You are on page 1of 4

PANAHON NG MGA KATUTUBO

BIAG NI LAM-ANG

Narrator: Sina Don Juan at Namongan ay mag-asawa na taga- Nalbuan. Sa kanyang


paglilihi,nakagiliwang kainin ni Namongan ang mga hilaw na sampalok,pias (kamias), at daligan
(balimbing), gayundin ang mga hinog na
bayabas,dalanghita at buko o murang niyog.Gustons-gusto rin niya ang talaba,hipon,mga pagkain-
kabibe,at mga damong dagat.
Namongan: Wow ang daming prutas, salamat Juan.. mmmmmm ang sasarap!
Narrator: Sa ikapitong buwan ng kanyang pagbubuntis,humiling si Namongan sa kanyang asawa ng
balitang,isang uri ng papag na mataas ang dakong ulunan.
Namongan: Juan maaari mo ba akong igawa ng maayos na mahihigaan. Narito ang larawan ng nais
ko. Narrator: Sa pamamagitan ng kidlat at kulog,naputol ni Don Juan ang mga kailangan kawayan sa
paggawa ng balitang.Upang hindi na mahirapan sa pagbubuhat,inutusan niya ang mga kawayang
magpauna na sa kanyang patungo sa kanilang looban.
Don Juan: Sa bisa ng aking kapangyarihan inuutusan ko kayo, mga kawayan mauna na kayo sa
looban.
Kawayan: Masusunod aming kamahalan, bilis mauna na tayo sa looban!
May iba pang inihanda si Don Juan ang panggatong,tapayan,kalan,palayok,at panggamot ng mga
dahon-lahat ay kailangan sa panganganak ni Namongan.Pagkaraan ng paghahanda,Humayo na so
Don Juan upang makipaglaban sa mga kaaway na igorot,
Don Juan: Mahal na kabiyak ako muna ay aalis upang makipaglaban sa ating mga kaaway. Tandaan
mo na ginagawa ko ito para sa ating buong tribo.
Namongan: Mag- iingat ka Juan!Naway patnubayan ka ng mahal na Bathala. Hihintayin ko ang iyong
pagbabalik.
Narrator: Ngunit hindi na siya nakita mula noon.
Namongan: Ahhhhh manganganak na yata ako! Tulonggggg!tulungan nio ako!
Narrator:Nagmamadali ang isang matandang maninisidna si Marcos na tumulong kay Namongan.
Marcos: Naku! Manganganak ka na nga! Sige kaya mo yan! Ayan malapit na, lalabas
na siya! Narrator: Matagumpay na isinilang si Lam-ang,sa tulong ng matandang
maninisid na si Marcos, Katribo: Aba ! tingnan nio ang saggol marunong na agad
siya magsalita.
Narrator: Siya ang pumili ng kanyang pangalan at ang kanyang ninong sa binyag.ang matandang si
Gibuan .
Lam- ang: Ina ako ba talaga ay lehitimo ninyong anak o isa lamang bastador.
Namongan: Huh ! huwag mong isipin yan Lam- ang dahil ikaw ay tunay naming anak ng iyong ama.
Narrator: Dahil sa pag- uusisa, walang nagawa ang ina at pinagtapat ang matagal na pagkawala ng
kanyang ama.
Lam- ang: ( Nalungkot) Bakit ang tagal niya bago bumalik? Ano na kaya ang nangyari sa aking
ama?
Narrator: Nang mabatid ang pagtungo ng ama sa bundok,naisip niya na tungkulin niyang tiyakin ang
naging kapalaran ng ama.Nagpaalam siya sa ina, noon ay wala pa siyang isang taong gulang,
naglakbay siya ng mag- isa sa mga lambak, gulod, bundok at parang hanggang sa marating niya ang
pook na kinaroroonan ng tribu na kaayaw ng kanyang ama.Nakita niiya roon ang ulo ng kanyan ama.
Sinasayawan ng mga kasapi ng tribu ng paikot- ikot.
Tribo ng mga Igorot: Magbunyi, magbunyi! Nakamit natin ang tagumpay!
Lam- ang: Hayun ang aking ama! Walang mga awa pinugutan nila ng ulo ang aking ama.
Narrator: Nagalit si Lam- ang at ubod lakas siyang sumigaw.
Lam-ang: Magsitigil kayo!!!! Ako ang anak na pinugutan ninyo ng ulo! Humanda kayo sa aking
paghihiganti!!!! Tribo ng mga igorot: ( Nagulat) Huh sino yun. Sino ka? Hahaha ang lakas ng
loob mo! Nag- iisa ka lang laban sa buo naming tribu. Umuwi ka na lang dahil mamamatay ka
din katulad ng iyong ama.
Lam-ang: (Sumigaw muli) Ibalik ninyo ang buhay ng aking ama. Hinahamon ko ang inyong buong
tribu sa isang labanan. Narrator: Tinanggap ang hamon, kaya pinaulanan ng mga ito si Lam-ang ng
mga sibat ngunit nasalo naman niyang lahat ang mga iyon,natalo ni Lam-ang ang mga
Igorot.Umagos sa ilog Vigan ang dugo ng mga ito. Kinuha ni Lam- ang ang kanyang ama at inilibing
ito ng maayos.Bumaba sa bundok si Lam-ang na nanlalagkit at dumingdumi ang buhok.Naisipan
niyang linisin ang kamalig ng palay ng ama na hindi nagagawa sa loob ng siyam na taon.Pagkaraan.
sa tunog ng longgangan(gong).ipinatawag niya ang kanyang mga kaibigan babae upang patulong sa
mga ito sa paliligo sa ilog.Amburayan.Nang mahugasan na ang kanyang buhok,nalason ang tuibig at
naguunahan sa pagsampa sa pangpang ang mga isda,banagan at mga igat.

Upang masubok pa ang kanyang kakayahan,sinisid niya ang buwaya sa ilog.Nang magapi niya ang
mga ito ay ipinatatangal niya sa mga kaibigang babae ang mga ngipin ng hayop upang gawing
talisman.

Panliligaw ni Lam-ang

Narrator: Nabalitaan ni Lam-ang ng kagandahan ni Donya ines Kanoyan ng


Kalinutian.nagbihis siya ng magara at nagpasiyang umakyat ng ligaw Lam- ang: Ina ako
muna ay aalis muli.
Namongan: Anak mag- ingat ka. Sana hindi ka mabigo sa iyong pasy
Narrator:Naglakbay muli si Lam-ang.Isinama niya ang kanyang puting tandang at alagang aso.
Noon nasalubong ni Lam-ang sa daaan ang malahigante si Sumarang. Ga- pingan ang mga mata
nito at ang ilong ay sinlaki ng magkatabing dalawang paa.
Sumarang: Hahahahaha!Hindi ka makakadaan!Papatayin at kakainin.Tamang- tama nagugutom na
ako.
Narrator: Nagtangka itong pigilin siya sa pagtungo kay Donya Ines.Nang hindi papigil,sinibat siya ni
Sumarang nginit nasalo niya ang sandata nito,Pagkaraang bigyan ng babala,si Lam-angnaman ang
naghagis ng sibat kay Sumarang,Sa tulong ng hangin,natangay si Sumarang ng sibat ni Lam-ang
hanging sa ikasiyam na bundok.
Pagdating ni Lam-ang sa bahay ni Donya Ines,nakita niya ang maraming manliligaw , dahil ibig
tawagin ang pansin ng dalaga.nakaisip siya ng paraan upang sa kanya mapabaling ang pansin ni
Donya Ines.
Puting Tandang: ( Pinapagaspas niya ang nga pakpak) pak, pak, pak, pak, pak, pak
Narrator :Ang palikuran ng dalaga'y gumuho sa lupa.Napatakbo sa may bintana si Donya Ines sa
pagkagulat.
Donya Ines: Haaa! Anong ingay iyon?
Narrator: Kasunod halos niyon, pinaungol ni Lam-ang ang
kayang aso Aso: Awoooooooo, Awoooooo!
Narrator: Ang gumuhong palikuran ay naitindig muli. Humanga si Donya Ines sa
kanyang nasaksihan Donya Ines: Kamangha mangha. Paano nangyari iyon?
Narrator: Kaya nanaog siya't inanyayahang pumanhik sa bahay si Lam-ang.
Ines: Tuloy ka, maupo ka. Mukhang gutom na gutom ka? Kumain ka muna.
Narrator: Lahat ng kinain ni lam-ang ay dinampot niya mula sa mga pingang pinagkunan din ni
Donya Ines ng pagkain nito.Pagkapanghalian. inusisa si Lam-ang ang mga magulang ng dalaga
hingil sa kanyang sadya.
Mga magulang: Ano ang sadya mo sa aming tribu?
Narrator: Sumagot ang kanyang puting tanang;
Puting Tandang: Ibig magbigay galang ng aming panginoon sa inyong mag anak; at kung
mararapatin ninyo,ibig niya pakasalan ang inyong anak,"
Narrator: Hindi tumutol ang mga magulang ni Donya Ines,ngunit humiling kay Lam-ang ng
dote,kasabay ng pagpaparangalan ng mga kasangkapan sa kanilang bahay na yari sa lntay na ginto.
Mga magulang: Sige maari mong pakasalan ang aming anak, subalit mayroon ka bang maibibigay na
katumbas ng yaman namin?
Lam- ang: Walang problema kaya kong ibigay ang inyong nais.
Narrator:. Hindi maubos ang laman ng kanyang mga palaisdaa,may dalawang barkong ginto ang
kanyang angkan na nakipagkalakalan sa tsina na kinaroroonan ng kanyang mga kamag anak,at may
naman siyang kayamanan na hindi mababawasan nang pagayun-gayun lamang.Ito ang pinadala niya
sa pamilya ni Ines, dalawang barko na puno ng ginto. Mga magulang: Dahil natumbasan at
nahigitan mo an gaming kayamanan Malaya na kayong makapag- iisang dibdib ng aking anak.
Narrator: Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Pinatunog ang longganngan dumating ang lahat ng
mamayan doon.
Lam- ang: Ipinahayag ko sa lahat na sumama kayo sa kalanutian upang saksihan ang aming kasal.
Narrator: Abala ang lahat, naghanda sila ng mga baboy,kambing,gulay isda;gayundin.nagdala sila
ng mga katingan palayok,palangana,at mga inumin.Inihanda din ni lam-ang ang kanyang dote kay
Donya Ines.
Pagdating sa kalanutian,magiliw na tinangap ang lahat ng mga panauhin.Sumaksi at pagkaraa'y
dumalo sa kainan,sayawan,at inuman.inanyayahan ni Lam-ang ang mga kababayan ni donya Ines sa
Nalbuan at silang lahat ay sumakay sa dalawang barkong ginto.Pagdating sa Nalbuan ,nagpatuloy
ang padiriwang hanggang sa mapagod ang mga tao at magsipag uwian.Si Donya Ines naman ay
iniwan na ng kanyang kapatid na babaing si Unnayan kay Lam-ang at umuwi ito.

Kamatayan at Pagkabuhay ni Lam-ang

Narrator: Pagkaraan ng ilang panahon,napatoka kay Lam-ang ang pangingisda ng Raring,isang


kaugalian sa
Nalbuan,nagkaroon siya ng pangitaing kakainin siya ng mabangis na isdang Berkakan.Umano,kapag
nanyari ito sasayaw ang kanilang hagdanan,magbabaksakan ang mga nakasabit sa dingding at
magkakapiraso ang kanilang kalan.Nangyari nga ito nang sa pagsisid niya sa Rarang,hustung-husto
napasuot siya sa malaking bibig ng Berkakan
Nanimdim si Donya Ines.Hindi nagtagal,ipinasisid niya ang mga buto ng asawa,sa tulong ng
matandang Marcos natagpuan naman ang mga iyon at saka pinag-ugnay-ugnay.tinakpan iyon ni
Donya Ines ng bidang (tapi) at pagtalikod niya,tumilaok ang tandang at pumagaspas ang inahin ni
Lam-ang.Umungol naman nang makalawa ang kanyang aso.Pagkaraan ng ilang sandali ay agad
siyang bumangon na parang nangggaling lamang sa isang mahabang pagkakatulog. Nagyakap sina
Lam- ang at Ines at niyakap din nila ang Aso at Tandang.
Ines at Lam-ang: Maraming salamat Poong Bathala!
Narrator: Mula noon namuhay sila ng maligaya sa loob ng mahabang panahon.

You might also like