You are on page 1of 3

BIAG NI LAM-ANG

Narrator: Sina Don Juan at Namongan ay mag asawa na taga-Nalbuan. Sa kanyang paglilihi, nakagiliwang
kainin ni Namongan ang mga hilaw na sampalok, pias (kamias), at daligan(balimbing),
gayundin ang mga hinog na bayabas, dalanghita at buko o murang niyog. Gustong-gusto
rin niya ang talaba, hipon, mga pagkain-kabibe, at mga damong dagat.

Namongan: Wow ang daming prutas, salamat Juan. Mmmmmm ang sarap!

Narrator: Sa ikapitong buwan ng kanyang pagbubuntis, humihiling si Namongan sa kanyang asawa ng


balitang, isang uri ng papag na mataas ang dakong ulunan.

Namongan: Juan maaari mo ba akong igawa ng maayos na mahihigaan. Narito ang larawan ng nais ko.

Narrator: Sa pamamagitan ng kidlat at kulog, naputol ni Don Juan ang mga kailangan kawayan ng
paggawa ng balitang. Upang hindi na mahirapan sa pagbubuhat, inutusan niya ang mga
kawayang magpauna na sa kanyang patungo kanilang looban.

Don Juan: Sa bisa ng isang kapangyarihan inuutusan ko kayo, mga kawayan mauna na kayo sa looban.

Kawayan: Masusunod aming kamahalan, bilis mauna na tayo sa looban! May iba pang inihanda si Don
Juan ang panggatong,tapayan,kalan, palayok, at panggamot ng mga dahon-lahat ay
kailangan sa panganganak ni Namongan. Pagkaraan ng paghahanda, humayo na si Don
Juan upang makipaglaban sa mga kaaawayna igorot.

Don Juan: Mahal na kabiyak ako muna ay aalis upang makipaglaban sa ating kaaway. Tandaan mo na
ginagawa ko ito para sa ating buong tribo.

Namongan: Mag-iingat ka Juan! Naway patnubayan ka ng mahal na bathala. Hinihintay ko ang iyong
pagbalik.

Narrator: Ngunit hindi na siya nakita mula noon.

Namongan: Ahhh manganganak na yata ako! Tulong! Tulongan niyo ako!

Narrator: Nagmamadali ang isang matandang maninisidna si Marcos na tumulong kay Namungan.

Marcos: Naku! Manganganak ka na nga! Sige kaya mo yan! Ayan malapit na, lalabas na siya!

Narrator: Matagumpay na isinilang si Lam-ang tulong ng matandang maninisid na si Marcos.

Katribo: Aba! Tignan niyo ang sanggol marunong na agad siya magsalita.

Narrator: Siya ang pumili ng kanyang pangalan at ang kanyang ninong sa binyag ang matandang si
Gibuan.

Lam- ang: Ina ako ba talaga ay lehitimo ninyong anak o isa lamang bastador?

Namongan: Huh! Huwag mong isipin yan Lam-ang dahil ikaw ay tunay naming anak ng iyong ama.

Narrator: Dahil sa pag-uusisa, walang nagawa ang ina at pinagtapat ang matagal na pagkawala ng
kanyang ama.

Lam- ang: ( Nalungkot) Bakit ang tagal niya bago bumalik? Ano na kaya ang nangyari sa aking ama?

Narrator: Nang mabatid ang pagtungo ng ama sa bundok, naisip na tungkulin niyang tiyakin ang naging
kapalaran ng ama. Nagpaalam siya sa ina, noon ay wala pa siyang isang taong gulang,
naglakbay siya ng mag-isa sa mga lambak, gulod, bundok at parang hanggang sa
marating niya ang pook na kinarororoonan ng tribu na kaaway ng kanyang ama. Nakita
niya roon ang ulo ng kanyang ama. Sinasayawan ng mga kasapi ng tribu ng paikot-ikot.

Tribu roon ng Igorot: Magbunyi, magbunyi! Nakamit natin ang tagumpay!

Lam- ang: Hayun ang aking ama! Walang mga awa pinugutan nila ng ulo ang aking ama.
Narrator: Nagalit si Lam-ang at ubod lakas siyang sumigaw.

Lam- ang: Magsitigil kayo! Ako ang anak na pinugutan ninyo ng ulo! Humanda kayo sa aking
paghihiganti!

Tribu ng Igorot: (Nagulat) Huh sino yun? Sino ka? HAHAHA ang lakas ng loob mo! Nag-iisa ka lang laban
sa buo naming tribu. Umuwi ka na lang dahil mamamatay ka din katulad ng iyong ama.

Lam- ang: ( Sumigaw ulit) Ibalik ninyo ang buhay ng aking ama. Hinahamon ko ang inyong buong tribu sa
isang labanan.

Narrator: Tinanggap ang hamon, kaya pinaulanan ng mga ito si Lam-ang ng mga sibat ngunit nasalo
naman niyang lahat ang mga iyon, natalo ni Lam-ang ang mga Igorot. Umagos sa ilog
Vigan ang dugo ng mga ito. Kinuha ni Lam-ang ang kanyang Ama at inilibing ito ng
maayos. Bumaba sa bundok si Lam-ang na nanlalagkit at dumingdumi ang buhok.
Naisipan niyang linisin ang kamalig ng palay ng ama na hindi nagagawa sa loob ng siyam
na taon. Pagkaraan sa tunog ng longgangan(gong). Ipinatawag niya ang kanyang mga
kaibigan babae upang patulong na mga ito sa paliligo sa ilog. Amburayan. Nang
mahugasan na ang kanyang buhok, nalason ang tubig at nag uunahan sa pagsampa sa
pangpang ang mga isda, banagan at mga igat. Upang masubok pa ang kanyang
kakayahan, sinisid niya ang buwaya sa ilog. Nang magapi niya ang mga ito ay
ipinatatangal niya sa mga kaibigang babae ang mga ngipin ng hayop upang gawing
talisman.

PANLILIGAW NI LAM- ANG

Narrator: Nabalitaan ni Lam-ang ang kagandahan ni Donya Ines Kanoyan ng Kalinutian nagbihis siya ng
magara at nagpasiyang umakyat ng ligaw.

Lam- ang: Ina ako muna ay aalis muli.

Namongan: Anak mag-ingat ka. Sana hindi ka mabigo sa iyong pasiya.

Narrator: Naglakbay muli si Lam-ang. Isinama niya ang kanyang putting tandang at alagang aso. Noon
nasalubong ni Lam-ang sa daan ang malahigante si Sumarang. Ga-pingan ang mga mata
nito at ang ilong ay sinlaki ng magkatabing dalawang paa.

Sumarang: HAHAHA! Hindi ka makakadaan! Papatayin at kakainin. Tamang-tama nagugutom na ako.

Narrator: Nagtangka itong pigilin siya sa pagtungo kay Donya Ines. Nang hindi papigil, sinibat siya ni
Sumarang ngunit nasalo niya ang sandata nito, pagkaraang bigyan ng babala, si Lam-ang
naman ang naghagis ng sibat kay Sumarang, sa tulong ng hangin, natangay si Sumarang
ng sibat ni Lam-ang hangang sa ikasiyam na bundok. Pagdating ni Lam-ang sa bahay ni
Donya Ines, nakita niya ang maraming manliligaw, dahil ibig tawagin ang pansin ng
dalaga nakaisip siya ng paraan upang sa kanya mapabaling ang pansin ni Donya Ines.

Puting Tandang: (pinapagaspas niya ang mga pakpak) pak,pak,pak,pak

Narrator: Ang palikuran ng dalaga’y gumuho sa lupa. Napatakbo sa may bintana si Donya Ines sa
pagkagulat.

Donya Ines: Haaa! Anong ingay iyon?

Narrator: Kasunod halos niyon, pinaungol ni Lam-ang ang kanyang aso

Aso: Awoooooooooooooo, awoooooooo!

Narrator: Ang gumuhong palikuran ay natindig muli. Humanga si Donya Ines sa kanyang nasaksihan.

Donya Ines: Kamangha mangha. Paano nangyari iyon?

Narrator: Kaya bumaba siya’t inanyayahang pumanhik sa bahay si Lam-ang.


Ines: Tuloy ka, maupo ka. Mukhang na gutom ka? Kumain ka muna.

Narrator: Lahat ng kinain ni Lam-ang ay dinampot niya mula sa mga pinagkunan din ni Donya Ines ng
pagkain nito. Pagkapananghalian inuusisa si Lam-ang ang mga magulang ng dalaga
hinggil sa kanyang sadya.

Mga Magulang: Ano ang sadya mo sa aming tribu?

Narrator: Sumagot ang kaniyang puting tandang

Puting Tandang: Ibig magbigay galang ng aming panginoon sa inyong mag anak; at kung mararapatin
ninyo, ibig niya pakasalan ang iyong anak.

Narrator: Hindi tumutol ang mga magulang ni Donya Ines, ngunit humiling kay Lam-ang ng dote,
kasabay ng pagpaparangalan ng mga kasangkapan sa kanilang bahay na yari sa Intay na
ginto.

Mga Magulang: Sige maaari mong pakasalan ang aming anak, subalit mayroon ka bang maibibigay na
katumbas ng yaman namin?

Lam- ang: Walang problema kaya kong ibigay ang inyong nais.

Narrator: Hindi maubos ang laman ng kanyang mga palaisdaan, may dalawang barkong ginto ang
kanyang angkan na nakipagkalakalan sa tsina na kinaroroonan ng kanyang mga kamag
anak, at may naman siyang kayamanan na hindi mababawasan nang pagayun-gayun
lamang. Ito ang pinadala niya sa pamilya ni Ines, dalawang barko na puno ng ginto.

Mga Magulang: Dahil natumbasan at nahigitan mo ang aming kayamanan malaya na kayong

makapag-iisang dibdib ng aking anak.

Narrator: Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Pinatunog ang longgangan dumating ang lahat ng mamayan
doon.

Lam- ang: Ipinahayag ko sa lahat na sumama kayo sa kalanutian upang saksihan ang aming kasal.

Narrator: Abala ang lahat, naghanda sila ng mga baboy, kambing, gulay, isda, gayundin nagdala sila ng
mga katingan palayok, palangana, at mga inumin. Inihanda din ni Lam-ang ang kanyang
dote kay Donya Ines. Pagdating sa kalanutian, magilw na tinangap ang lahat ng mga
panauhin. Sumaksi at pagkaraa’y dumalo sa kainan, sayawan, at inuman. Inanyayahan ni
Lam-ang ang mga kababayan ni Donya Ines sa Nalbuan at silang lahat ay sumakay sa
dalawang barkong ginto. Pagdating sa nalbuan, nagpatuloy ang pagdiriwang hanggang
sa mapagod ang mga tao at magsipag uwian. Si Donya Ines naman ay iniwan na ng
kanyang kapatid na babaing si Unnayan kay Lam-ang at umuwi ito.

KAMATAYAN AT PAGKABUHAY NI LAM-ANG

Narrator: Pagkaraan ng ilang panahon, napatoka kay Lam-ang ang pangingisda ng Raring, isang
kaugalian sa Nalbuan, nagkaroon siya ng pangitaing kakainin siya ng mabangis na isdang
berkahan. Umano, kapag nangyari ito sasayaw ang kanilang hagdanan, mababagsakan
ang mga nakasabit sa dingding at makakapiraso ang kanilang kalan. Nangyari nga ito
nang sa pagsisid niya sa Rarang, hustong-husto napasuot siya sa malaking bibig ng
berkahan nanimdim si Donya Ines. Hindi nagtagal, ipinasisid niya ang mga buto ng
asawa, sa tulong ng matandang Marcos natagpuan naman ang mga iyon at saka pinag-
ugnay-ugnay. Tinakpan iyon ni Donya Ines ng Bidang (tapi) at patalikod niya tumilaok
sandali ay agad siyang bumangon na parang nanggaling lamang sa isang pagkatulog.
Nagyakap sina Lam-ang at Ines at niyakap din nila ang Aso at Tandang.

Ines at Lam- ang: Maraming salamat Poong Bathala!

Narrator: Mula namuhay sila ng maligaya sa loob ng mahabang panahon.

You might also like