You are on page 1of 7

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa
si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw
niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa
loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang
dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang
limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi
niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda
ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya
umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other
Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.

Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa


Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong
Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nit ang paggamit ng mga pangalang
naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang
nagtal ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na nagtal noong 1906.
Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong
1927 at pinagsma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes
noong 1935.

Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago siy


ipanganak ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan
Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang
ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang bat si Lam-ang dahil kya na niyang
magsalita at may taglay siyng kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang
kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang labanan
ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi
pumayag ang kaniyang ina. Nakita niya na nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot.
Nang lumapit siy, nakita niya ang ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga
Igorot.

Nang bumalik siy sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan
siy. Nang maligo siy sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang
libag. Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng
pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siy sa nasabing lugar, kasma ang
tandang at aso niya. Nakarating siy matapos ang pakikipaglaban kay Sumarang at
pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan.
Naibigay din niya ang lahat ng mga hiling ng magulang nit kay ikinasal ang dalawa.
Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siy ng berkakan, isang malaking isda. Isang
maninisid ang nakakuha ng kaniyang lab at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyng
nabuhay at namuhay nang matiwasay.

Nakamihasnang pamagat ang Ibaln sa salaysay ng pakikipagsapalaran ng mga


bayaning sina Baltog, Handiong, at Bantong. Pinaniniwalaang isang sinaunat
mitolohikong salaysay ito ng mga Bikolano. Gayunman, pinagdududahang epikong-
bayan ito dahil sa kasalukuyang napakaikling anyo nit (240 taludtod) at nakasulat sa
wikang Espanyol. Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castao, isang
paring nadestino sa Bikol. May makatang nagsalin ng teksto sa Bikol ngunit walang
nakatutuklas hanggang ngayon ng kahit isang orihinal na saknong nit sa wika ng mga
Bikolano. May tumatawag ding Ibaln sa Kabikulan.

Nagsisimula ang salaysay sa isang kahilingan ng ibong si Yling kay Cadugnung na


kantahin ang kuwento ni Handiong. Isinasalaysay muna ni Cadugnung ang kagitingan
ni Baltog na pumatay sa Tandayag, isang dambuhalang baboy. Sumunod ang kuwento
ni Handiong. Bago siya dumating ay pun ng mababangis at malalaking hayop ang
Kabikulan. Madal niyang pinatay ang mga ito maliban kay Oriol, ang mailap na ahas na
nagbabalatkayo bilang isang napakagandang babae. Pagkatapos mapatay si Oriol ay
nagkaroon ng mga pag-unlad sa sining at industriya sa ilalim ng pamumun ni
Handiong. Ang hulng bayani, si Bantong, ang pumatay sa dambuhalang si Rabot, isang
nilalng na kalahating tao at kalahating hayop at nagiging bato ang matingnan. Pinatay
ni Bantong si Rabot hbang natutulog. Dito huminto sa pag-awit si Cadugnung.

Ang Alamat Ni Mariang Sinukuan

Sa kalagitnaan Luzon ay may kaisa-isang bundok, ito ay ang baundokng Arayat. Mala-
maharlika ang tindig ng bundok na ito. Dito nagmula ang magandang alamat ni Mariang
Sinukuan.

Noong unang panahon, sagana sa bungang kahoy at malulusog na hayop ang bundok ng
Arayat. Sa paligid nito ay mayabong ang mga halaman at masagana ang ani.

Ang may-ari ng bundok na ito ay si Maria. Siya ay ubod ng ganda, kayumanggi, mahaba ang
buhok, matangos ang ilong ngunit mahiwagang babae. Marami siyang alagang hayop tulad ng
manok, ibon, baboy, kambing at iba pa. Siya ay matulungin sa mga tao. Sa tulong ni Maria ang
mga tao doon ay masayang namumuhay. Paminsan-minsan, makikita ng mga taga Arayat at
karatig pook si Maria na namamasyal kung hatinggabi. Madalas, kapag may kinakapos ng
pagkain, nagigisnan na lang nila ito sa kanilang punong hagdan.

Isang araw, may mga sakim at mga tamad na tao ang nangahas na manguha ng prutas at
manghuli ng hayop sa bundok ni Maria. Malalaking supot at sako ang kanilang dala. Kumain
sila ng maraming prutas, Dumating si Maria at nagwikang "Sige, kumain kayo ng magugustuhan
ninyo, nguni't huwag kayong mag-uuwi."

Pagkaraan ng isang oras, akala ng masasamang-loob ay umalis na si Maria. Nanghuli sila ng


mga hayop at pinuno nila ng prutas ang mga supot. May natakot na baka magalit sa kanila si
Maria nguni't dala ng kasamaan ay nakisama na rin sa pangungulimbat. Hindi nagtagal at
napuno na ang kanilang mga lalagyan at dali-daling lumisan sa pook na iyon. Ni hindi nila
pinansin si Maria na noon ay dumarating bagkus ay binilisan pa nila ang kanilang mga hakbang.

Hindi nila namamalayan na pabigat nang pabigat ang kanilang mga dalahin at nang ito ay
kanilang buksan, wala silang makita kungdi mga bato.

Nakita sila ng isang matanda, "Aanuhin ninyo ang mga batong iyan?" Napag-alaman niya na
galing sila sa bundok. "Uli-uli huwag kayong kukuha ng hindi sa inyo at lalong masama kung
walang pahintulot. Kung sabagay mabait si Maria, hindi nga kayo sasaktan. Igalang naman
sana natin siya. Marami na siyang nagawang kabutihan sa atin."

Marami pa ang sumunod na nagtangkang magnakaw kay Maria. Dahil dito, nagtampo at nagalit
na si Maria. Dumating ang panahon na hindi na siya nakikita ng mga tao. Hindi na rin siya
tumutulong sa mga tao. Unti-unting humina ang mga hayop, ang mga halaman ay nalalanta.
Ang mga tao ay kinapos at nagutom.

Nagtipun-tipon ang lahat at napagkaisahan nilang sumuko na kay Miria. Kailangan nilang
humingi ng tawad sa mabait na mahiwagang babae. Nguni't ang lahat ng kanilang pagsisikap
na makahingi ng tawad kay Maria ay balewala nang lahat pagka't ang kanilang sinukuan ay
hindi na nagbalik pa. Kaya, kinailangan na nilang magpatulo ng maraming pawis upang sila ay
mabuhay.

The Legend Of Mariang Alimango

Once there was a beautiful maiden whose name is Maria. She was very kindhearted and obedient. Her
own mother passed away when she was still a young girl. Her father got married again with whom he
had two more daughters. Unfortunately her stepmother did not love Maria, all she cared about were
her two real daughters. Worse, her two ugly and lazy stepsisters were always envious of
her because of the beauty she inherited from her own mother. And worst, to get at her, they got their
mother to side with them, and together they treated Maria rather unfairly.

To begin with, she was forced to do most of the housework day in day out while her stepmother and
stepsisters just sat idle and ordered her around. Her work begins early in the morning fetching water
from the well. It was a difficult task for she had to fetch water several times enough for everyone to use
for taking baths and make similar reserve for other uses. Afterwards she still has to wash the clothes,
cook the meals, wash the dishes, water the plants, and sweep the house. She was often the last to
eat her meals which had gone cold by then. By the end of the day, she was already very tired, though
she never complained about anything.

One day, Maria was crying by the well because she felt tired and hungry. She missed her breakfast and
had just finished fetching water. She was about to begin washing the clothes when suddenly she heard a
kind voice spoke to her saying, "Don't cry, Maria. I brought some food for you. Eat it, my child."

Maria looked everywhere around wondering who was talking. She saw the food but saw no one. Just
when she picked up the food to eat, she was suddenly surpised to see a Big Crab (alimango, in the local
dialect) beside the washing basin she used for washing clothes.

"Don't be frightened, my child, I am your, dead mother. And don't worry, anymore. For from today on I'll
take care of you," promised the Big Crab.

Maria was thrilled. True to her word, the Big Crab came everyday to the well and brought Maria nice
food to eat. One time, her stepmother went to the well to ask Maria to run an errand for her. Just when
Maria left for the market, the Big Crab came bringing food with her. for Maria. Her stepmother was still
around then, and when she saw the big crab, she caught it then brought it home. Then
she placed it inside the large kettle, cooked and ate it together with her two daughters.

When Maria returned from the errand in time for lunch, she was met halfway on the stairs of the house
by her stepmother and stepsisters who were on their way to the market. As usual, her stepmother
ordered her to clean up the table of the bones and shells that was left of the crab she mentioned in
passing she luckily caught near the well and which they ate for lunch as well. At this news her
heart nearly sank knowing it was the remains of her mother- turned-crab that was left on the table top.
She got to the dining table and when she saw the bones, she just burst into open tears. Moments later,
she heard a voice speak to her again. She recognized it at once to be the voice of her
mother issuing out of the crab shells, saying, "Don't cry Maria. Just pick up the shell and bones of the
crab then bury them in the yard".

Maria did as the voice told her. The next morning, she saw to her surprise a full-grown tree standing on
the spot where she buried the shell and bones of the crab. The tree was laden with many ripened golden
fruits. Her two ugly sisters also saw the tree and came running down the house to pick some. But to
their disappointment, none of them could pull any of the fruits down, neither was her stepmother able
to pick any. Frustrated the three left leaving Maria all by herself beside the strange tree. When it was
her turn, Maria easily plucked the fruits without any bit of effort. She quickly sat down and ate the fruits
unseen by anyone. She decided to keep it a secret for she knew that only she had the special touch to
pick the golden fruits.

One day, a young handsome prince happened to pass by their place and saw the fruit tree with the
golden fruits. He asked for some from the two stepsisters who were in the yard then. But none of them
could still pick any fruit. They called their mother, but she also could not pick any herself.

"I'll pick some for you," said a gentle voice. It was Maria who had just come back from the well. Quickly
she picked some of the fruits and handed them over to the prince.

The prince stood there watching her, astounded by her beauty that he was moved to exclaim, "How
beautiful you are, young lady!" From then on, the prince visited Maria everyday. It time, they got
married and lived happily ever after.

Si Amihan at si Habagat
SI AMIHAN AT SI HABAGAT
Maikling Kwento ni Bulanggugo

Noong araw, matalik na magkaibigan si Amihan at si Habagat. Si Amihan ang hangin na umiihip mula sa
kabundukan samantalang si Habagat naman ang hangin mula sa dagat. Kapwa sila pinapupurihan ng
mga tao sa kanilang mga tula at awitin. Dahil dito, naging palalo at mapaghangad si Habagat sa pagdaan
ng panahon. Sa kabilang dako lalo namang naging mapakumbaba itong si Amihan.

Isang araw nagkasalubong muli ang magkaibigan sa may kabundukan ng Sierra Madre na nakatunghay
sa lawa ng Laguna. Buong pagyayabang na hinamon ni Habagat ang kaibigan sa isang paligsahan. Nais
niyang siya lamang ang papurihan at hangaan ng mga tao sa kanilang mga tula at awitin, sa kanilang mga
gawain, sa tahanan at saan pa man.

Ayaw man ay tahimik na nakinig na lamang si Amihan sa palalong kaibigan. Sa may lugar ng Tatlung-
kurus na nakatunghay sa isang maliit na talon ay nakakita si Habagat ng isang unggoy na masayang
naglalaro sa mga puno. Nagpapalipat-lipat ito sa malalabay na sanga ng mga ito.

Nakikita mo ba Amihan ang unggoy na iyon, ang mariing salita ni Habagat. ;Kung sino sa atin ang
makapagpahulog sa kanya mula sa puno ang siyang tatanghaling kampeon na siya lamang papupurihan
ng mga tao sa kanilang mga awitin, mga tulain, maging sa mga kwento at alamat ng kanilang lahi
magpakailanman.

Napahinuhod na lamang si Amihan sa pagtanngap sa hamon ni Habagat. Pinauna pa niya ang kaibigan sa
pagtatangkang ihulog ang unggoy.

Kagyat na nagtipon ng lakas si Habagat at sinimulang hagupitin ng malalakas na simbuyo ang nagulat na
unggoy. Hanging mula sa pinagngalit na lawa ang unos na sumambulat sa kawawang unggoy na mahigpit
na nangutyabit sa isang matibay na sanga ng punong kani-kanina lamang ay pinaglalaruan niya. Walang
humpay na hagupit, hambalos kaliwa at kanan, at umaalimpuyong hangin ang walang awang
pinakawalan ni Habagat sa loob ng ilang oras. Naging kahindik-hindik na unos ang kanina lamang ay
busilak na tag-araw.

Napahiya man ay tinigilan na ni Habagat ang kanyang pagtatangka. Buo ang kanyang paniniwala na kung
hindi niya nakayang ihulog ang unggoy, lalong hindi ito magagawa ni Amihan.

Nahabag si Amihan sa unggoy na dumanas ng hirap sa kamay ni Habagat. Pinadapuan niya ito ng
malamyos at malamig na hanging nanggaling sa kabundukan. Kasabay nito ay nag-awitan ang mga ibon
na ginambala ni Habagat, pumagaspas ang mga dahon ng mga puno na animoy pumapalakpak sa
pagdating muli ng isang magandang panahon. Sa gitna ng mga ito, dahil na rin sa pagod ng munting
unggoy, dinalaw ito ng matinding antok at sa ilang saglit ito ay nakatulog. Dahil sa malalim na
pagkahimbing, ang unggoy ay nahulog.
Walang paalam na tumalilis ang hambog na si Habagat.

Mula noon hanggang ngayon, tanging ang pangalan ni Amihan ang inaawit ng mga tao. Kasama rin siya
sa lahat na tulain ng mga makata. Simbolo siya ng kababaang loob, ng kabutihan, ng kagandahan sa
paligid, ng pagiging maamo, matimyas, kasama siya sa mga kwento ng lahi, maging sa mga aklat ng mga
bata sa paaralan.

You might also like