You are on page 1of 5

BIAG NI LAM-ANG (ITALIC=ACTION)

NARRATOR: Si Don Juan at Namongan ay mag-asawa na taga-Nalbuan na malapit ng magkaroon


ng anak. Sa kanyang paglilihi, nakagiliwang kainin ni Namongan ang mga hilaw na sampalok,
pias, at daligan, gayundin ang mga hinog na bayabas, dalanghita at buko o murang niyog.
Gustong-gusto rin niya ang talaba, hipon, mga pagkain-kabibe, at mga damong dagat.
DON JUAN: Eto mahal, nagdala ako ng maraming prutas para sa iyo.
NAMONGAN: Wow! Ang daming prutas, salamat Jaun...Mmmm ang sarap!
NARRATOR: Sa ikapitong buwan ng pagbuntis ni Namongan ay humiling siya ng mga bagay na
maaari makatutulong sa kaniyang pagbubuntis...
NAMONGAN: Juan, maaari mo ba akong igawa ng maayos na mahihigaan na mataas ang
ulunan.
DON JUAN: Sige, Mahal.
Sa pamamagitan ng Kidlat at kulog, naputol ni Don Juan ang mga kailangang kawayan sa
paggawa ng mahihigaan ni Namongan.
NARRATOR: Upang di na mahirapan sa pagbubuhat, inutusan niya ang mga kawayang
magpauna sa kaniyang patungo sa kanilang looban.
DON JUAN: Sa bisa ng aking kapangyarihan, inuutusan ko kayo, mga kawayan, mauna na kayo
sa looban.
KAWAYAN: Masusunod aming kamahalan. Bilis mauna na tayo sa looban!
NARRATOR: May iba pang inihanda si Don Jua na kailangan para sa panganganak ni Namongan
katulad ng tapayan, palayok at panggamot. Humayo na si Don Juan upang makipaglaban sa mga
kaaway na igorot.
DON JUAN: Mahal na kabiyak, ako muna ay aalis upang makipaglaban sa ating mga kaaway,
ngunit tandaan mo na ginagawa ko ito para sa buong tribo.
NAMONGAN: Magiingat ka Juan! Naway patnubayan ka ng mahal na Bathala. Hihintayin ko ang
iyong pagbabalik.

Naglaban sina Don Juan at ang mga Igorot at napugutan ng ulo (beheaded) si Don Juan
NARRATOR: Hindi na nakabalik sa Don Juan sa kaniyang pamilya at makalipas ng iilang araw...
NAMONGAN: Aaah! Manganganak na yata ako! Tulong! Tulongan niyo ko!
MARCOS: Ano yon?! Kailangang kong magmadali!

Nagmadali si Marcos na tulungan si Namongan


NAMONGAN: Tulong! Nanganagak na yata ako!
MARCOS: Naku! Manganganak ka na nga! Sige kaya mo yan! Ayan malapit na! Lalabas na siya!

Binigay ni Marcos ang sanggol kay Namongan


NAMONGAN: Salamat po sa inyong tulong.
NARRATOR: Matagumpay na isinilang si Lam-Ang sa tulong ng matandang mangingisda na si
Marcos.

LAM-ANG: Ang gusto ko pong Pangalan ay Lam-Ang, at gusto ko pong ninong ay si matandang
Gibuan.
Katribo: Aba! Tingnan niyo ang sanggol! Marunong na agad magsalita!
NARRATOR: Hindi katulad ng mga ibang bata, na matagal pa bago magsalita, noong sanggol pa
lamang si Lam-Ang ay marunong na agad siyang magsalita.
LAM-ANG: Ina, ako ba talaga ay lehitimo ninyong anak o isa lamang bastador?
NAMONGAN: Huh?! Huwag mong isipin yan Lam-Ang dahil ikaw ay ang tunay naming anak ng
iyong ama.
NARRATOR: Dahil sa pag-uusisa walang nagawa ang ina at pinagtapaat ang matagal na
pagkawala ng kanyang ama
LAM-ANG: (Malungkot) Bakit ang tagal niya bago bumalik? Ano na kaya nag nangyari sa aking
ama?
NAMONGAN: Lam-Ang, matagal na hindi bumalik ang iyong ama dahil siya ay wala na dito sa
ating mundo. Namatay siya sa kamay ng mga Igorot, ang ating kalaban...
LAM-ANG: Pangako ko ina, ipaghihiganti ko si Ama.
NARRATOR: Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno, at malaking lalaki
na si Lam-Ang. Ayaw man ng kaniyang ina na payagan na umalis siya upang hanapin ang
bangkay ng kaniyang ama, ay nagpilit din si Lam-Ang na makaalis.
NAMONGAN: Huwag kang umalis anak, mapanganib ang mundo.
LAM-ANG: Hindi ako katulad ng mga ibang bata ina, ako ay kasing-lakas at laki ng isang
matandang lalaki. Kaya ko alagaan ang aking sarili.

NAMONGAN: Sige, pero bumalik ka saakin ng buhay anak.


Nagyakap si Namongan at Lam-Ang
NARRATOR: Kasama niya sa patungo sa lupain ng mga igorot ang isang mahiwang
tandang(manok), ang tangabaran at mahiwagang aso. Baon rin niya ang talisman mula sa
punong saging. Sa tulong ng kaniyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mag kabundukan
at kapangaran. Sa laki ng pagod ni Lam-Ang ay nakatulog siya at nanaginip...
Sumasasay ang mga Igorot at nililigiran ang ulo ng ama ni Lam-Ang
NARRATOR: Nagpatuloy si Lam-Ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mg igorot. Nakita
niya ang ulo ni Don Juan na nasa isang sarukang, isang haliging kawayan.

LAM-ANG: Mga Igorot! Ako ay narito upang ipaghiganti ang aking ama!
IGOROT: Umuwi ka na lamang kung ayaw mo maging katulad ni iyong ama.
NARRATOR: Sumigaw ng malakas si Lam-Ang at nayanig ang kabundukan, Ito ay narinig na
marami kaya’t dumating ang maraming Igorot

IGOROT: Ano iyon!


IGOROT2: Bilis! Ipana niyo ang lalaking iyan!
Pumana nag mga Igorot
NARRATOR: Kahit pinaulanan ng sibat si Lam-Ang ay hindi man lang siya nasugatan. Nang
maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-Ang naman ang kumilos.

Nilabas ni Lam-Ang ang kaniyang itak(bolo) at pinatay lahat ng igorot na parang puno ng
saging lamang sila
NARRATOR: Umuwi si Lam-Ang at naligo sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga sa tribu.
Dahil sa dunggis na nanggaling kay Lam-Ang, namatay ang mga isda sa ilog at nagsiahon ang
mga igat at alimasog sa pampang. Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-Ang patungo sa
Kalunutian upang manligaw sa isang dalaga na nangangalang Ines Kannoyan kasama ang
kaniyang mahiwang tandang at aso. Sa tahanan ni Ines ay maraming tao at hindi pinapansin si
Lam-Ang
Tumahol ang aso at nabuwal ang bahay. Tumilaok ang manok at muling tumayo ang bahay.
Lahat ay tumingin kay Lam-Ang
NARRATOR: Pinaliwanag ng mahiwang Tandang at Aso ang kanilang layunin
ASO: Pasensya po, gusto lang po namin tulangan ang aming kaibigan.

MANOK: Gusto na niya po kasi ikasal si Ines Kannoyan


MAGULANG NI INES: Pwede niya ikasal ang aking anak ngunit kailangan niya magbigay ng bagay
na kapantay sa aming kayamanan.
LAM-ANG: Sige po, Ako ay magbibigay ng bagay na kapantay sa inyong kayamanan.
NARRATOR: Nagpadala ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni
Ines
MAGULANG NI INES: Wow! Ang daming ginto! Sige pwede mo ikasal ang aking anak.

NARRATOR: Si Ines at si Lam-Ang ay ikinasal ng marangya at maringal sa simabahan.


Ikinasal si Lam-Ang at Ines
NARRATOR: Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalunutian,
kailangang manghuli si Lam-Ang ng mga isdang rarang. Nakita ni Lam-Ang na may mangyayari
sa kaniya, na siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-Ang ang dapat gawin
sakaling mangyayari ito.
LAM-ANG: Ako ay kakainin ng pating na berkahan, kapag nangyari ito ay isisid mo ang aking
mga buto.

INES: Sige Lam-Ang.


NARRATOR: Si Lam-Ang ay sumisid na sa dagat at nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang
bilin ni Lam-Ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-Ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni
Ines.
Inikut-Ikutan ng tandang at aso ang buto ni Lam-Ang. Tumilaok ang tandang at tumahol ang
aso. Kumilos ang buto na may takip na saya. Bumangon si Lam-Ang na parang bagong gising
INES: Lam-Ang!
Nagyakap si Ines at Lam-Ang at niyakap din nila ang aso at tandang
NARRATOR: Nabuhay si Lam-Ang, Ines, at ang Mahiwagang aso at tandang ng maligaya sa
mahabang panaon.

You might also like