You are on page 1of 3

REGION 1: Ilocano Songs

Pamulinawen
Pamulinawen
Pusok imdengam man
Toy umas-asug
Agrayo ita sadiam.
Panunotem man
Dika pagintultulngan
Toy agayat, agruknoy ita emmam.
Issemmo diak kalipatan
Ta nasudi unay a nagan,
Ta uray sadin ti ayan,
Disso sadino man,
(Aw-awagak a di agsarday
Ta naganmo nga kasam-itan)
No malagipka, pusok ti mabang-aran
Adu nga sabsabong, adu nga rosrosas
Ti adda't ditoy, Nena, nga mabuybuyak,
Ngem awan manlaeng ti sabali nga liwliwak
No di la dayta sudim ken imnas.
No umulogak nga mapan magmagna
Dayta raniagmo, Neneng nga gapu kenka.
Region 2: Folktales
Sina Aso at Ipis: Pabula ng Cordillera
Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran.Napaligiran ng mga
palay at mga pananim ang bahat ni Mang Kardo. Sa harap naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng
aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang
Kardo sa bundok na iyon at ang kanyang kapithbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.
Araw ng lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng bahay. Kaarawan kasi ng kanyang apo at
isang surpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng pinakamasarap na kanin na kanyang ibinayo
lamang kaninang umaga. ng Naghanda rin siya ng pinikpikan na sinamahan ng etag upang maslalo pang
maging masarap ang kanilang ulam. At upang mas lalong maging masaya ang apo ay nagluto rin siya ng
dalawang patong na cake para sa kanynag apo. Binilin niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang
bahay dahil susunduin niya ang kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi niyang matatagalan pa ito kaya
ang aso muna ang bahala sa kanilang bahay.
Sige, mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na babantayan ko ang bahay pati narin ang
mga niluto mong mga pagkain. yan ang sabi ng aso. Naisip niya, siguradong bibigyan naman siya ng
kanyang amo sa inihanda nitong pagkain kaya minabuti niyang bantayan ng mabuti ang bahay.
Tinawag ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya sa pagbabanatay ng bahay. Pinaakyat niya ito
sa bubungan ng bahay para makita niya ang mga taong may masasamang balak at upang masabihan siya
agad. Umakyat nga ang ipis ngunit nakita nito ang cake sa lamesa, bigla siyang nagutom. Hindi napigilan
ni Ipis ang kanyang sarili kaya tinawag niya na rin ang kanyang mga anak at mga kapamilya na alam
niyang gutom din. Kinain nila ang higit sa kalahati ng cake at humigop ng sabaw ng pinikpikan na may
etag.
Nang umuwi si Mang Kardo kasama ang apo nito ay nagulat sila ng makita nila ang cake at ang ilang
putahe na nagkakalat-kalat. Galit na galit si Mang Kardo. Tinawag niya ang aso at ikinulong ito sa pag-

aakalang ito ang gumawa ng kalokohang iyon. Alam ng aso na ang kaibigang ipis ang gumawa ng bagay
na ito, pero hindi niya ito sinabi sa kanyang amo.
Nakita ng ipis ang paghihirap ng Aso at naawa siya sa kanyang kaibigan. Nag-isip siya ng paraan para
iligtas ang kaibigan ngunit wala siyang magawa kaya isang plano ang nabuo sa kanyang isip.
Kawawa ang kaibigan ko. Kailangang ako ang magbayad sa kasalanang ginawa ko. Naisaisip ni ipis.
Isang umagang naghahanda ng almusal si Mang Kardo ay umakyat ang ipis sa lamesa at sinadyang ipakita
sa matanda ang paglantak sa almusal nito. Nakita ng aso ang ginagawa ng ipis at tinahulan niya ito.
Huwag ipis, kung makita ka ng amo ko ay ikulong ka katulad ko. tahol pa nito, hayaan mong malaman
niya na ako ang gumagawa nito para makalaya ka.sagot ni ipis.
Nakita nga ni Mang kardo ang ipis at sa isang hampas nito ng aklong hawak ay namatay ang ipis. Naisip
niya na ito rin ang kumain sa handa ng kanyang apo, dahil dito ay pinakawalan niya at muling minahal ang
aso.
Masaya ang aso na Malaya na siya, ngunit na hahabag naman siya sa kaibigang ipis.
Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. dalangin ng Aso.
Region 3: Poems
KasawianPangungulila
Sa daang sementado habang naglalakad
Akoy nakakita ng ibong umiiyak.
Ang luha sa mata ay walang tigil sa pagpatak
Na tila baga nawalan ng nililiyag.
Nang aking usisain, aking namasdan
Isang pugad na wasak sa gilid ng daan.
At may nakita pa ako sa loob-loobanIsang inakay na wala nang buhay.
Sa aking nakita, ako ay nahabag
Sa munting inang ibon na ayaw lumipad
Tila ba binabantayan ang bugtong na anak
Hanggang sa magising at muling mayakap.
Napatanong ako kung sino ang may gawa
Tao ba o kalikasan kaya?
Sino at ano ang walang awa
Na kumitil ng buhay at nagdulot ng luha?
Sa aking nadama, akoy nakabigkas
Ng mga katagang may pagwawakas
o inang ibon, ngayon ikay lumipad
At iyong ibalita ang kabiguang naganap.
Iyong tanggapin na sa ating mundo,
ang supling ay biyaya bagamat pinahiram lang sa iyo.
At kung kinuha man ang biyaya sa panahong di mo pa gusto
Tanggapin mo na lang at ang kabiguay iluha ng husto.
Region 4: Legends

Ang Alamat Ni Mariang Makiling


SABI sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata odiyos ay namuhay tulad at kasakasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa talipapa at iba pang
karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa 2
ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang
anak, si Maria.
Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang
kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit nakihalubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.
Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (seda, silk) na
may borda (embroidered ) ng mga bulaklak, anguso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot
hanggang sakong (taln, heel ) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha ( pomelo, grapefruit).
Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan
niya, yumuyuko ang mgatao sa magalang na pagbati.
Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta satalipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta,
bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at
ang bilihan sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping
mats), at sutla (seda, silk).
Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili at
mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng pamilihan nuon, at lahat sa nayon ay
nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang
kanilang mga paninda. Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat
Dula sa pagtawad sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang
kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dulaang kamay
ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.
Bilang hindi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa
malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Marianang
maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling,
subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at
tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at humingi
ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao.
Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang
na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang 2
magka-ibang nilalang.

You might also like