You are on page 1of 6

SCENE 3

3.1 SETTING: (1) Kakahuyan (2) Nalbuan/Tahanan nila Namungan


PROPS: (1) kawayan, malakas na hangin, ulan, ulap, kidlat at kulog. (2) Mga gamit sa panganganak. (3)
Bato ng sagang at tangraban, agimat at anting-anting, shield.

Lumapit si Namungan sa kanyang asawa na si Don Juan at kinausap ito nang malambing...

NAMUNGAN: Makinig ka, Don Juan, aking pinakamamahal na asawa. Nais kong tingnan mo ang ating
mga kawayan sa bundok ng Capariaan. Pagkatapos ay lumikha ka ng isang higaan bilang handog mo sa
akin, na siyang magiging tanda ng iyong pagmamahal at kasiyahan sa pagkasilang ng ating anak. Ito ay
aking gagamitin pagkatapos kong manganak. Ano sa palagay mo aking mahal?

DON JUAN: (Ngumiti nang matamis) Ano bang hindi ko gagawin para sayo, aking mahal? Ora mismo ay
aking sisimulan ang nais mo, sapagkat kung anong nararapat at makabubuti sayo pati na rin sa ating
anak, ay walang pag-aalinlangan kong isasagawa.

NAMUNGAN: (Yayakap kay Don Juan dahil sa tuwa) Tunay ngang kay swerte namin sa iyo! Palibhasa
maituturing kong ikaw ay bigay ng Diyos sa akin, ang iyong kaugalian ay hindi kailanman matatawaran ng
kahit anong bagay dito sa mundo. Kung kaya, maaari mo na bang simulan ang pagkuha at paggawa ng
aking higaan?

DON JUAN: (Nakangiting tumango) Para sa aking minamahal, walang imposibleng bagay ang hindi ko
gagawin para sa iyo. Ako ay maghahanda na at tutungo sa kakahuyan.

At nagtungo na nga si Don Juan sa kakahuyan... Kung saan tila kinausap at tinawag niya ang
naglalakasang hangin, ulan, at naglalakihang ulap..

Ang kidlat at kulog ay nasilayan sa mga alon na tumama sa mga kakahuyan nang paulit-ulit. Hanggang
sa pinutol ng tila isang mahiwagang sinanay na pamutol ang pinakapiling mga sanga. Ito ay
pagmamasdan ni Don Juan at kakausapin.

DON JUAN: (titingin sa mga kawayan) Masasabi kong ito ay hindi kanais-nais, isang kahihiyan para sa
akin na buhatin kayong mga kawayan.

Magsisitayuan ang mga putol na kawayan at magtutungo papunta sa Nalbuan kung saan nakatira sina
Don Juan.. Nakasunod ang ginoo sa kanila at nang matunton na nila ang bayan, ang mga kawayan ay
inayos ang kanilang sarili sa bakuran.

Sasalubungin ni Namungan si Don Juan nang isang mahigpit na yakap..

DON JUAN: Mahal ko, ako ay nakabalik na kasama ang mga kawayang iyong ninanais.

NAMUNGAN: Ako’y labis na nagagalak sa oras na ito! Mahal ko, hayaan mong ang aking hinihigang
higaan ay yari sa matigas na kahoy. Ito ang magiging bahagi ng molave at gastan, at iyon naman ay ang
bahagi ng dangla at bayabas; na kung saan ang mga talop ay atin nang binalatan.

DON JUAN: Kung ano mang naisin mo, ay kalulugdan ko ang minamahal. (Titingin sa mata ni Namungan
at hahalikan ito sa noo)
NAMUNGAN: Mahal? Maaari mo ba akong bilhan ng palayok at kalan? Nais ko sanang gamitin ang kalan
upang maiinit ang aking tubig sa paliguan sapagkat ang lamig nito ay dumadampi sa aking katawan, at
ito ay nagdudulot sa akin ng ginaw.

DON JUAN: Ngunit para saan ang palayok?

NAMUNGAN: Ang palayok naman ay gagamitin ko sana para sa talimpusod ng ating anak.

Ngingiti si Don Juan at aakbayan si Namungan habang hinahawakan ang tiyan nito na tila ba
hinahagkan ang batang nasa sinapupunan ng ina.. At siya ay muling nagtungo sa isang mahaba-habang
paglalakbay...

DUMATING NA ANG ARAW NG KAPANGANAKAN NI LAM-ANG

NAMUNGAN: (Mag-aact na para bang humihilab ang kanyang tiyan o parang manganganak na) Arayyy!
Napakasakit ng aking tiyan, tila ako ay manganganak na yata. Mahabaging langit ako ay inyong gabayan..
Mga kapitbahay! Tulungan niyo ako! Manganganak na ako!

Ngunit dahil wala sinuman sa mga ito ang marunong magpaanak, kaagad nilang naalala ang babae na
mayroong malalakas na daliri na maaaring makatulong kay Namungan.

BABAENG NAGPAPAANAK: Tatagan mo ang iyong loob, pagsinimulan ko nang bumilang, sabayan mo ito
nang pag-ire.. Kaya mo ‘yan, Namungan para sa iyong mahal na anak.. Isa, dalawa, tatlo!

NAMUNGAN: Ahhh!!

Kanila sanang sisilayan ang mukha ng sanggol ng ito ay biglang magsalita..

LAM-ANG: Namungan, aking ina. Ipagkaloob mo sa akin ang pangalang “Lam-ang” pag ako ay iyonh
pinabinyagan. At maging ninong ko ang matandang si Guibuan. Aking ina, nais ko ring malaman kung
mayroon akong ama? Kayong dalawa ang nagbigay buhay sa akin, kaya’t nararapat na kayo ay pareho
kong makilala.

NAMUNGAN: Anak ko, Lam-ang; kung ang iyong ama ang iyong tinutukoy, ikaw ay nasa sinapupunan ko
pa lamang nang siya’y umalis; umalis papuntang gubat, ang kilalang lugar ng mga Igorot.

LAM-ANG: Aking minamahal na ina, hayaan mo akong umalis upang siyasatin ang buong kagubatan para
lamang matagpuan ang bangkay ng aking ama.

NAMUNGAN: Aking matapang na anak, huwag ka na lamang umalis. Pakiusap, ikaw ay manatili na lang
sa aking tabi. Sapagkat ang iyong mga binti ay tila ba mga pisi ng kawayan. At ang iyong mga kamay ay
parang mga karayom. At ipinanganak ka anak ko, bago pa man ang iyong ika-siyam na buwan sa aking
sinapupunan. Hindi ko kakayanin, kung maging ikaw ay mawawalay sa aking piling, aking butihing anak.

Mas lalong tumatag at ninais ng matapang na si Lam-ang na umalis at magtungo sa kagubatan, sa


lugar ng mga Igorots. Naglakbay siyang dala ang bato ng sagang, bato ng tangraban ng laolaoigan, at
maging ang anting-anting ng mabangis na kalabaw.

Nang dumaan siya sa isang kakahuyan ng cana vernal yumuko ang mga sanga. Sapagkat mayroon din
siyang anting-anting ng alupihan. At nang marating niya ang tawiran ng ilog nakita niya ang
pinakamataas na puno, sa paligid ng isang rancheria. Ito ang nagsilbing isang palatandaan ng lugar ng
mga Igorot na may tattoo sa kanilang mga katawan.

Inilibot ni Lam-ang ang kanyang paningin sa paligid at nakita niya na ang ugat ay tila kahugis ng isang
kalan at siya ay lumapit dito upang hugasan ang kanyang isang palayok. At kaniyang inilagay ang
kanyang paa sa loob nito.

Samantala, ang palayok ng mga unano na naninirahan sa punso ay hindi sumapat para sa isang
manlalakbay. Nang mabusog ang lalaking si Lam-ang ay magiliw siyang nagpahinga, ipinatong niya ang
kanyang panangga (shield) sa kanyang matipunong katawan at ibinaon sa lupa ang kanyang sibat.
Maging ang kanyang kampilan ay kaniyang tinaggal sa lalagyanan nito, at tuluyan nang ipinikit ang
kanyang mga mata upang umidlip.

SA PANAGINIP NI LAM-ANG: (Dito sa panaginip, nakahiga ang tulog na si Lam-ang sa sahig habang may
kumakausap sa kaniyang multo, karakter ni Don Juan na nakatayo sa gilid niya).

MGA IGOROT: (Nagtatawanan at ipinagdiriwang ang kanilang pagkapaslang sa ama ni Lam-ang)

MULTO NI DON JUAN: Aking kaibigang Lam-ang, ikaw ay humangos at magpatungo na nang mabilis,
sapagkat sa mga oras na ito, ang mga Igorot ay nagpipiyesta sila sa paligid ng bungo ng iyong
pinakamamahal na ama.

LAM-ANG: (Agad siyang nagising at sisigaw ng...)“Ama!!” (kaagad niyang kinuha ang kanyang mga
sandata at nagsimulang umalis at magtungo sa pinakamaitim na bundok.

3.2 SETTING: (1) Maculili at Dagman


PROPS: (1) Puno, ilog, kalan, palayok, sibat, bungo na nakapatong sa dulo ng poste ng kawayan,
kampilan.

Pagdating sa pinakamaitim na bundok Sa Maculili at Dagman dumiretso siya sa mga nagtitipon na


nagsasaya. Sapagkat nakita niya ang bungo ng kanyang ama na nakaharap sa silangan at nakakulong
sa hinabing dulo ng poste ng kawayan.

LAM-ANG: Anong kalapastanganan ito?! Kayong mga Igorot na mayroong tato sa katawan, sabihin ninyo
sa akin kung anong bagay ang ginawa ng aking ama? Para sapitin niya ang karumaldumal na pagtratong
ipinapakita niyo? Nararapat niyang pagbayaran kung mayroon siyang nagawa, ngunit tila ba tinanggalan
niyo siya ng dignidad at pagkatao sa kasiyahang ipinagdiriwang niyo? Tama bang pagbayaran niya ito sa
ganitong pamamaraan?

IGOROT: (Sarcastic) Aming kaibigan, Lam-ang, tama lang din na bumalik ka na sa inyong bahay.
(Magtatawanan ang mga Igorot)

Bibigat ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig..

IGOROT: Bumaba ka sa pwestong kinalalagyan mo ngayon, kung ayaw mong ikaw ang sumunod na
mamatay. Pagkatapos ng kamatayan ng isang lalaki, na tiyak ay kilala mo. (ngingisi) Ang iyong
pinakamamahal at magiting na ama.. (pagak na tatawa)

LAM-ANG: Kayong mga igorot na mataas ang tingin sa mga sarili, hindi kailanman ako makukuntento sa
dami niyo, sapagkat ipinangangako ko, ipaghihiganti ko ang buhay ng aking namayapang ama. Ikaw na
tila ba kapitan ng tribo ng mga Igorot (ituturo) Ikaw na nagngangalang “Bumacas” iparating mo sa bawat
isa sa mga miyembro ng inyong tribo: Sa Dardarat at Padang, doon sa mga bahay sa Nueva, Dagodong at
Topaan, doon sa Mamo-ocan at Canoayan, doon sa Tupinao at Baodan, Sumbanggue at Luya, Bacong at
Sosoba. Maging doon sa Tebteb at Caocaoayan. Na ako si Lam-ang, at ako ang uubos sa lahing
ipinagmamalaki ninyo, ako ang anak na maniningil sa buhay ng aking amang pinaslang ninyo!

Dumating ang mga ito ng matanggap ang mga talang ito mula sa Bumacas. Sa pagmamadali ng mga
naka-tattoo na mga igorot mula sa mga kalapit na bayan, sila ay tila nagmukhang mga na manok na
naakit sa mga butil na itinapon sa lupa. Oh talagang kapansin-pansin ang kanilang bilang. Masasabing
para sa isa ay hindi maaaring mabilang ang kanilang bilang.

Pagkatapos ay hinimas-himas ni Lam-ang ang kanyang batong lao-laoigan at tumalon ngunit sa isang
malawak na kabukiran.

Ang lalaking si Lam-ang ay waring pumapakpak gamit ang kanyang kilikili at hita pati na rin sa kanyang
magkabilang braso.

3.3 SETTING: Malawak na bukid (Lugar ng mga Igorot)

PROPS: (1) Mga gamit ng igorot na inihagis kay Lam-ang (e.g sharpened bamboo poles, spears, lances)
(2) Stick of rice cake, puno ng saging. (3) mga sandata ni Lam-ang

Agad na pinalibutan si Lam-ang ng mga Igorot.. Na animo’y isang gumagalaw na ilog ng mga ulo na
nagtataaas baba...

IGOROT: Tunay ngang kaylakas ng iyong loob, Lam-ang. Ikaw ay nag-iisa lamang, at hindi maikukumpara
sa dami ng aming bilang. Kung kaya’t ikaw ay maghanda, dahil ikaw na ang susunod!

Ang lalaking si Lam-ang , ay lubos nang napalibutan at ang mga ito ay tuluyan ng lumusob nang buong
lakas.. Si Lam-ang ay maituturing na katulad ng isang malakas na ulan sa dapit-hapon, sapagkat ang
mga sibat na inihagis ng mga Igorot ay malulupit na bumagsak sa kanya.

Niyakap ni Lam-ang ang mga sibat na tila ba ito ay kanyang hinahagkan habang tinatanggap ng isa ang
mga “nganga” na ipinapasa sa kanya.

At nang naubusan na ng matatalas na poste ng kawayan at sibat ang mga naka-tattoo na mga igorot,
kanilang nasaksihan na hindi man lang natamaan si Lam-ang kahit isang beses.

LAM-ANG: Masasabi kong ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban. Sa mga oras na ito, kayo
ay dumalangin na, sapagkat walang pag-aalinlangan kong uubusin ang lahi niyo! Ito na ang aking hudyat,
akin ng kukunin ang aking kampilan, ang aking sandatang hindi kailanman ako bibiguin. (Hinampas niya
ito sa lupa. At ang lupa na dumikit sa talim ng kampilan. Kumain siya ng isang stick ng rice cake na
napakahaba at malaki upang hindi siya maaapektuhan sa kanilang mga rituwal.)

LAM-ANG: Lahat kayong mga igorot, siguraduhin ninyong mababantayan niyo ako nang mabuti ngayon.
Dahil kung hindi, buhay ninyo ang magiging kapalit. (Sumenyas siya sa hanging habagat at sabay-sabay
itong bumangga sa kanila.)

Habang nalalaglag ang mga puno ng saging, ang kanyang bolo ay kumagat sa laman sa dalawang
paraan ito ay umindayog sa kaliwa at tila sumasayaw ng pakanan.
LABANAN.... (more on battle actions lang talaga like sa mga nakikita sa palabas)

Pagkalipas ng ilang oras, ang lalaking si Lam-ang ay tila inubos sa isang iglap ang mga tribo ng igorot.
Tanging iisang igorot lamang ang hindi nasaktan..

REMAINING IGOROT: (Titingin kay Lam-ang)

LAM-ANG: Sa araw na ito, ako ang magiging hukom ng iyong kamatayan. Ngunit tanging si Bathala
lamang ang nakakaalam kung ikaw ay mabubuhay pa o mamamatay na.) Ngayon ay dumating na ang
iyong wakas! (Nilaslas ni Lam-ang ang bibig, mata; at pinutol ang tainga, braso at binti ng igorot.)

Pagkatapos ay pinakawalan ni Lam-ang ang sugatang igorot na hindi nakatanggap ng awa sa kanyang
mga kamay...

LAM-ANG: Nararapat na ikaw ay makita ng iyong mga kamag-anak at ng iyong tribo! Ang ang iyong
anting-anting ay tulungan ako sapagkat nais kong ibuklod ang mga sibat bilang aking tropeyo ng
pagkapanalo sa inyong mga malulupit na igorot! At ngayon, tuluyan ko nang lilisanin ang lugar na ito.
Aking minamahal na ama, naipaghiganti na kita.

SCENE 6 (p. 256-258)

Napakaraming mga kakumpitensya na ang isang tao ay madaling mawala sa paningin ng isang kasama.
Ang isang tao ay madaling makalakad sa ulo ng mga manliligaw nang hindi nawawala ang isang hakbang.
Madaling magtanim ng palay sa mga butas na ginawa ng mga sibat sa lupa. One can even transplant rice
there since the sputum of the suitors were so think. Pasigaw na sabi ni Lam-ang sa sarili ano ang dapat
kong gawin para makalapit sa itinayong outhouse kung saan hindi mamasyal si Dona Ines Cannoyan?
Pinili niyang pumunta sa pagitan ng mga binti ng mga nag-iisang manliligaw. At tuluyang narating ng
lalaking Lam-ang ang gitna ng bakuran. Inilapag niya ang kanyang manok ang puting tandang. Ibinaba
nito ang kanyang mga pakpak nang isang beses at ang labas ng bahay ay bumagsak na hinimok si Dona
Ines Cannoyan na tumingin sa kanyang bintana.

6.1 - Sa tahanan nina Ines ay siksikan ang mga tao. Hindi napansin si Lam-ang. Kaya naman pumunta siya
sa gitna ng bakuran at pina-tilaok ang alagang puting tandang. Agad na nabuwal ang bahay-bahayan na
kung saan nakapila ang mga manliligaw. Nagsigawan rin ang mga tao dahilan kung bakit napasilip sa
bintana ng kanilang bahay si Ines. Kaya naman agad ring umalulong ang kaniyang alagang aso, at ang
baro-barong bahay ay muling nabuo. Namangha si Ines at ang kaniyang mga magulang. Agad siyang
pinababa ng mga ito upang daluhan si Lam-ang.

6.2 - Nagpunta ang dalawa sa loob ng bahay at doon ay nananghalian ng sabay. Sa iisang plato rin nila
pinagsaluhan ang pagkain. Panay utos ang dalaga na magdala o magluto ng ganito-ganiyan upang
maayos na madaluhan ang kaniyang mapapangasawa. Kalaunan ay itinanong ng mga magulang ni Ines
ang layunin ng pagpunta ni Lam-ang sa kanilang tahanan. Ang puting tandang at inahing may dilaw na
hita ang sumagot sa tanong, na ang nais nga ni Lam-ang ay hingin ang kamay ni Ines at magpakasal.
Pumayag naman ang mga magulang nito sa kondisyong kung matatapatan ni Lam-ang ang kanilang
yaman. Sumagot muli ang mga manok at inutusan si Lam-ang na tumingin sa paligid at isiping ginto ang
mga bagay na naroon, at naging ginto nga ang mga ito. Natuwa at namangha ang mga magulang ni Ines
at pumayag sa pag-iisang dibdib nila ni Lam-ang. (p. 258).

You might also like