You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG BUTAS SA SARANGANI BAY

Noong panahon, ang probinsya ng Sarangani ay isang matahimik na lugar. Ang mga matatanda ay
nagtatrabaho sa kanilang mga lupain at isdaan. Sila rin ay nagsasaya sa gabi. Ang mga bata naman ay
tumutulong sa kanilang mga magulang sa bukid at dagat at nakikipaglaro kasama ng kanilang mga kaibigan.
Umasenso rin ang mga tagarito sa negosyo ng mga iba’t ibang produkto sa kanilang mga katabi na bayan.
Masayang-masaya talaga ang buhay ng mga taga-Sarangani.

Ngunit, isang araw, galit na sumigaw si Haring Nyma – ang hari ng Sarangani – sa isa sa kanyang mga
magsasaka sa kanyang bukid. Nagalit ang hari sa balitang natanggap niya galing sa magsasaka. May nanakaw
na gulay galing sa bukid niya. Lumabas ang bruha ng hari sa kanyang kwarto at nagsabi na ang magnanakaw ay
isang binatang taga-Cotabato na nakatira sa lungsod ng Polomolok. Nang marinig ito, matulin na pumunta si
Haring Nyma sa Cotabato.

Nako! Ang mga taong nakatira sa Polomolok ay nainis sa mga taga-Sarangani. Hindi sila naniwala sa
mga kwento ni Haring Nyma tungkol sa mga nanakaw ng gulay. Tinawagan ng mga taga-Cotabato ang
kanilang Hari at bruha. Narinig ng bruhang (pangalan ay “Crista”) ang kanilang mga tawag at mabilis na
nagsimulang sumayaw at kumanta para gisingin ang higanteng nakatulog sa sahig ng dagat – si Malakay. Hindi
nagtagal nagising si Malakay at tumayo sa dagat. Sa galit at inis na siya’y inistorbo sa kanyang paghinga,
naglakad siya ng isang hakbang papunta sa lupa. Ang lupang natapakan niya

ay lumubog sa tubig. Subalit, paglapit niya sa Sarangani, narinig niya ang mga dasal ng mga tauhan rito.
Dito niya nalaman na onesto ang hari sa kanyang mga kwento at bumalik sa dagat para matulog uli.

Sa una, hindi naintindihan ng mga tao bakit hindi tinuluyan ni Malakay ang kanyang pagsugod at
pagwasak ng buong bayan. Nagisip at nagisip ang mga bruha hanggang makarating sa realisasyon at
konklusyon na narinig ng higante ang mga dasal ng mga tauhan at nalaman ang katotohanan tungkol sa
nangyari sa gulay ni Haring Nyma.

Ang lupang lumubog sa hakbang ni Malakay ay ngayong tinatawag na Sarangani Bay.


ANG ALAMAT NG MALAPATAN

Noong unang panahon ang tribong bla’an ay palipat-lipat ng tirahan kung saan masagana ang panananim ay
doon sila titira ngunit paghindi na kayang punan ang kanilang pangangailangan sila’y lilipat na naman sa ibang
lugar. Hanggang isang araw sa kanilang paglipat natuntun nila ang isang lugar na kung saan masagana ang
pananinim na sili. Ang pananim na sili ang kanilang agad na napansin kaya ito’y kanilang tinikman at
sakanilang pagtikim nakaramdam silang umiinit ang kanilang bibig at naanghangan sila pero kahit ganun ang
lasa, ito’y nagustuhan nila. Kaya kanilang napagdesisyonan na sa lugar naiyon nanaman sila manirahan. Ang
kanilang pananatili sa lugar ay naging matiwasay. Araw-araw madami ang kanilang naani sa kanilang mga
pananim lalong lalo na sa kanilang pananim na sili. Kaya napagpasyahan nila na sa lugar naiyon na manatili.
Ang lugar ay wala paring pagkakakilanlan kaya kanila itong binigyan ng pangalan dahil sa mga biyayang hatid
sa kanila ng lugar. Ito’y kanilang pinangalanang Malafatan. “Mala” dahil ang pananin na sili ang kanilang
nadatnan sa lugar. Ang Mala ay sili ang ibig sabihin sa kanilang lenggwahe. Ang Fatan naman ay may ibig-
sabihin na Lugar. Malafatan lugar kung saan matatagpuan ang masaganang pananim na mga sili. Ngunit habang
nagbabago ang panahon at dumadami ang mga naninirhan sa lugar ang pangalang MALAFATAN ay pinalitan
ng MALAPATAN.

You might also like