You are on page 1of 3

Pamagat ng akda: Biag ni Lam-Ang

May-Akda:
Pedro Bukaneg

- Ama ng Panitikang Ilokano.


- Makatang pilipino
- Isinilang noong taong 1592.
- Bulag simula pag ka panganak.  
- Namatay noong taong 1630.

Mga Tauhan:
 Lam-ang – Bayani o bida sa epiko,malakas at matapang na
mandirigma may angking kapangyarihan.
 Namongan – Ina ni lam-ang na asawa ni Don Juan.
 Don Juan – Ama ni lam-ang na asawa ni Namongan na namatay sa
kamay ng mga igorot,isa siyang hasyendero.
 Ines Kanoyan – Ang babaeng inibig ni lam-ang at pinakasalan.
 Sumarang – Ang kumutya kay lam-ang,at karibal ni Lam-ang kay
ines.
 Igorote – Ang nakalaban ni lam-ang at pumaslang sa kanyang ama.
 Tandang at Aso – Ang kasamang hayod ni lam-ang na may taglay na
kapangyarihan ito ang bumuhay kay lam-ang matapos siyang
mamatay sa berkakan.
 Rarang – Isang uri ng isda na hinuli ng bagong kasal.
 Berkakan – Isang pating na kumitil o pumatay kay lam-ang.

Buod/Lagom ng katha:

Nagkaroon ng anak sina Don Juan at Namongan. Nilusob ng mga


Igorot ang tribo ni Don Juan na naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang
pangkat.

Dahil dito ay dumayo si Don Juan sa kuta ng mga Igorot upang


ipaghiganti ang kaniyang tribo.
Gayunman, hindi na nakabalik pa sa kailang lambak si Don Juan.
Naisilang naman ang anak nilang si Lam-ang na mayroong pambihirang
kakayahan. Nakapagsasalita na agad siya at mayroong kakaibang lakas.

Nalaman ni Lam-ang nangyari sa kaniyang ama kaya naman ninais niya


maipaghiganti ito.

Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.

Tutol man ang kaniyang inang si Namongan ay hindi naman siya napigilan.

Nagtungo siya sa kuta ng mga Igorot at nakita ang amang nakapiit.

Sinabihan siya ng mga Igorot na umuwi na lamang upang hindi matulad


sa kaniyang ama.

Ngunit sumigaw si Lam-ang at nayanig ang lupa.

Pinaulanan siya ng sibat ngunit hindi man lamang nagalusan. Hinugot niya
ang kaniyang sibat at dito ay nalupig ang puwersa ng mga Igorot.

Umuwi si Lam-ang sa kanilang lambak at nagpahinga. Sinuyo niya rin ang


isang dalagang si Ines Kannoyan.

Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na


manliligaw sa bahay ni Ines kaya''t inutusan nya ang kanyang tandang na
tumilaok.

Sa tinalok ng manok ay agad na nasira ang bahay ni Ines at namatay ang


lahat ng manliligaw.

Nagpaalam siya sa mga magulang nito na agad namang pumayag.

Kanailangan lamang niyang magdala ng panhik o alay na kapantay ng


kayamanan ni Ines.

Hindi sila binigo nito at nagdala ng dalawang barkong puno ng ginto. At


naikasal ang dalawa.
Lumipas ang maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang
manghuli si Lam-ang ng isdang "Rarang".

Isang obligasyon sa mga lalaking may asawa o bagong kasal ang humuli
nito.

Ngunit nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng


Berkahan.

Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang.

Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay.

Pagsusuri:
1. Unang sinulat noong 1640 ng isang bulag na manunula na si Pedro
Bucaneg.
2. Masyadong madugo ang kwento ang daming namatay ng mga tao pero
may tamis din naman sa dulo.
3. - Huwag agad agad mag dedesisyon kung ikaw ay galit o may sama ng
loob.
- Isipin muna ang magiging resulta bago gawin ang desisyon
- Hindi sa lahat ng bagat kaylangan ng dahas
- Mahalin ang magulang higit sa lahat
- pag minahal mo ang hayop,ibabalik nya ito sayo
4.medyo bitin ang kwento kung mas kaya habaan ang kwento
pahabain pa ito dahil maganda naman ang daloy ng kwento
Pede din palitan yung mga hayop sa kwento ng pambansang hayop ng
ating bansa tulad ng agila.

You might also like