You are on page 1of 4

Buod ng Biag ni Lam- ang (Epikong Ilokano)

Narrator:Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag- asawang kilala sa
pangalang Don Juan at Namongan.

Narrator:Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at
pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan.

(Digmaan)

*Pagkatapos ng Digmaan

Don Juan:Anong nangyari dito?

Tauhan:Tu….tu..tulong

Don Juan:Sinong May kagagawan nito sainyo?

Tauhan:Ang mag Igorot

Don Juan:Ipaghihiganti ko kayo!

Narrator:Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan
niya.

Namongan:Mahal san ka pupunta?

Don Juan:Pupuntahan ko ang mga Igorot at papatayin ko silang lahat

Namongan:Mahal masyadong delikado

Don Juan:Hindi mo ko mapipigilan

Namongan:Mahal Wag!

Narrator: Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng
mga Igorot.

Marites No.1:Alam niyo ba ang bali-balita na pinugutan daw ng ulo si Don Juan

Marites No.2:Ano?!

Marites No.3:Totoo nga daw

Narrator:Isinilang ni Namongan ang kanyang anak.

Namongan:Manang tila ako ay manganganak na

Manang:Ano?!Tayoy magmadali ng pumunta sa kumadrona

Manang:Manang manganganak na yata si Namongan


Kumadrona:Halikanat pumasok ka na

(Nanganganak si Namongan)

Narrator:Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang
pumili ng kanyang magiging ninong.

Namongan:Oh aking anak ano kaya ang ipapangalan ko sayo?

Lam-Ang:Oh Inay ang gusto kong pangalan ay Lam-Ang

Namongan:Anak paano ka nakakapagsalita sa edad na yan?

Narrator:Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki
na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay
nagpilit din si Lam-ang na makaalis.

Namongan:Anak tila ako pa rin ay namamangha sa iyong kalakasan

Lam-ang:Inay ano ba talaga ang nangyari sa aking ama?

Namongan:Isang araw sinugod tayo ng mga igorot at pinatay ang mga tauhan ng iyong ama sa sobrang
galit niya ay pumunta siya sa nayon ng mga Igorot upang patayin silang lahat ngunit ang bali-balita ay
pinugutan siya ng ulo.

Lam-ang:Inay isinusumpa ko na ipaghihiganti ko ang aking ama

Namongan:Wag anak baka matulad ka sa iyong ama

Lam-ang:Patawad Inay ngunit hindi mo ako mapipigilan

Narrator:Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng
kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni
Lam- ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na
nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama.

Narrator: Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakitaniya ang ulo
ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan.Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng
mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas
si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. it Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't
dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang
nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos.
Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na
pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Lam-Ang:Ama!

Igorot:Anong ginagawa mo dito hangal


Igorot:Huwag kang lumapit kung ayaw mong matulad sa iyong ama

Lam-Ang:*Sumigaw ng malakas

(Digmaan)

Narrator:Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu.
Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang
mga igat at alimasag sa pampang.

Narrator:Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa


isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at
mahiwagang aso. Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang.
Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.

Sumarang:*Sinigawan si Lam-Ang

Lam-Ang:Huwag mo kong harangan Halimaw!

Lam-Ang:*Sumigaw ng sobrang lakas

Narrator: tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso
ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay.
Napansin si Lam-ang.

Narrator:Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam- ang si Ines. Hindi
naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na
kapantay ng kayamanan nina Ines.

Lam-Ang:Ginang maaari ko bang pakasalan ang iyong napakagandang anak?

Ginang:Maari binata

Ginoo:Ngunit sa isang kundisyon

Lam-ang:Kahit anong kundisuon pa yan gagawin ko ang lahat upang mapakasalan ang iyong anak

Ginang:Kailangan mo magbigay ng ginto na katumbas ng aming kayamanan

Lam-Ang:Masusunod Ginang

Narrator:Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni
Ines.

Lam-ang:Ito na po ang ginto,ngayon pwede ko na bang pakasalan ang iyong anak?

Ginoo:Maari mo nang pakasalan ang aming anak binata

Narrator:Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan.


Narrator: Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang
manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na
siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Ginoo:Binata bilang pagtupad sa ating tradisyon sumisid ka sa dagat at manghuli ng isdang rarang

Lam-ang:Masusunod Ama

Lam-Ang:Mahal pwede mo ba akong samahan sa aking misyon?

Ines:Oo Mahal

Lam-Ang:May pumasok na propesiya sa aking isipan na ako daw ay mamatay.Kaya ihahabilin ko saiyo na
ipasisid ang aking bangkay

Ines:Masusunod Mahal

Narrator:Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-
ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang.

Ines:Ikaw sumisid ka sa dagat at kunin mo ang bangkay ng aking minamahal.

Tauhan:Masusunod Ines

Narrator: Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang
aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.

Narrator:Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang
bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Narrator:Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang
maligaya sa mahabang panahon.

You might also like