal batay sa


iskrip na natapos o nabuo ng inyong pangkat tungkol sa
napiling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng
pagpapahalagang Pilipino nang sa gayon ay mas makilala,
mapahalagahan at maisabuhay ito lalo na ng kabataang
mag-aaral
Ikaapat na Markahan | 158 na kagaya mo.
ROLE: Ikaw ay kabilang sa mga magtatanghal.

AUDIENCE: Guro at iba pang mag-aaral sa inyong antas.

SITUATION: Gustong makita ng mga kamag-aaral at guro ang natapos


na iskrip ng inyong grupo upang makahikayat lalo na sa
mga kabataan na pahalagahan at basahin ang mga akdang
pampanitikang kagaya ng Ibong Adarna.
.

PRODUCT: Makapagsagawa ng malikhaing pagtatanghal sa klase.

STANDARD: RUBRIKS NG PAGTATANGHAL


Makatotohanan at Makatotohanan at Di-gaanong
Napakamakatotohana
maayos ang mahusay ang makatotohanan ang
n at napakahusay ng
pagkakaganap at pagkakaganap ng pagkakaganap ng
pagkakaganap ng mga
malinaw ang mga tauhan sa mga tauhan sa
tauhan sa isinagawang
pagbigkas ng mga isinagawang isinagawang
pagtatanghal.
tauhan. pagtatanghal pagtatanghal.
(4)
(4) (3) (1)
Nakapagpapabatid at Lubos na Nakapagpabatid at
nakapaglalarawan sa nakapagpabatid at nakapaglarawan ng Di-gaanong kinakitaan
mga manonood ng nakapaglarawan ng ilang ng pagpapahalagang
mga mga pagpapahalagang pagpapahalagang Pilipino ang naging
pagpapahalagang Pilipino ang naging Pilipino ang naging pagtatanghal.
Pilipino. pagtatanghal. pagtatanghal. (1)
(4) (4) (3)
Lubos na napukaw Di-gaanong napukaw Hindi napukaw ang
Nakapupukaw at ang interes ng mga ang interes ng mga interes ng mga
malakas ang dating manonood sa manonood sa manood sa
sa mga manonood. isinagawang isinagawang isinagawang
(2) pagtatahal. pagtatanghal. pagtatanghal.
(2) (1) (0)
KABUUAN (10)

3. Pagtatanghal ng mga mag-aaral.

4. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang


pagtatanghal.

5. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks

Ikaapat na Markahan | 159


na ibinigay ng guro.

IV. KASUNDUAN

1. Manood sa youtube ng ilang mga naging pagtatanghal ng Ibong


Adarna at suriin ito. Magkaroon din ng paghahambing sa isinagawang
pagtatanghal ng mga pangkat sa klase.

2. Humanda para sa Mahabang Pagsusulit.

SANGGUNIAN
Aklat

IBONG ADARNA AT ANG TATLONG PRINSIPE, Roselyn Salum et. al


PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Internet

https://iamcarlitorobin.wordpress.com/2011/10/05/ang-makulay-na-mundo-ng-
dula/

Videos

https://www.youtube.com/watch?v=3-1YFSuIPBs
https://www.youtube.com/watch?v=ginZYkujIxU
https://www.youtube.com/watch?v=f4PvE9sDo_A
https://www.youtube.com/watch?v=1l3OjNPA8SU
https://www.youtube.com/watch?v=UlRmkBuaibo
https://www.youtube.com/watch?v=mY1ayzi209Q
https://www.youtube.com/watch?v=LNc4JpAZVeg
https://www.youtube.com/watch?v=6NJccB1WrOo
https://www.youtube.com/watch?v=ziRfO2ZeA4k
https://www.youtube.com/watch?v=dmSMBcOQbe0

Ikaapat na Markahan | 160


Ikaapat na Markahan | 161

You might also like