You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 9


QUARTER 4, WEEK 2

BUOD NG NOLI ME TANGERE


DR. JOSE P. RIZAL

MELCs: 1. Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad/pagkakaiba ang binasang


akda sa ilang napanood na telenobela. (F9PD-IVa-b-55)

2. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at


sa nakararami. (F9PS-IVa-b-58)

3. Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik. (F9PU-IVa-b-58)

Prepared by:

JENNA MAE M. PUNGTILAN


Teacher I
Pagtatalakay Pangnilalaman

Buod ng Noli Me Tangere

Pagkatapos ng pitong taong pag-aaral sa Europa ay bumalik sa Pilipinas ang


binatang si Juan Crisostomo Ibarra. Dahil dito’y naghandog ng piging si Kapitan
Tiyago kung saan inanyayahan niya ang ilang kilalang tao sa kanilang lugar. Sa
piging ay hinamak ni Padre Damaso si Ibarra ngunit sa halip na patulan ay
magalang na lamang itong nagpaalam sa kadahilanang siya ay may mahalaga pang
lalakarin.

Si Ibarra ay may magandang kasintahan, siya si Maria Clara na anak-anakan


ni Kapitan Tiyago. Dinalaw ni Ibarra ang dalaga kinabukasan pagkatapos ng piging.
Inalala nila ang kanilang pagmamahalan at maging ang mga lumang liham bago pa
mag-aral sa Europa si Ibarra ay muling binasa ni Maria Clara.

Sa daan bago umuwi si Ibarra ay inilahad ni Tinyente Guevarra ang sinapit ng


ama ng binata na si Don Rafael Ibarra na noon ay isang taon nang namayapa. Ayon
sa Tinyente, pinaratangan ni Padre Damaso si Don Rafael na isang Erehe at
Pilibustero dahil hindi umano ito nagsisimba at nangungumpisal. Nangyari ang lahat
ng ito matapos ipagtanggol ni Don Rafael ang isang bata sa kamay ng isang
kubrador na aksidenteng nabagok ang ulo kaya namatay. Dahil sa pangyayaring
iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon habang nakakulong ang Don. Nagsilabas din
ang ilan sa mga lihim na kaaway ni Don Rafael at pinaratangan pa ng kung anu-ano.
Labis na naapektuhan ang kanyang ama sa mga pangyayaring iyon kaya naman
habang nakakulong, siya ay nagkasakit at iyon ang naging dahilan ng kanyang
kamatayan. Di pa nakuntento si Padre Damaso at ipinahukay ang labi ni Don Rafael
upang ipalipat sa libingan ng mga Instik. Dahil sa malakas na ulan ng panahong
iyon, sa halip na mapalipat ay itinapon na lamang ang bangkay sa lawa.

Imbes na maghiganti, ipinagpatuloy ni Ibarra ang nasimulan ng kanyang ama.


Nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan. Noong babasbasan na ang
paaralan ay muntikan ng mapatay si Ibarra kung hindi lamang siya nailigtas ni Elias.
Sa halip na si Ibarra, ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata ang siyang
namatay. Muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata. Hindi na sana ito
papansinin ni Ibarra ngunit ng kanyang ama na ang hinahamak nito ay ‘di siya
nakapagpigil at tinangkang sasaksakin ang pari. Napigilan lamang siya ng
kasintahang si Maria Clara. Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag ng Arsobispo sa
simbahang katoliko si Ibarra. Sinamantala ni Padre Damaso ang pangyayaring iyon
at iniutos sa ama-amahan ni Maria Clara na huwag ituloy ang pagpapakasal ng
dalaga kay Ibarra. Sa halip ay kay Linares na isang binatang Kastila umano ipakasal
ang dalaga.

Dahil sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagka-


eskomulgado ni Ibarra at muli siyang tinanggap sa simbahan. Ngunit sa di
inaasahang pagkakataon ay muli siyang hinuli at ikinulong dahil naparatangan
siyang nanguna umano sa pagsalakay sa kuwartel.

Habang ginaganap ang handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago para sa


kasunduang pagpapakasal nina Linares at Maria Clara ay nakatakas si Ibarra sa
tulong ng kanyang kaibigan na si Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroon ng
pagkakataong makapag-usap ng lihim sina Ibarra at Maria. Isinumbat niya sa dalaga
ang liham na ginamit ng hukuman laban sa kanya ngunit mariin itong itinanggi ni
Maria. Aniya’y inagaw lang umano sa kanya ang liham ng binata kapalit ng liham ng
kanyang ina na nagsasabi na si Padre Damaso ang tunay niyang ama. Dagdag pa
ng dalaga, kaya raw umano siya magpapakasal kay Linares ay para sa dangal ng
kanyang ina. Ngunit ang pagmamahal niya kay Ibarra ay di magbabago kailanman.

Pagkatapos nito’y tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa


bangka at tinunton ang Ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa. Pinahiga ni Elias
si Ibarra at tinabunan ng damo. Ngunit naabutan sila ng tumutugis sa kanila. Naisip
ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa kanila. Pagkaraan ay lumundag siya sa
tubig at inakala ng mga humahabol sa kanila na ang lumundag ay si Ibarra.
Pinagbabaril si Elias hanggang sa ang tubig ay magkulay dugo.
Nabatid ni Maria Clara ang di umano’y pagkamatay ni Ibarra. Nalungkot siya
at nawalan ng pag-asa kaya hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok na lang siya
sa kumbento dahil kung hindi ay wawakasan na lamang niya ang kanyang buhay.

Natunton ni Elias ang maalamat na gubat ng mga Ibarra. Dito ay nakita niya si
Basilio at ang kanyang walang buhay na ina na si Sisa. Noche Buena na noon
samantalang si Elias ay sugatan at hinang-hina. Bago pa siya nalagutan ng hininga
ay nasabi niya na kung hindi man daw niya makita ang bukang-liwayway sa sariling
bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa
dilim ng gabi. Iyon ang huling mga salitang lumabas sa bibig ni Elias.

Source: https://pinoycollection.com/noli-me-tangere-buod-ng-buong-kwento/

SI DR. JOSE RIZAL

Isinilang ang tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi na si Dr.


Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda noong Hunyo 19, 1861 sa
Calamba, Laguna. Bunga siya ng pagmamahalan ng mga magulang na sina Don
Francisco Mercado Rizal (1818-1998) na tubong Biñan, Laguna na isinilang noong
May 11, 1818 at si Donya Teodora Alonso Realonda (1826-1911) na tubong Maynila
na isinilang noong Nobyembre 8, 1826 at namatay noong Agosto 16, 1911.
Sinasabing si Rizal ay mula sa angkan ng isang nagngangalang Domingo Lam-co
na isang dayuhang Intsik mula sa Distrito ng Chinchew, Fookien, Tsina.

Biniyayaan ang kaniyang mga magulang ng labing-isang supling. Ang mga ito
ay sina Saturnina (1850-1913), Paciano (1851-1930), Narcisa (1852-1939). Olympia
(1855-1887), Lucia (1857-1919), Maria (1859-1945), Jose (1861-1896), Concepcion
(1862-1865), Josefa (1865-1945), Trinidad (1868-1951), at Soledad (1870-1929).
Bininyagan si Rizal sa bayang ito noong Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino Collantes
at ang tumayong ninong ay si Padre Casañas.

Bilang pagsunod sa batas na pinairal ni Gob. General Narciso Claveria noong


1849, napalitan ang apelyido ng mga Pilipino, ang mga Alonso ay nagdagdag ng
Realonda at ang Mercado naman na ibig sabihin ay “market” ay pinili ang Rizal na
nangangahulugang “green field o new pasture” o mula sa bigas o palay o luntiang
bukirin.

Kabilang sina Rizal sa mayamang angkan sa Laguna. Katunayan, ang


kanyang ama ay namumuwisan sa lupain o asyenda ng mga Dominikano sa
Calamba. Nakapagpatayo sila ng isang malaki, matibay at marangyang bahay sa
lugar na ito.

Noong tatlong taong gulang siya, natutunan niya ang abakada sa kanyang
ina. At noong siyam na taong gulang siya, nag-aral naman siya sa Biñan sa
pangangalaga ni Maestro Justiniano Aquino Cruz. Noong 1871, siya ay nagpatala
sa Ateneo de Manila upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Limang taon siyang
namalagi doon at nagtapos noong Marso 14, 1877 ng Bachilles en Artes. Taong
1878 nang mag-aral sa University of Santo Tomas ng Medisina ngunit hindi naging
masaya ang pag-aaral dito kaya lingid sa kaalaman ng mga magulang, kumuha siya
ng ticket sa barkong SS Salvador patungong Espanya sa tulong ng kaibigang si
Chenggoy (Jose Cecilio). Sa Universidad Central de Madrid ipinagpatuloy ang pag-
aaral sa kursong Medisina at Filosofia y Letras. Taong 1884, naging lisensiyado siya
sa Medisina. At noong Hunyo 19, 1885 naging lisensiyado naman siya sa Filosofia y
Letras.

Dahil sa kanyang pagsulat ng kanyang nobela, marami ang naging banta sa


kanyang buhay, muli siyang inusig at ipinatawag sa Malacañang. Sa kanyang
pangingibang-bansa, marami siyang naging karanasan at nakilalang bagong
kaibigan, subalit sa kagustuhang makatulong din sa mga kababayan, bumalik siya
sa Pilipinas kahit alam niyang nanganganib ang kanyang kalayaan at kaligtasan.
Noon ngang Hunyo 26, 1892, muli siyang bumalik sa Pilipinas ngunit makailang
araw pa lamang siyang nasa bansa ay agad na siyang pinatawag sa palasyo at
sinabing may mga natagpuan daw silang babasahin sa kanyang higaan na
kumukutya sa mga prayle.

Hinuli siya noong Hulyo 6, 1892 at siya ay ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo
15, 1892 sa bintang na sedisyon, rebelyon at pagtatatag ng ilegal na samahan.

Dinala siya sa Fort Santiago noong Nobyembre 3, 1896 at sinimulan siyang


litisin ng Hukumang Militar sa pamumuno ni Hukom Enrique Alcover ng Cartero de
Espanya. Sa pagsisikap ng kanyang tagapagtanggol na si Tenyente Luis Taviel de
Andrade sa akusasyon sa kanya, hinatulan siya ng kamatayan.

Isinulat niya sa piitan ang Mi Ultimo Adios at ito ay itinago niya sa lamparang
de alcohol. Bago siya barilin, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang
huling akda kay Trinidad. Ibinigay naman niya kay Josephine Bracken na kanyang
asawa ang Imitation of Christ ni Thomas Kempis at ang kanyang sinturon ay iniabot
kay Mauricio na kanyang pamangkin. Binaril siya noong Disyembre 30, 1896 sa
Bagumbayan.

Inilibing siyang palihim sa sementeryo ng Paco at binaligtad pa ang mga


unang letra ng kanyang pangalan sa takot ng pamahalaan na magkaroon ng
kaguluhan. Noong Agosto 17, 1898, ipinahukay ng kanyang mga kapatid ang
kanyang libing at natuklasang inilibing si Rizal nang walang ataul.

Source: ML, Mga Obra Maestrang Filipino, 81-82.


Pangalan: _____________________ Petsa: ____________________

Baitang/ Pangkat: _______________ Iskor: _____________________

Simulan Mo

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Ilagay
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?

a. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda


b. Jose Protacio Rizal y Mercado Alonso Realonda
c. Jose Protacio Rizal Mercado y Realonda Alonso
d. Jose Protacio Rizal Mercado Realonda y Alonso

2. Bakit nagdagdag ng Realonda at Mercado sa apelyido nina Rizal?

a. Dahil inuusig si Rizal ng pamahalaan


b. Dahil sa batas na pinairal sa ating bansa
c. Dahil kailangan ito sa kaniyang pangingibang bansa
d. Wala sa nabanggit

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ibinintang kay Rizal nang
ipatapon siya sa Dapitan?

a. sedisyon c. libel
b. pagtatatag ng ilegal na samahan d. rebelyon

4. Bakit ipinatapon si Rizal sa Dapitan?

a. Nagtatag siya ng samahang La Liga Filipina.


b. Nagsulat siya ng akdang tumutuligsa sa mga Espanyol.
c. Nagpatayo siya ng sariling simbahan na may sariling relihiyon.
d. Napagbintangan siyang nagnakaw ng mga papeles sa simbahan.
5. Ano ang naging epekto ng kanyang pagsusulat ng akdang Noli Me Tangere sa
kanyang buhay?

a. Nakilala siya sa ibang bansa.

b. Nakatulong siya sa kaniyang pamilya.

c. Nagkaroon ng pagbabanta sa kanyang buhay

d. Napagamot niya ang kanyang inang may sakit

Unawain Mo

Panuto: Magbalik-tanaw sa isang telenobelang napanood mo na. Gamit ang tsrat sa


ibaba, patunayan na ito ay may pagkakaiba o pagkakatulad sa tema ng nobelang
Noli Me Tangere.

Pamagat Pamagat

Pagkakaiba
1. 1.

2. 2.

3. 3.

Pagkakatulad
1. 1.

2. 2.

3. 3.
Subukin Mo

Panuto: Ilahad ang iyong sariling pananaw, kongklusyon, at maaaring maging bisa
ng akdang Noli Me Tangere sa iyong sarili at maging sa buhay ng iba pang
kabataang tulad mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makikita sa
ibaba. Ilagay ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Batay sa iyong sariling pananaw, ano-ano kayang mga pagpapahalaga o


mga gintong kaalaman ang iyong matututuhan sa akdang Noli Me Tangere?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Bumuo ka ng isang kongklusyon kung bakit mahalagang matutuhan ng


kabataang tulad mo ang akdang Noli Me Tangere?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring maging bisa o epekto sa iyo at
maging sa iba pang mga kabataang Pilipinong katulad mo ang pag-aaral ng
walang kamatayang nobelang ito?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
_________________________________________________________
Isagawa Mo

Panuto: Magsaliksik ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng Noli Me Tangere partikular na sa naging buhay ni Dr. Jose P.
Rizal nang kanyang isulat at ipalatahala ang kanyang akda. Gawan ng paglalagom
ang inyong nasaliksik. Ilagay ang sagot sa iyong sagutang papel.

Laang Aking
Mga Pamantayan
Puntos Puntos

Nakapagsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol sa


kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Nakapagsaliksik ng bago at karagdagang impormasyon


tungkol sa buhay ni Rizal nang isulat niya ang nobela

Nakagawa nang maayos at komprehensibong paglalagom


batay sa pananaliksik

5- Napakahusay 2- Di-Mahusay
4- Mahusay 1- Maraming Kakulangan
3- Katamtaman
SUSI SA PAGWAWASTO

1. a 2. b
Simulan Mo
3. c 4. a 5. c

Unawain Mo Iba-iba ang sagot

Subukin Mo Iba-iba ang sagot

Isagawa Mo Iba-iba ang sagot


TALASANGGUNIAN

Aklat:

Julian, Ailene B. et,al. Pinagyamang Pluma 9 Aklat 2. 927 Quezon Ave., Quezon
City. PHOENIX PUBLISHING, INC.

Lopez, M. Mga Obra Maestrang Filipino. 3 P Hernando St., Laoag City. ROVELYN’S
COPY CENTER @ INTERNET CAFÉ

Website:

Noli Me Tangere Buod ng Kuwento, Retrieved from


https://pinoycollection.com/noli-me-tangere-buod-ng-buong-kwento/ on May 7,
2021.

You might also like