You are on page 1of 7

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan – Linggo 3

ANG REHISTRO AT IBA’T IBANG BARAYTI NG WIKA

Pangalan: _________________________________ Baitang & Seksyon: ________________

Pamantayan sa Pagkatuto: (MELC)

• Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang


Pilipino. (F11PU – IIc – 87)
• Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon
(Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito. (F11WG – IIc
– 87)

Time Allotment: 4 na oras

Mga Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

• Natutukoy ang iba’t ibang rehistro at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon at larangan;
• Naikaklasipika ang mga salita ayon sa larangang pinaggagamitan ng mga ito;
• Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kalagayang pangwika sa ating bansa hinggil
sa mga rehistro at barayti ng wika; at
• Napapahalagahan ang barayti ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.

Mga Konsepto

Ang Rehistro at Barayti ng Wika

Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na
ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay
nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga barayti ng wika, ayon sa
pagkakaiba ng mga indibidwal.

Dayalek - Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan.
Halimbawa:
Tagalog- Bakit? Batangas- Bakit ga? Bataan- Bakit ah?
Ilocos- Bakit ngay? Pangasinan- Bakit ei?

Idyolek - Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa


bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o
tatak ng kanilang pagkatao.

Halimbawa:
“Kabayan”- Noli De Castro
“Magandang Gabi, Bayan”- Mike Enriquez

Author: Shelly L. Laguna


School/Station: Manambia Integrated School
Division: Surigao del Sur
email address: shelly.laguna@deped.gov.ph
“To the highest level na talaga to”- Ruffa Mae Quinto

Sosyolek - Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay
may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga
naturang salita.
Halimbawa:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit
ng gelpren mo)

Etnolek - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay
nito ang mga wikang naging bahagi ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Halimbawa:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan

Register - minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng


isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon. Natutukoy ang iba’t ibang register
at barayti ng wika sa mga terminong may kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang hanap-buhay o
larangan. Kapag narinig ang terminong ito ay matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyong
karaniwang ginagamit ng mga ito.

Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng sumusunod na mga jargon:
Exhibit Suspect
Appeal court
Complainant justice
Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng sumusunod:
Lesson plan curriculum
Test textbook
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy.
Account balance
Debit credit
Net income gross income

Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan? Narito ang ilang Halimbawa:

Salita Larangan Kahulugan


Komposisyon (composition) Musika Piyesa o awit
Lengguwahe Sulatin
Agham Pinagsama-samang elemento
Isyu (issue) Politika Usaping pampolotika/
panlipunan
Pamamahayag Bilang ng labas ng pahayagan

General Military Mataas na ranggo


Lengguwahe Pangkalahatan
Race Sociology Lahi, angkan, lipi

Author: Shelly L. Laguna


School/Station: Manambia Integrated School
Division: Surigao del Sur
email address: shelly.laguna@deped.gov.ph
Lengguwahe Pangkalahatan
Agham Pinagsama-samang elemento
Stress Psychology Tensiyon
Lengguwahe Diin, tuldik
State Politika Bansa, estado
Komunikasyon Sabihin, ipahayag
Psychology Kalagayanm kondisyon
Operasyon Medisina Pagtistis
Paggawa Pagpapalakad ng makina/
opisina
Military Pagsasagawa ng isang plano

Authority Literature Dalubhasa dahil sa sariling


likha
Military Taong may katungkulan
Psychology Tao o pangkat na may
karapatan o kapangyarihan

Ayon kay Marietta Alagad-Abad, ang barayti ng wika ay tumutukoy sa uri o klase ng wikang
ginagamit sa isang partikular na teksto o diskors. Nakikita mo ang kaibahan ng isang teksto sa
isa pang teksto dahil sa uri ng wikang ginagamit sa nasabing teksto. Ang uri ng teksto ay
dumidepende sa uri o barayti ng wikang ginagamit sa teskto.

Samakatwid, ang tekstong panghumanidades ay gumagamit ng wikang masining; ang


tekstong pang-agham ay gumagamit ng wikang sayantipik; ang tekstong pang-agham panlipunan
ay gumagamit ng wikang pansosyal. Ang barayti ng wika ay naaayon din sa antas nito; kaya
mayroon tayong wikang pambansa, wikang opisyal, wikang lalawiganin, wikang kolokyal o
karaniwan, at wikang islang o balbal.

Ang wika ay maaari ring uriin ayon sa propesyon o disiplina tulad ng: wikang medikal,
wikang pambisnis, wikang akademik, at teknikal. Maaari namang makilala ang barayti ng wika
ayon sa mga institusyong gumagamit nito tulad ng wikang pampaaralan, wikang pansimbahan,
wikang pampamahalaan, atbp. Sa ngayon, mayroon ding tinatawag na wika ng bakla at wika ng
lasing.

Gawain 1

I. Panuto: Alamin kung anong rehistro o larangan ng wika ang pahyag o kung anong barayti
ng wika ito napabilang. Isulat ang iyong sagot sa ibinigay na patlang.

__________________1. Pumunta ng bundok ang mga armadong tao para sa isang operasyong
isasagawa.
__________________2. “Gihigugma ko ikaw”
__________________3. Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!
__________________4. My God! It’s so mainit naman dito.
__________________5. Laylaydek Sika.

Author: Shelly L. Laguna


School/Station: Manambia Integrated School
Division: Surigao del Sur
email address: shelly.laguna@deped.gov.ph
II. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang OPERASYON sa iba’t ibang barayti ng wika. Isulat
ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

Hal: Salitang BATO

Konstruksyon Pag-aalahas Medisina


ito ay ang hollow block ito ay ang mamahaling hiyas ito ay kidney
o diyamante

LARANGAN KAHULUGAN
1. Paggawa

2. Medisina

3. Kalakalan

4. Militar

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng isang jingle, rap o talumpati na naglalaman ng mga rehistro at barayti ng
wika. Maaring maging karagdagang nilalaman ang mga nakalista sa ibaba. Iklasipika mo lamang
ito kung saan nararapat mapasailalim ang mga salita.

Iparinig ito sa mga kaibigan at pabigyan ito ng puntos ayon sa sumusunod na pamantayan.
(Isuma ang iyong puntos ayon sa bilang ng mga taong nakarinig ng iyong ginawang jingle, rap o
talumpati).

Konstitusyon Syota adyao


Okey, Darla! Dyowa datung
Kalamansi kalamyas aklat
Sintunes danum kumusta
Ebak gurang printer
Lespu may sayad ngipen
Masaya maithiin bag-ang
Matam-is kabihasnan alinlangan
Mabanas toma balat-sibuyas
Maalinsangan wasto dyip
Tingni gab-I masining
Atik samlang tig-ang
Utol lesson plan Walang himala!
Sosi talumpati bingkong
Pang-al tambay tsugi
Aha, ha,ha! Nakakaloka! Handog Handa na ba kayo?

Author: Shelly L. Laguna


School/Station: Manambia Integrated School
Division: Surigao del Sur
email address: shelly.laguna@deped.gov.ph
PUNTOS PAMANTAYAN
Gustong-gusto ko ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat naipaliwanag dito kung
5 paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan,
pamahalaan at edukasyon.
Gusto ko ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat naipaliwanag dito kung paano
4 maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan,
pamahalaan at edukasyon.
Hindi ko nagustuhan ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati bagamat naipaliwanag kung
3 paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan,
pamahalaan at edukasyon.
Hindi ko nagustuhan ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat hindi malinaw na
2 naipaliwanag kung paano maipalalaganap angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng
kalakalan, pamahalaan at edukasyon.
Walang dating para sa akin ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat hindi
1 naipaliwanag nang maayos at kulang sa kaisipan kung paano maipalalaganap ang angkop
na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon.

Gawain 3

Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Sikat Linya
1. Vice Ganda May Nag Txt!
Party! Party!
2. Korina Sanchez Handa kana ba?

3. Conyo Please do not Leave “tabo” on the floor


Only kolehiyalas make tusok the fishballs

4. Jejemon R u goin 2 c me 2day?


‘’’’eEWh koOYAh! mZtah PowH KaYoWz”
5. Gay lingo o salitang beki Purita kalaw
Julie Andrews

1. Kung ang mga pahayag na nasa itaas ay madalas mong marinig at paminsan-minsan ay
nakasanayan mo ng gamitin. Paano ito makakaapekto sa iyo bilang isang mag-aaral sa loob
ng klase?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.

2. Ano- ano ang maaari mong gawin upang mapanatili mo at malinang ang maayos na
pananatili ang gamit ng iba’t ibang barayti ng wika?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.

Author: Shelly L. Laguna


School/Station: Manambia Integrated School
Division: Surigao del Sur
email address: shelly.laguna@deped.gov.ph
Repleksyon

Panuto: Gumawa ng poster-islogan, batayan mga tanong na ito:

• Paano mo mailalarawan/mapahahalagahan ang iyong unang wikang naiintindihan? Paano


naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit
mo? Magbigay ng halimbawa ng sitwasyon sa iyong buhay, maaring sa bahay, paaralan at
kung saan pa.

RUBRIK SA GINAWANG ISLOGAN/POSTER


MGA Sarili Guro
KRAYTERYA 4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi gaanong Walang ipinamalas na
nagpamalas ng malikhain sa naging pagkamalikhain sa
pagkamalikhain sa paghahanda. malikhain sa paghahanda.
paghahanda. paghahanda.
Pamamahala ng Ginamit ang sapat Ginamit ang Naisumite dahil Hindi handa at hindi
Oras na oras sa paggawa oras na itinakda binantayan ng tapos.
ng sariling disenyo sa paggawa at guro
sa gawain. naibigay sa
tamang oras.
Presentasyon Lubhang naging Naging malinaw Hindi gaanong Hindi naging malinaw
malinaw ang ang pagbigkas at malinaw ang ang
pagbigkas at paghahatid ng pagbigkas at pagbigkas/paghahatid
paghahatid ng mensahe. paghahatid ng ng mensahe.
mensahe. mensahe.
Organisasyon Buo ang kaisipan May kaishan at Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, may sapat na kaisahan, pagkakabuo, kulang
kumpleto ang detalye at kulang sa ang detalye at di-
detalye at malinaw na detalye at hindi malinaw ang intensyon
napalinaw. intension. gaanong
malinaw ang
intension
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang mga
Paksa ang mga salita salita o islogan angkop ang mga salita at larawan sa
(islogan) at larawan sa larawan ng salita at larawan paksa.
sa paksa. paksa. sa paksa
Kabuuang Puntos
Level ng Pagsasagawa (Performance)

Sangunian

A. Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House,
2016.

B. Web Sites
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/10/rubric-sa-ginawang-isloganposter.html

https://takdangaralin.ph/barayti-ng-wika/at Retorika (Filipino III)

https://quizizz.com/admin/quiz/5dcbea1288a941001df07439/register-ng-wika

Author: Shelly L. Laguna


School/Station: Manambia Integrated School
Division: Surigao del Sur
email address: shelly.laguna@deped.gov.ph
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1.1
1. Rehistro, Militar
2. Dayalek
3. Idyolek
4. Sosyolek
5. Etnolek
1.2
6. Pagpapalakad ng makina
7. Pagtistis
8. Pamamahala
9. Pagsasakatuparan ng isang plano

Gawain 2
Sagot: May iba’t ibang sagot. Nasa guro ang pagpapasya kung tama batay sa rubrik.

Gawain 3
Sagot: May iba’t ibang sagot. Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Repleksyon
Sagot: May iba’t ibang sagot. Nasa guro ang pagpapasya kung tama batay sa rubrik.

Author: Shelly L. Laguna


School/Station: Manambia Integrated School
Division: Surigao del Sur
email address: shelly.laguna@deped.gov.ph

You might also like